THE FIRST time Roxy met Cloud Kaiser, may pakiramdam na agad siya na hindi niya makakasundo ang lalaki. Asiwa na agad siya rito na nadagdagan nang mabuhusan niya ng beer pantalon nito. Pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi niya halos magawang tingnan nang deretso sa mga mata si Cloud sa tuwing magtatagpo ang landas nila. Lagi niyang naaalala ang kagagahang ginawa niya—ng kamay niya. At parang nanunukso na manunumbalik sa kaniya ang eksena, lalo na ang hitsura ng harapan ng pantalon ni Cloud. Erase that! Naalala niya si Ria. May malaking bahagi pa rin niya ang nagagalit sa ginawa nito. Sa kabila no'n, hindi niya mapigilan ang mag-alala. Iilan lang ang kaibigan nito sa Pilipinas, ang iba ay wala na sa Maynila. Kung tama si Cloud sa sinabi nito na pumunta nga sa kaniya si Ria, sobrang desperasyon na marahil ang nagtulak dito. She heaved a deep sigh and forced those thoughts back into the deepest recesses of her mind. Kung ano man ang krisis na pinagdaraanan nina Ria at Cloud, labas na siya ro'n. She have her own crisis to solve and it was right there on the other side of the road—the Game Zone. Napaingos siya bago bumaba ng kakarag-karag niyang Nissan pick-up truck at tumungo sa Crest. Hindi na siya nasorpresa nang makitang dalawa lang ang tao sa loob ng shop niya—ang bantay ng Crest Internet Shop na si Macoy at ang nobya nitong si Eloise. Nag-hi ang mga ito sa kaniya na ginantihan niya ng ngiti at kaway. Pumuwesto siya sa counter, ch-in-eck ang kaha at naglagay ng ilang barya ro'n. Lumabas din siya agad para pumunta sa bangko at i-withdraw ang natitira niyang savings. Akma na siyang sasakay sa pick-up nang mapansin ang sasakyan na kakahinto lang sa tapat ng Game Zone. It's a sleek red Ferrari and from there, a man emerged. Muntik na siyang mabilaukan kahit wala namang laman ang bibig niya nang mapagsino ang lalaki. Si Lion King! "Cloud Kaiser," usal ni Roxy. Pumasok si Cloud Kaiser sa gusali at dahil gawa sa salamin ang entrance, nakita niyang may sumalubong kay Cloud na lalaking nakasuot ng blue and black polo shirt na may nakaburdang GZ sa bandang dibdib. Uniform iyon ng staff ng Game Zone. "Ano'ng ginagawa ng isang Cloud Kaiser sa lugar na 'yan?" May pakiramdam na si Roxy kung bakit naroon si Cloud. Gusto pa rin niyang makatiyak. Namalayan na lang niya, tumatawid na siya sa kalsada. Pumasok siya sa gusali at iginala ng tingin sa paligid. Mahigit dalawampung desktop units ang nakahilera sa magkabilaang dingding, lahat ay okupado. May counter sa dulo, katabi ang maliit na cantene na gawa sa salamin ang mga dingding. Nababalot din ng naglalakihang posters ng kung anu-anong online at computer games ang mga dingding. She was impressed and a little envious. Kahit paano, hindi niya rin masisi kung bakit lumipat sa GZ ang mga customers niya. The place was like a paradise to those kids. On Roxy's right, there's a stair that leads to the second floor. Inakyat niya iyon. Mas maraming desktop unit sa ikalawang palapag, mas maingay rin dahil doon nagkukuta ang mga DoTA addicts. Sa siyam na buwan niyang paglalagi sa sarili niyang computer shop, kabisado na ni Roxy ang mga laro na patok sa customers niya. She even tried playing some of the games—Cabal, Rohan, Dragon Quest... "Where is that brute?" Ni dulo ng auburn-colored hair ni Cloud ay hindi niya makita. Namalik-mata lang ba siya kanina? Besides, ano naman ang gagawin ng binata sa ganoong klaseng lugar? Mag-Do-DoTA? The thought of that condescending man sitting in front of the computer playing that famous computer game was absurd. Ipinasya ni Roxy na bumaba na. Ngunit nakuha ang atensiyon niya ng mga kabataan na halos magsigawan na. Nagkakainitan na ang mga ito. Ano ba namang klaseng shop 'to? Wala man lang sumasaway sa customers nila. At saka, school hours pa, bakit santambak ang mga customer na naka-school uniform? Ipinagbabawal iyon, hindi ba? Isumbong kaya niya sa baranggay ang shop na 'to? Or kunan niya ng video at i-post sa Facebook page ng Bayan Mo, Ipatrol Mo ng ABS-CBN news? Hmm, why not coconut? Dinukot niya ang cellphone sa bag at pumunta sa Media. Itinutok niya ang cellphone sa mga binatilyong naka-school uniform. I-pe-press na lang niya ang Record button nang may bumangga sa likod niya. She was thrown forward; her phone fell and skidded on the floor. Nagkaroon ng hiyawan at sigawan sa paligid. Paglingon niya, ang dalawang binatilyong nagsusuntukan sa sahig ang tumambad sa kaniya. Unti-unting pinalibutan ang mga ito ng mga customers na panay anf cheer at sulsol. "'Oy!" hindi na niya napigilang sigaw. Nakita niyang dumudugo na ang ilong ng lalaking nakahiga sa sahig. They were both shouting with anguish and pain. "Tumigil nga kayo! Ano ba! Awatin ninyo!" Lumapit si Roxy sa dalawa at hinila sa beywang ang lalaking nasa ibabaw, hila-hila ng kaaway nito ang polo shirt nito. Mistula siyang nakikipag-Tug of War at wala man lang nag-abala na tumulong sa kaniya. Lumakas pa ang hiyawan ng mga tinamaang ng kulog! "Bitiwan mo siya, 'oy! Tumigil na sabi kayo—aray, kalabaw!" hiyaw niya nang tumama sa ilong niya ang siko ng lalaking hila-hila niya. Nabitiwan niya ito, saka sinapo ang nasaktang ilong. It was throbbing; the pain made her eyes watered. Nang tingnan niya ang kamay, pakiramdam niya ay inilublob siya sa isang drum ng nagyeyelong tubig. Dugo! Dumudugo ang ilong niya! "Oh God, I'm dying!" nagpapanic niyang sigaw. Walang pumansin sa kaniya. The room seemed to sway and her visions and hearing became vagued. Mamamatay na siya pero ang mga tao sa paligid niya ay naghihiyawan pa na parang mga buwang! Unti-unting nabuwal sa kinatatayuan sa sahig si Roxy. Bago tuluyang tumama ang mukha niya sa semento, isang pares ng mga bisig ang sumalo sa kaniya. She instantly caught the scent of a man's perfume. She looked up and was assaulted by a pair of dark gray eyes. Concern ang una niyang nabasa sa mga matang iyon, pagkatapos ay napalitan iyon ng rekognisyon at kalituhan. Na nahaluan ng iritasyon. "What the heck are you doing here?" Mapaklang ngumiti si Roxy. Nang magsalita siya, slurred na ang dating ng boses niya. "The same question goes for you, Mister Obnoxious." Tumiim ang mga bagang ni Cloud Kaiser. Bago pa man tuluyang lamunin ng dilim ang paningin niya, narinig niya ang sagot ng binata sa boses na puno ng kaarogantehan: "I own this place, lady."
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Ang ganda🥰🥰
08/04/2025
0it's good novel
18/03/2025
0it's nice, I like it the story
08/03/2025
0Ver Todos