logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

{LOA} 5:

"I'M sorry, napakapalpak kong tao talaga."
Isang malalim na buntonghininga ang tinugon ni Art kay Lizzie. Kanina pa nito sinasabi ang mga katagang 'yon, sa totoo lang. Mula pa no'ng nasa clinic sila hanggang ngayon na makauwi na sila nito sa bahay niya.
Lahat ng pinamili nila ay safe naman na nakarating sa unit niya dahil inutos na lamang niya 'yon sa isa sa mga empleyado niya.
Oo, puwede naman 'yon. Pinagbigyan lang niya talaga ang business journalist sa nais nitong pag-grocery dahil... wala lang.
Gusto niya lang.
Naisipan nito, sinang-ayunan naman niya, at wala nang masyadong maraming paliwanag do'n dahil may mga bagay naman na hindi na nangangailangan palagi ng paliwanag.
Iniwan niya 'to, nagpunta siya sa fridge, kumuha siya ro'n ng limang piraso na chocolate bar. Ito ang pumili ng mga 'yon e, so, i-assume niya ngayon na kailangan nito 'yon. May nabasa siya noon na ginagawang comfort food ng mga babae ang ice cream o kaya ay ang chocolates.
Well, good thing naman na ang sa journalist ay chocolate energy bar. Subok niya na rin kasi 'yon.
Nang balikan niya 'to ay patuloy 'to sa pagbulong. Ilang ulit din na hinilamos ang sariling mga palad sa mukha nito.
"Here," aniya rito. Nilapag niya sa harap nito ang chocolate bars.
"Thanks," at least, she manage to say.
Kinuha nito ang isa sa mga chocolate bar at sinimulan nitong lantakan 'yon.
"Feeling better?" tanong niya, pinaghila niya ang sarili ng upuan na nasa kabisera nito.
Alam niyang dapat ay wala na siyang pakialam dito dahil may trabaho pa siyang dapat na asikasuhin at dahil nagawa na naman niya ang dapat—dinala niya 'to kanina sa clinic ng mall, nalapatan 'to ng lunas do'n at inuwi niya 'to sa bahay niya. Kaya lang ay sa klase ng hinagpis nito, hindi niya maatim na iwan na lang 'to ro'n basta.
"Medyo," simpleng sagot nito sa kaniya.
"Hmn, bakit medyo lang?" Nakikuha na rin siya ng chocolate bar, binalatan niya 'yon saka kaagad na kinagat.
"E, namatay ang isa kong kuko," pahikbing sambit nito. Tila awang-awa sa sariling kuko ang tono.
He shrugged his shoulders. "Nakikiramay ako."
Napaamang 'to. Pagkuwan naman ay humagikgik.
May nakakatawa ba sa sinabi niya?
"Ano ang nakakatawa?" hindi niya napigilan na itanong.
"Ikaw. Nakakatawa ang itsura mo, nagjo-joke ka pero hindi ka naman nakangiti!"
"Ha? Hindi ako nagjo-joke. 'Pag may namatay, may makikiramay naman."
Mas natawa 'to. Pinahid pa nga ang luha na dulot na ngayon ng pagtawa. "Ewan ko sa 'yo!"
"Ewan ko rin naman sa 'yo. Alam mo bang hindi magandang gawain ang pagsasabi sa sarili na palpak ka."
Natigilan 'to sa sinabi niya. Pagkatapos ay mapait na ngumiti. Alam niyang mapait 'yon dahil nakikita niya 'yon sa mga mata nito... nakasalamin do'n...
"Salamat nga pala sa pagbuhat sa 'kin kahit nang matapos tayo kanina sa clinic. Kahit nakakapaglakad naman ako ay binuhat mo ako."
"Histerikal ka sa kamatayan ng kuko mo, wala 'yon."
Tumawa 'to ulit. "May sira ka rin, hindi mo lang maamin."
"Hmn, maybe. Pero never kong sinabi sa sarili ko na palpak ako. Sobrang yabang ko para sabihin ko 'yon. Ako nga ang nag-rescue sa hinahabol mong negosyante. Kung hindi dahil sa 'kin, hindi siya makakapag-function. Idea ko ang maging memorya niya."
Natigilan na naman 'to. Nagkatitigan lang sila habang pareho nilang nilalantakan ang chocolate bar.
Lumipas ang tatlong segundo bago 'to nagsalita, "Palpak naman talaga ako. Kita mo nga, kukunan ko lang ng interview si Jio San Martinez ay hindi ko pa nagawa. Tapos, 'yong kotse mo ilang beses ko pang sinurungan bago ko mapipi. Tapos, 'yong sa grocery kanina..."
He shrugged his shoulders again. "Minalas ang tawag do'n. Minalas kang ako ang gumawa ng listahan ng mga taong dapat kausapin ni Jio, minalas kang magandang klase ang kotse ng taong nais mong gantihan, minalas ka rin kanina sa grocery store dahil hindi ka nag-ingat. In every action we've made, may consequence, miss."
"Hindi naman ganyan ang sinasabi nila."
Tumaas ang isa niyang kilay. "Sinong sila?"
"'Yong may-ari ng company namin. Ang sabi nila isa akong failure."
Dinukot niya ang cellphone niya at saka siya nag-tap do'n. May hinala na siya pero ang saklap lang na sa isang pindot mo sa maliit na aparatong 'yon ay kung ano-ano na ang malalaman mo.
"Oo na, isa ako sa dalawang anak ng company namin," Lizzie said, nahulaan ang ginagawa niya.
Inalis niya ang atensyon niya sa hawak niyang phone. "Ikaw pala 'yong isa sa dalawang anak ng mga Ang at Gonzalvo. 'Yong nabalita na isa pa nilang anak."
Tumango 'to. "Palaki ako ng lola at lolo ko kaya hindi apelido ni Papa ang ginagamit ko. Ginagamit ko ang Ang sa school at trabaho ko, dahil gusto ko lang. Sa Japan ako nag-stay, sa mga grandparents ko. Nang sabay silang nawala last year, napilitan akong magbalik dito sa Pilipinas."
"Grabe nga," komento niya.
"Huh?"
Itinigil na muna niya ang pagkain sa chocolate bar nang mapuna niyang may kaunti pa ro'n na portion, niyupi niya ang label niyon na sadyang iniwan niya kaninang binalatan niya 'yon bago niya 'to sagutin, "Grabe nga 'yang parents mo. Mga salbahe. Akalain mo, katagal mong nawala rito sa poder nila tapos sasabihan kang failure dahil lang sa assignment na binigay nila sa 'yo."
"'Yong ate ko ang nagbigay ng assignment na 'yon. 'Pag daw kasi nakuha ko 'yong interview kay Jio San Martinez at matanong ko ang negosyanteng 'yon tungkol sa paglaslas sa pulso ng artistang si Stacy Ho, malaking break daw 'yon sa 'kin. Ang ate ko kasi ang CEO ng company."
"Baliw 'yang ate mo."
"I agree with that. Pero teka, kilala mo ba siya?"
Iningusan niya 'to. "Si Liz Gonzalvo."
Namilog ang mga mata nito sa gulat. "O. M. G!"
Tumango-tango siya. "Okay, para masabi mo sa sarili mong hindi ka talaga failure, aaminin ko na sa 'yo na hindi ikaw ang sinabotahe ko sa hindi ko pagsama sa 'yo sa list ng mga taong dapat ay makilala at makaharap ni Jio. Ang ate mo 'yon."
"Ang bad mo!"
"Wow, judger," biro niya rito. "But seriously, 'wag ka nang magmukmok, okay? Hindi totoo na failure ka. Narinig mo naman kanina 'di ba, nakausap ko na si Jio. Gagawan niya na ng paraan na makapagpa-interview sa 'yo."
Na-excite na naman 'to sa narinig. Bumukas 'yon sa mukha nito. 'Yon nga lang, hindi niya inaasahan na tatalon 'to na animo bata at saka siya sinunggaban ng yakap!

Comentário do Livro (13)

  • avatar
    Charice Araja

    nice

    25/05/2025

      0
  • avatar
    Reven

    500

    08/06/2024

      0
  • avatar
    SilvaBianca Beatriz da Silva Nascimento

    muito top

    21/04/2024

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes