logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

{LOA} 2:

"HINDI mo dapat na ginawa 'yon," 'yon lang ang nakayanan na ibungad ni Art sa business journalist nang umakyat na siya ulit sa unit niya matapos niyang tignan kung ano ang ginawa nito sa kotse niya.
Sinurungan lang naman ng babae ang likuran ng kotse niya at mukhang hindi tinigilan hangga't hindi napipi ang gawing likuran niyon. Magandang klase ang sports car niya kaya hindi 'yon basta mapipipi lang ng isang surong kaya sigurado siyang maraming ulit na sinurungan 'yon ng business journalist.
At kumusta naman ang security sa parking ng condo? Mga walang nalalaman. Mga palpak. Pero hindi na rin naman siya nagreklamo. Wala rin namang mangyayari at nasa loob ng unit niya ang may kagagawan. Siya pa ang magmumukhang siraulo 'pag nagkataon, ang irereklamo niya, nasa loob mismo ng bahay niya, imagine?
"Sorry, sa inis ko ay nagawa ko na," simpleng sagot sa kaniya nito.
Hindi sinsero ang pagso-sorry, kaswal din na nakialam 'to sa kusina niya nang balikan niya 'to.
"May insurance ang kotse ko kaya hindi na kita sisingilin. Puwede ka nang umalis."
"Huh?" Sinulyapan siya nito habang may nakasubo 'tong lollipop sa bibig nito. "Bakit ako aalis, e, may atraso ka sa 'kin at may atraso ako sa 'yo kahit may insurance pa ang kotse mo 'no."
Namilog ang mga mata niya. "Pinakialaman mo ang mga candies sa fridge!"
"Oo, bakit? 'Damot mo ha, parang candy lang."
"Not that, I mean, baka expired na 'yan, kakauwi ko lang kasi rito, did you check the expiration date bago mo 'yan nilantakan?"
"Oo 'no, 'kala mo naman sa 'kin?"
"Ah, sabagay, kakapunta lang naman niya rito last month. Baka siya ang naglagay..."
"Huh? Sino?"
Naipilig niya ang ulo. "W—Wala. Ang concern ko lang naman ay halos three weeks na rin akong wala rito sa bahay ko. Gaya ng sinabi ko sa 'yo, wala na 'ko kay Jio, hindi na ako sa kaniya nagtatrabaho at kakauwi ko lang ngayon mismo dito sa bahay ko."
"Okay pa ang lahat ng foods mong nasa loob ng fridge, kung 'yon ang concern mo, 'wag kang mag-alala, mapapakinabangan mo pa sila," sabi nito sa kaniya.
"Ano 'yang ginagawa mo?"
"Kinuha ko 'yong isang buong manok na nakita ko sa fridge mo, then heto, isinalang ko sa air fryer para pang dinner natin." Sinipat nito ang suot na relong pambisig. "Almost six na rin ah, kaya pala nagugutom na 'ko."
"Oo, gabi na nga," simple niyang tugon. Tatalikuran na sana niya 'to para ipagpatuloy niya ang naudlot na pagbibihis niya kanina nang maalala niyang hindi pala 'to nararapat na naroon sa bahay niya! "Ah, Lizzie Ang," pagtawag niya sa pansin nito. Ngunit hindi naman siya narinig nito dahil nagpatugtog na 'to ng isang malakas na musika gamit ang cellphone nito.
Nalingunan niya 'to na sumasayaw at kumakanta habang nag-uunab ng bigas. Oo, imagine, kanina lang ay nasa pintuan niya 'to, ngayon ay nasa kusina na niya, nakapagsalang na ng manok, nakapag-unab na ng bigas, sumasayaw at kumakanta sa saliw ng musika na hindi niya sure kung nauunawaan nito dahil pang-Japan o Korea yata ang gano'ng lenggwahe...
Nakapagpalit na rin 'to ng damit. Kanina ay naka-pants 'tong maong. Ngayon ay naka-shorts na lang na maong din.
Oo, gano'n kabilis.
Kanina lang, nainis siya rito dahil sa walang pakundangan na pagpasok nito sa bahay niya. Mas kinainisan niya pa ang ginawa nito sa kotse niya. Pero ang lahat ng 'yon ay kanina pa naman. Ibang usapan naman ang ngayon...
Ang ngayon na nakakahawa ang sigla ng pagkanta at pagsayaw nito. Dahil kung wala 'to sa bahay niya, paniguradong nakababad na siya sa Netflix kanina pa. Gayong 'di hamak na mas magandang tanawin ang napagmamasdan niya ngayon kesa sa palabas sa Netflix...
"ANG sarap pala ng chicken 'pag sa air fryer niluto," tila sarap na sarap na sambit nga ni Liz nang magkaharap na sila nito sa hapag kainan.
"Yeah, less oil," simple niyang tugon naman. "Thanks by the way, for this, kung hindi dahil sa mga niluto mo ay baka mag-pizza lang ako ngayong gabi."
Nalukot ang ilong nito. "May tinapon akong left over pizza mo na nasa ref kanina. Grabe, sayang ang pizza. Hindi mo inuubos."
Natigilan siya sa akmang pagsubo niya ng kanin. "Ilang slice pa ang dinatnan mo?"
"Huh?" Nagtataka nitong sagot, "Ah, ng pizza ba? Ang nakasulat sa box niya ay mayroon siyang anim na slice. Noong binuksan ko ay mayroon pang apat, so, dalawa pa lang ang nakain mo. Mas marami kang sinayang since may amag na siya e."
"Well, hindi ko naman 'yon sinayang intentionally. Favorite ko nga ang pizza e."
"Nakalimutan mo lang gano'n?"
"Sort of."
"Hay, basta sayang. Mukha pa namang masarap 'yon. Hindi na napakinabangan," malungkot nitong saad. Talagang hinayang na hinayang sa pizza na nasayang.
"Sigurado ka ba sa nais mong mangyari?" naalala na lang niyang buksan dito.
"Ang alin? Itong pagiging maid mo?"
"Yeah, wala naman yata akong magagawa na kundi ang tanggapin ka sa bahay ko dahil sabi mo ay wala ka na ngang trabaho."
Ngumisi 'to sa kaniya kahit maraming laman ang bibig. Saka nagmamadaling uminom ng tubig. "Ay, oo, talagang intensyon ko rin na guluhin ka bilang parusa sa ginawa mo ngang pananabotahe sa assignment ko."
Nagkibit siya ng mga balikat. "Honestly, hindi ko 'yon sinasadya. Kilala ang pinagtatrabahuhan mong company na ang mga binibigay na tanong sa businessman ay masyadong komplikadong sagutin. Bilang personal assistant ni Jio San Martinez ay trabaho ko rin na protektahan siya."
That was the truth. 'Yon ang totoo kaya hindi niya 'to isinama sa list ng pinsan niyang si Jio.
"Ah, about that, sabagay naman may point ka naman."
"Of course, hindi kakayanin ng utak ni Jio na ma-stress sa panahon na 'to. At least, hindi ngayon. Pero malay mo, soon."
"On point. But for now, hindi ko na 'yan iniisip."
"Ows? E, bakit nandito ka pa sa bahay ko?"
"'Yong bahay ko kasi ay galing sa company. Pinalayas na nila 'ko nga 'di ba?"

Comentário do Livro (13)

  • avatar
    Charice Araja

    nice

    25/05/2025

      0
  • avatar
    Reven

    500

    08/06/2024

      0
  • avatar
    SilvaBianca Beatriz da Silva Nascimento

    muito top

    21/04/2024

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes