logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

{LOA} 7:

"Hala, ano ka ba, 'tagal na kaya niyan."
Sinulyapan niya 'to. "Ngayon ko lang napuna." Naglakad siya papunta sa fridge. "And this, ang hilig mong magsulat ng mga ganito pala," aniya rito, inangat niya sa ere ang isang note na idinikit nito ro'n.
"Ah, hehe. Nakakahiya naman pero oo, daily reminder kasi 'yan. Pang-motivate everyday." Nagkamot 'to ng patilya na tila nahihiya.
Nang nakakasama na niya 'to ay napupuna niyang may mga gawain talaga 'to na nakakapagpa-good vibes. Katulad na lang sa gano'ng mannerism nito.
"Gusto ko 'yang ganyan. Nakakahawa kasi ang ganyang vibe," walang halong pagsisinungaling niyang saad.
Ngayon nga lang niya napansin ang mga 'yon pero nakakatuwa naman talagang malaman na gano'n pala ang housemate niya.
"Naku salamat pero maliit na bagay lang naman 'yan."
"Nope, para sa isang tao na sinabihan na palpak ang sarili niya no'ng nakaraan ay malaking bagay na 'to, Lizzie," sinsero niyang turan dito.
At kung hindi pa nito isasalpak 'yon sa kukote nito ay makakatikim na 'to ng batok sa kaniya. Pero buti na lang ay malapad na 'tong ngumiti sa pagkakataong 'yon at hindi na binalak na makipag-debate sa kaniya.
Ngiti na saglit na pinamalas, agad 'yong napalitan ng pagkunot ng mga kilay nito. Inayos din nito ang salamin sa mga mata bago siya nilapitan.
Tahimik na pinagmasdan lang niya kung ano ang gagawin nito. Nilagpasan naman siya't dumiretso 'to sa fridge, binuksan nito 'yon.
"May problema pala 'ko sa 'yo. Ang mga pagkain na 'to," ani 'to sa kaniya, tinuro ang mga pagkain na inihilera nito sa bungad ng ref.
"Anong meron?" siya naman ang napatanong ng gano'n.
"Hah! Wala naman, mister, nagsasayang ka lang naman!"
He creased his eyebrows. "What?"
"Anong what? Hoy, eto o, ang dami mong pagkain na ginaganito." Dumampot 'to ng isa chocolate bar na nasa ref saka minuwestra sa kaniya 'yon. "Bakit ganito ka palagi? Laging nagtitira. Nagsasayang ka. Kahit sa kape ay napuna ko na ganito ang ginagawa mo."
'Yon pala. Nagkibit siya ng mga balikat. "Nakasanayan ko lang na ganyan."
"Hindi ba natin puwedeng baguhin 'to? Baka naman, nakakapurga nang kumain ng mga tira mong foods ah!"
"K—Kinakain mo?" nagulat niyang bulalas.
"Oo! Aba uy, sayang naman kung itatapon. Buti nga naalala ko ngayon na pagsabihan ka tungkol dito."
Tumikhim siya. "Ah, hayaan mo 'yan, kung hindi mo itatapon ay ako nang bahala sa susunod na magtapon, 'wag mo na lang galawin."
"Hala, 'wag naman kasing ganito sana. Sayang e," sabi pa sa kaniya ni Lizzie, tila hinayang na hinayang nga ang tono at determimado na mapabago niya ang bad habit niyang 'yon.
"May mga bad habits talaga ang isang tao, Lizzie. Pasensya ka na kung bothered ka sa pag-aaksaya ko, susubukan kong baguhin ang ugali kong 'yan, promise. Salamat sa paalala." Tinalikuran na niya 'to pagkasabi niya niyon.
Tulad noon, nagsalita pa rin 'to kahit nakatalikod na siya.
Talking about habits...
"Old habits die hard yes, naniniwala ako ro'n, pero pasensya ka na ah, mas naniniwala kasi ako na kaya may ganito tayong pag-uugali na sabi mo nga ay bad habits, 'yon ay dahil wala naman talaga tayong planong baguhin ang nakasanayan natin. Kung babaguhin kasi natin, ang ibig lang sabihin ay handa na tayo na magbagong buhay." Bumuntonghininga 'to bago magpatuloy, "So, yeah, ang pinupunto ko lang naman ay mahirapan ka man na baguhin ang ganitong nakasanayan mo na, sana ay hindi naman matagalan. Unti-untiin mo, simulan mo na ngayon."
Lihim na nagkiskisan ang mga ngipin niya.
As if gano'n naman 'yon kadali, Lizzie Ang.
***
KEEP calm and smile— 'yon ang binungad sa kaniya ng ref niyang magmula nang dumating si Lizzie ay nagsasalita na sa utak niya.
Napailing na lamang siya. Nagiging makata na rin talaga siya nang dahil sa babae. Kailan ba niya sinabi na nagsasalita ang ref? Ngayon lang. At oo, kinakausap niya talaga ang sarili niya. Gano'n na ang nangyayari sa kaniya na tila normal na lang 'yon sa inaraw-araw.
"Grabe, hindi ka talaga ngumiti kahit kaunti!"
Nalingunan niya ang journalist—na kinuhanan siya ng litrato gamit ang camera ng phone nito.
"Hey, para saan ang picture na 'yan?" agad niyang reklamo rito.
"Sa ginagawa kong scrapbook," simpleng saad nito bago ibinulsa ulit ang phone nito.
Huli na para magprotesta, napailing na lang siya. "Siguraduhin mo lang na g'wapo ako sa shot na 'yan."
Inismiran siya nito. "G'wapo ka naman, hindi ka lang ngumingiti. Kainis!"
He shook his head again. "Ang aga mo naman yatang nag-ready para sa interview mo kay Jio?" pagsipat niya sa wall clock ay seven pa lang ng umaga. "Nine pa ang usapan niyo ah." Napuna niya kasi na nakabihis na 'to.
Cute manamit ang babaeng 'to. Parang binabagay sa height nito ang mga suot sa tuwing aalis sila at hindi exempted do'n ang ngayon na kikitain na nila ang pinsan niyang kadarating lang galing sa pulot-gata.
Naka-dress si Lizzie na off shoulder, kulay beige. Flowing yata ang tawag sa gano'ng estilo ng dress dahil sumasabay 'yon sa galaw nito. Tinernuhan nito 'yon ng converse na high cut na ngayon lang niya napagtantong maaari palang maging mag-combination.
"Agahan na natin. Excited na 'ko e."
"Sus, tulog pa 'yon ng ganitong oras 'no."
She bit her lower lip—and dang, ngayon lang niya 'to nakita na gumano'n kaya yata nabigla ang puso niya at tila may kung anong pumitik do'n.
Nasapo niya tuloy ang sariling dibdib nang hindi oras!
"Okay ka lang?" puna sa kaniya nito tuloy. "Sige, sige na, kain ka na nga muna, baka gutom ka na. Wait kita rito sa sofa."
Kahit naman mag-stay 'to sa sofa at makikita niya pa rin 'to. Maliit lang ang bahay niya e, useless din.
"Pero kaya ko naman gisingin si Jio."

Comentário do Livro (13)

  • avatar
    Charice Araja

    nice

    25/05/2025

      0
  • avatar
    Reven

    500

    08/06/2024

      0
  • avatar
    SilvaBianca Beatriz da Silva Nascimento

    muito top

    21/04/2024

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes