logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Kung makakapagsalita lang si Tadhana malamang sasabihin niya na, you don't meet someone by accident. There's always a reason behind it. It's either a lesson or a blessing. For me, meeting someone unexpectedly not just someone else but the someone whom you despise the most, is really a big time lason not lesson. Ano ba naman kasi mapapala ko sakanya? Sama ng loob?
Mapaglaro ka talaga tadhana. Bakit kung sino pa 'yung taong pinaka-ayaw o kinamumuhian kong makita ay siya pa ihaharap mo sa'kin? Nanadya kaba? Kung oo, bakit? Ano nagawa ko sa'yo para paglaruan mo ako at ang damdamin ko?
Parang ang sarap tuloy magdamog, Tadhana.
Pinipilit mang itago
Hindi kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng
Bakit parang sa'kin lamang may galit
Madayang tadhanang iyong pansinin~
Pero minsan mapapakanta ka nalang talaga hahaha.
Hindi naman sa sinisisi ko kay Tadhana 'to pero kanino ba dapat?
Hindi ko sinabing ayaw kong makita itong taong nasa harap ko ngayon pero hindi rin naman ibig sabihin nun gusto ko siyang makita. To be honest, he's the least person I wanted to see. I've gone enough from him before. Kinalimutan ko na at nakapag-move on na ako from my past. Pero bakit kung kailan okay na ako o naconquer ko na saka naman magbabalik 'to? Masaya na ako eh, bakit kailangan niya pang magpakita? Para ano durugin ulit ang pagkatao ko? Para ipamukha sa'kin na ganito lang ako?
P'wede bang manatili nalang siyang gago sa nakaraan? In that case wala na siyang mapipirwisyo. Tsaka ano na naman bang dahilan bakit nagtagpo na naman ang landas naming dalawa? Siya ang dahilan kung bakit naging mailap ako sa mga tao. Siya ang dahilan kung bakit madalas kong pagduduhan noon ang sarili ko. Ang mga katulad niya ang dahilan bakit ang baba ng tingin natin sa mga sarili natin. Dahil do'n sagad sa buto ang galit ko sakanya.
Kasi siya taong hinding-hindi ko gugustohin na makita pero nasa harap ko ngayon. Taong walang ibang ginawa kundi saktan ang damdamin ko noon. Ang taong minsan dumurog sa'kin emotionally. Nang dahil sakanya bumabalik na naman sa'kin ang lahat-lahat ng mga masasakit na nangyari sa'kin.
FLASHBACK
Nilipat ako ng mga magulang ko sa ibang eskwelahan. Grade 6 na ako nang mga oras na 'to. Hindi ko alam bakit kung bakit kailangan pa akong ilipat nila lods ina samantalang okay na okay naman ako sa dati kong eskwelahan.
Marami akong kalaro, araw-araw kami ang magkakasama, magkakasabay umuwi at syempre dahil magkakaibigan kami sama-sama rin kami sa pantitrip sa kaklase namin. Oo, aaminin kong hindi ako mabuting bata dahil unang-una maldita ako. Hindi ko 'yon ikakaila dahil 'yon ako at ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pakikipagkaibigan sa mga losers. Katulad nalang ni Vivien, isa siyang pipi. Hindi ko sigurado kung pipi nga siya pero kasi never ko pa siyang narinig na nagsalita. Palagi siyang tahimik at laging mag-isa. Sobrang hinhin niya at ubod siya ng weird! Para sa'kin nakakairata ang gano'n kahit wala naman siyang ginagawa sa'kin.
Kaklase ko siya simula Grade 2 hanggang Grade 5. No'ng una wala talaga akong pakialam sakanya, wala akong pakialam kahit 'wag siyang magsalita forever pero nagbago lahat 'yon no'ng naging magkatabi kami sa seating arrangements. Bored na bored ako sa upuan ko kaya naisipan ko siyang kausapin. Kami lang kasing dalawa ang nasa may table namin dahil inutusan ni teacher mga kaklase namin sa table namin. Bale by table kasi ang arrangements, tapos kaharap ko si Pipi este Vivi!
