logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

5

PAGKATAPOS mag-lunch, naglakad-lakad sa tabing-dagat si Callie. Lahat na yata ng staff ng resort tinanong niya kung saan matatagpuan ang mga maninisid ng perlas pero ayon sa isa, wala umanong ganoon sa parteng iyon ng Surigao. Isa pa, ipinagbabawal umano iyon. Mas nakumpirma ang hinala niya na pinagloloko lang siya ni Lock. Ayaw ring sumagot ng cellphone ang walanghiya. Paano kung pati ang impormasyon na naroon si Benedict ay gawa-gawa lang nito?
Tinitigan niya ang screen ng cellphone kung saan nakapaskil ang pangalan ni Ben. Maging iyon hindi niya sigurado kung totoo.
"Humanda ka sa akin Lucardo kapag pinagloloko mo lang ako," magkatagis ang mga ngipin na aniya, pinindot ang Call button at itinapat sa tainga ang cellphone. Bahagya pa siyang nabigla nang mag-ring iyon. Then someone picked up on the other end.
"Yez?"
Umarko ang isang kilay ni Callie. Babae ang boses at halata ang kakaibang accent sa boses nito. Was it French? Or Russian?
"Y-Yes, hi. May I talk to Mister Benedict Brandon?"
"He'z underwater," anang babae matapos ang ilang segundo. Mula sa background, may nadidinig ni Callie ang tunog ng alon. May mga nag-uusap din. "Who eez thiz?"
"This is Ben Brandons' number? For real? I need to talk to him. It's important. May I know where you are right now?"
"Well, we're—"
Naputol ang pagsasalita ng babae. Then, Callie heard a man's voice. "Sino 'to?" Hindi niya alam kung bakit biglang lumukso ang puso niya nang madinig ang malagom na boses na iyon. Modulated at buong-buo ang boses. Very manly.
"M-Mister Benedict Brandon, I guess ikaw 'yan. Kailangan kitang makausap, magkita tayo—"
"Tinatanong ko kung sino ito."
Umarko ang isang kilay ni Callie. He sounded so bossy. "Callie. Maria Callista Rosanta, schoolmate mo sa De Lora State U—"
"Ah. Ang babaeng ninakawan ako ng halik."
"I did not! Excuse me, Mister—"
"Ano'ng kailangan mo?" tanong nito, boses suplado.
"Meet me in person. Saka ko sasabihin sa'yo." Ilang sandali na hindi ito nagsalita. Naputol na ba ang linya? Tiningnan niya ang screen ng cellphone. Hindi naman. "Hello?"
"Pumunta ka sa dulo ng Ravenwood Bridge," pagkasabi no'n, kagyat nitong pinutol ang tawag. Hindi makapaniwala ang anyo at pakiramdam ni Callie nang pakatitigan ang cellphone. He's so rude! At ano ang sinabi nito? Ninakawan niya ito ng halik?
Totoo naman 'di ba? Ninakawan mo siya ng halik, a mocking voice told her.
"Hindi naman siya dapat iyon, eh!" malakas niyang sabi, padaskol na isiniksik sa bulsa ng pantalon ang cellphone. Isang waiter na may dalang orange juice ang namataan niyang palapit. Kinawayan niya iyon. "Excuse me. Nasaan ang Ravenwood Bridge?"
"Iyong tulay po na 'yon, Ma'am," tukoy nito sa wooden bridge na nasa pagitan ng cottages. Ilang metro din ang layo no'n sa kinatatayuan niya at hindi niya makita ang dulo.
"Ano'ng meron sa dulo no'n?"
"Diving spot po iyon, Ma'am, para sa mga gustong mag-snorkeling. Mag-i-snorkeling po kayo? Kailangan po ninyong mag-rent ng diving gears sa front desk."
"Ah, hindi. May lulunurin akong butiki." She smiled and left the stunned crew.
Nagmamadali na tinalunton ni Callie ang direksiyon patungo sa Ravenwood Bridge. Mahaba iyon, may isang kilometro yata. Binilang niya ang mga cottage na nadaan. Sampung pares, mukhang iilan lang ang okupado. May mga nakasabay at nakasalubong siyang guests, ang ilan ay foreigner. Bawat lalaking makita niya ay kinikilatis niya nang husto, umaasang makakasalubong ang Benedict Brandon na iyon. But none of the men resembled that lizard-looking guy. Yummy ang karamihan sa nakikita niya.
Habol na ni Callie ang hininga nang ilang metro na lamang ang kaniyang layo sa dulo ng tulay. May namataan siyang mga tao roon, anim—tatlong babae at tatlong lalaki. Foreigners ang tatlong babae at dalawang lalaki. Higit na natuon ang atensiyon ni Callie sa nag-iisang Pinoy. Pinasadahan niya iyon ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Matangkad ang lalaki, nakasuot ng puting sando at board shorts, nakatalikod sa kaniya at abala sa pag-iihaw ng kung ano sa ihawan. Hindi ito payat pero kung ikukumpara sa dalawa pang katabing lalaki na may anim na pandesal sa tiyan at nagkikislutang mga biceps, nagmukha itong patpatin at plain-looking.
There you are, sa loob-loob ni Callie. Kinabahan siya nang slight nang tumimo nang husto ang binabalak na gawin. Hahalikan niya ang lalaki—ulit. She'd done that before. Ilang saglit na kahihiyan lang naman ang mangyayari sa kaniya. Kailangan niyang magtiis or else, she'll be kissing this frog for the rest of her life.
Dinukot niya ang kuwintas sa bulsa, isinuot at lumapit pa. Tinapik niya sa likod ng balikat si Benedict Brandon. Lumingon ito, gumuhit ang pagtataka sa anyo nang makita siya.
Callie gave him a cold smile. "Hi. Don't move, please. Saglit lang ito." Hinawakan niya sa magkabilang pisngi ang natigagal na lalaki.
At sinunggaban ito.
Her mouth was seconds away from his mouth when something unexpected happened.
May puwersang bigla na lang sumaklot sa likod ng T-shirt niya at hinila siya palayo kay Ben Brandon. Nagkumawag si Callie, halos mawalan ng balanse.
"Ano ba?!" sikmat niya, marahas na hinarap ang kung sinong buwisit na may hawak sa kaniya. Her nose collided with something hard, warm and wet. Shit. Nag-init nang husto ang mukha niya nang ma-realize kung ano iyong kaharap niya. It's a man's naked chest! Umangat pa ang mukha niya. A pair of almond-shaped dark eyes assaulted her. Naningkit ang mga iyon nang pakatitigan ang mukha niya. Nanuyo naman ang lalamunan ni Callie lalo nang ilang segundong nagtagal ang mga mata nito sa mga labi niya.
God, she thought, stunned. The guy was sinfully gorgeous. Isa na yata iyon sa pinakaguwapong mukha na nakita niya up-close and personal, to think na sanay siyang makakita ng guwapo at yummy dahil na rin sa trabaho nila. Marami silang customers sa KNG na foreigners, may artista, kaibigan ng mga artista, athletes, models at iba pa. But they all seemed to pale in comparison to the man before her.
Mas guwapo pa ang kumag na ito kay Reeve.
"G-Get lost," sabi niya matapos bumalik sa tamang huwisyo. Guwapo nga, pakialamero naman. Muli niyang hinarap si Ben Brandon pero muli rin siyang pinigilan ng lalaki. This time, sa siko niya sumaklot ang kamay nito. "Ano ba'ng kailangan mo?"
Tumiim ang bagang nito at mas naningkit ang mga mata. Tiningnan nito kapagkuwan ang mga kasama. "Leave us," sabi ng lalaki na agad naman sinunod ng mga kaibigan. Nataranta si Callie nang makitang inakay palayo ng isa sa babae si Ben.
"Wait! Ben Brandon!" Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak ng lalaki ngunit mas humigpit lang iyon. Nilingon sila ng mga kasama nito, napailing ang mga iyon, nagtawanan. Ben Brandon even made a circular motion using his forefinger on his temple. The universal sign for anyone who has a lose screw. "Aba't—hoy, hindi ako sira ulo."
"But you're acting like one," matabang na wika ni Pakialamerong Guwapo.
Teka...naiintindihan siya nito? Hindi mukhang Pinoy ang lalaki. Caucasian ang features. Pero ano ba ang nakakagulat doon? Naglipana na ang mga ganoon sa Pilipinas, mga mukhang banyaga na mas matatas pang magsalita ng Tagalog keysa sa mga totoong Pilipino.
"Huwag kang makialam dito. Hawakan mo uli ako, sasamain ka na sa akin." She turned to follow Ben Brandon but the annoying man blocked her way. Umabante ito sa kaniya, halos maduldol na ang ilong niya sa gitna ng dibdib nito. Walang choice si Callie kundi umatras hanggang sa bumangga ang likod niya sa balustre ng tulay. But the guy kept on advancing, intimidating her until he was leaning closer, the tip of his hair brushing against her cheek, his manly scent drowning her. "Stop! Ano ba'ng ginagawa mo? Sino ka ba sa tingin mo para lumapit-lapit ng ganito—"
"Cyclone Soccer Team. Shower room. Year two thousand five," sabi nito na ikinanganga ni Callie. Ano'ng pinagsasabi ng sira ulong 'to? Bakit kilala nito ang Cyclone? Was he a former member? Teka...binanggit nito ang shower room. How on earth did he—
Namilog ang mga mata ni Callie.
Oh no...Surely it's not...
Pinaglakbay niya ang mga mata sa kabuuhan ng mukha ng kaharap. Isang mukha at pangalan ang paulit-ulit na sumundot sa memorya niya pero ayaw maniwala ni Callie.
Imposible.
Kalokohan.
Tumuon ang mga mga tingin niya sa mga mata ng lalaki. She'd seen those eyes before...
"B-Ben Brandon?" naniniyak niyang tanong.
Hindi ito sumagot. He just smirked at her.
Ilang beses kumurap si Callie, umaasang dinadaya lang siya ng kaniyang paningin. Kinurot niya rin ang sariling hita, baka sakaling nananaginip lang siya. But the guy remained like that—sizzling hot and oozingly gorgeous.
Hindi na ito mukhang butiking kuneho!

Comentário do Livro (104)

  • avatar
    Abonita Y Maria

    nice

    27d

      0
  • avatar
    Oyan Chandrea

    yes

    03/08

      0
  • avatar
    CandolIan

    iugu

    02/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes