Dahil sa ginawa ni Lizzie ay sabay silang natumba ni Arthur sa kinauupuan ng huli. Hayun tuloy, sa ibabaw siya nito nag-landing! At sa lahat naman ng pagkahulog niya ay 'yon na yata ang mas masaya. Mas masaya kahit dama niyang kapwa dumadagundong ang mga dibdib nila nito... Mas masaya dahil para siyang nakatanaw sa isang lugar na malapit na isang paraiso dahil sa ganda ng mga mata ng lalaking nakubabawan niya... "A—Ahm, puwede bang magtanong?" "Ano 'yon?" wala sa sariling tugon niya kay Art. "Ano ang height mo?" "4' 11," simpleng sagot niya. "4' 11 ka lang pero ang bigat mo!" bulalas nito. Kasabay niyon ay naramdaman na lang niyang nakalutang na siya sa ere dahil binuhat na pala siya nito patayo! "Shocks, sa susunod na ma-e-excite ka, tatandaan kong layuan ka na. Nakakatakot, baka atakehin ako sa puso sa gulat e," 'yon lang ang nasabi nito sa kaniya nang maiayos siya sa pagkakatayo nito. Saka 'to tumalikod na sa kaniya. "Magtatrabaho na 'ko, grabe nang delay ang task ko para sa araw na 'to," paalam nito sa kaniya. Nang maiwan siya ro'n ay agad siyang napaupo sa upuan na naroon. Kung hindi kasi siya uupo ay may pakiramdam siyang dadausdos na lang siya sahig any minute dahil sa panlalambot ng mga tuhod niya. Wala pang lalaking nakapagpalambot sa mga tuhod niya, ito pa lang. E, wala ka rin naman kasing ibang lalaking naisipan na sunggaban ng gano'n, Lizzie! Hay, ewan ba naman niya sa sarili niya. Parang kakakilala pa lamang nila ni Art San Martinez, napakakumportable na niya rito agad! "Ang palpak mo talaga!" usal niya sa sarili. Nahilamos na naman niya ang sariling mga palad pagkatapos. "Pero 'yon ang kapalpakan na hinding-hindi mo pinagsisisihan ah, in fairness naman sa 'yo talaga Lizzie Ang," pilya niya pang anas sa kaniyang sarili. *** "OKAY lang ako rito 'no," ani Lizzie sa kaibigan niyang si Agatha. Tumawag 'to sa kaniya upang kulitin siya na umuwi na at doon na lang makituloy sa unit nito. Hindi niya gusto ang idea na magiging pabigat pa siya sa matalik na kaibigan. Hindi gano'n ang friendship para sa kaniya. "Are you sure ba? Almost one week ka na sa bahay ni Art San Martinez ah. Daig mo pa ang nag-vacay d'yan huy!" Napahagikgik siya. "Oks lang ako talaga rito. Mabait si Art. Libre ako lahat dito saka may sahod pa, saan ka pa?" "Hay, ewan ko sa 'yo." "'Wag ka nang masyadong mag-alala, nagkausap naman na kami na 'pag nakabalik na si Jio San Martinez from honeymoon vacay nito, ise-set na niya ang interview, then, makakaalis na 'ko rito." "Kasi naman, hindi mo naman na kailangan 'yon, ikaw lang ang ayaw makinig. Sikat ka na kaya noon pa!" Bumuntonghininga siya. Ang kasikatan niya bilang journalist ay hindi saklaw sa pamilya niya. Sumikat siya sa Japan. Ibang usapan pagdating dito sa Pilipinas at mas ibang usapan pagdating sa pamilya na meron siya. "Kailangan ko 'to, Agatha.Trust me on this please," pakiusap niya sa matalik na kaibigan. Isa ito sa mga taong tine-treasure niya talaga dahil walang nagbago sa pakikitungo nito sa kaniya mula noong siyam na taon pa lamang sila't nagkakilala sila sa isang party ng mga negosyanteng pamilya nila hanggang sa mag-stay nga siya sa Japan no'ng mamatay ang mommy niya, at ngayon na nakabalik na siya. GINALINGAN ni Art ang pakikinig. Buti na lang at this time ay naka-video call si Lizzie sa kaibigan nitong parati niyang nauulinigan na kausap nito. Nang masiguro niyang tapos na 'to sa pakikipag-usap do'n ay saka siya lumabas sa pinagkukublihan niya para makakuha na siya ng kape niya. "Uy, tapos ka na sa trabaho mo?" bati ni Lizzie sa kaniya nang makita siya nito. Umiling siya. "Hindi pa, kukuha lang ako ng kape," kaswal niyang tugon. "May kumukuha pala ng labahin mo rito. Nakuha na nila kanina, inform lang kita." "Oo, mga nagwo-work sa laundry 'yon nitong condo. 'Wag mo na silang alisan ng trabaho okay?" Pagak 'tong tumawa. "Oo ba, sabi mo e." "Good. Saka 'wag ka na rin magluto mamayang dinner, ako na ang bahala ro'n." Nami-miss na rin niyang magluto, one week na rin na panay ito kasi ang nagluluto para sa kanilang dalawa. "Okay sige." "Bakit ang saya mo yata ngayon?" puna niya rito nang mapansin niyang iba ang ngiti nito ngayon. "Ah, wala naman, hindi kasi ako marunong maglaba. Nakakatuwa lang na pinoproblema ko 'yon, hindi pala dapat." "Ah," simpleng tugon na lang niya. Tumalikod na siya bago pa nito makita na napangiti siya sa sinabi nito. Buhat kasi nang mapunta 'to sa bahay niya ay problemado 'to sa kaseryosohan niya sa buhay. Binibili raw ang ngiti niya, ayon pa rito. And hey, oo na, simpleng bagay lang 'yon pero ayaw niya 'yong mabago. At hindi niya alam ang isasagot sa kung sino man na magtatanong sa kaniya ng bakit. Simple as that. *** NOONG magpasya si Arthur na mamuhay nang mag-isa ay natutunan niya ang lahat ng gawain nang siya lang mag-isa. Na wala kahit isang katulong sa loob ng bahay niya. Organize siyang tao. Pero sa pagdating ni Lizzie Ang sa bahay niya at ginulo siya nito, natabunan ng pagiging organize niyo ang inakala niyang organize na niya. Halos dalawang linggo na rin mula nang mapadpad 'to sa unit niya. Inakala niyang hindi niya kakayanin dahil introvert nga siya pero kinaya naman niya. Tinuring niya na lang na hamon 'yon sa kaniya ng tadhana dahil sa pagiging baliw niya. Nakakagulat man ang rebelasyon na kapatid pala 'to mismo ng may-ari ng kumpanya na pinagtatrabahuhan nito ay mas nakakagulat naman na may gano'ng mga tao pala sa sarili nilang kadugo. Anyway, naroon siya ngayon sa kusina niya. Lumabas siya sandali at tumayo sa harap ng laptop niya dahil nagtataka siya at walang Lizzie na nang-iistorbo sa kaniya para magtanong kung magkakape na ba siya or snacks, nakagawian na kasi nito 'yong gawin 'pag nasa harap siya ng laptop niya. Hayun tuloy, hinahanap na ng t'yan niya. "O, anong tinitingin-tingin mo sa mga 'yan?" untag sa kaniya ng babaeng hinahanap niya. Nasa banyo pala 'to. May bitbit pang eskoba, halatang naglinis ng banyo ang itsura. "Nakakatuwa naman 'tong ayos mo sa mga goods," sambit niya. "Nakakatuwa? Ha? Anong meron?" He shook his head. "Nag-effort ka lang naman na iayos sila nang ganyan, magandang tignan ah, ngayon ko lang napansin. Ngayon ko lang din nakita na nilagyan mo ng label ang mga lalagyan ko ng condiments."
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
nice
25/05/2025
0500
08/06/2024
0muito top
21/04/2024
1Ver Todos