"Hoy, pipi!" Pag-uumpisa ko. Hindi niya ako pinansin.
"Ano hindi ka lang pipi bingi rin? Hindi mo ba naririnig na tinatawag kita?" Maang itong tumingin sa akin sabay turo sa sarili niya. Aba nagsign language pa, sabi na eh pipi talaga siya.
"Malamang ikaw! Ikaw lang naman ang pipi dito? May iba pa ba akong kasama bukod sa'yo?" Inis na sigaw ko. Yumuko ito at hindi kumibo. Pinagpatuloy lang nito ang pagkutkot sa kuko niya.
Nagmumukha naman akong tanga sa Pipi na 'to! Matanong ko nga kung totoo ba yung chismis na naputulan daw itong dila kaya hindi nakakapagsalita? Matagal ng issue yon narinig ko sa isa sa mga chismosa kong kaklase. Narinig niya daw na pinag-uusapan ng nanay niya at ng ko-mare nito kaya naman chinismis niya din sa mga kaklase ko. Aba tingnan mo nga naman namamana pala talaga ang pagiging chismosa, like mother like daughter!
"Balita ko naputulan ka daw ng dila, totoo ba yon? Yon ba ang dahilan kung bakit hindi ka nagsasalita?" Pag-uusisa ko dito.
Hindi pa rin ito kumibo at nanatiling nakayuko.
"Ang panget mo naman kabonding! Wala pala akong mapapala sa'yo, nagsasayang pa akong ng laway!" Sumbat ko dito ang hirap niya kasing kausap, para akong may kausap na hangin.
Dumating na ang teacher namin kaya tinigilan ko na ang pangugulit kay pipi. Kung tutuosin maganda 'tong si pipi kaya lang hindi nakakapagsalita. I wonder why? Ay teka pake ko ba sakanya?
"Class may meeting kami ngayong araw, magbibigay lang muna ako ng gawain. Open your Learning English textbook on page 152-153. Unawain at sagutan niyo ang Exercise A, B, C, and D. Isulat sainyong English notebook. Mag-aasign din ako ng maglilista ng noisy. At kung sino man ang nasama sa lista ay siyang maiiwan para tumulong sa mga naglilinis mamayang uwian. Understood?"
"Yesssss, teacher!"
"Opo, teacher!"
Masiglang sagot namin sakanya.
"Vivien? Ikaw ulit iha ang maglilista ng noisy, okay? Ibibigay mo sa'kin ang listahan pagkatapos ng meeting namin." As expected sa taong laging tahimik at behave sa klase, siya ang taga-lista ng noisy.
"Bago ako umalis, may ilang mga paalala lang ako. Walang lalabas okay? Dito lang sa loob ng classroom at gawin ang pinagagawa ko, magchecheck ako niyan ang walang ginawa hindi makakalabas hanggat walang isina-submit sa akin na notebook."
Pagkatapos magpaliwanag ni ma'am ay umalis na ito.
Bigla naman nagkagulo sa loob. May kanya-kanyang grupo, may mga naglalaro ng jackstone, may nagbabatuhan ng papel, may kumakain, yung iba naman na gumagawa ng pinagagawa ni ma'am katulad ni, sino pa ba? Edi si Pipi! Kulang nalang magkaroon siya ng award na, Best in Being Role Model Student!
Matalino 'to si Pipi lagi siyang top 2. Ewan ko ba kahit hindi siya nagsasalita matataas naman mga marka niya. Mas mataas nga lang sa'kin, ako ang laging top 1 sa klase eh!
Bilang isang consistent top 1, syempre katulad ni Pipi ay ginagawa din ako ng pinapagawa ni ma'am.
"Kem, sali ka? Maglalaro kami ten-twenty!" Aya sa'kin ng mga kasama namin sa table.
Napaisip naman ako at dahil nga paborito ko itong laro ay hindi ako makatanggi. Pero hindi p'wedeng wala akong gawain. Napatingin ako kay pipi na ngayon ay busy sa pagsusulat. Napangiti ako sa ideyang pumasok sa utak ko.
"Hoy pipi! Gawan mo ako ng pinapagawa ni ma'am kung hindi malilintikan ka sa'kin! Kuha mo?" Habang sinasabi ko ang mga katagang 'yon ay pinakita ko sakanya ang kamao ko. Saka inabot ko sakanya ang notebook ko at ballpen ko. Ballpen na ang gamit namin dahil grade 5 na kami.
Hindi yan makakatanggi kaya naman sumama na ako sa mga kaibigan ko para maglaro.
"Ang galing mo talaga, Kem!"
"Oo, nga! Ginawa mo lang utusan hahaha"
"Iba ka, Kem! Sa susunod pagawan mo din kami sakanya!"
Tuwang-tuwa sila sa ginawa ko kay pipi. Kaya todo puri sila, may balak pa naman sana akong maawa kay pipi kaso 'wag na.
Nagdaan ang mga araw at yon nga lagi na naming pinagkakatuwaan si Pipi. May time na nilagyan namin ng bubblegum ang upuan niya kaya dumikit ito sa palda niya. Pero wala kaming narinig na reklamo sakanya. Kahit pinagtatawanan at kinukutya na namin siya. Humihiram din kami ng ballpen pero hindi na namin ibinabalik. Siya rin ang pinapagawa namin ng mga pinapagawa ni teacher kapag wala ito habang naglalaro kami. Pati assignments namin ay minsan inaasa na rin namin sakanya. Hindi ko alam pero habang tumatagal palala nang palala ang pantitrip na ginagawa namin kay pipi. Hanggang sa umabot na nga sa maisipan namin ang pinakamalalang bagay na maiisip namin.
Naglilinis kami no'ng araw na yon. Table 3 ang naka-assign ngayong araw, which is kami. Kami nila pipi at mga kaibigan ko. Nagpo-floor wax si pipi habang kami naman ang naglalampaso. Nang matapos na kami maglampaso ay do'n na namin isinagawa ang aming plano.
Habang nasa CR si Pipi para maghugas ng kamay ay dali-dali kaming lumabas lahat. Saka namin ni-lock ang pinto ng classroom namin. Sa amin kasi pinagkatiwala ni teacher ang isang susi tutal may duplicate naman siya.
At tama kayo ng iniisip, plinano naming ikulong si Pipi sa loob ng classroom. Iniwan namin siyang mag-isa. Nagtawanan at nag-apir kaming mgakakaibigan nang maging tagumpay ang plano namin. Narinig namin ang mahihina niyang pagkalabog sa pinto. Pero hindi namin ito pinakinggan at umuwi na sa kanya-kanya naming mga bahay.
Pero kahit kunti nag-alala din naman ako kay pipi. Ano na kayang nangyari do'n? Siguro naman nakahanap siya ng paraan para makalabas do'n 'di ba? Hindi naman siya tanga, pipi lang.
Kinaumagan wala si Pipi sa upuan niya. Kinabahan naman ako. Bakit siya absent? Sa pagkakaalam ko hindi pa siya lumiliban sa klase. Wala naman akong nabalitaan kahit ano tungkol kay pipi. Ibig sabihin wala naman nangyaring masama sakanya!
Habang nagtuturo si teacher ay biglang may dumating na bisita. "Good morning, visitor!" Bati namin dito. Malungkot naman itong ngumiti sa amin.
"Class behave kayo okay? May kakausapin lang si teacher. Ipagpatuloy niyo na lang muna ang pagbabasa ng topic natin." Sabi nito saka inakay ang ang bisita sa table niya sa likod.
Hindi ako mapakali kaya naman pinagmasdan ko nalang si teacher at ang bisita habang nag-uusap. Mukhang seryoso ang pag-uusap nilang dalawa, may kinuha rin si teacher na report card siguro yon tapos ibibigay sa bisita. Malungkot ang mga mukha nila habang nag-uusap at tanging pagtango lang nila ang naiintindihan ko. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ang bisita.
"Goodbye, visitor!" Pamamaalam namin samantalang kumaway lang ito samin.
Ano kayang napag-usapan nila teacher?
Pumunta naman si teacher sa unahan at naupo sa mesa niya.
"Class kilala niyo ba 'yung bisita natin kanina?" Tanong nito sa amin.
"Hindi po!" Sabay-sabay naming sagot.
"Siya ang mother ni Vivien! Pumunta siya dito kasi kinuha niya na ang mga documents ni Vivien para makapagtransfer siya sa ibang school. Tama si Vivien ay lilipat na ng school." Malungkot na ani nito.
Nagulat naman ako. Dahil ba sa ginawa namin? Kami ba ang may kasalanan?
"Teacher bakit daw po siya magtatransfer?" Nagtaas ako ng kamay at naglakas loob na magtanong.
"Hindi niyo na kailangan pang malaman pa." Saad niya.
Bakit hindi namin p'wedeng malaman?
Simula noon ay hindi na namin pa nakita si Vivien. Hindi rin namin alam ang dahilan kung bakit ito lumipat ng school. Wala naman nabalita no'ng araw na yon na nakulong sa classroom.
Pero nang dahil sa pangyayaring yon ay hindi na ulit ako nantrip. Palagi nalang din akong mag-isa at hindi na nakikisama sa mga kaibigan ko. Palagi din akong nag-aabang sa labas ng gate baka sakaling matyempuhan ko si Vivien. Pero wala kahit anino niya ang nahagilap ko. Hindi ko din naman alam ang bahay nila at kahit pa man malaman ko ay hindi na sila do'n nakatira dahil lumipat na daw ang mga ito.
At ngayong grade 6 na ako ay nilipat rin ako nila lods ina. Wala raw akong natutuhan sa dati kong eskwelahan.
Nang makalipat ako sa bago kong eskwelahan ay do'n na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko na sa una'y inisip kong magiging masayang kaganapan.
Pumasok ako sa classroom namin na medyo nahihiya, syempre dahil bago pa lang ako dito. Nagpakilala ako sa unahan at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
Pero hindi ko inaasahan na sa pag-ngiti kong 'yon, ay do'n magsisimula ang lahat.
"Hoy pandak! Bakit ang tanda-tanda mo na bungi ka pa rin Hahahahahahahaha"
"Hahahahahahahaha!"
"Hahahahahahahaha!"
Napuno ng tawanan ang buong classroom namin kaya agad kong tinikom ang bibig ko dahil sa kahihiyan. Hindi ako nakaimik.
Oo, bungi ako pero isang ngipin lang naman ang wala sa'kin. Nasira kasi yon dahil sa napadalas kong kain ng mga matatamis.
Binalingan ko ng tingin ang batang nagpasimuno ng lahat na ngayon ay tatawa-tawa parin.
Napatulala ako ng ilang segundo dito at isa lang ang masasabi ko. G'wapo este gago! Siya yung mukhang astigin na batang nakasalubong ko kanina habang papunta kami sa principal's office ni lods ama. Habang kasama niya ang mga barkada niyang halatang maloko din tulad niya. Nagkatinginan pa nga kami sa mga mata kanina pero agad din akong umiwas ng tingin. Ang angas kasi ng dating niya kanina, sabi ko pa nga sa sarili ko 'crush ko siya'. Dahil ang g'wapo niya pero ang sama pala ng ugali niya. Napakajudgmental at bully!
Kung kanina crush ko siya ng 99.99999% ngayon crush ko nalang siya ng .000001% dahil mas lamang na ang kinaiinisan ko sakanya.
Dumaan ang mga araw, ilang ulit akong binully ng mga kalaro niya rin no'n. Kapag dumaan ako sa harapan nila tinatawanan nila ako tapos narinig kopa ang pangalan ko na sinisiraan nila, bully naman ang tawag noon 'di ba? Sinasabi nila na baka anak daw talaga ako ng duwende dahil yung mama ko raw ay ni-rape ng isang nuno sa punso.
Aware naman ako na sa mga ka-edaran ko hindi normal ang aking height, mas mababa ako kumpara sakanila. Pero anong magagawa ko eh ito na ako!
Alangan naman magdabog pa ako kay mama at papa, anong magagawa nun? Tatangkad ba ako? 'Di ba hindi naman.
Pero ang nakakainis ay yung wala kang ginagawang masama sa kanila pero sinisiraan ka nila? Kaya ayun, hindi ko alam kong bakit sila galit sa'kin, binibigyan nila ako ng pinakapanlilisik na tingin. Mahiyain naman ako, mabait nga kung tutuosin dahil nga bago lang ako sa eskwelahan na 'to.
Pero kahit gano'n ang sitwasyon ko ay nagtry akong sumali sa majorette dahil nga kasali naman talaga ako sa gano'n sa dati kong eskwelahan.
No'ng araw na magtatry out na kami, hindi ko naman inaasahan na nandoon pala sila ng mga kabarkada niya sa may lugar kung saan nagpapractice. Malawak na court kasi yon. Kasali pala kasi sila sa banda.
Habang nagpapakitang gilas kami sa pagmartsa ay hindi ko mapigilang mahiya habang kasama ko ang ibang magtatry out din. Sabay-sabay kaming magmartsa at dadaanan namin ang grupo nila Eros.
Pagkadaan ko narinig ko silang tumawa tapos lalo pang lumakas at umabot sa halakhak. Alam kong tinatawanan nila ako dahil ako ang pinakamaliit sa lahat ng nagtatry out. Mahahaba din ang legs ng mga nagtatry out kaya hirap akong sabayan ang pagmartsa nila. Ang sakit lang kasi bakit pa nga ba ako sumubok? Nagmukha lang akong akong trying hard. Sana nanahimik nalang ako, ginagawa ko pang katatawanan yung sarili ko.
Kahit na ganiyan kakunti ang rason, umiiyak na talaga ako.
Karma ko na siguro ito. Ganito siguro naramdaman ni Vivien no'ng mga oras na binubully ko din siya.
END OF FLASHBACK
I was just very young back then. Elementary days. Wala pa akong muwang sa gano'n, sa mga bagay-bagay. Dapat nag-eenjoy lang ako but everytime na sinasabihan niya ako ng kung ano-ano tungkol sa height ko and even yung tingin lang niyang nang-aasar at nangungutya nasasaktan na ako. It's irks me, kasi tigasin akong tao. Dapat hindi ako nagpapadala sa mga sinasabi niya that time. But then I realized na kahit pala tigasin ako, masasaktan at masasaktan padin ako kasi tao lang din naman ako. At may nakatagong soft side. Pinapakita ko sa iba na hindi ako nasasaktan kapag nakaharap sila pero kapag nakatalikod na sila do'n na lumalabas lahat ng sakit. At wala akong magawa kundi ang umiyak kasi ang hirap magpanggap na hindi nasasaktan. Alam mo yung feeling na wala kang magawa? Gano'n, I can't even fight back, so I just end up taking the pain.
Then dumating sa point na kahit magpicture sa sarili hindi ko magawa, nawalan ako ng ganang magpicture. Alam mo yung masakit? Never ko pinaunlakan sa sarili ko ang ilang papuri natatanggap ko sa kakilala ko. It's either magjojoke ako or hindi ko papansinin 'yon ay dahil alam ko sa sarili ko na hindi gano'n yon. I always think that they're just lying about it, siguro para pagaanin ang loob ko. The worse? My insecurities is killing me. I always think about something isn't sure about me. I tend to overthink a lot. The worst? I also isolate myself, hindi lumalabas ng bahay. Kaya medyo allergy ako sa mga tao, natatakot akong lumapit sa kanila. I even questioned my existence to the fullest extent.
Pinagsisihan ko na rin ang mga nagawa ko kay Vivien, pinangako ko sa sarili ko na kapag nagkita kami hinding-hindi ako titigil hanggat hindi niya ako napapatawad. Kasi ganito pala yung feeling no'n? Ang hirap!
No'ng nilipat ako nila lods ina sa eskwelahan na 'yon, ang rason nila sa'kin ay wala akong natutuhan. But then, kaya pala siguro nila ako nilipat para matuto. Hindi ko alam na moral lesson pala yon na dadalhin ko sa araw-araw. And that is, treat others as you want to be treated.
Kasi gano'n pala talaga 'no? Kung ano ang ginawa mo sa kap'wa mo ay siya rin ang matatanggap mo.
No'ng time na yon tumatak sa utak ko, when we got bullied, our believe in self will be less even our confidence mawawala. Tapos yung mga masasakit na salitang matatanggap mo, they'll eat you up. Your whole being.
Torn between fighting and better giving up and keep asking myself should I still continue walking or shall I stop? But then, I realized maybe society hates someone like me, but it doesn't mean there's something wrong with me.
At this point, I no longer care about what people thinks or say about me. Perhaps because I put these in my mind; people have no say to my looks because it's my committee. Flat chested, balingkinitan na katawan at kinulang sa height but still looks good in me. I maybe rarely received complements because even I, didn't believe in myself. What people say is just a mere fact about me- it's true yet I didn't hate anyone for saying the truth. Instead, my gratitude is overflowing. If it wasn't because of the insults I gained, I wouldn't know that bullying is wrong and I won't learn how to love myself better and stand up all over and over again. I am surrounded by thousands or maybe millions of tall people but I'm still proud of the woman I become. This is my life, my story, and my adventure. I shall claim the freedom I was deprived of. I may be short girl, but I love myself because I believe that my imperfections makes me beautiful... I'm different.
Because someone told me, okay lang na i-bash at i-down ka ng iba pero 'wag na 'wag mong ida-down pa lalo ang sarili mo because that's the biggest betrayal.
Well thanks to that someone I now gained what I've lost before, and I'll proudly say that, that someone is none other than Vivien... the one I bullied at siya rin ang aking best friend.
Hindi ko alam na pero halos matulala na pala ako sa hitsura ng lalaking nasa harap ko ngayon. Aaminin kong mas lalo siyang gumwapo at naging manly tingnan dahil sa suot niya.
Pero ngayong nakita ko ulit siya hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Siguro nakamove on na nga ako pero hindi parin ako nakakarecover. Siguro kasi I was traumatized by him.
His name is Westley Eros Martinez, ang una kong naging crush at aking bully.
Who would have thought na makikita ko pa siyang muli after 4 years?
At bakit siya pa ang kailangan kong makita ngayon? Kuta na ako sa kamalasan ngayon araw dadagdag pa siya! Una, nalate ako ng gising. Pangalawa, yung poging binabae kanina. At pangatlo, dahil do'n sa driver nung jeep na sinakyan ko! Tapos dadagdag pa siya?! Gago ba siya?
Yes po, oho, yeah, absolutely, he is, oo sobra. Gagong- gago siya sa paningin ko at hindi yon magbabago.
Sana yung soulmate ko nalang nakita ko ngayon. Sana yung taong dalangin ko nalang. Sana yung nakatadhana na magpapatibok ng aking natutulog na puso. Sana yung lalaki nalang na magpapalipad ng paru-paru sa aking tiyan. Taong magpapa-ilaw ng mga alitaptap sa madilim kong gabi. Ang aking straw to my berry. At higit sa lahat, yung taong nanaisin kong pakasalan in the future.
Kaso hindi!
DAHIL ANG PAGIGING TARANTADO ESTE MAPAGLARO NI TADHANA AY NASOBRAHAN PARA SA ARAW NA 'TO!

Comentário do Livro (67)

  • avatar
    Kennard M. Manuel

    good

    04/08

      0
  • avatar
    VelasquezDanissa

    ang Ganda po Ng story

    03/08

      0
  • avatar
    Dave Lucino

    I love the story it's great

    06/07

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes