Exaggerated na suminghap siya't sinapo niya pa ang sariling dibdib nang humarap siya rito. "So, totoo pala ang balita na nagpakasal na siya ro'n sa maid niya na naging assistant niya eventually?" Napaamang 'to sa kaniya. Naudlot ang tasa ng kape na hihigupin sana nito ang likidong laman bago siya tugunin, "That's a private wedding. Kita mo kahit ako ay nandito lang sa bahay ko at hindi imbitado sa kasalang 'yon." "Pero kinasal sila! Totoo 'yon. Sinasabi mo ngayon sa 'kin na totoo 'yon!" Kumunot ang mga kilay nito. "Yes, of course. Hindi ako sinungaling, Lizzie Ang. Totoo na nagpakasal na sina Jio at Cess," saka kaswal na sinambit. "Oh my G!" maarte naman niyang bulalas. Kunwari ay gulat na gulat siya. Umiling-iling 'to. "Tapos na 'kong magkape. Kung ayaw mong i-discuss natin ang sahod mo, then fine, bigay mo na lang sa 'kin ang bank account number mo." Tumayo na 'to. "Magsha-shower lang ako. Pagkatapos ko ay ikaw na ang gumayak para makapag-grocery tayo. Iisa lang ang banyo ko rito, by the way." 'Yon lang at naglaho na 'to sa harap niya. Naiwan na lamang siya na nakangiti na parang sira ulo ro'n. At least, mag-go-grocery sila. Mas mahaba ang oras na makaka-tsismisan niya 'to kesa naman nando'n lang sila pareho sa bahay at magtatrabaho lang 'to sa harap ng laptop nito gaya nang binalita sa kaniya ng bestfriend niyang si Agatha. S'yempre, may mga alam siya tungkol kay Art San Martinez. Hindi naman siya susuong sa sitwasyon na 'yon kung wala. Alam niyang maginoo 'to at hindi magte-take advantage sa sitwasyong may babaeng baliw na handang makasama 'to sa iisang bubong. Joke lang naman niya nang sabihin niyang kasama 'to sa usapin tungkol sa mga San Martinez. Pero hindi joke na g'wapo 'to, in fairness naman... *** "SO, samakatuwid ay may maid ka na rin pala," buska kay Art ng pinsan niyang si Jio. Habang nasa grocery store sila ni Lizzie ay tinawagan siya nito at napag-usapan nga nila ang tungkol sa huli. Nabanggit na niya kasi rito 'yon kagabi. Late na yata nitong natanggap ang mensahe niya kaya late na rin 'tong nag-react patungkol do'n. "She's not. Hindi ka ba nagbasa nang maayos? Ang sabi ko ay business journalist siya. Sinabi ko pa sa 'yo na maglaan ka ng kahit isang oras na interview sa kaniya para naman makabawi ako sa mga mali kong nagawa sa kaniya at para na rin makabalik na siya sa trabaho niya at sa bahay niya," aniya sa pinsan sa seryosong tono. Tumawa 'to. Inaasahan naman niya 'yon. "Sige, sige, kumalma ka. Oo na, gawan natin ng paraan 'yan." "Salamat." At least, masasabi na niya sa business journalist na tapusin na nito ang kalokohan na pananatili sa bahay niya dahil pagbibigyan na 'to ng pinsan niya. Akalain ba niyang aabot sa gano'n ang pagbalewala niya kay Lizzie Ang. Ang business journalist na walang tigil sa kakalagay ng kung ano-anong pagkain sa cart nila sa mga oras na 'yon. Ngayon lang siya nakakita ng maliit na babae na kayang bumuhat ng sampung piraso ng de lata nang sabay-sabay habang may crackers pa na nakaipit sa magkabilang kili-kili nito at may kagat-kagat pa nga na biscuit. Oo, gano'n ang ginagawa nitong paghakot sa mga paninda ro'n. Enjoy na enjoy 'to sa pag-grocery na animo mauubusan. "Please do it as soon as possible, Jio," pahabol niya pa sa pinsan. Awtomatiko ang pamimilog ng mga mata ni Lizzie nang marinig nito ang binanggit niyang pangalan. "Oh my, si Jio—" ang ibubulalas nito sana ay nabitin sa ere nang ma-realize nitong dahil sa excitement ay nahulog na sa isang paa nito ang isang lata ng corned beef na tangan nito kanina. "Tsk," palatak niya. Nagpaalam siya sa pinsan niya at iiling-iling na binulsa niya ang cellphone niya. Naiinis na pinagmasdan niya ang babaeng may pagka-clumsy at hindi nag-iingat. Nakasalampak 'to sa sahig na parang bata, sapo ang nasaktan na paa. "Haist, hindi ka nag-iingat," mahinang pagalit niyang turan dito. Niyuko niya 'to. Wala namang dapat na alisin na sapatos sa paa nito dahil naka-sandals naman 'to na flat. Kita ang mga kuko ro'n at body ng paa. Kaya lang ay tinatakpan nito 'yon ng palad nito at dahil nga nasaktan ay kandangiwi ang labi nito— Sh't, labi na parang nagbago ang kulay... "Hey, are you alright?" nagtataka niya nang tanong dito. "Ang sakit!" daing naman nito. Gone those playfulness in her big dolly eyes. Talagang nasasaktan 'to ngayon dahil maging ang labi ay kulay papel na! "Sh't," hindi niya mapigilan na masambit, "May I see your toe nails? Baka may namatay—" "Oh my God! Oh my God! Please don't say that!" tarantang sambit nito sa kaniya. He creased his forehead. "Hey, calm down, may clinic naman sila rito—" tatayo sana siya para kunin ang pansin ng isa sa mga civilian guards na naroon ay hinatak naman nito ang shirt niya. "Teka, kaunti na lang ay wala na ang sakit nito. 'Wag ka nang mang-istorbo ng mga nagtatrabaho sa paligid," ani 'to sa kaniya. Naiinis niya 'tong tinapunan ng tingin. Kanda pilipit pa rin 'to sa nasaktan na paa, walang kulay ang bibig at nagkakandangiwi sa sakit na nararanasan pero inaawat naman siyang dalhin 'to sa clinic. Bumalik siya sa kaninang pagkakatalungko niya at walang salita na kinarga niya 'to. "H—Hoy, te—teka!"
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
nice
25/05/2025
0500
08/06/2024
0muito top
21/04/2024
1Ver Todos