logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2:

Someone's POV:
Pagewang-gewang akong pumasok sa kwarto ko pero agad akong natauhan nang makita si Mama na nakaupo sa aking kama, matalim itong nakatingin sa akin.
Napaayos ako ng tayo.
"Yes, Ma?", tanong ko.
"You're drunk again?"
Napahilamos ako sa mukha ko. Balak ko sanang magsinungaling pero ang talim talaga ng tingin niya sa akin kaya alam kong wala akong lusot.
"Just a little.", I said in a low voice.
Napatayo siya at nilapitan ako.
"What's wrong with you? Ilang taon ka na ba and you're still playing around?! You're getting  engaged next week! Pwede bang tumino ka na?"
I rolled my eyes out of annoyance at nilagpasan siya, ako naman ang naupo sa kama.
"That's why I'm having fun while I still have my freedom. I'm getting engaged sa babaeng hindi ko kilala o hindi ko pa nakikita, what would that make me feel?"
Tapos eto pa, I'm informed na may dalawang anak na 'to. Like what the h*ll is that? Ni hindi ko alam kung ilang taon ang pakakasalan ko.
"Why are you acting out? Matagal na natin 'to pinag-usapan, you had the chance to decline pero pumayag ka diba? Hindi ka pwedeng umakto ng ganyan kung kailan hindi na natin pwedeng i-cancel!"
Yeah, right. Ba't nga ba ako pumayag? It's all because of you, Mom! Ginagawa ko lahat para sayo kahit hindi ko maramdaman 'yong pagmamahal ng ina na ninanais ko at hinihingi ko sa'yo. Kaya kong gawin lahat para sayo pero may pake ka lang sa akin when it benefits you.
"Just let me have all the fun that I want, I'll stop after the engagement."
"You need to stop now! Baka may marinig pa ang pamilya niya at makasira sa engagement niyo, you know that this engagement benefits our company a lot, right?"
Baka may marinig? Ano ngayon? Pa'no naman 'yong mga narinig ko tungkol sa babaeng 'yon? She literally have kids, who the fck even knows what she looks like?
If I want to, I can date all the girls that I want tapos biglang kailangan kong tumino para sa iisang babaeng 'di ko alam ang itsura? H*ll no!
"Yeah, whatever Mom. I can handle it myself, okay? I need to rest."
Hindi ko na inantay ang isasagot niya, tumayo ako at nag-punta ng banyo.
Look at the mess I'm in, that dude was supposed to marry her. Sht goes down and now I'm marrying her instead tsk.
Bleu's POV:
Ngayon kami magkikita no'ng soon-to-be fiancee ko. Dapat next week pa pero kailangan na raw namin magkita kasi next week raw engagement party namin, hindi man lang ako ininformed.
Hindi ko pa nasasabi kay Tobi at Laine ang tungkol dito, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila.
Nagsuot ako ng hikaw tapos tinignan ng mabuti ang sarili sa salamin, mukhang okay na naman ako tignan kaya bumaba na ako para kausapin 'yong dalawa na nakikipaglaro kay Dave ngayon sa sala.
Dave knows about my upcoming engagement, mas nauna pa niyang nalaman kesa sa akin kasi nga close sila ni Daddy.
"Mommmmy!", sabay na masayang tawag ng dalawang anak ko sa akin, napatakbo sila patungo sakin.
"Aray!", sigaw ni Dave kasi naapakan ni Tobi ang daliri niya.
"Mommy, where are you going?", tanong ni Tobi habang hinihila ang babang parte ng suot kong bestida.
"Babies, may gusto sabihin si Mama sa inyong dalawa. Kaya can you go sit on the sofa so that I can talk?"
Sabay silang tumango at tumakbo pabalik kay Dave, si Dave naman takot ata maapakan ulit ang daliri kaya agad itong napatayo, naglalaro kasi sila sa sahig kanina.
"Also Tobi, you stepped on your Uncle Dave's finger, ano ang sasabihin?"
Napatingin si Tobi kay Dave.
"Sorry uncle Dave."
Ngumiti si Dave at ginulo ang buhok ni Tobi.
"It's okay.", ani nito sa anak ko.
Naupo ako sa harap ng dalawang anak ko habang nakatayo si Dave sa aking likuran, hindi pa ba sila ayos ng jowa niya at tambay siya ng tambay dito sa bahay?
Parang kinabahan ako kasi focus na nakatingin sa akin si Laine at Tobi na tila ba ay inaantay talaga nila sasabihin ko.
Like I told you guys, I don't wanna lie to my kids kaya habang maaga pa ay sinasabi ko sa kanila agad ang mga sitwasyon na katulad ng ganito.
Huminga ako ng malalim.
"Mom is getting married.", pilit ngiti kong sabi.
"I'm gonna have a Dad?!", masayang wika ni Tobi, samantalang nawala ang mga ngiti sa labi ni Laine.
"Yes baby", sagot ko kay Tobi.
Masaya itong tumalon sa sofa at niyakap ako kaya napayakap rin ako sa kanya.
"Mom, I can't wait to have a Dad."
I wasn't expecting this kind of reaction from Tobi. Tahimik lang ba siya all this time but he really wants to have a father figure? As I told you guys, after I explained everything to him before ay hindi na siya nagtanong ulit tungkol sa amin ni Zane, kaya nagulat ako sa reaksyon niya.
Napatingin ako kay Laine.
"Anything wrong, sweetie?", tanong ko sa kanya.
"I only have one Dad, and that's my Daddy Kevin."
Natigilan ako. Bumitaw sa yakap ko si Tobi at napatingin kay Laine.
"For me I only have one Dad. There's no Dad in the world that can be better than my Daddy Kevin.", dagdag ng anak kong si Laine, na nakabusangot ang mukha.
Nakita ko naman ang biglang pag lungkot ng mukha ng isa ko pang anak na si Tobi;
"I-I want to have a Dad too... ", ani nito.
Third Person's POV:
"I-I want to have a Dad too... ", mahinang sabi ni Tobi na nilalaro ang mga daliri.
Bleu wasn't expecting that from Tobi.
"He doesn't have to be my real dad... I just want someone that I can call Dad... "
Napatingin si Dave kay Bleu, at kita niya ang lungkot sa mga mata ng kaibigan kaya agad niyang nilapitan si Laine.
Naupo si Dave sa tabi ni Laine at kinandong ito.
"Oo naman, your Daddy Kevin is the best out of all but let's give your soon-to-be father a chance, hmmm? He might not be as good as Kevin but give him a chance... ", malambing na pangungumbinsi ni Dave kay Laine.
Napatayo si Bleu saka binuhat si Tobi.
"Mom, I wan't a Dad... ", naiiyak na sabi nito nang buhatin siya ni Bleu.
Napatingin ang nakakatandang kapatid kay Tobi. She and Tobi might not be blood related but Laine sees Tobi as his younger brother and she loves him as much as she does with her mom Bleu.
"Fine.", mataray na sabi ni Laine sabay nag crossed arms at iwas na tingin.
"But again... My dad Kevin is the best.", pahabol pa nito.
Nagkatinginan si Dave at Bleu, and Dave gave Bleu an assurance kind of smile.
Naupo si Bleu sa tabi ni Dave habang buhat-buhat pa rin si Tobi. Hinawi nito ang buhok ni Laine.
"Thank you.", nakangiti nitong sabi kay Laine.
Tinignan lang siya saglit ni Laine saka umiwas ulit ng tingin.
"Ako na bahala.", bulong ni Dave kay Bleu, napatango si Bleu.
"Baby, I'm leaving na. Give mommy a kiss."
Inilapit ni Bleu ang pisngi niya kay Tobi at hinalikan naman nito ang pisngi niya, binaba niya ito at deretsong lumapit kay Dave.
"Laine? Mommy is leaving, won't you give mommy a kiss?"
Mabilis na hinalikan ni Laine ang pisngi ni Bleu bago itong umaktong nagtatampo, napangiti si Bleu.
"I'll bring you guys pizza when I get home, okay?"
Nagpaalam ulit si Bleu sa mga anak, balak niya pabantayan muna kay Manang Cynthia pero buti na rin pala at bumisita si Dave kasi alam niyang medyo malikot ang mga anak at may pagkamatigas ang ulo, lalo na sa mga taong 'di pa nito gaano ka-close, mabuti nalang si Dave kasi kayang-kaya nitong e-handle ang mga anak niya.
Gamit ang kotse ni Bleu ay pinaharurot niya ang sasakyan patungo sa kung saan sila magkikita ng magiging fiancee niya.
Bleu's POV:
Kulang nalang maligo ako sa pawis kakahahanap no'ng address ng restaurant kung saan kami magkikita, l*ntek 'yan parang underground restaurant pala. Pagpasok ko parang casual dining lang siya, walang masyadong tao kasi nga tago... May naalala tuloy ako.
Dumeretso ako sa comfort room nila kasi ayoko naman magmukhang sisiw na nabilad sa araw tapos pawis na pawis diba? Para sa'n pa na nag-ayos ako tapos ganito lang pala sasapitin ko.
Mabilis na natuyo ang pawis ko kasi de-aircon naman ang buong resto, nag-retouch ako at inayos ang buhok ko. Nagpabango na rin, hindi naman sa mabaho ako 'no? Paninigurado lang kasi nga galing ako pinagpawisan.
Paglabas ko ay dumeretso na ako sa naka-reserve na table para sa aming dalawa. Sa malamang ako ang unang dumating kasi walang tao sa naka-reserve na table namin, diba? VIP ang loko, pag-aantayin pa ata ako.
Inip na inip akong nag-aantay nang biglang may kakapasok lang na lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. Parang kilala niya ang mga nagtratrabaho dito kasi they're greeting each other.
Nilibot niya ang tingin sa paligid tapos huminto sa akin, tinitingin mo?
Nakangiti itong lumapit sa akin saka naupo sa harapan ko, alam niyo 'yon? Nakakagulat kasi dere-deretso lang siya, siya ba inaantay ko?
"Maria?", parang hula niyang tawag sa akin.
No, mukhang hindi siya inaantay ko. Napagkamalan pa akong Maria.
"No, I think you got the wrong person.", sabi ko sa kanya.
Isinampa niya ang siko sa lamesa at umakto na nag-iisip, kunot noo ko siyang pinapanood.
"No... You're familiar... Ano nga ulit pangalan mo ah.... "
Anong pamilyar? Hindi ko nga siya kilala, bagong modus ba 'to?
"Tama!", malakas niyang nahampas 'yong mesa,  wala man lang pake na napatingin sa amin ang ibang tao sa loob ng resto dahil sa ginawa niya.
Tinuro niya ako,
"Elizabeth! Diba? Tama ako hahaha", proud niyang sabi.
"Hindi ako si Elizabeth."
Naglaho ang ngiti niya tapos kumunot ang kanyang noo.
"Hindi ba? Jessica?"
Umiling ako.
"Ah! Loraine! Lora—"
"May inaantay ako, pwedeng umalis ka na? Hindi kita kilala."
Napakamot siya sa itaas na bahagi ng kilay niya saka napatayo,
"Mali ba ako? Parang nakita na kita somewhere...", he said to himself almost whispering habang dahan-dahang umaalis.
Napailing ako. Ang lalakas ng mga trip ng mga tao ngayon. Sayang, gwapo pa naman.
Kinuha ko na 'yong cellphone ko sa loob ng aking purse, hinanap ko ang number na binigay ni Daddy sa akin na number daw ng fiancee ko. Ba't ang tagal niya? Dapat binigyan rin ako ng picture man lang eh para makilala ko agad.
Habang hinahanap ko 'yong number ay nahagilap ng mga mata ko ang isang pares ng sapatos sa harapan ko kaya napaangat ako ng tingin.
The guy earlier. May kailangan pa ba siya?
"Miss, now that I think of it... This is my table, lumabas lang ako saglit."
Ako pa ginag*go, eh naka-reserve 'tong table na 'to. 'Yong mismong waiter pa nga nag guide sa akin dito.
Hindi ko siya pinansin at hinanap ulit 'yong number.
"Miss?"
Nang makita ko ang number ay dinial ko ito agad.
"Mis—"
"Look, stop messing around, okay? This i—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may marinig akong pagtunog ng cellphone at nanggagaling  ito sa bulsa ng lalaking 'to.
Napatayo ako habang kinuha niya naman ang phone niya sa bulsa, nagkatinginan kaming dalawa.
"It's you?", sabay naming tanong sa isa't-isa.
Natawa siya at ibinalik ang cellphone sa bulsa niya kaya pinatay ko na 'yong tawag at binaba ang cellphone ko.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"You're far from my expectations, not even the slightest."
Kumunot ang noo ko.
"What do you mean?", tanong ko.
Umiling siya saka inabot ang kamay niya,
"Nothing. What's your name? I'm Zacharias Ford Silvius."
Zach's POV:
"What?", mataray nitong tanong sa akin sabay sumubo ng pagkain.
I wasn't really expecting this one.
May dalawa na siyang anak?
Other than I'm mesmerized na she turned out to be really pretty, she looks so familiar...
Nang lapitan ko siya kanina, it's all because I thought isa siya sa mga naging flings o kaibigan ko, hindi ko naisip na siya na pala 'yong kanina ko pang inaantay.
"Do I look familiar to you?", tanong ko sa kanya.
Napairap siya sa hangin.
"I told you already, no."
Ba't ba ang sungit?
Hindi ako pamilyar sa kanya pero pamilyar na pamilyar siya sa akin. I'm really bad at this, lalo na't I've met ton of girls kaya ang hirap maalala nilang lahat.
I gave up the thought na kilala ko siya noon kasi gaya nga ng sabi niya hindi niya ako kilala. Baka may kamukha lang siya.
Mas may importante kaming pag-uusapan.
Bubuka palang bibig ko nang magsalita siya bigla,
"You need to gain my kids trust."
"H-huh?"
Seryoso siyang napatingin sa akin.
"Kailangan mo makuha ang loob ng dalawang anak ko."
L*ngya, I woke up just to find myself getting married with this woman tapos instant tatay sa dalawa niyang anak na walang kinalaman 'yong sperms ko.
Sarap maghilamos ng mainit na tubig, baka sakaling magising ako sa bangungot na 'to.
She's really pretty but men again bakit nga ulit ako magpapatali sa iisang babae kung ang rami pang ibang babae sa paligid?
"You wanna hear something?", ako
"What?"
"I think we won't work. I'll be good to your kids, let's get married and get a divorce after a year. Ano masasabi mo?"
She looked at me sharply, nag-iisip siya ng malalim.
"We can just tell our parents na we tried pero hindi lang talaga nag-work.", pangungumbinsi ko.
Nag-iisip pa rin siya ng maiigi.
"I mean, we don't even love each other at hindi ako naniniwala sa mga napapanood natin sa TV na magugustuhan rin natin ang isa't-isa kalaunan kasi sigurado akong hindi... ", natatawa ako habang sinasabi ko 'to
"... I'm not a one woman guy.", patuloy ko.
Atleast I'm being honest with her.
Seriously, si Zacharias Ford Silvius? Titiklop sa iisang babae? Hindi pwede 'yon, kailangan pa pumuti ng uwak bago mangyari 'yon at kung mangyari man ito papalitan ko talaga pangalan ko ng Zacharias Ford Walang Silvi.
"After a year?", she asked to confirm at tumango ako.
Pumayag ka na, dapat nga 1 month lang eh kasi pa'no ko kakayanin 'yong one year? But at the very least kailangan kong magtiis, I'm doing this for Mom after all.
She heaved a sigh.
"Okay, but here's the thing... ", she paused.
I looked straight at her eyes...
"I don't even need you to act as my husband but help me with two things.", she continued.
"Ano 'yon?", naiintriga kong tanong.
"My kids... Hindi nila alam na we're just arranged to marry each other, they're too young to understand. They grew up without a father, so kahit sa harap lang nila... Act like we're getting married dahil mahal natin ang isa't-isa, and treat them just like your own. 'Yon lang hihilingin ko sa'yo for one year."
Napatitig ako sa mukha niya.
Now, I'm full of questions tungkol sa babaeng 'to. Anong nakaraan niya?
It's better to not be curious about these kind of things kasi doon nagsisimula ang interest and I'm not up for that.
I guess all I need to do is not to ask about her past, ano namang gagawin ko sa impormasyon na 'yon once matapos ang isang taon, diba?
"Deal.", nakangiti kong sabi sa kanya.
Bleu's POV:
"Do you want me to take you home or something?"
Offer niya nang ihatid niya ako palabas sa resto, katatapos lang namin kumain at mag-usap. Gusto ko na umuwi agad kasi, I always feel anxious 'pag nalalayo ako sa mga anak ko ng matagal.
"No, thank you."
Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa aking purse at inangat 'yon para makita niya.
"Ahhh okay.", tango niya.
Hinarap ko siya at napasandal naman siya sa pader na malapit sa kanya sabay crossed arms.
"So how do you want us to act in front of our parents, in front of the people na pupunta sa engagement natin next week?"
"Let's just act naturally, just like how we're treating each other right at this moment para magkaroon na sila ng hint as to why hindi tayo magwo-work out after a year of our marriage."
He nodded three times.
"I like that. Okay, see you next week then."
Akmang aalis na siya kaya nilakasan ko na loob ko, kanina pa ako may gustong sabihin, nahihiya lang ako.
"Wait."
Taka siyang napatingin sa akin.
"Yes?"
"Can you at least visit us in our home before the engagement? I still need to introduce you to my kids as early as possible."
Wala ang mga anak ko sa mismong engagement namin next week because it's what Dad wants kasi may ibang pupunta pero sa family dinner just the next day after our engagement ay nando'n ang mga anak ko kasi pamilya lang ng lalaking 'to ang ando'n at pamilya ko.
Gusto kong ma-meet siya ng mga anak ko in advance.
"Not a problem.", nakangiti niyang sagot sa akin. Mabilis naman palang kausap 'to, maliban sa may pagka malandi niyang ugali ay okay lang naman siya.
Base sa reaksyon ni Laine at Tobi kanina, mukhang mahihirapan siyang kunin ang loob ni Laine.
"What should I call you by the way?", tanong ko.
Ngumisi siya.
"Love, baby, sweetheart, darling... Daddy?"
Napairap ako sa hangin.
"Ibig kong sabihin pangalan mo linta.", matigas kong sabi.
Naglaho ang ngisi niya.
"Makalinta naman 'to, hindi pa nga ako dumidikit sayo tinawag na akong linta."
Nakakainis kasi. Lahat ata ng menention niyang endearments ay iisang tao lang naaalala ko.
"Seryoso nga, ano?"
"Ayaw mo talaga sa Love? Daddy? Ano? One last chance.", pabiro niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin, tinawanan niya lang ako.
"Just call me Zach."
Zach... Zach...
Mas lalo tuloy akong nabw*set sa kanya, ba't kailangan Zach pa? May naaalala na naman ako!
Ano bang meron sa araw na 'to? Gusto ko lang ng mapayapang araw pero everything just keeps reminding me of him!
Wala akong galit sa kanya ah? Gusto ko lang makapag move on na totally!
"Maikli lang naman pangalan ko, Bleu."
"Bleu?"
"Yeah, bakit?"
He smiled saka umiling.
"Nothing, sige na. Ingat ka."
Nagtaka ako kasi akala ko papasok na siya ulit sa loob ng resto pero nakasandal pa rin siya doon sa sinasandalan niya.
"Alis na.", sabi ko
"Ikaw 'yong umalis na, asan mo pinark kotse mo?"
Parang kanina lang nagmamadali siyang pumasok sa loob.
Tinuro ko ang kotse ko na naka-park sa tapat lang ng resto.
"A bentley? Mayaman hahaha."
Tinignan ko lang siya.
"Sige na, ingat.", ulit niya lang sa sinabi niya kanina tapos tinalikuran na ako para pumasok ulit sa resto.
Sinundan ko siya ng tingin habang paalis siya.
May halong pag-aalala ang nararamdaman ko. Tama ba ang ginagawa ko? Pa'no kung ma-attach ang mga anak ko sa kanya? Just to find us getting divorced after a year....
Napapikit ako saglit dahil sa stress saka nagtungo na sa kotse ko para umuwi.
—————

Comentário do Livro (279)

  • avatar
    ftplouie

    ganda nung story eto lng yung story na lagi kong binabasa😭 last part na ba talaga toh?😭 need ko pa ng book 3😭 ang ganda kc

    08/09/2023

      3
  • avatar
    Madhielyn Tabaranza Villarba

    great story again,,I was fully satisfied😊.I can't wait for the next story to publish...good job👏

    31/08/2022

      1
  • avatar
    Jessiett Acebedo

    love you too 💞

    17d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes