logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6:

Bleu's POV:
"I'll fetch my kids at 3pm diba? Kasi end of classes nila by that time?", tanong ko sa nursery teacher ni Tobi.
"Yes po, nag-send na ang school nang schedule of classes actually sa email niyo."
"Ahhhh.", parang timang na tango ko.
Masyado akong balisa na kinakabahan? Parang separation anxiety kasi I'm now sending my kids to school. Tobi in kindergarten, while Laine in 1st grade.
Private school naman 'to and known for having a really tight security. Actually, nasa classrooms na nila si Tobi at Laine. But then, I can't really stop myself from worrying.
Biglang napangiti ang nursery teacher ni Tobi at tinapik ang balikat ko.
"Mahirap po talaga sa una, pero 'wag po kayong mag-alala, marami pong matututunan ang mga anak mo while having fun at the same time, they're safe here.", saad ng nursery teacher na animo'y nabasa niya ang nasa isip ko.
Pilit akong napangiti sabay tango, hinawakan ko ang mga kamay niya;
"Paki-ingatan po ang mga anak ko.", nanlalamig kamay kong pakiusap sa kanya, para namang hindi uuwi sa bahay mga anak ko nito eh hahaha.
The nursery teacher made sure na walang akong dapat ipag-alala, bawal kasi ang parents sa loob ng school in the middle of classes, hatid-sundo lang dapat.
Hindi ko pa nasasabi pero may trabaho rin ako, I'm currently working at home as a content writer, we write or create blog posts, articles or any forms of written web material.
Ngayong araw kailangan ko rin maghanda para sa magaganap na family dinner mamayang gabi, hindi ko alam kung dadalhin ko ba si Tobi o hindi kasi ayokong magkagulo.
Kahit nagdadalawang isip talaga ako at nababahala na iwan si Laine at Tobi ay kailangan ko lakasan loob ko, it's not like malalayo sila sa akin ng matagal, they're learning.
Nag-drive na ako pauwi after ko titigan sa labas 'yong school for almost 20 minutes kasi 'di ako makaalis.
Mukhang magiging tahimik ang bahay pag-uwi ko kasi wala silang dalawa, para akong t*nga kasi naiiyak ako, miss ko na agad dalawang anak ko.
Zane's POV:
"I'm now sending her to school, don't worry. Anyway, I might attend the family dinner later, actually depends sa mangyayari sa client meeting ko.", kausap ko ngayon si Claire sa phone.
[No!] - mabilis niyang sagot.
"No?", kunot noo kong tanong sabay hininto ang kotse nang tapos na ako mag-parking.
[Your client is important, unahin mo. You don't have to attend the family dinner after.], sabi niya sa kabilang linya.
Parang kahapon lang muntik kaming mag-away sa kotse kasi gusto niyang andoon ako sa family dinner but now nag-iba na naman ang ihip ng hangin.
Mga babae nga naman.
"It's okay, I can handle. Anyway, I need to go, nasa harap na kami ng school ni Shane."
[You don't really have to be there! It's not that impor—]
"Let's stop talking about it, male-late na si Shane. Bye.", I cut her off and ended the call kasi mas hahaba pa ang usapan kung hindi ko binabaan.
Napatingin ako kay Shane na nakaupo sa tabi ko, she's looking at me innocently.
Ngumiti ako, my happy pill.
"Let's take your seatbelt off? You'll be late for school.", sabi ko sa kanya.
"Dad, no! I can take it off my own, look ha?"
Napasandal ako sa driver's seat at pinanood siya, mas lumapad ang ngiti ko habang tinitignan siyang nahihirapang tanggalin ang seatbelt niya, but she succeeded.
"You did a great job, my intelligent one.", I gave her a kiss sa taas ng ulo niya saka tinanggal ang seatbelt ko.
"Wait, okay? I'll open the door for you.", sabi ko at dalawang beses siyang tumango, ang cute talaga.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at binuhat siya palabas sa kotse, kinuha ko 'yong kulay pink niyang backpack sa backseat at sinuot ito sa kanya.
"Let's go?", told her as I offered my hand to her, inabot niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob ng school.
Buti hindi pa kami late, hinatid ko siya sa harap ng classroom niya at 'di pa nagsisimula ang klase.
"Oh hi there, Mr. Arden!", bati sa akin nang teacher niya.
"I'm sorry, we're almost late.", paumanhin ko.
"Ano ka ba hahaha okay lang, hindi pa kami nagsisimula, I'm introducing their new classmate.", sabi nito sabay hampas sa balikat ko ng mahina.
I slightly smiled.
"That's great."
Binaling ko ang tingin ko kay Shane. Niluhod ko ang isang tuhod ko para maging kasing taas kami kahit medyo mas matangkad pa rin ako.
"Be good and enjoy learning. Be nice to your classmates as always, especially to the new kid and listen to your teacher", paalala ko kay Shane.
Nag-salute ito sa akin,
"Yes, sir!"
Sabay kaming natawa ng teacher niya.
"Pasok na.", sabi ko saka napatayo na.
Hinawakan ng teacher niya si Shane at hinatid ito sa upuan niya, sumilip ako sa loob ng classroom.
Napatingin sa akin si Shane kaya I waved goodbye and she waved back enthusiastically.
Pagkatapos ihatid no'ng teacher si Shane ay lumapit ito ulit sa akin.
"My wife will take her home later, plase take care of her."
"Oo naman hahaha ingat ka ah?", sagot nito sa akin na may pahampas na naman sa balikat ko.
Napakamot ako sa leeg ko saka tumango.
"I need to go.", paalam ko.
Bago ako tuluyang umalis ay sinilip ko ulit si Shane sa loob pero wala na siya sa upuan niya, nakatayo siya ngayon sa harap ng isang batang lalaki na para bang pinapakilala niya sarili niya.
"Oh, that's the new kid by the way. Si Tobi."
"Tobi?"
Napatango siya.
"Pakilala ko sayo. Tobi! Halika."
Agad na lumingon ang batang lalaki at patakbong lumapit sa amin, napangiti ako.
"Po?", nahihiyang saad nito nang makalapit sa amin.
"Say hi to uncle Zane, isa siya sa mga nagspo-sponsor ng school na 'to."
Napa-angat ito ng tingin sa akin.
"Hi po!", nahihiya pa rin nitong bati.
Ginulo ko ang buhok niya.
"Pangalan mo?", tanong ko sa kanya.
"Tobian James po tapos my Mom calls me Tobi  and everyone else.", sagot niya.
"Ang galang at ang bait diba?", ani naman ng guro.
Suddenly, nagpalipat-lipat siya ng tingin sa akin tapos sa batang 'yon, kaya nagtaka ako.
"Bakit?"
Tumawa siya bigla,
"Wala hahaha medyo mag-kahawig kayo hahahaha"
Napayuko ako ulit ng tingin sa bata.
"Maybe, I think it's the eyes and the nose.", sabi ko at sumang-ayon naman 'yong guro.
Napatingin ako sa wristwatch ko.
"I need to go.", paalam ko ulit sa guro.
Binalingan ko ng tingin ang bata.
"I'll see you around, little Tobi.", sabi ko at tumango ito.
Paalis na sana ako nang bigla nitong kunin ang kanang kamay ko kaya gulat akong napayuko ng tingin sa kanya;
"Bakit?"
Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha sa bulsa ng uniporme niya saka inilagay ito sa palad ko.
Dalawang candy.
"Because I think you're nice. Mom taught me to be kind to nice people."
Bahagya akong natawa.
"Your Mom taught you well, always be kind."
"I will po. Byeeeeee", paalam nito sabay kaway tapos patakbong pumasok sa loob ng classroom.
Nakangiti akong sinundan siya ng tingin bago ko naisipang umalis.
Zach's POV:
Napaupo ako sa harap ng bar counter, nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.
"Baka makita tayo ng boyfriend mo, baliw ka talaga.", natatawa kong sabi.
Bumitaw siya sa akin at naupo sa tabi ko.
"Wala siya ngayon hahaha", may kindat na sagot niya sa akin, nakangiti akong napailing.
"Ngayon ka lang nakabalik ah? Tapos ang aga pa, anong meron?"
Kausap ko ngayon ang may-ari ng club kung asan ako ngayon.
"Busy with stuffs at home.", sagot ko sa kanya.
"Kakanta ka ba ngayong gabi?"
Tinignan ko siya.
"May family dinner ako, baka sa susunod. I'm just here to kill some time, may pupuntahan ako maya-maya."
Taka siyang napatingin sa akin.
"Kailan ka pa umattend ng mga family dinner niyo? Hahaha"
Natawa ako sa tanong niya.
"Mamayang gabi pa lang hahaha", sagot ko.
Hindi ako pwedeng 'di umattend kasi para sa akin ang family dinner na 'yon, to be specific, para sa amin ni Bleu.
"Andito ka siguro kasi namimiss mo na pagkanta noh?"
Hindi ako sumagot at napatingin lang ako sa gitna ng kabuuan nitong club, kung saan ako pumupwesto kapag kumakanta.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko.
"Iwan mo na pamilya mo at gawin mo ang gusto mo, tutulungan kita... ", may halong haplos sa balikat kong sabi niya, eto na naman siya hahahaha.
Humarap ako sa kanya,
"May boyfriend ka na naghahabol ka pa rin sa akin?", pabiro kong tanong at hinampas niya ako ng mahina sa bandang dibdib ko.
"Ba't kasi ang hirap mong angkinin? Kaya naghanap ako ng iba.", pabiro niya ring sagot kaya napailing nalang ako.
Napatayo ako.
"Mabait 'yong boyfriend mo ngayon kaya ingatan mo, umayos ka na."
She scrunched her nose at ipinilig ang ulo niya,
"Sayo lang talaga ako titino eh hahaha"
"Baliw hahaha mag-move on ka na, mahirap akong kalimutan pero kaya mo 'yan hahahah"
Ipinukol niya ang isang matalim na tingin sa akin.
"Sige na, alis na ako."
Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad paalis.
"Pag nagbago isip mo, andito lang ako!", sigaw niya, kumaway lang ako bilang sagot at lumabas na sa club na 'yon.
She's right, I missed singing... It's one thing that I've always wanted.
Mamayang gabi 'yong family dinner, kailangan ko sunduin si Bleu para sabay kami mamaya, baka ma-late na naman.
I drove my way sa bahay ni Bleu and guess what? I wasn't informed na she's not staying at her parents house anymore kaya kailangan ko pa hingin address ng bahay niya para mapuntahan siya, I should've texted her first.
Nagtungo ako sa address na binigay sa akin ng kasambahay nila, nagtanong tanong pa ako sa mga nadaanan ko kasi hindi ako pamilyar sa lugar.
Katulad no'ng bahay ng parents niya ay nasa loob ito ng isang parang village.
May kotse sa unahan ko na ang bagal magmaneho, hindi naman ako nag overtake kasi delikado.
Bumusina na nga ako pero walang nangyari. Nakikita ko 'yong siko niya na nakapatong sa bukas niyang bintana, ano bang ginagawa niya?  Akala niya ba park 'to? O nag sa-sightseeing ba siya?
Kumunot noo ko nang huminto siya sa harap na kung saan sa tingin ko ang bahay ni Bleu.
Nag-park ako ng maayos sa likurang ng kotse niya saka bumaba.
Galing sa kotse na 'yon ay ang isang lalaki na ang putla sa puti, naka-shades siya at dahan-dahan niya 'yong tinanggal.
Biglang nagtama ang aming mga mata, teka, this guy looks familiar.
Tinignan niya ako ng maiigi na para bang inaalala niya ng mabuti kung sino ako,
"Fiancee ni Bleu?", hula niyang tanong, which is tama naman.
Kilala niya ako?
Naglakad siya palapit sa akin at doon ko siya pinagmasdan ng maiigi.
Maputi, sobrang puti, ano bang sabon gamit nito? Medyo mas matangkad sa akin, medyo lang. Matangos ang ilong at higit sa lahat gwapo, mas gwapo pa rin ako.
"You're Zacharias Ford Silvius, right?", paninigurado niya, tinaasan ko siya ng kaliwang kilay bilang sagot.
"I'm Dave Lee Evans, bestfriend ni Bleu.", pakilala niya.
Tinignan ko siya ulit mula ulo hanggang paa, bestfriend? May bestfriend siyang ganito kagwapo? Bestfriend lang talaga?
Inalok niya sa akin kamay niya at tinanggap ko ito.
"Zacharias, Zach for short.", pakilala ko sa sarili.
"Ilang taon na kayong magkaibigan?", tanong ko.
Bigla siyang napaisip na tila ba'y may binibilang siya.
"Almost 15 years?"
Muntik ng lumuwa mata ko sa sagot niya. 15 years?! L*ngya 'yan?! Tapos magkaibigan lang sila? Hindi ba silang naging magjowa o fling?
Sigurado akong may na-friendzoned sa almost 15 na years na 'yon, hindi lang ako sigurado kung siya o si Bleu. Tsk, tsk, tsk.
"Hoy, anong ginagawa niyong dalawa sa harap ng bahay ko?"
Sabay kaming napalingon sa nagsalita.
"Bleu... ", tawag nitong Dave sa pangalan niya.
Bigla itong napababa ng tingin saka siya napangisi,
"Ba't magka-holding hands kayo?", may malisyoso nitong ngiti na tanong.
Agad kaming napabitaw ng kamay namin sa isa't-isa.
"We just shook hands, okay?", sabi ko sa kanya.
Natawa ito kaya kunot noo lang akong napatingin sa Dave na 'yon.
Dave's POV:
"Oh, inom muna kayo ng malamig na tubig."
Naglagay si Bleu ng iisang basong tubig sa harap namin ng Zach na 'to.
Mukhang uhaw na uhaw siya kaya ininom niya iyon agad, doon ako nagkaroon ng pagkakataon  para masuri siya ng mabuti.
Maganda ang tindig ng katawan, nag g-gym ba 'to? Moreno, mahilig sa moreno si Bleu. Ang kinis ng mukha, his lips are plump; ba't ang nipis ng mga labi ko kumpara sa kanya? Totoo ba ang kilay niya? It's thick. His jawline is sharp tapos matangos pa ang ilong. Ito 'yong tipo ng mga lalaki ni Bleu.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin siya sa akin kaya agad kong iniwas.
"Anong ginagawa niyo ulit sa harap ng bahay ko?"
Binaling ko ang tingin ko kay Bleu nang maupo ito sa harap namin.
"Bibisitahin ko lang sana mga inaanak ko, nakalimutan ko na ngayon pala first day ng klase nila.", sagot ko sa kanya agad, nilipat niya tingin niya sa Zach na 'to nang marinig niya ang sagot ko.
"Just wanna make sure hindi ka male-late sa family dinner later.", sagot naman ng lalaking 'to.
Napatingin tuloy ako sa relo ko.
Alas nuwebe pa ng umaga ah?
"Mamayang seven pa ang dinner diba? Ang aga naman hahahah", sabi ni Bleu sa kanya kaya tinignan ko siya na parang sumasang-ayon ako kay Bleu.
"Actually, I heard na you left your parents home kaya I'm here to see kung sa'n kayo lumipat ng mga bata para makabisado ko sa oras na bibisita ako sa susunod."
Teka, so siya ba 'yong busina ng busina sa akin kanina?
"I see. I really want to accommodate you guys but may trabaho pa ako. Kaya Dave, bumisita ka nalang ulit next time at ikaw Zach, bumalik ka nalang mamaya, okay?"
Napatayo si Bleu.
"Hala, magsilayasan na kayo.", malakas nitong sabi na parang tinataboy kami saka kami tinalikuran.
Hindi namin mapigilan nitong Zach na mapatingin sa isa't-isa.
"O di kaya ituloy niyo holding hands niyo kanina.", 'di man lang nakatingin sa amin na banggit ni Bleu.
Sabay kaming napatayo.
"Bisita nalang ako ulit, bye.", nagmamadaling paalam ko.
"I'll be back later.", rinig kong sagot niya naman kay Bleu.
Ayoko siyang makasabay lumabas kaya kulang nalang tumakbo ako palabas sa bahay ni Bleu at sumakay sa kotse ko.
Baliw talaga 'tong si Bleu.
Pinapaandar ko pa kotse ko nang makita ko siyang kalalabas lang mula sa bahay ni Bleu at iniiwasan na mapatingin sa gawi ko.
It's our first meeting officially, bakit kailangan maging gano'n ka awkward?
Bleu's POV:
Half day lang ang trabaho ko kaya kahit alas dos palang ng hapon ay nagpunta na ako agad doon sa school nila Laine at Tobi, kahit dapat alas tres pa silang pwedeng sunduin.
Naghintay talaga ako sa labas ng school hanggang sa mag-alas tres.
"Mommy, I can't wait sa family dinner later because I miss Lolo and Lola."
'Yan ang sabi sa akin ni Laine sa kotse kanina.
Doon ko lang naalala na kailangan pala kasama ko silang dalawa sa family dinner mamaya.
Anong gagawin ko?
It's almost 6pm at ang bilis ng takbo ng oras.
"Mommy, look at my dress, does it look good with me?"
Napatingin ako kay Laine sabay ngumiti.
"Yes, darling. You look good.", sagot ko sa kanya.
Kanina pa kami nakahanda, I received a text galing kay Zach na he's on his way.
'Yong kaba ko bawat minuto na lumilipas. I still can't decide kung dadalhin ko ba si Tobi o hindi, hindi ko rin naman pwedeng iwan siya dito sa bahay kasi he'll be alone.
Napatingin ako kay Tobi na kanina pang tahimik na hinihila 'yong bowtie niya, napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko.
"Tobi, don't mess your bowtie nga.", pigil ni Laine kay Tobi.
"Baby, listen to your sister.", saad ko kasi ginugulo niya pa rin bowtie niya.
Pagsasabihan ko pa sana nang biglang may mag-doorbell.
"You guys, stay here.", sabi ko sa dalawa.
Naglakad ako patungo sa pintuan at binuksan ito.
Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa.
He's wearing a full black suit. Why the heck does he look so good?
"I know that I look breathtaking but we need to go, you don't wanna be late for the second time around, right?"
Bigla akong natauhan.
"Ang kapal.", sabi ko sa kanya.
Nilingon ko si Laine at Tobi.
"Kids, let's go!", tawag ko sa kanila, hindi pa rin tapos si Tobi sa pakikipag-away niya sa bowtie niya kaya hinila siya ni Laine.
Napasilip sa loob si Zach;
"Excuse me.", paalam niya bago pumasok sa loob ng bahay saka nilapitan si Tobi.
Niluhod niya ang kanang tuhod niya kagaya no'ng araw na isuot niya sa akin ang sapatos niya, napatingin sa kanya si Tobi.
"Dad?", gulat na may bahid na sigla na tawag ni Tobi kay Zach.
"What's wrong with your bowtie?", tanong ni Zach.
"I don't like it."
Natawa si Zach ng saglit saka inayos ang bowtie ni Tobi.
"But it looks good on you. I'll loosened it a little bit para maging komportable ka, hmmm?", malambing nitong sabi kay Tobi.
"Okay."
'Tong batang 'to, parang kanina lang hirap na hirap siyang tanggalin sa leeg niya 'yong bowtie.
Pagkatapos niyang ayusin 'yon ay napaayos siya ng tayo.
"See? Ang pogi, mas pogi na sa akin."
Lumiwanag ang mukha ni Tobi.
Bumaling naman ang tingin ni Zach kay Laine.
"And who is this pretty one? I've never seen such beauty."
Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Laine dahil sa sinabi niya, l*ngyang lalaking 'to, ang landi talaga ng bibig.
Tumingin naman siya sa akin kaya napataas ako ng kilay;
"You look stunning as well."
Hindi ako prepared sa sinabi niya kaya bigla akong napakagat sa ibabang bahagi ng labi ko ng patago.
"Lika na.", parang wala lang na sabi niya saka binuhat si Tobi at inalok ang kamay niya kay Laine, nahihiya man ay inabot ni Laine ito.
Ganito niya ba nakukuha mga babae niya? Normal na normal sa kanya lumalabas sa bibig niya.
Gusto ko kunin sa kanya si Tobi kasi baka magusot suot niya pero he insisted. Buhat niya si Tobi gamit ang kanang kamay niya habang alalay niya si Laine sa kaliwang kamay niya.
"Samahan mo sila maupo sa likod, for their safety.", sabi niya at napabitaw kay Laine para pagbuksan ng pinto ang backseat.
Nasakay ako ng una sa likuran saka niya ibigay sa akin ng dahan-dahan si Tobi, tapos si Laine.
Buong biyahe ay kinakausap niya si Tobi at Laine kahit nasa backseat kami, si Laine hindi sumasagot kasi naiintindihan ko rin naman na nahihirapan pa rin siyag mag-open up, pero iba si Tobi, tuwang-tuwa siya.
Nawala sa isip ko ang kalbaryong haharapin ko sa oras na makarating kami sa venue nang family dinner, masyado akong na-overwhelm sa reaksyon ni Tobi, mahiyain siyang bata but he looks so happy and cheerful habang kausap si Zach.
Doon ko lang naaalala ang kanina ko pang prinoproblema kung kailan nasa harap na kami ng resto.
Kasabay kaming bumaba ni Zach sa kotse.
Kukunin ko pa sana sa loob ng kotse si Tobi nang bigla kong maramdaman ang paghigit ni Zach sa braso ko ng mahina kaya napaharap ako sa kanya.
"Handa ka na ba?", seryoso niyang tanong.
Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?"
Hindi ko siya maintindihan.
Napalingon siya sa likuran niya ng saglit tapos balik sa akin.
"Oo o hindi?"
Naguguluhan ako sa mga tanong niya.
"Hindi?", nalilito kung sagot.
"Let's talk after the dinner.", sabi niya bago sumilip sa loob ng backseat saka sinara ng mahina 'yong pintuan no'n.
"Aren't you guys going inside?"
Nanlaki ang mga mata ko sabay napatingin sa likuran ni Zach.
It's Zane with Claire... And their child.
Napatingin ako kay Zach.
Kailan niya nalaman ang tungkol kay Tobi?
Is that why he was asking me weird questions just now?
Napaharap si Zach at napatayo sa tabi ko.
"We're just about to, may pinag-uusapan pa kami. You guys can go in first.", sabi ni Zach sa kanilang dalawa.
Napalunok ako ng laway, parang tatalon puso ko palabas sa katawan ko sa sobrang kaba, ni hindi ako makatingin kay Zane.
Third Person's POV:
"Dad, who is that girl with Tito Zach?", tanong ni Shane sa ama.
Mahigpit na napakapit si Claire sa braso ng asawa habang napatingin naman si Bleu sa bata dahil sa naging tanong nito.
Itinaas ni Bleu ang tingin niya kay Zane at nahuli niya itong nakatingin rin sa kanya na walang ka emo-emosyon sa mga mata. Hindi mo mababasa ang laman ng utak niya.
Nagulat si Bleu nang biglang kunin ni Zach ang kamay niya sabay kinapit 'yon sa braso ng binata, matalim na sinundan ni Zane ng tingin ang ginawa ng kapatid.
"Meet Tita Bleu, Shane, my future wife.", malapad na ngiti na sagot ni Zach sa pamangkin pero kay Zane nakatingin.
Binalingan ng tingin ni Zane si Bleu;
"Let's go.", malamig na sabi Zane sa asawa saka silang naunang pumasok sa loob.
Parang galing sa kailaliman ng dagat na napahinga si Bleu. She was holding her breathe all this time, maraming tanong at kung anung bagay ang tumatakbo sa isip niya habang kaharap niya si Zane kanina.
Napaharap siya kay Zach.
"Paano mo nalaman?", tanong niya sa binata.
Lumayo ng kaunti ang binata sa kanya saka napasandal sa kotse nito.
"Habang inaayos ko bowtie niya kanina, he looks exactly as my brother, it was a guess but seeing your reaction... I guess, I'm right?"
Hindi makasagot si Bleu sa sinabi ni Zach, now she's even way more confused kung anung gagawin niya.
"If he sees Tobi alone, iisipin niya lang na it's just a kid na medyo hawig niya pero it's a different story sa oras na makita niya si Tobi na kasama mo, he'll know right away. The question is, ready ka ba sa gulong mangyayari sa oras na makita ni Zane ang anak mo? In the middle of our family dinner to celebrate our engagement?"
Napahawak si Bleu sa noo niya, tila ay naguguluhan ito ng sobra.
Bago pa man lumalim ang usapan nilang dalawa ay biglang may malakas na hampas sa bintana na nagmumula sa loob ng kotse, it's Tobi.
"Dad! I wanna go out.", malakas na sabi nito mula sa loob ng kotse.
Nagkatitigan si Bleu at Zach. Ipinilig ni Zach ang noo habang naka crossed arms itong nakasandal sa kotse niya na para bang tinatanong ng eskspresyon ng mukha nito kung ano ang gagawin ni Bleu.
"The choice is yours.", nakangising saad ng binata sa kanya.
—————

Comentário do Livro (279)

  • avatar
    ftplouie

    ganda nung story eto lng yung story na lagi kong binabasa😭 last part na ba talaga toh?😭 need ko pa ng book 3😭 ang ganda kc

    08/09/2023

      3
  • avatar
    Madhielyn Tabaranza Villarba

    great story again,,I was fully satisfied😊.I can't wait for the next story to publish...good job👏

    31/08/2022

      1
  • avatar
    Jessiett Acebedo

    love you too 💞

    17d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes