logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

The Suicidal Killer

The Suicidal Killer

RediousInPaper


Capítulo 1 The Night

A suicidal killer and a godly woman.
Damon, well -known name throughout the country. A name that when heard by all will be prayed with fear and trepidation. Name that can kill and take some lives. A name but a lot of life taken.
Nag simula ang lahat, isang gabi matapos mag cross ang landas ng dalawa.
Isang gabi na kung saan kakatapos lamang umawit ng kamatayan.
Isang gabi kung saan mag babago ang pananaw ng kamatayang nag ngangalang 'Damon'
~~~~~~~~~~~~
'Kapapasok lamang na balita, Tatlong bangkay ng tao ang natagpuan sa loob ng kanilang bahay na naliligo sa sarili nitong mga dugo. Ang naturang bangkay ay may nakaukit na letrang 'D' sa kanilang mga dibdib. Ayon sa mga resedenteng malapit sa pinangyarihan ng krimen, wala naman daw silang narinig na ingay o sigawan mula sa bahay. Sa ngayun ang mga polisya ay nag sisimula ng mag imbestiga sa naturang krimen.'
"As of now, may person of interest na kami. May ilang detalye sa mga katawan ng biktima ang aming nakuha at base sa aming pag aaral, ang letrang 'D' na nasa dibdib ng mga biktima ay posibleng gawa ng taong ito."
Natawa ako at pinatay ang telebisyon saka tumayo sa aking kinauupuan. Nag simula akong mag lakad patungo sa kusina ng aking bahay saka nilibot ang tingin.
"Ano kayang magandang gamitin?" Tanong ko sa aking sarili saka lumapit sa lababo kung saan nakalagay sa isang drawer ang mga kutsilyo.
Kumuha ako ng isang kutsilyo saka tinignan ang talas nito.
"Mapurol, mararamdaman ko ang sakit kapag tinarak ko ito sa dibdib ko." Sabi ko saka binalik ang hawak ko sa lagayan. Muli kong nilibot ang tingin sa kusina saka napa tingin sa isang drawer.
Agad akong lumapit doon at binuksan ang drawer na iyon. Napa irap ako ng makita ko ang mahabang tali na nandoon, kinuha ko ito saka pinagmasdan.
"Kung ito naman ang gagamitin ko, mararamdaman ko ang sakit pag binitin ko ang sarili ko." Sabi ko saka napa buntong hininga.
"Ano bang magandang gamitin? Gusto ko yung hindi ko mararamdaman ang sakit." Sabi ko sa taling hawak ko.
Natawa na lamang ako sa sarili ko habang naka tingin sa tali, muli ko itong binalik sa lagayan saka nag lakad pabalik sa sala.
Natigilan ako ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa kaya naman agad ko itong kinuha at nakitang may tumatawag.
"Oh?" Bungad ko ng sagutin ko ang tawag.
"Kunin mo ang bayad sa bank account mo, naka deposit na kami. May pa bonus si boss dahil sa galing mo. Pinapasabi din ni Boss na salamat." Natawa ako saka nag salin ng alak sa aking baso bago umupo.
"Pasabi sa boss mo, mag suggest naman sya kung ano magandang paraan para mamatay ng di nararamdaman ang sakit." Sabi ko, narinig ko ang pag tawa nito sa kabilang linya.
Napairap na lamang ako at pinatay ang tawag, akmang ibababa ko na ang aking cellphone ng muli itong mag vibrate. Si Boss.
Ininom ko muna ang alak na nasa baso ko saka ko sinagot ang tawag.
"Sino na naman?" Bungad ko, narinig ko ang hagalpak ng tawa niya.
"Naabala ba kita sa pag papakamatay mo?" Tanong niya.
Natawa ako.
"Nag iisip pa ko ng paraan." Sabi ko kaya mas lalo syang natawa.
"Pumunta ka dito sa hide out, may bago kaming ipapagawa sayo." Napakamot ako sa ulo ko saka napa sandal sa sofa.
"Sabihin niyo nalang kung sino." Sabi ko.
"Masyado kang nag mamadali, hindi mo pa nga nakikita ang itsura, pumunta ka dito." Napa buntong hininga ako saka tumayo.
"Sige." Sabi ko saka binaba ang tawag, kinuha ko ang susi ng motor saka ang coat ko bago lumabas ng bahay. Agad akong sumakay sa motor ko at pinaandar ito patungo sa hide out.
Pero bago pa man ako makadating sa hide out ay agad kong tinabi ang aking motor sa gilid saka tumayo sa harap ng tulay kung saan sa ilalim nito ay may rumaragasang tubig mula sa dam.
Nilabas ko ang sigarilyo sa aking bulsa at ang lighter mula sa kaliwang bulsang coat ko saka sinindihan ang sigarilyong nasa labi ko. Tumingin ako sa ilalim ng tulay saka napa isip.
"Kapag nalunod ako, saglit lang ang sakit. Tama ba?" Tanong ko sa sarili ko saka napa kamot sa ulo ko.
Paano ko malalaman ang tanong kung hindi ko susubukan. Agad akong sumampa sa tulay saka tumayo sa railings nito. Hinithit ko ang sigarilyo ko saka binuga ang usok.
"Sa wakas, may kapayapaan din." Sabi ko saka ngumiti. Pinikit ko ang aking mata saka nilanghap ang simoy ng malamig na hangin.
Muli kong bunuksan ang aking mata saka kinuha ang sigarilyong nasa labi ko saka hinulog sa baba ng tulay, nakita ko kung paano alunin ng tubig ang sigarilyo ko.
"Susunod na ako." Sabi ko saka dahan dahang tumalikod at pinikit ang aking mga mata.
"Sayonara." Bulong ko saka handa ng ihulog ang aking sarili sa rumaragasang tubig ng biglang may humatak saken pabalik at pababa ng railings ng tulay dahilan para maimulat ko ang mga mata ko, muli akong napa pikit ng makita kong pabagsak ako sa daan.
"Aray!" Daing ko ng bumagsak ang aking katawan sa lapag. Napa hawak ako sa aking ulo kung saan ito ang unang tumama sa sementong daan.
"Ayos ka lang ba?" Natigilan ako at kunot nuong tumingin sa nag salita. Mula sa harap ko ay may naka upong isang babaeng maputi, naka suot ng kulay pulang dress at nakatali ang buhok nitong kulay brown. Matangos ang ilong nito at makapal ang kilay nito, mahaba ang pilik mata at kulay brown ang mga mata. Kulay pink ang labi at namumula ang mukhang naka tingin sa akin.
"Sino ka ba?" Tanong ko dahilan para matigilan sya at mapanganga. Umirap ako at tumayo sa kinauupuan ko habang hawak hawak ang ulo ko.
"Bwiset, ang sakit." Daing ko.
"Seryoso ka sa tanong na yan?" Muli akong napa tingin sa babaeng nasa harap ko.
"Mukha bang nag bibiro ako sa tanong na yun?" Tanong ko kaya napa buga sya ng hangin dahil sa pagka bigla. Natatawa syang tumingin sa akin saka tumayo.
"Nililigtas lang kita, bakit ba naka tayo ka sa railings ng tulay? Gusto mo bang mama--"
"Sino ba kase nag sabing iligtas mo ako?"iritang tanong ko kaya mas lalo syang nabigla at di makapaniwalang napatingin sa akin.
"Hayst, kung hindi mo ako hinila pabalik siguro kanina pa ako nalulunod."iritang sabi saka napahilamos ng mukha.
"Baliw ka ba?" Di makapaniwalang tanong niya kaya napatingin ako ulit sa kanya.
"Ikaw kamo ang baliw." Iritang sabi ko saka tinalikuran sya.
"Wow ha, imbes na mag pasalamat ka kase niligtas kita eh parang labag pa sa loob mo na niligtas kita." Dinig kong sabi niya.
"Talagang labag sa loob ko." Bulong ko saka nag simulang mag lakad palapit sa motor ko ng maramdaman kong may tumama sa aking ulo na masakit na bagay kaya napa tigil ako at napa hawak sa ulo ko saka napatingin sa gawi ng babae na nasa likod ko.
Kunot nuo sya habang nakatayo doon at may hawak na maliit na bato.
"Ano ba?!" Iritang tanong ko.
"Hindi ka manlang mag papasalamat?!" Iritang tanong niya.
"Para saan ba?"tanong ko, natawa sya at halatang naiinis na.
"Kase nga niligtas kita! Utang na loob mo saken ang buhay mo kase n--"
"Eh di salamat!" Sabi ko saka muling tumalikod.
"Hoi! Labas sa ilong mo ang pasasalamat mo, mag pasalamat ka ng maayos!" Napa pikit ako ng muling may tumama sa aking ulo. Pinakalma ko ang aking sarili saka marahas na humarap sa kanya muli, blanko ang mukha kong tumingin sa dereksyon niya saka mabilis na lumapit sa kanya dahilan para matigilan sya at mag simulang matakot.
Agad ko syang hinila palapit sa akin saka tinitignan sa mata.
"Salamat." Madilin kong sabi habang nakatingin sa mata niya.
"Salamat kasw inistorbo mo ang pag papakamatay ko." Dagdag ko kaya nanlaki ang mata niya at agad niya akong tinulak palayo. Napa irap ako saka napatingin sa reaksyon niya.
"N-nag papakamatay ka?"tanong niya.
"Hindi ba halata?"iritang tanong ko, napa lunok sya saka nag sign of the cross dahilan para ma weirdohan ako sa kanya.
"Papa God, patawarin niyo po sya sa kanyang kasalanang ginawa. Hindi niya po alam ang ginagawa niya." Bulong niya kaya napa tigil ako, naka tingin lamang ako sa kanya saka huminga ng malalim at muling tumalikod sa kanya.
"Amen." Sabi ko saka nag simula ng mag lakad palapit sa motor ko at saka sumakay.
"Hoi! Lalaki!" Napatingin ulit ako sa babae na naka tayo parin sa kinatatayuan niya.
"Tapos ka na ba manalangin?"tanong ko. Nakita ko ang hindi makapaniwalang reaksyon niya sa kanyang mukha.
"T-talagang hayst! Kung ano man ang problema mo, hindi sulosyon ang pag papakamatay." Biglang sabi niya kaya natigilan ako sa pag kakabit ng helmet ko saka napatingin sa kanya ng seryoso.
"Ma swerte ka kase nabubuhay ka pa, hindi mo ba alam na madaming tao ang nais pang mabuhay ng matagal tapos ikaw sasayangin mo lang ang buhay mo? Mag dasal ka nalang kesa mag pakamatay ka." Sabi niya kaya muli kong pinag patuloy ang pag lalagay ng helmet ko saka tumingin sa kanya.
"Sige, ikaw na ang mag dasal para saken." Sabi ko kaya nagulat sya.
"Ha?" Tanong niya, pinaandar ko ang motor ko saka tinutok ang ilaw sa mukha niya dahilan para masilaw sya.
"Sabi ko, ipanalangin mo nalang ako." Sabi ko kaya napatingin sya sa akin.
"S-sige, a-anong pangalan mo?"tanong niya kahit na naguguluhan sya.
Natawa ako saka niliko ang motor ko.
"Damon." Sagot ko saka pinaharurot ang motor ko.

Comentário do Livro (104)

  • avatar
    ObregonJay-M

    grave maka Pera ka talaga dito

    5d

      0
  • avatar
    Rosemarie Castro Salgado

    sa1lamat po sa pag basa habang natutunan basa

    20d

      0
  • avatar
    Enrique Basto

    im scared

    27d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes