logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER SIX

Lumipas ang isang linggo ang pags-stay namin dito sa kampo ng Duressa. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Shivani matapos kong marinig ang sinabi niya noong araw na iyon. Maging ako ay lito sa sinabi niya pero may tiwala pa rin naman ako sa kanya kahit kakakilala lang namin sa isa't isa.
Sa isang linggong iyon ay isinubsob ko ang sarili ko sa mga gawain dito. Katulad ng pagtulong sa paglilinis, pag-aayos ng mga gamit at iba pa. Pero ang hindi ko inaasahan, tuturuan din nila akong humawak ng baril, espada, sibat at pana.
Lahat kami rito ay babae. Ipinapaalala rin nila sa amin maya't maya ang mga rules dito.
Bawal ang lalaki, bawal makipagrelasyon sa lalaki, bawal lumabas kung hindi ka nakatataas at hindi ka ipapadala sa isang gera sa labas.
Higit sa lahat, matuto kang rumespeto.
"Rackhie ba ang pangalan mo?"
Mula sa pagka-yuko ko sa pagpupunas ng isang baril ay may lumapit sa akin. Gaya ng lahat ng nandito ay maputi rin siya at may tattoo. Maikli ang buhok niyang kulay itim na may halong pula. Nakakulot pa 'yon. Nakasuot din siya ng kaswal na damit pero maraming balat ang kita.
"Oo. Bakit?" tanong ko nang itigil ko ang aking ginagawa. Nagpagpag ako ng kamay at tumingin sa paligid. Baka kasi may nakatingin sa akin at isumbong na naman ako dahil nakikipagdaldalan ako sa oras ng trabaho. Parang 'yung nangyari lang nung nakaraang linggo.
Sandali siyang tumahimik bago niya kinuha ang kamay ko. May inilagay siya roon. Itatanong ko sana kung ano 'yon at para saan nang bigla siyang maglaho. Sumama siya sa hangin.
Ano 'to? Bato? Anong gagawin ko rito?
Hindi ko inaalis ang tingin ko roon. Tsaka lang ako nakabalik sa katotohanan nang lumapit sa akin ang isang babaeng gwardiya at tinaasan ako ng kilay. Nagtatanong kung bakit wala akong ginagawa kundi ang tumulala.
Nagbow na lang ako para magsorry. Bilang respeto na rin.
Bumalik ako sa pagpupunas ng baril habang naroon pa rin sa isip ko ang batong 'yon. Para saan ba 'to? Hindi ko mawari kung may mahika rin ba ito katulad noong sa kanila dahil halos lahat na lang ng gamit na nakikita ko rito ay may kanya-kanyang magic.
Sa huli ay itinago ko na lamang 'yon sa bulsa ko. Hindi na pinagtuonan ng pansin.
Hapon na, kailangan na naming mag-ensayo ulit para sa gerang hindi malaman kung kailan magsisimula. Lahat ay may kanya-kanyang armas na hawak at kunwari'y kalaban samantalang ako ay nakatayo lang at pinapanood silang maglaho agad at biglang lumitaw ulit.
Marami pa akong katanungan sa isip ko hanggang ngayon at mas lalo pa 'yong rumarami habang patagal ako nang patagal sa kampong 'to.
Lahat sila'y hindi ako magawang lapitan dahil daw sa amoy ko. Marami pa ngang galit sa akin noon tapos pinapalayas ako rito dahil tao ako. Kesyo baka raw makatakas ako dahil wala naman daw akong mahika tapos marami pang iba. Pero hindi ko sila pinapansin katulad nga ng sinabi sa akin ni Midnighte.
"Midnighte! Shivani! Pinuno! Si Jhea ay pinaslang! Pinaslang nila ang kapatid ko!" sigaw noong isang babae kaya lahat ay natahimik at napahinto sa ginagawa nila.
Maging ako ay napatingin doon. Hawak-hawak nung isang babae ang kapatid niyang nagku-kulay blue na ang kulay ng balat. May malaking hiwa mula sa dibdib hanggang binti kaya kita na ang kaunting laman pero walang tumatagas na dugo kahit malalim.
Nagkagulo ang lahat. Sabay-sabay silang lumapit sa bangkay noong babae habang hawak ang kapatid niya. Nagsimula na tuloy magbulong-bulungan ang mga katabi ko. Maging ang mga taga-ibang bansang mga babae rito ay nakikisali na rin.
'What happened? What killed her?'
'Something's happening. I knew it.'
'I can see her tattoo disappearing'
Dahil sa narinig ko ay na-curious ako sa sinasabi nilang nawawalang tattoo. Dali-dali akong naglakad papunta sa harapan, nababangga ko pa ang iba dahil wala na akong mapwestuhan dahil kumpulan. Katawan lang kasi ang nakikita ko kaya gusto kong lapitan para mas makita ko nang maayos ang mukha.
Nang makarating ako sa harapan ay nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang mukha noong babaeng nagbigay ng bato sa akin kanina. Wala na siyang malay---o buhay. Nawawala nga ang tattoo niya at unti-unting sumasama sa hangin.
Napatigil ako sa pagtingin doon nang may kamay na pumatong sa braso ko. Pagka-tingin ko ay bumungad sa akin ang naka-ngising mukha ni Wendy. May lollipop pa siya sa bibig niya. Hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin siya roon sa bangkay sa harap.
"Ano sa tingin mo ang nangyari sa kanya, Rackhie?" tanong niya. Nakatingin na siya ngayon sa akin.
Taka ko siyang tiningnan. "E-Ewan ko---"
Umirap na lang siya at hindi na pinakinggan ang sasabihin ko kaya tumigil na lang ako. Lumapit siya roon sa harap at lumuhod nang bahagya hindi nakalagay ang pwetan sa lupa. Sakto lang para makapantay 'yung babaeng umiiyak habang hawak 'yung isa pang babae.
"Hindi maganda ang kutob ko rito, Fundadora," lumapit sa kanya si Midnighte pero nanatili lang siyang nakatayo roon pero nakatingin sa baba kung saan naka-luhod si Wendy.
Biglang naglaho si Wendy sa harapan namin. Sa isang iglap ay napunta siya sa ere. Kasabay ng tunog ng kampana na nakabibingi para sa akin pero sa kanila, hindi. Nanatili lang ang lahat na nakatingin sa pwesto ni Wendy.
"What are we going to do now?" tanong noong foreigner sa likod ko na nakatingin din sa taas.
"We're going back to the city," sagot niya rito tsaka tumingin sa akin. "Babalik tayo sa siyudad," ulit niya pa.
Nakarinig ako ng bulung-bulungan sa paligid. Ang lahat ay nakahanda sa darating na gera kung sakali mang meron pero nanigas lamang ako sa kinatatayuan ko at hindi malaman kung ano ang gagawin ko sa nangyayari.
Biglang lumitaw si Shivani sa harapan ko. Kasunod niya si Ravenne na galit na galit ang itsura na parang papatay na siya anumang oras ngayon. Pulang-pula kasi ang mga mata niya.
"Anong nangyari rito?" tanong niya tsaka hinawakan ang tattoo noong babae. Nawawala nang kusa 'yung tattoo niya at patuloy pa ring sumasama sa hangin. "Papatayin nila tayong lahat!" malakas na sigaw niya na nag-echo pa sa paligid.
Nagsigawan ang mga babae. Lahat sila ay bigla-biglang nawawala at sumusulpot kung saan saan.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may humawak sa akin at bigla kaming naglaho. Nang mapunta kami sa kung-saan ay humarap ako para tingnan kung sino 'yon.
"Wendy?"
Dahil sa sinabi ko ay namula ang mga mata niya kaya bahagya akong napaatras. Hindi ko alam kung galit pa rin siya sa akin pero hindi ako galit sa kanya kaya ako nakikipag-usap ulit sa kanya ngayon.
"Landrice ang pangalan ko," pagtatama niya sa akin. Diretsong-diretso ang tingin niya sa akin na para bang gusto niyang tusukin ang kaluluwa ko gamit lang ang mga mata niya.
"Bakit mo ako dinala rito?" Nandito pala kami sa kampo pa rin. Sa isang kwarto. Sa tingin ko, ito ang kwarto niya dahil puno ng itim na mga gamit ang kwarto. Paboritong kulay niya 'yon.
"Kailangan nating mag-usap," hinila niya ang palapulsuhan ko at hinagis paupo roon sa dulo ng higaan niya. "Hindi ko alam kung galit ka pa sa 'kin---"
Pinutol ko agad ang sasabihin niya, "Never akong nagalit sa 'yo. Tampo lang pero wala na 'yon ngayon," sabi ko tsaka ngumiti sa kanya pero hindi niya ibinalik ang ngiting 'yon.
"'Wag kang lalabas dito," sabi niya sa akin.
Agad akong nagtaka sa sinabi niya. "Huh? Bakit naman? May nangyayari na ba talaga sa labas?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Basta h'wag kang lalabas. Kahit tawagin ka ni Shivani. Naiintindihan mo ba?" tanong niya. Wala siyang ekspresyon sa mukha kaya para lang siyang nagbabasa ng isang sentence habang nakatingin sa akin.
Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong bigyan ng baril. "Marunong ka ba humawak nito?" tanong niya kaya tumango ako na parang bata. "Gamitin mo 'yan kapag may lumapit sa 'yo rito. Barilin mo kaagad, naiintindihan mo?"
"Bakit naman?"
"'Wag kang puro tanong sumagot ka na lang nagmamadali na ako." Naramdaman ko na ngayon ang kaba sa boses niya dahil nagkaroon na iyon ng emosyon.
"Oo, sige,"
"Babalikan kita rito agad, may kailangan lang akong tapusin," sabi niya tsaka tumayo. Nagliliyab pa rin ang mga mata sa galit.
Naglaho na siya sa harapan ko kaya tumingin na ako roon sa baril na binigay niya.
"Ano ba talagang nangyayari?"
Wala pang ilang minuto nang paghihintay ko ay nakarinig ako ng putok ng baril mula sa 'di kalayuan. Nasa taas ako ngayon kaya hindi ko marinig nang maayos ang sigawan pero alam kong sigaw 'yon ng sakit.
"Tangina, anong gagawin ko rito, tangina," paulit-ulit akong nagmumura habang nanginginig ang tuhod sa kaba. Napakalakas ng putukan sa labas.
Naestatwa ako sa kinauupuan ko nang biglang may kumatok sa pinto kaya tahimik akong napatayo. Ikinasa ko 'yung baril tsaka ako nagtago roon sa tabi ng cabinet.
Nang hindi ko 'yon buksan ay tumahimik naman ito kaagad kaya medyo nakahinga ako nang maluwag pero hindi pa pala 'yon tapos dahil mas lumakas ang katok doon! Para bang kinakatok 'yun ng isang malaking tao dahil saglit pa lang na pagkatok ay masisira na agad ang pinto!
Pinilit kong hindi huminga para walang makarinig sa akin. Baka sakaling tumigil. Naririnig siguro nila ang paghinga ko lalo na malakas ang pandinig ng mga bampira.
Nang konti na lang ay malapit nang mabuksan ang pinto ay itinutok ko na ang baril ko roon. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko para pakiramdaman sila at mabawasan ang takot ko sa loob. Kinakabahan ako.
Bigla na lang may lumitaw na hangin sa harap ko. Si Ravenne! Hinihingal pa siya. May mga pasa siya sa braso at binti pati na rin sa mukha. May mga sugat siya!
Gustuhin ko man siyang lapitan ay pinigilan ko ang sarili ko dahil sa sinabi ni Wendy.
"Landrice... Nakita mo ba si Landrice?" bulong niya sa akin para hindi kami marinig noong nasa pinto. Napa-upo na siya sa sahig kaya sinalo ko siya agad. Tiningnan ko kung gaano kalalim ang sugat niya.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon pero alam ko sa sarili kong gusto ko siyang tulungan.
"Ang dami mong sugat---"
Inilagay niya ang daliri niya sa labi niya para senyasan akong tumahimik. Hawak-hawak niya pa ang tagiliran niyang napana pala habang nakatingin sa akin.
"Ako na lang ang magsasalita dahil hindi nila ako maririnig," bulong niya. "Kanina ko pa hinahanap si Landrice. Nakita mo ba siya?" tanong niya sa akin habang hinihingal pa rin dahil sa sugat.
Tinanguan ko na lamang siya.
"Kailangan na nating umalis dito," pinilit niyang tumayo atsaka tumingin sa bintana pero agad bumalik ang tingin niya sa pinto nang mas lumakas ang mga katok doon. "Pero paano?" tumingin siya sa akin. Nanghihina na.
Tumingin ako sa paligid upang makakita ng pwede naming gamitin para makaalis dito pero dahil walang masyadong gamit dito, wala rin akong nakita. Hanggang sa nakaisip ako ng ideya.
"Maglaho kaya tayo?" Suhestiyon ko. Pabulong pa rin.
Umiling siya. "Hindi ko na kaya. Baka kung saan tayo mapunta," sagot niya sa akin. "Kailangan muna nating hanapin si Landrice dahil nakasarado pa 'yung portal. Hanggat 'di 'yon nabubuksan hindi tayo makakalabas sa isla," sabi niya sa akin tsaka ibinalik ang tingin doon.
Tumingin din ako roon.
Bigla na lang huminto 'yung katok nang makarinig kami ng putok ng baril. Sunod-sunod pa 'yon. Napaatras kami ni Ravenne nang barilin din nito ang doorknob.
Tumingin si Ravenne sa akin pati roon sa bintana. Pinagsasalitan ang tingin sa akin at doon sa baba. "Kaya mo bang tumalon?"
"Huh? Paano ka?"
"Tanga gusto mo bang mamatay ka nang tuluyan dito? Hanapin mo si Landrice!" nanghihinang sabi niya.
"Wala na si Landrice eh, sorry," napaharap kami sa pinto nang biglang lumabas doon si Shivani na may hawak na baril. Hindi tulad ni Ravenne, wala siyang kasugat-sugat sa katawan. Puro talsik lang 'yon ng dugo.
At ang pinagtataka ko, wala na ang tattoo niya! Balot na balot na ang katawan niya ng itim na satin suit. Para siyang isang business woman.
"Nasa'n 'yung t-tattoo?" pinilit pa ring magsalita ni Ravenne kahit hirap na hirap na siya kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan siya pero tinabig niya ang kamay ko. "Sh-Shivani..."
"Hindi ko na kaya. Ayoko na."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya kaya napunta sa akin ang tingin niya.
Sarkastiko siyang tumawa. "Oo nga pala. Wala kang alam..." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Hindi Shivani ang pangalan ko. Ang pangalan ko..."
"Sunny," pagpapatuloy ni Ravenne.
Nanlaki ang mga mata ko. "Sunny?" Nagsimula na akong kabahan. Siya ba 'yung Sunny na kaibigan ko? O magkapangalan lang sila? Pero nakikita ko 'yung ugali ni Sunny sa kanya!
"Kakausapin ko siya! Susubukan ko siyang pakalmahin para makasama ka sa'min mamaya, promise!" itinaas niya pa ang kanang kamay para magsign ng promise. "Hoy bakla, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo manlang ako pinapansin? Ha?" pahabol na sigaw niya rito.
Biglang pumasok ko ang isang conversation namin ni Sunny sa utak ko.
"Hoy bakla, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo manlang ako pinapansin? Ha?" Iritadong sabi niya habang nakakunot pa ang nuo sa akin.
Ganoon din ang sinabi niya!
"Sunny?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumiti siya sa akin. "Yes!" sigaw niya sabay yakap sa akin. Napayakap din ako sa kanya pero agad na hinila ni Ravenne ang damit ko palayo sa kanya.
"Hindi siya mapagkakatiwalaan," bulong niya sa akin na para bang hindi iyon maririnig ni Shivani. Tiningnan niya ito ng masama. "Traydor ka talaga! Traydor kayong dalawa ni Aia!" sigaw nito sa kanya pabalik.
Natahimik ako at hindi malaman kung ano ang gagawin. "Huh?" Naguguluhang tanong ko. "Aia? Bakit napunta si Aia rito?"
"Bakit naman siya maniniwala sa 'yo, Farrah? E sinigaw-sigawan mo nga si Rackhie at pinagsalitaan ng masasamang salita! Pinagbibintangan niyo siya!" Sigaw niya pabalik dito. Tumingin siya ulit sa akin. "Tara na, iwan mo na 'yan," sabi niya at kinuha ang palapulsuhan ko.
Binawi ko agad 'yon sa kanya. "Farrah?" Pakiramdam ko ay may lalabas na kung-ano mula sa lalamunan ko habang sinasabi nila ang mga pangalan ng mga kaibigan ko. Pinagsalit-salitan ko pa ang tingin sa kanilang dalawa. "Ano ba talagang nangyayari?"
"K-Kasama si Aia at Sunny..." Pilit ni Ravenne na magsalita nang maayos pero hangin lang ang lumalabas sa bibig niya. "Kasama sila sa Ridge clan," sa wakas ay nasabi niya na ang gusto niyang sabihin. Hindi nawawala ang tingin sa akin.
Natulala ako sa kinatatayuan ko. Hindi alam kung ano ang gagawin.
Bigla na lang lumitaw si Landrice sa harapan namin kaya napaayos kaming lahat. Duguan siya. Masama ang tingin kay Shivani. Agad niyang hinawakan si Ravenne. Hahawakan niya rin sana ako nang hawakan ako ni Shivani.
"Walang makakaalis. Kahit subukan mo pa, Wendy," nakangising sabi nito kay Landrice. Tinawag na siya sa totoong pangalan niya! Naramdaman ko tuloy ang init ng mga mata ni Wendy.
"Putangina niyong dalawa ni Aia! Pinatay niyo si Celine!" Galit na sigaw nito kay Shivani. Paiyak na ang boses niya. "Sakim kayo! Mga traydor kayong putangina niyo! Sarili nating kaibigan pinatay niyo para lang makabalik sa Ridge? Napag-usapan na natin 'to! Hindi pa rin kayo sumunod!" Tumulo na ang luha ni Wendy habang nagsasalita.
Maging ako ay napaluha na rin dahil sa pagsabi nila sa mga pangalan ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanilang lahat. Ang gulo.
"A-Ano..?" hindi makapaniwalang tanong ni Ravenne sa kanya. "Sila 'yung---"
"Pinatay ni Midnighte si Jhea!" Sigaw ni Wendy habang umiiyak pa rin. "Ngayon, wala na tayong pag-asa para makaalis sa isla na 'to. Hindi na tayo makakaalis sa islang 'to!"
"Hindi mo ako maloloko. Nasa 'yo ang susi---"
"Si Celine lang ang nakakaalam ng susi... Pero pinatay niyo na si Celine. Hindi na tayo makakalabas sa isla pabalik sa Ridge," nanlulumong deklara ni Wendy.

Comentário do Livro (9)

  • avatar
    Nurhan Palada

    good morning

    09/08

      0
  • avatar
    Badenas Macmac Kenneth Jake

    beautiful ❤️

    29/05

      0
  • avatar
    Nicky Villamor Vega

    good message

    05/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes