Página Inicial/Arcoiris Village: The Wooden Dollhouse/
Arcoiris Village: The Wooden Dollhouse
vivaciouswitch
Capítulo 1 Tropang Adventurer
"Finally, were here!" Halos sabay-sabay na hiyawan ng mga kaibigan ko. I lazily stared outside the window, while stretching my poor aching legs. Nagka-sprain pa ako dahil sa haba ng byahe. It took us 10 long and boring hours bago kami makarating dito. Naunang bumaba ng sasakyan sina Sandy at Shiela, leaving me with Nica inside. She's been fixing her camera since were on our way here, and she's not yet done. I just waited Nica to finished doing her stuff, bago sumunod sa dalawang best friends ko. I don't trust this girl--Nica, staying here inside the car with our things behind. Eventhough, she's the one who invited us here, hindi ko siya gusto. Habang naiiritang inaantay ko siyang matapos sa ginagawa niya ay pasimpleng pinagmasdan ko ang paligid. All I can see is a place sorrounded with huge trees, few houses, bushes and lots of colorful flaglets hanging. The not so typical na tanawin para sa isang pista sa nayon, 4pm pa lang naman pero parang ang tahimik naman ng lugar dito. Parang ang weird para sa isang nayon na may okasyon. Nakita kong lumapit si Sandy sa bintana ng sasakyan habang kinakatok ito. Dahan-dahan ko naman itong binuksan, " Hey Bridgette! How can you enjoy the view if you're still sitting inside?" Pag-aaya nito sa'kin na lumabas na. Nginuso ko lang si Nica sa loob, tumawa ito ng pagak at sabay aya na rin kay Nica na lumabas, pero tango lang ang isinagot nito kaya umalis na lang si Sandy para damayan ang selfie queen kung friend, na si Shiela. Tinatamad talaga akong maki-join sa kanilang dalawa dahil bukod sa sobrang tahimik ng lugar ay wala namang kaaya-aya sa paligid, para ma-enjoy ko ito. Pero mas nakakabagot ang magstay dito sa loob ng sasakyan kasama si Nica. I can't wait here forever, kaya hinawakan ko na sa braso si Nica," Tara na, Nica!" Sabay bukas ko ng pintuan ng sasakyan. Medyo nag- aalangan pa itong sumama sa'kin. Dahil ayoko sa idea na mapag-iwanan siya sa loob ng sasakyan, kaya, " I'll help you fix your camera later. You're the only one who knows here di'ba, kaya mamaya na natin ayusin 'yan at samahan mo muna ako sa labas 'coz I badly need to pee. " Nakalabi na paki-usap ko sa kan'ya na effective naman at tumalima agad siya. I just rolled my eyes nang makatalikod na ako sa kan'ya. Sinamahan nga niya ako pero sa isang tollgate na nakapwesto sa gilid ng kinakalawang na gate, na may mga gumagapang na halaman. "Seriously, dito ako iihi?" Hindi makapaniwalang wika ko sa kanya. "May nakikita ka bang banyo rito? O baka gusto mong d'on ka banda sa maraming talahiban umihi." Nang-aasar na tinuro niya sa'kin ang matalahib na part. Baka makagat pa ako ng ahas o insekto doon kaya napangiwi ako, "You invited us here, so, you should know the whereabouts of this place!" Napataas ang boses kung wika sa kan'ya. Nagsisimula na ako makaramdam ng kutob pero mas nangingibabaw ang inis na nararamdaman ko. "Mukhang niloloko mo lang ata kami! I don't even see any houses inside that abandoned village para sabihin mong sa fiesta nang isang village tayo pupunta. " Iritadong aniya ko sa kanya. "Ito ang binigay na address ng pinsan ko kaya sigurado akong ito ang Arcoiris Village na tinutukoy niya. " Turo nito sa kinakalawang na bakal na gate, " and for your information, sa Arcoiris Village siya nakatira, dahil sa mismong village na ito siya nagtatatrabaho." I could sense na she's just lying. Panay lingon ng lingon ito at silip sa loob ng gate na isang lubak- lubak na sementadong daanan at puno ng mga talahib lang naman ang naroroon. Naramdaman ata ni Shiela at Sandy ang tensyong namamagitan sa aming dalawa kaya nilapitan kami. "May problema ba?" Nag-aalangang tanong ni Shiela sa'min. I raised my eyebrows, " ito kasing magaling mong frenny, ayaw pang aminin na hindi pala ito ang exact address ng village na pupuntahan natin!" Naiinis na sumbong ko kay Shiela. Hindi makapaniwalang tiningnan nito si Nica na hindi alam ang isasagot. "Totoo ba 'yon, Nica? Akala ko ba ay nakapunta ka na rito, pero bakit?" Nagtatanong ang mga mata nitong nakatitig kay Nica. "Sorry if I lied.. " balisa at mahinang sagot nito. "See! I've told you Sandy, hindi talaga mapagkatiwalaan itong--" naputol ang sasabihin ko ng sumabat ulit si Nica. "I lied na nakapunta na ako rito, pero.." sabay abot nito sa mobile phone niya kay Shiela, " ito talaga ang saktong address n binigay ng pinsan ko." Pangangatwiran pa nito. Kaya I grab the phone para ako na mismo ang makakita. Hindi ako makapaniwala na ang larawan na nasa cellphone niya at ang gate na nasa harapan namin ay magkapareho lang. Pero malakas pa rin ang kutob ko na may hindi talaga siya sinasabi sa'min. "Okay. Then, where is your effin cousin? " Hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi niya. "Ang sabi n'ya sa'kin bago tayo makaratimg dito ay 5pm niya tayo susunduin. " Pakiramdam ko gumagawa na lang ng alibi itong si Nica e. "Sure na talaga 'yan, Nics?" Nag-aalalang tinitingnan nito si Nica na panay silip sa loob ng gate. Hindi man lang ito nakikinig habang kinakausap siya ni Shiela. Kaya sa sobrang inis ko ay pinandidilatan ko siya habang inuulit ang tanong ni Shiela sa kanya, nagsabi naman siyang sure talaga siya. Kaya napagdesisyonan naming sa sasakyan na maghintay, total may thirty minutes na lang at mag-5pm na. **** "Bridgette, wake up!" Someone slap my face kaya nagising ako. I irritably opened my eyes, and saw my friends worried faces. I confusedly stared at them, pero pakiramdam ko ang bigat pa rin ng mga talukap ko. It's as if I've sleep for a couple of hours. "Hurry up, Shi! We need to get out of here! " Bulyaw ni Sandy kay Shiela habang natataranta itong paandarin ang sasakyan. "H'wag kang matulog, please!" Umiiyak na si Sandy habang nanginginig ang mga kamay na pinipisil ang pisngi ko, pero, ewan ko ba para akong lantang gulay na nanlalambot. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, e sa pagkakatanda ko ay hindi pa naman kami naglakad ng malayo. Kaya pinipilit kung itaas ang aking kaliwang kamay pero hindi ko ito maigalaw. I still don't have any idea what was happening with my two friends, at kung bakit gusto na nila agad umuwi. Pero nasagot lahat ng tanong ko ng may makita akong group of people walking--no, they're not just walking, their chasing us! ********** 7 years later... "Guys, look at this." Nakuha agad ng kakarating pa lang na si Jeremiah, ang atensyon naming lahat habang nilalatag ang dala niyang newspaper sa ibabaw ng mesa na pinagkainan namin. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa ZedGiovan Cafe, na pagmamay-ari ng kakambal kong si Gio at ng kabarkada naming si Zebedee. Kakarating lang nito, pero may pasabog na naman siyang dala para sa'min. Sabagay, sa aming magbabakarda ay silang dalawa lang ng pinsan niyang si Beverly ang mahilig sumagap ng mga undiscovered na mga lugar. Mga lugar na hindi pa ganoon kakilala ng tao o napaglipasan na ng panahon. Madalas sila ang source namin sa mga napupuntahan naming lugar. Siguro, dahil na rin sa mga trabaho nila na isang piloto at flight attendant. We love adventures, hilig namin ang mountain climbing at nature trekking. Lahat kami ay mahilig sa adventures. Marami- rami na rin kaming napuntahan. "Guys, listen!" Kuha ulit nito sa atensyon namin at itinuro niya ang frontpage ng balita. Nakasaad dito na may isang isla na dating dinadayo nang mga turista noon at kina-i-ilagan na ngayon ng madla at ayon dito, na lahat ng mga babaeng pumupunta sa naturang isla ay naglalaho nalang na parang bula, hindi na nakakabalik pa. Marami nang sumubok alamin ang misteryong bumabalot sa islang iyon pero may mga nakakauwi nga na buhay pero wala na sa katinuan. Ang ikinapagtataka pa ng lahat ay ang mga turistang babae lang ang nawawala at ang mga lalaking dayo roon ay wala ng matandaan. Isa ito sa pinaka-sikat na isla dati. Maganda kasi ang tanawin doon, ayon sa mga nakalap naming impormasyon. Pero ang islang 'yon ay ang tanging dahilan kaya nawala sa amin si Tita Bridgette. Ngunit ang balita, nakipagtanan ito sa boyfriend niyang si Harold, na seven years na ring nawawala. Pero, last year nakita siya ng mga mangingisda na paanod-anod sa dagat, isa siyang survivor sa naturang isla. Isang misteryosong isla na kapag pinasok mo ay hindi na sigurado na makakalabas ka ng buhay o mawawala ka nalang din na parang bula. Mostly, sa mga nakakaligtas sa naturang isla ay mga lalaki at burado lahat ng mga ala-ala nila sa pagpunta sa naturang isla. Ang weird diba? That's why our group is planning to go there. Ibang klaseng adventure nga raw sabi nila, ika nga. "'Yan ba yung pinagbakasyunan nang Tita mo, Germaine?" Agaw tanong ni Trexie pero hindi man lang ito nag-angat nang tingin dahil abala ito sa paghiwa ng cake na kanina pa niya kinakain. Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Gio, "Yeah." Maiksing sagot ng kakambal ko na kanina pa nakatitig kay Trexie. Halatang aliw na aliw itong pagmasdan na kinakain nito ang cake na siya rin mismo ang nag-bake. "This would be our next target." Na-e-excite naman na sabat ni Zebedee or Zed for short. Tinatapik nito ang balikat ni Jerome, na ikinatuwa naman ng huli. "Alright, then let's plan for our next trip." Masiglang tugon ni Beverly na pumagitna kay Jerome at Zed. So ito pala ang importanteng itinawag ni Beverly kanina. A very important meeting that surely, me and my twin would loved to go. Pero, this one is quite dangerous. Kaya hindi ko mapigilang mag-alinlangan, "Pero guys, baka hindi na rin tayo makakabalik?" "Cut the crap sis! We'll go there to fetch Tita Bridgette, okay?" Seryosong turan ni Giovanni sa akin. Mahahalatang excited na rin siya sa bagong adventure na pupuntahan namin. "But--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit ang kakambal ko. "No more buts, sis. " Nakangiting wika nito habang nakaakbay sa'kin. "Ngayon ka pa ba matatakot? This is not the first time we had encounter a risky adventure. " Dagdag pangungumbinsi pa nito. Pero hindi pa rin mapanatag ang loob ko, knowing na the village is some-what cursed. I couldn't imagine how would our mom reacted kapag malaman niyang pupunta kami sa lugar kung saan nawala si Tita Bridgette. But I could not say no to them. Half of me is telling not to go, and half of me is telling I have to take the risk. "Maraming magagandang spots doon na pwede mong gawan ng canvas, sis!" Paglalambing ni Trexie sa'kin. Pagkatapos nitong kainin ang cake ay tinutulungan oa nito ang kakambal kong kunbinsihin ako. "Actually, nalaman ko rin na may museum doon. "Namimilog ang mga matang habang kinukulit akong sumama. Sa aming magbabarkada ay si Trexie ang kaparehas ko ng hilig. Kaya alam na alam talaga nito kung papaano hulihin ang kiliti ko. "May choice ba ako?" Hindi pa rin ako nakangiti. Nagdadalawang -isip pa rin talaga kasi ako. Lahat ba naman kasi sila ay excited na pumunta maliban nalang sa'kin. Ayoko sanang sumama dahil baka pati ako ay kasamang makulong sa islang iyon, kung hindi lang dahil sa kagustuhan kong malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakauwi si Tita Bridgette, ay hindi na talaga ako sasama kahit magpupumilit pa sila. "Sasama na 'yan! "Sabay-sabay na wika nila sa'kin. "Kahit na pa-birthday gift mo na sa'kin 'to , Germaine." Nakalabing ani ni Jerome. I let out a heaved sigh. Kahit kailan talaga hindi talaga ako makahindi pagdating sa kanila. Isang napipilitang pagtango ang binigay ko na ikinaliwanag ng mga pagmumukha nilang lahat. And the decision is final. *** Matagal na kaming magbabarkada. Childhood friend namin ng kakambal ko si Beverly at ang pinsan niyang si Jeremiah. While Trexie at Zed ay kaklase namin noong first year highschool pa kami. Hanggang ngayong college graduate na kaming lahat ay friends pa rin kami. May kasabihan kasi na 'Birds of the same feather flock together. Ilang beses na ring sinubok ang friendship namin pero matibay pa rin ang samahan namin, walang kahit na sinong makakatibag, kahit ang sino pang Poncio Pilato. So blessed to be part of this circle pati ang mga parents namin ay close rin. Sa katunayan, ang pinakalayunin ng kakambal ko, ay iligtas si Tita Bridgette kahit hindi pa kami sigurado kung magagawa namin iyon. Kahit ako na takot tumapak sa naturang isla ay walang nagawa. To cut our curiousity na rin kung ano ba talaga ang meron sa naturang isla. We need to take risk. Pero hindi sa wala akong pake kay Tita Bridgette, kaya lang, parang dito pa lang kinakabahan na ako. May pag-aalinlangan talaga akong tumuloy. Pakiramdam ko kasi na may hindi magandang mangyayari. Alam mo 'yong pakiramdam na parang hindi ka na makakabalik, na baka habang buhay na rin akong ma-stuck sa islang iyon pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko na maging matatag. Kailangan ko iyon, hindi lang para sa sarili ko pati na rin sa kakambal ko. Ang pinaka-goal ko nalang talaga ay ang maisama namin pauwi si Tita Bridgette. Insha-allah gabayan sana kami ng Poong Maykapal, na sana patnubayan niya ang paglalakbay naming ito ngayon. Hindi lang kasi ito basta paglalakbay. Kailangan ng matatag na pananalig sa taas ito.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 50 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (166)
creshinshana
Interesting. I love your story po 💖💖
25/04/2022
0
Visitor
Ang exciting basahin. Pang fantaserye ang datingan. May book two po ba ito?
Interesting. I love your story po 💖💖
25/04/2022
0Ang exciting basahin. Pang fantaserye ang datingan. May book two po ba ito?
18/06/2025
0nice
12/03/2025
0Ver Todos