logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 2 Barbie

Umaga na at nasa ilalim pa rin sila ng tulay. Tulog ang mayamang Englishers at silang tatlo ay tulalang nakatitig dito. Bawat galaw ng mayamang Englishers ay sila naman sunod ng ulo. Hindi nila alam kung anong pwede gawin dahil kapag dinala nila sa pulis ay pagbibintangan silang, sila ang may sala sa pagtangkang pagpatay rito.
"Hoy!" Gising ni Pepe sa lalaki.
Kunot noo pa itong dumilat at napasigaw, dahilan para mapaatras ang tatlo. Napasiksik sa pader ang mayaman na Englishers dahil sa unang dilat ng kaniyang mga mata ay ang mga pangit na pulubi ang nasa kaniyang harapan. Sino nga naman ang hindi mapapasigaw kung ganoong mga mukha ang bungad sa umaga, hindi pa rin pala niya alam na naamoy na niya ang powers ng kili-kili ni Pedro.
"S-sino kayo?" Matapos nitong magsalita, nakahinga nang maayos ang tatlo.
"Sabi na, marunong magtagalog 'yan." Pagyayabang pa ni Juan na tila isa siyang magaling na manghuhula.
"Kayo? Gusto niyo ba akong patayin? Help–" hindi na ito natapos sa kaniyang pagsigaw, nang biglang takpan ni Pedro ang bibig niya. Nagpumiglas ito pero hawak na siya ni Pepe sa kamay at sa paa naman nakahawak si Juan.
"Makinig ka muna, iniligtas ka na nga namin ganiyan ka pa?" Si Pedro.
"Hmahmamh." Pagpupumiglas ni rich kid.
"Ano?" Tanong ni Juan.
"Hmamhhmm." Kunot noo ang tatlong nakatingin sa kaniya.
"Bakit hindi mo kaya ayusin ang sinabi mo?" Saway ni Pedro na hindi manlang naisip na nakatakip ang kamay nito sa bibig ni rich kid.
"Tanggalin mo kasi." Saka lang niya ito nalaman nang hinampas ni Juan ang kamay niya.
"Don't touch me." Pandidiri nito at pinunasan ang kaniyang labi.
"Ang baho naman ng kamay mo," dagdag pa nito. Matapos itong sabihin ni rich kid, dahan-dahang inamoy ni Pedro ang kaniyang kamay at agad inilapit kay Juan at Pepe na halos maduwal na sa amoy.
"You guy's don't have any proper hygienes? Ugh! Where am I ba?" Maarteng tanong nito. Confirmed! Barbie, sabi na nga Barbie.
Inilibot naman nito ang paningin sa maruming paligid, bago ibinalik ang tingin sa tatlong nakanganga sa harapan niya, tanaw nito ang maiitim na gilagid ng tatlong ulaga. Agad siyang napairap sa inis.
"Okay, nasaan ba ako?" Muling tanong nito at doon lamang natauhan ang tatlo.
"Nasa ilalim ka ng tulay. Nahulog ka kaya kagabi," kwento ni Pepe at nabakas sa mukha ng baklang rich ang pag-alala sa mga kaganapan ng buhay niya.
"No!" Mabilis napaatras ang tatlo ng biglang mapatakip ng bibig ang baklang rich na ito at tila isa siyang bida sa isang drama series.
Nag-umpisa siyang tumayo, nakanganga naman ang tatlo habang pinapanood siya. Habang nakahawak pa rin sa kaniyang bibig, napasandal ito sa poste ng tulay na hindi manlang niya alam na palaging pinag-iihian.
"Why they do this to me? Huh? Anong mali? Anong kasalanan ko?" Sabay hawak nito sa kaniyang ulo at nag-umpisa ng alalahanin ang lahat sa buhay niya at dahan-dahang dumausdos pababa na parang sa movie. Nagpaka-feeling artista ang baklang rich kid habang ang tatlong pulubi ay hindi mawari ang mukhang titig dito.
"Bakit? Why?" Dramang muli nito ngunit napatigil matapos maamoy sa wakas ang panghi ng poste na iyon.
"B-bakit ang baho? Ang baho!" Tanong nito habang nagtatakip pa ng ilong. Wala pa ring galaw ang tatlo na tutok talaga sa baklang rich kid.
"Ano? Ganiyan lang kayo?" Tila may mahika ang pagpalakpak nito at mabilis napatayo ang tatlo.
"Sino ka ba?" Tanong ni Juan habang paikot na tinitingnan ang baklang rich. Inayos naman nito ang tayo niya para itulis ang balakang. Para siyang isa pato–masarap PATOmbahin.
"Ako si Barbie." Matapos niya itong sabihin ay mabilis tumakbo ang tatlo sa harap niya na kanina lang ay iniikutan siya. Ito na naman ang mga mukha nilang parang ngayon lang nakakita ng isang bagay na maganda. Well, mediyo maganda.
"Barbie?" Pamamanghang tanong ni Pepe.
"Yes, not Barbie Forteza or Barbie Imperial. But, Barbie De Doll." Sabay hagod ng kamay niya sa kaniyang buhok at nagpose na parang nasa FHM magazine. Pumalakpak naman ang tatlong kupal at manghang-mangha sa sinabi ni Barbie.
Nag-usap usap sila at talagang hindi sila nakaligtas sa panlalait ng almost perfect na si Barbie.
"Ano ba kasing dahilan bakit gusto ka nilang ipapatay?" Tanong ni Pedro.
Hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin sila ng mabahong tulay, pero walang magawa si Barbie dahil wala naman silang ibang pupuntahan.
"Hindi ko rin alam. Basta, matapos ang commercial shoot ko may kumuha sa akin at nagtangka sila ng masama!" Muling pag-arte nito na parang napagsamantalahan ang katawan niyang mas macho pa sa tatlong pulubi.
"May nagnanasa pa pala sa 'yo?" Agad itong napatigil at tumingin ng masama kay Juan.
"Ang tabil ng dila mo e, no? Itim naman ng gilagid." Sabay irap nito.
"Paano 'yan? Sabihin na natin sa mga pulis–" patayo na sana si Pepe nang biglang hilahin ito pabalik ni Barbie.
"Don't you dare. Hindi natin alam ang mga nangyayari." Sabay pasok ng isang intense music. Habang ang mga dibdib nila ay pabilis nang pabilis sa kaba at parang hinahabol ng kabayong si Barbie–este hinahabol sila ng mga katanungan na hindi masagot kahit pa ni Gas Abelgas.
"May naisip akong dapat ninyong gawin. Handa ba kayong tulungan ako?" Mahinahong tanong ni Barbie, ngunit nakakatakot ang mga tingin nito.
"Bakit naman namin gagawin 'yon? Hindi mo ba nakikita? Mga pulubi lang kami. Ni wala nga kaming bahay," sagot ni Juan.
"Juan, Juan, Juan. Katulad ng sinabi niyo. Baka ako na nga ang hulog ng langit." Muling pang-uto nito na siya na raw ang hulog ng pangit–langit rather. At mukhang napaniwala naman niya ang tatlong kupal.
"Kailangan ninyong makapasok sa Hacienda namin at tulungan akong mahanap ang mga kayaman ng aking ama, kapag nagawa niyo 'yon hindi na kayo muli pang babalik sa kalsada." Matapos itong sabihin ni Barbie, bigla-bigla na lamang kumulog. Mali, tunog lang pala iyon ng ginagawang kalsada sa itaas. Dagdag sound effects lang para talagang kapani-paniwala ang eksena nila.
Matapos ang usapan ay umakyat na sila dahil mamaya lang ay may maglilibot na para manghuli ng mga nasa ilalim ng tulay.
May ilang pasa pa si Barbie habang ang mga damit niya ay marumi na rin. Nag-inarte pa siya pero wala naman siyang ibang damit at maging ang mga kasama niyang tatlong pulubi, na last year pa ata naligo. Hindi na nga halos makilala dahil sa rungis ng mukha.
"Ugh! Kakainis talaga." Napahinto ang tatlo sa pagsunod dito.
"I'm hungry na." Pag-iinarte nito at hinarap ang tatlo.
"Ano raw?" Bulong ni Juan kay Pepe.
"Hungry raw. Baka ibig sabihin no'n pagod na?" Balik na tanong nito.
"Tayo nga ang napapagod kakasunod sa kaniya, ang lalaki kaya ng hakbang niya. Parang kabayo ku–" hindi na natapos si Pedro sa dapat niyang sabihin ng biglang nagsalita si Barbie.
"Okay fine, gutom na ako. May pera ba kayo?" Sabay-sabay na napatango ang tatlo at naisip na iyon lamang pala ang nais ng rich kid na si Barbie.
"Sakto at may natira pa kaming pera. Tara inasal." Nang marinig ito ni Barbie ay agad siyang kumapit sa braso ni Juan at pinisil ang pisngi. Tuwang-tuwa siya at kumikinang pa ang mga mata, ngunit nawala ang kanina pa niyang ngiti ng abutan siya ng dalawang inasal na chitchirya.
"Ano ito?" Inikot-ikot niya ito.
"Inasal, wala tayong pera ngayon kaya wala tayong rice, 'wag ka na maarte," paliwang ni Pedro habang ngumunguya at talagang tumutugtog pa.
Napangiwi si Barbie habang binubuksan ang chitchirya, nag-iinarte pa nitong tinikman ang chitchirya. Sa una ay diring-dira pa siya pero hindi naglaon ay naka-apat pa ito.
"Grabe ang sarap. Gusto ko pa–" aagawin pa sana niya ang hawak ni Pedro ng bigla siyang pigilan ni Juan.
"Sa mga bata pa ito, mamaya na lang kapag may napanglimusan tayo." Sabay tago ni Pedro sa likuran niya ang isang plastic ng inasal.
"Tara na."
Laglag balikat na sumunod si Barbie sa kanila at nakita kung paano nila bigyan ang mga batang pulubi ng inasal. Bawat bata ay talagang tuwang-tuwa na kahit isang piraso lang ay kayang ibsan ang kalam ng sikmura. Sa murang edad ay nararanasan na nilang magutom at magtyaga sa kung matutulog ba silang may laman ang tiyan o wala.
"Bakit niyo ginagawa iyan? Hindi ba walang-wala rin kayo?" Matapos itong tanungin ni Barbie ay agad siyang tiningnan ng tatlo.
"Ito ang bagay na hindi maiintindihan ng mayayamang katulad mo. Hindi kami nagbibigay dahil marami ang sobra sa amin, nagbibigay kami dahil alam namin ang pakiramdam ng wala. Mga bata pa sila pero nasa kalye at nanlilimos, hindi alintana ang panganib. Ito ang buhay namin, ang buhay na ni minsan ay hindi kayang iintindihin ng mga mayayaman." Halos tumigil ang oras sa sandaling marinig iyon ni Barbie. Inilibot niya ang tingin sa paligid at nakita ang mga batang namamalimos at nagbabanat ng buto sa murang edad na dapat ay nasa paaralan.
Ngayon lamang niya napansin ang ganitong paligid, dahil palaging sa maganda at marangyang pamumuhay siya nakatuon. Sa kung paano mapaparami ang followers sa Instagram at sa kung paano makakakuha ng maraming likes sa profile picture. Madalas pa siyang magsayang ng pagkain na hindi manlang batid na marami ang nagugutuman.
Ito ang buhay sa kabila ng marangya niyang pamumuhay. Masyado na nga talagang nabulag ang iba at tila hindi matanaw ang tunay na kaganapan.
Commercial model siya na nagpapakita ng pagtulong sa mga mahihirap ngunit ang ipinapakita rito ay peke. Ni minsan ay hindi pa siya lumapit sa mga pulubi at nagbigay ng tulong, parte lamang ng palabas ang ginagawa nila at ipinapakita sa TV. Pero ang totoo? Ngayon lamang siya namulat sa totoong kaganapan sa buhay ng mga taong salat sa karangyaan.

Comentário do Livro (422)

  • avatar
    Naddie

    good job in writing this story, author 😊

    20/04/2022

      1
  • avatar
    UniqueToh826

    Nice story. Keep it up po.❤❤

    20/04/2022

      2
  • avatar
    Sharamae

    Very Nice story💙 Keep writing po😊

    20/04/2022

      2
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes