Apocalyptic Dawn (Ang Pag-usbong ng Bagong Epidemya)
February 20, 2031. Kasal na nila MJ at Luke ngayon at nandito kami sa Germany. Ang sabi ng magaling na MJ sa January daw pero February ang naging ending. Syempre ako ang maid of honor at ang best man naman ang Baby ko. Nasa reception na kami, actually kanina pa nga kami nandito at ngayon 11:50 pm na. Lasing na iyung mga jowabells ng mga bakla. POP-POP-POP! Alam kong notification ko na naman iyung sumasabog kaya binuksan ko ang phone ko at tinignan ko kung saan ito galing. 5 emails galing sa ibat-ibang taong naghihingi ng advice sa akin at ang isa galing sa Philippines Government kaya tumayo ako at binasa ko ito sa wala masyadong tao. 'This is Philippines Government, an Apocalyptic event happened again and we need your help. Different officials of each country have received this message and you Princess Thainah of England are summon to help us stop the spread of the Epidemic in the Philippines. Bring equipment and weapons that will help you. Thanks for giving time to read this message.' binasa ko ito gamit ang isip ko at napanganga talaga ako. Napatingin ako sa relo ko at it's 12:03 am ito na ang taon at araw na mauulit muli ang zom– "Sasama ako." Napatalon pa ako nang biglang sumulpot sa likod ko si Kai Den. P*ta ako lang dapat ito e. Sasama pa tuloy ang lalaking 'to! "Rawr! Rawr!" "Ano iyun?" tanong ni Kai. Naalarma ako sa narinig ko na iyun. Parang isang Zombie. "Si Paw at Lenzy!" sigaw ni MJ. Napatakbo kami sa loob ng reception at nakita na lang namin si Lenzy at Paw na nakatali sa upuan. "Ito na iyun, February 21 sampong taon na." Kabadong sabi ni Kai kaya ito ako iniisip pa rin kung ano ang gagawin ko. RAWR! RAWR! Ito… Ito na ang araw na kinakatakutan kong mangyari. Pihadong sila Lolo at Lola Zombies na rin ngayon. Dinial ko ang number ni Kira sa phone ko. "Kira!" sigaw ko rito. "Princess Thainah, we immediately gave them a dosage of medicine, they are resting in their room now." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabing iyun ni Kira. "Good to hear, puwede ka bang magpadala pa nang dalawang gamot dito para kay Paw at Lenzy?" tanong ko pa. "Sure, don't worry." sagot n'ya kaya pinatay ko na ang phone ko. "Thainah, nakatanggap ako ng email galing sa Philippines Government, tutuloy ka ba?" tanong ni Gelo sa akin. Hindi ko pa alam kung tutuloy ako lalo't ang kulit nitong si Kai. Nag-aalangan pa rin ako dahil kung isasama ko s'ya baka mapahamak pa siya at ganoon din kami. Baka tumanggi muna ako sa ngayon. "Pag-iisipan ko pa." sagot ko sa tanong ni Gelo. Wala akong malay na totoo pala ang history at theory na iyon. Na mangyayari uli ang Epidemyang iyun pagkalipas ng isang dekada. Sa pangalawang pagkakataon lumaganap na naman ang Zombies Apocalypse sa buong Pilipinas. Reminder: must read the Season 1 before you proceed and read this Season 2, to know the other characters completely. Plagiarism is a crime! _ _ In the past decade, is it possible for an event to happen again? Ang pagkakaroon ng Zombies Apocalypse sa Pilipinas ay isa na sa mga history ng bansa. History, nasa magazines, minsan ng naitala sa d'yaryo, nasa ibat-ibang klase ng aklat, nababalita kada taon sa petsa kung kailan ito naganap at tila pinagdiriwang pa ng nakararami, at higit sa lahat ang kaganapang iyon ay hindi mawawala at nakatatak na sa puso at isipan ng bawat Filipinong nakasaksi at nakaranas nito. Maraming tao ang nagsasabi na hindi totoo at walang ganitong mga nilalang ang puwedeng mabuhay sa mundo, isa lang daw itong sabi-sabi at gawa-gawa lang ng mga taong malawak ang pag-iisip at imahinasyon. Ang totoo talaga kaya nila sinasabing walang zombies, maligno, aswang, nilalang na nanggaling sa ibang planeta at multo ay dahil sila ang totoong duwag at takot na humarap sa katotohan na totoo ang mga iyun at nasa paligid lang natin sila, na kahit anong oras puwede nila tayong sakupin. Isa ako sa mga taong buhay na ng taong 2021, taon na lumaganap ang isang epidemya rito sa Pilipinas. Ako si Aubrey Lana, isang babaeng walang pinag-aralan, laging inaapi ng mga tao at mismo ng sarili kong pamilya. Sa labing-isa na nakaligtas sa Zombies Apocalypse isa ako sa mga hindi pinalad. Labing-isang survivors at pinangungunahan ng mga kabataan. Mismo sila nasa history na, Kai Den Jimenez, Gelo Hariz, Maxime Hariz, Cyrien Dell, Zeki Rizzy, MJ Rizzy, Ivan Atienza, Khlianne Atienza, Thyron Ruiz, Jennry Ruiz at higit sa lahat ang babaeng nagngangalang Thainah Ryl. Tanging sila lang ang nakaligtas dahil iyung ibang naiwan naging zombies na rin sa hindi pa malaman na pangyayari. Yung Thainah Ryl na yun, sa lahat ng survivor s'ya ang pinakahinahangaan ko. Binasa ko lahat ng artikulo, aklat, d'yaryo at hindi pa ako nakontento at nag-research pa ako sa ibat-ibang site para lang ma-check ang background n'ya. Thainah Hariz ang totoo n'yang pangalan dahil nakita ko sa aklat na sila mismo ang nagmamay-ari at nagsapubliko, isang rebelde at bastos na kabataan noong panahon na nawala s'ya sa tamang landas, meron din s'yang dugong bughaw pero iba s'ya sa ibang maharlika kaya sobra ko talaga s'yang tinitingala. Isa siyang badass at ginawa ko s'yang modelo sa paghahandang ginawa ko. Magkasing-edad kami kaya tiyak kong may pag-asa pa para makita ko s'ya at purihin. Kung hindi dahil kay Thainah Ryl, malamang sa malamang halimaw na ko ngayon. Nakakatakot ngang isipin na mangyayari pa pala ang epidemyang iyon pagkalipas ng sampong taon o isang dekada. Matapos ang epidemyang iyun at matapos makaahon ng Pilipinas sa tulong na rin ng ibang bansa lalo na ng England ay binigyan nila kami ng babala. Babala na ni isa sa kanila ngayon ay mukhang walang nakatanda at nakaalala. Hinanda ko ang sarili ko habang maaga pa at hindi ako nagsayang ng oras at panahon, nag-ipon ako ng mga kagamitan, sapat na pagkain at inumin para sa sarili ko, damit na kailangan, at makabagong weapon na ako lang ang nakatuklas. Ang pagkakaroon ng Zombies Apocalypse sa Pilipinas ay isang pagkakataon na pinakahihintay ko para makaganti. Nang sumapit ang ang alas dose ng madaling araw naghintay ako kung may pagbabagong mangyayari sa akin. Wala akong nilagay sa kokote ko kundi ang salitang 'Lalabanan ko ito' at sa hindi inaasahan, sa milyon-milyon na infected na tao ako lang ang hindi tinablan ng kamandag na iyun. I killed them. I killed my family. I killed people who did nothing but make fun of me in my whole life. I killed people–zombies who were supposed to be die. I will kill them in my own hands if needed. Ito na ang panahong inantay ko sa isang dekadang nagdaan. Hindi ito katakot-takot subalit para sa akin ito ang solusyon sa matagal ko ng inaasam na kalayaan. The cowards will be left behind, and the fearless will be survive. •••• AUBREY POV Eksaktong alas dose ng gabi nang mag-post ng update ang Philippines daily, dali ko naman in-screenshots lahat ng detalye na nakalagay rito at matapos no'n isa-isang nam*tay ang ilaw sa paligid at ganoon din ang tubig. Hudyat na magsisimula nang balutin ng mga halimaw ang buong Pilipinas. Kahit hindi sigurado kung magiging infected ako ay naghanda pa rin ako. Ang paghanda sa laban na ito ang pinaka maganda kong nagawa sa buong buhay ko. Kinuha ko ang phone ko at binulsa ko ito, sumunod ko namang sinuot ang mga wrist band na binili ko at binalutan ko ng matibay na tape ang magkabilang pulso ko. Matapos kong maghanda ay hinintay ko na lang kung tatablan ako ng lasong dumadaloy sa katawan ko. TENENNENENEN! TENENNENENEN! Mabilis kong pinatay ang alarm ng phone ko hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Saktong alas tres na ng madaling araw. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ko ang sarili ko rito, kinapa ko pa ang peklat sa leeg ko dala ng kagat sa akin ng isang halimaw. Hindi ko maiwasang matuwa, walang nagbago sa akin. Binasa ko ang detalye na nakuha ko sa Philippines Daily habang nakatambay sa bintana. "Philippines Daily gave all of you a warning last decade and now our dreaded event will happen again. We are sorry to report to you that there is no cure to stop this apparent curse. This Apocalypse has no cure. This will happen again and again after ten years and will happen again in the next generations of the Philippines. But the President of the country has figured out a way to break this curse. K*lling of them is a solution to stop the epidemic. Wala ng batas na pipigil sa pagp*tay at malaya na ang lahat ng taong p*tayin ang sinumang halimaw ang magtatakang kagatin at hawaan sila, ang batas na ito ay puwede lamang gawin sa mga infected at hindi sa normal na tao. We have to kill them so we can start a new life. Mabuhay at maghanda sa darating na Epidemya." Hindi mapantayan ang ngiti sa labi ko nang mabasa ko lahat ng iyun. Wala ng batas ang pumipigil sa pagp*tay? Isa itong magandang balita. "Gabayan n'yo po ako sa mga gagawin ko." Magkadikit pa ang mga palad na sambit ko habang nakatingala. "Sana po mapatawad n'yo ako." RAWR! RAWR! Sinuot ko ang bag ko, nakasabit naman sa bewang ko ang mga weapons tulad ng kutsilyo, tubo, at ang inembento kong baril at iba pang sandata. Dahan-dahan akong sumilip sa maliit na kawang ng pinto ng kuwarto ko at nakita ko naman sa labas nito ang pamilya ko. Matapang naman akong lumabas para kumustahin sila. DRAGH! DRAGH! DRAGH! Matapos ko silang kumustahin ay nilabas ko na ang mga bangkay nila sa likod bahay. Gumawa ako ng ibat-ibang klase ng patibong sa labas ng bakuran namin. Patibong na hindi mo talaga kakayaning mabuhay. Sa sampong taon na nagdaan marami akong natutunan at pinaghandaan. Miske wala akong pinag-aralan pinilit ko ang sarili kong matutunan ang paggawa ng mga kakaibang bagay. Nag-aral ako gamit ang sarili ko at hindi ang eskwelahan, sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa talyer at repair shop ni Mang Lindo ay natuto akong kumabit ng mga kuryente ng sasakyan at pag-ayos ng sirang telepono at radyo. Malaking tulong sa akin lahat ng iyun ngayon at wala akong ibang pinapasalamatan kundi ang sarili ko. Pumasok ako sa loob ng bahay para magluto ng hapunan pero pagbukas ko ng ref wala itong laman naalala ko hindi pala ako nakapamalengke kanina dahil masyado akong naging abala sa paghahanda sa araw na ito. Ayaw ko rin naman pakialaman ang inipon kong pagkain sa bag dahil in case lang na kailangan ko iyon gagamitin. Mag-iisip na lang ako ng ibang paraan para makakain. Pinasok ko ang kabilang bahay na wala man lang pirmiso sa may-ari nito. Isa na rin silang zombies kaya ang ginawa ko kinumusta ko rin sila gaya ng ginawa ko sa pamilya ko. Kinuha ko lahat ng pagkain na meron sila at inuwi ko ito sa bahay. Alas kuwatro na ng madaling araw at maya maya na lang ay gising na ang mga halimaw. Iniisip ko pa lang na lahat ng Pilipino ay apektado nito at naging zombies na dati ay parang wala na talagang pag-asang makapagsimula ang Pilipinas. Paano aahon ang bansa kung wala namang mga mamamayan ang titira rito? Hindi naman pupuwede na mag-anak nang mag-anak lahat ng mga taong natira at magparami na lang ng lahi. Isa man itong kalayaan sa akin nalulungkot naman ako lalo't naiisip ko pa na hindi lang ang mga edad na gaya ko ang naninirahan dito, maraming nahihirapan. Halos daig ko pa ang isang patay gutom o ang taong hindi nakakain ng ilang araw dahil naubos ko lahat ng pagkaing nakuha ko sa kapitbahay, wala na akong natira para mamaya. Pinagkaitan ako ng magandang buhay, namatay si Papa ang kaisa-isang karamay ko rito sa bahay noong 2021 kasagsagan rin ng Epidemya, kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano s'ya patayin ng mga taong wala rin naman ginusto kundi ang mabuhay. Naiwan ako sa stepmother ko at sa stepsister kong si Alexa. Masama na talaga ang trato nila sa akin habang nakatalikod si Papa at mas tumindi pa ito nang mawala si Papa. Mas mahal pa nga nila 'yung alaga nilang aso kaysa sa'kin, kaya ganito na lang ang saya ko nang map*tay ko silang lahat pati na rin iyung aso. Hinding-hindi ko malilimutan noong mag-asawa uli ang stepmother ko, mabait ito sa akin kaya nawili ako dahil akala ko kagaya s'ya ni Papa pero nagkamali pala ako. Ayaw ko ng maalala lahat ng miserableng nangyari sa akin. Pilit ko itong kinakalimutan nang sa ganon ay puwede na uli akong mamuhay ng normal. Ang Zombies Apocalypse na ito ang nagbigay sa akin ng normal na buhay na gusto ko. Hinugasan ko ang pinggan na pinaggamitan ko at naghintay na ako ng pag-sikat ng araw. ___ Lumipas ang tatlong araw at patuloy lang ako sa daily routine ko. Gigising, kakain, papatay tapos tutulog. Ganon lang ginagawa ko, lumalabas ng bahay para patayin ang mga halimaw. Gusto ko na silang maubos. Mas lumakas sila, tila ba'y para lang silang tao kung mag-isip. Sa totoo lang mahirap silang patayin dahil kung minsan may patalim rin silang kapit at nakikipagtigasan pa sila. Pero dahil intensyon ko naman talagang mangyari ang lahat ng ito, pin*tay ko na rin sila mapa-bata o matanda man. Naglalakad ako ngayon sa kalsada, umaga na uli. Sa umaga lang talaga ako nakakalabas ng bahay dahil tuwing malakas lang ang sikat ng araw hindi sila nakakagalaw. Dala ko ang tubo at ang baril ko na naglalaman ng isang daan na pakong bala. Ginamit ko ang utak ko para ma-imbento ang mga ganitong klase ng sandata. Para akong titser na nags-stapler ng test paper, lalapit ako sa zombie na walang malay tapos itututok ko sa batok nito ang baril at pasasabugin ito ng ni isang ingay walang nilalabas. Babaon lang naman sa utak nila ang pako at matatamaan ang ugat sa ulo nila at pagkatapos no'n babagsak na lang sila. Kada may nasasalubong akong zombie pinapatay ko lang sila ng walang nilalabas na ingay. Apat na araw na akong naglilibot pero ni isang survivor wala akong na-engkwentro. Ako na lang ba mag-isa ang tao sa Pilipinas? Nasaan ang rescues? Bakit ni isa sa kanila hindi nalabanan ang virus na kumalat sa katawan nila? Bakit sarili ko lang ang nakikita ko sa lugar na ito? Ang dami-dami kong tanong pero lahat ng iyun ako lang rin ang nakapagbigay ng sagot. Siguro ako nga ako na lang ang natirang survivor. Wala nang darating na rescue dahil pati mga kawani ng gobyerno at ang mga army ay zombies na rin. Hindi nila nalabanan ang lason sa katawan nila dahil mahihina at wala silang lakas. Bulag siguro ako dahil sarili ko lang ang iniisip ko, paano ko sila makikita e wala naman akong pake sa kanila. Marami na akong naubos na bala kaya tubo na lang ang gagamitin ko. Tinakluban ko ng panyo ang mukha ko na parang isang facemask, ayaw kong matalsikan ng mga berdeng dugo ang bibig ko at matikman ito. Baka maging kagaya pa nila ako. Nakangising lumapit ako sa tulalang halimaw sa harap ko at pinaulanan ko ito ng hampas sa ulo hanggang sa mawala na ito sa mundo. Malakas ang tunog na nilabas ng tubo at halos lahat ng halimaw na nasa paligid ko nakatunog sa ginawa ko. Napatawa lang ako at mabilis na tumakbo. Nakakatakot ang mga itsura nila, iyung iba may dalang palakol, tapos meron ding may dalang pala. Nag-iisip nga sila pero ang nasa utak nila ang p*tayin ang mga taong gaya ko. Tumakbo ako sa bakuran at inilagan lahat ng patibong pagpasok ng bahay sumilip agad ako sa bintana at isa-isa ko silang pinanood na mabitag sa mga patibong. Pinagtawanan ko lang sila habang naiipit sa mga steel bars na matatalim. Yung iba sa kanila nakalampas pa sa steel bars kaya sa pangalawang patibong na mas matindi ang sakit sila binawian ng buhay. Lumabsot sa mga patay nilang katawan ang mga matitilos na steel bars na mistulang parang pana na nilabas ng dingding ng bahay namin. Kontrolado ko ito sa pamamagitan ng isang remote control na naimbento ko nang mahigit limang taon. Habol hiningang napasandal ako sa sofa ng dahil sa nakakapagod na pangyayaring iyun. Natawa pa ako sa bandang huli nang ma-realized kong buhay pa ako. Ang sarap mabuhay sa ganitong mundo. Malaya mong magagawa lahat ng gustuhin mo. Wala signal kaya wala akong magawa para malibang kundi ang paglalaro ng Zombie Road Kill ang nag-iisang game sa phone ko. Kailangan ko lang naman patayin lahat ng zombies dito gaya ng ginagawa ko araw-araw, ang pagkakaiba nga lang masyadong mahirap sa totoong buhay. KLING! KLING! Na alarma ako nang biglang tumunog ang mga bell na sinabit ko sa bakuran hudyat na merong nakapasok. Kinuha ko ang baril sa mesa at sumilip ako sa bintana. Wala naman akong nakitang kakaiba o halimaw sa labas, baka nagalaw lang ng ibon o ng malakas na hangin kaya tumunog. Pero hindi pa rin kumbinsido ang isip ko kaya in-slide ko pataas ang bintana at sumilip ako sa labas gamit ang ulo ko. RAWRRRR! Mabilis kong binalik ang ulo ko at sinara ko ang bintana nang muntikan na akong mahaklab nito sa leeg. PLAGH! PLAGH! Walang tigil n'yang pinaghahampas ang bintana. DRAGH! Isang beses ko itong binaril at inasintado sa ulo. Natumba naman s'ya at hindi na nakatayo. Nabasag pa ang bintana sa pagbaril kong 'yon. Alas nuebe na nang hating gabi ako dinapuan ng antok kaya naisipan kong munang matulog at palipasin ang gabing ito. Umakyat ako sa kuwarto ko at nahiga ako sa kama habang katabi ang baril at nakapatong naman sa mesang nasa tabi ng kama ang kutsilyo at tubo ko. TIKTILAOK! Agad akong napabangon nang makarinig ako ng huni ng isang manok. Umaga na naman. Mabilis akong lumabas ng bahay at hinanap ko ito. Nakita ko ang isang pang sabong na manok dahan-dahan akong naglakad papalapit dito at mataas akong tumalon mula sa kinatatayuan ko at ginapos ko ito sa dalawang braso ko. "Hindi ko akalaing buhay ka pa adobo HAHAHA!" Parang sirang kinausap ko ang manok na ito habang naglalakad pa balik ng bahay. Ni isang zombie wala akong nasalubong dahil naubos ko na yata sila sa apat na araw na nagdaan at itong araw na ito ang panglima. Kumain muna ako ng adobong niluto ko at umakyat na muli ako sa kuwarto para maligo. Nagpapatuyo na ako ng buhok nang may nakita akong lalaki sa bintana sa kabilang bahay. Malaki ang bintana sa kuwarto nito kaya kitang-kita ko ang ginagawa n'ya. Wala pala s'yang ginagawa, tanging nakaupo lang s'ya sa kama at nakatulala. Nagulat pa yata s'ya nang may malakas na kumalabog sa pinto. "Tss ka lalaking tao." Iiling-iling pang ani ko. Lumipas na naman ang ilan pang araw at ngayon na ang pang-siyam. Naubusan na naman ako ng stock ng pagkain kaya ito mangangapit-bahay na naman ako. Sumilip ako sa bintana ng isang bahay na napili kong kunan ng pagkain, may isang zombies sa loob at matandang babae na ito. Siguradong hindi na s'ya makakalaban sa'kin. Naka-lock ang pinto kaya sa mismong bintana na rin na ito ako pumasok. Tiyak kong mayaman ang nakatira rito dahil may isang malapad na flat screen na dining room at living room nila. Tahimik at walang ingay lang akong naglakad papalapit sa kusina. Hindi ko na pin*tay iyong matanda dahil nakaupo lang naman s'ya sa sofa. Kinuha ko lahat ng pagkaing nasa ref at nilagay ko ito sa dalawang net bag na dala ko. Halos mapuno ko nga ang mga ito sa dami, may iilan pang natira sa ref nila na hindi ko na naipagkasya sa net na dala ko. Pagkatalikod ko sa ref ay napatigil ako. Nilapag ko sa sahig ang mga kapit ko at tinutok ko sa matandang papalapit sa akin ang baril ko.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 74 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (6)
OrlandaSalvador
cute
12/11
0
AnggaLj
hahaha fav song mo ata yong line without a hook eh same tayo
cute
12/11
0hahaha fav song mo ata yong line without a hook eh same tayo
27/10
0nice
20/10
0Ver Todos