logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 1

"So, you are a neurosurgeons?" tanong ko.
Nandito kami ni Francis sa sala habang ang kapatid ko ay naiwan sa kusina para mag ligpit ng pinag kainan namin. Kinuha ko tong pag kakataon na ito para mag tanong. Syempre, makakasama namin sya dito sa unit kaya kailangan ko syang kilalanin pa. Hindi sapat yung pangalan nya lang yung alam ko.
"Uhh, yes." he answered with all his attention is now on me. Ngumiti sya na para bang hindi alam ang gagawin. Naningkit ang mata ko.
"Neurosurgeons.." pang uulit ko sa sinabi nya. "..malaki kita nyo?"
"What do you mean by kita? My paycheck?" medyo kumunot ang noo nya dahil sa tanong na 'yon.
Hindi appropriate ang itanong sa isang tao kung mag kano ang sweldo nya pero kailangan ko 'yon malaman. Kung malaki ang sinusweldo nya, dapat kumuha nalang sya ng apartment o mag bed spacer sya. Wait, wala bang provided na condo unit ang Hospital para sa kanya?
"Uh-huh..."
"Well.." he paused as he cleared his throat. Nag dadalawang isip kung sasagutin ba yung tanong ko o hindi.
"Melo, don't scare him. Why you asking him a question like that?" napatingin ako sa divider kung saan nakasilip si kuya Alvin. Naka-apron at may hawak na sponge.
I rolled my eyes. "Fine.." pinasadahan ko ang buhok ko bago ako muling tumigin kay Francis. "How old are you?" mataman kong tanong.
"Amm.. Thirty-years old."
Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Thirty?!
Pinasadahan ko sya mula ulo hanggang paa. He doesn't look like a thirty-years old guy! Look at him; he's tall and porcelain. His body is not that bulky but you can trace his muscles, especially on his shoulders. It's kind of wide and built, and he definitely has abs! He's freaking handsome, and not to mention, he's hella hot! He looks like he's in his twenties! What the heck? Let's talk about the world being so unfair! 
Bakas na bakas sa mukha ko ang gulat for sure dahil sa bahagya nyang tawa.
"You are joking, aren't you?" I asked.
"Why would I?" he said between a soft laugh.
"A thirty-year old man who looks younger than my brother," 
"Hey, what did you just say?" nakangising tumingin ako sa kapatid na katatapos lang mag hugas ng pinggan.
Nilapag ko sa tabi ko yung unan at tyaka tumayo. "Nothing! Una na ko sa kwarto." dederetcho na sana ako sa pinto ng kwarto ko ng bumaling ako kay Francis. "Enjoy your stay here and feel at home." sabi ko pa bago ko sila iwang dalawa.
Hindi ako mahilig makipag socialize in person pero much better na i-welcome sya, right? He seems nice naman. Nung nag kabungguan kami kaninang umaga, hindi naman sya nagalit sakin. Instead, he's concern and said sorry kahit ako naman yung hindi nakatingin sa dinadaanan.
Pero just to make sure na safe ako. I locked the door. Normally, hindi ako nag la-lock ng pinto dahil hindi naman basta-basta pumapasok si Kuya sa kwarto ko pero iba na kasi dahil may ibang tao na ngayon dito. Mas maigi narin na mag ingat.
I'm not judging him. Okay. Hindi lang ako sanay na may ibang tao rito.
Lumapit ako sa PC ko at in-on 'yon. I also change my lights into dim para maganda ang vibes kapag nag lalaro ako.
I'm planning to play a game since tomorrow is Holiday. Walang pasok. Nang mabuksan ko na ang PC ay agad kong binuksan ang isang MMORPG na madalas kong nilalaro. It's not an open world pero there's a Co-op which you can allow a player to enter your world so you can play together. Sobrang relaxing lang ng game na 'to lalo yung mga scenary. Kapag stress ako ay madalas lang akong nakatambay rito at iniwan ko yung character ko sa mataas na bahagi. Sa ganoong paraan ay nare-relax ako. Isabay pa ang background music nila.
Habang nag la-log in ay biglang tumawag si Cloud sa discord. Napabuntong hininga ako dahil alam ko na ang sadya nito.
"What do you want?" bungad ko pag kasagot ko sa tawag nya.
"Busy ka ba? Yayain sana kita mag laro, kulang kami isa e. Pwede ka?"
Napairap ako. "Yeah, I'm busy."
"Pero sabi mo mag lalaro tayo?"
"Maybe tomorrow? I'm exhausted, Cloud."
Pag ka enter ko sa username ko ay biglang bumalot sa screen ang nakakasilaw na liwanag ng game kaya bahagya akong napapikit. I wish they add a night mode here. My eyes is getting tortured.
"Okay, fine. Rest well." aniya bago patayin ang tawag.
Siguro napagod ako sa pag lilinis kanina ng kwarto ni Franci? I don't know, bigla nalang ako na-drain.
Mag damag akong nag laro kaya kinaumagahan ay para akong bangag na lumabas ng kwarto. Huli na nang mapag tanto kong may isa pa pala kaming kasama. Nadatnan ko syang nakahilig at nag ka-kape sa counter top.
God knows how I look miserable right now! Nakakahiya. Ngayon lang ako naging consious sa pag mumukha ko sa totoo lang!
Pag kasara ko ng pinto ay agad akong lumapit sa vanity mirror para i-check ang mukha ko. Nakuha ko rin mag suklay kahit noon ay hindi naman ako nag susuklay. My brother didn't give a shit even I looks like a beggar in the morning, anyway. Kaya lang kasi ngayon ay may ibang tao dito sa unit!
Nang makita kong okay na at hindi na ako mukhang ewan ay nag pasya na ulit akong lumabas ng kwarto. Francis remain on the same spot. Nag salubong ang paningin namin kaya awkward akong tumango.
"Morning," he greeted with his baritone voice.
He's on his scrubs so I assumed that even holidays they have a work. Well, public servant doesn't have Holidays, right?
"M-morning." I greeted back.
I tried myself not to look stupid and act normal as much as I can. Ayokong isipin nya na may ibang epekto ang awra nya sa akin. Okay, he's a little bit intimidating. His awra, his posture, everything, intimidates me. I don't know.
Kumuha ako ng mug para mag timpla ng kape habang iniinda ang awra nya sa gilid ko, nang bigla syang mag salita.
"I'm sorry," I looked at him confused why he's saying sorry. "Pinakealaman ko tong kusina nyo, and uhhh.. I cooked breakfast..for us.. for the three of us." aniya waring nag iingat sa mga salitang bibitawan.
Napatingin ako sa pinggan sa may lamesa. Nakatikip iyon sa isa pang pinggan. Lumapit ako doon at tinignan kung ano ang niluto nya. It's a common breakfast, bacon and egg na may fried veggies sa gilid. He even toasted a bread and prepare a dressing.
"I'm taking the bacon. I don't eat egg." sabi ko at tyaka kumuha ng isang pirasong bacon at sinubo iyon. Tumalikod ako para ipag patuloy ang naudlot kong pag timpla ng bigla ulit siyang mag salita.
"Allergic?"
Gusto kong mamangha dahil nahulaan nya agad 'yon. Well, what do you expect? Iba mag isip ang mga kagaya nyang nasa ganyang field, palaging may halong scientific-whatever. Kung ibang tao, iisipin lang na maarte ako at hindi kumakain ng itlog.
"What a wild guess, doc." sabi ko nalang bilang pag sang-ayon na tama sya.
Nag lagay ako ng dalawang kutsaritang kape at isang kutsaritang asukal sa mug ko. Habang nag sasalin ng mainit na tubig ay naramdaman kong pinapanood nya ako sa bawat kilos ko.
I looked at him and he even didn't flinched. Para bang hinihintay nya na tumungin rin ako sa kanya.
Somehow, I feel this weird feeling that I can't explain. It creeps me out.
"So, you are a architecture student?" tanong nya.
Umikot ako para makaupo sa lamesa. Nilapag ko yung mug sa gilid ng mga pinggan bago ko sya sagutin.
"Yup, third year student."
"Your brother says that you are smart,"
Bahagya akong natawa. "Ang hobby nya ba ay ipag yabang ako sa mga katrabaho nya?"
He put his mug on the sink and slightly laugh. "May ipag mamayabang naman sya kung tutuusin."
Napangiwi ako at napailing. Hindi na ako nag salita pa at pinag tuonan ko nalang nang pansin yung bacon na nakahain.
Ilang saglit pa ay nag paalam syang aalis na. Tumango lang ako at hinayaan syang umalis.
I took a two slices of bacon and stuffed it on my mouth. Buong akala ko ay tatanungin nya rin ako kung bakit architecture ang kinuha ko at bakit hindi ko sinundan ang yapak ni kuya. Halos lahat ng pinsan ko ay nasa medical fields, at ako lang ang bukod tanging lumihis ng landas, kaya kapag may reunion kami ay hindi mawawala yang tanong na yan. Bakit ganto, bakit ganyan, wala namang pera dyan., etc.
Hindi nman against si kuya sa kung anong gusto kong kunin. Kung hindi ako papasok sa field nila, okay lang, kung anong kunin kong course, okay lang din sa kanya. As long daw na ine-enjoy ko at masaya ako sa ginagawa ko, gawin ko lang.
Kaya eto ako ngayon, pag kakain ay deretcho agad sa kwarto para mag kulong. Holiday means 'Me' time. I'm planning to do livestream and play online games until mag sawa ako. Tapos narin naman ako sa mga plates at school stuff kaya malaya akong makakapag laro.
Binuksan ko ang pc ko at nag set-up para sa livestrem. Nag post rin ako sa page ko na I'll do livestreaming today. Madaming nag react at mga nag hihintay. Bibihira nalang rin kasi ako mag livestream gawa ng busy sa school at minsan ay hindi ko rin feel. You know, minsan burned out.
One notification pop out and it was from Cloud.
"G!" he said on the comment section.
Unlike sa ibang streamers na lantad ang mukha, ako nakatago para kahit papaano ay may privacy parin ako. Si Cloud ang mas kilala ng ibang viewer ko dahil karamihan sa kanila ay schoolmates ko rin. Palagi ko rin kasi syang kasama sa game na ini-stream ko kaya ayon, exposure na rin.
"Let's play Varolant." chat ko kay Cloud. Pumayag naman sya agad.
Pag katapos ko ma set up lahat-lahat ay nag hintay nalang ako matapos yung timer para makapag simula na ako. Hindi pa man nag i-start ay may one hundred viewers na agad ako.
"You ready?" said Cloud through our discord.
"Yep, I'm planning to stream until 5PM."
"Jesus,"
Natawa nalang ako sa reaction nya at sinalubong ko ng greeting ang mga viewers ko at nag pasensya kung bakit ngayon lang ulit ako nakapag stream.
Kagaya parin ng dati ay nag dedemand sila ng face reveal. Maski si Cloud ay kinukulit narin ng mga viewers ko. Buti nalang kahit gago ay hindi naman sya traydor.
We enjoying the game while chit-chatting with the viewers. Naka discord kami kaya rinig rin ang boses ni Cloud. Some of them asking where I'm living, some asking where school I'm going but I didn't answer any of their question and let that on their guesses.
"Is Cloud has a girlfriend right now?" basa ko sa comment ng isang viewer. "Cloud, sagutin mo!" natatawa kong sabi.
"As of now, wala pero kung mag a-apply ka, why not?" napangiwi ako sa kayabangan nung isang 'to.
"You heard him guys, wala raw syang girlfriend."
What about you two, you are not dating?
Binasa ko nalang sa isip ko yung isang comment at hindi na 'yon pinansin. The more na papansinin kasi yung ganong comment ay baka iyon narin pag usapan ng lahat. Hindi sa ayoko maging topic 'yon, ayoko lang maging uncomfortable si Cloud.
Ilang oras pa ang tinagal namin nang mag paalam syang mag b-break muna, kaya naman nung umalis na sya sa discord namin ay lumipat naman ako sa ibang game.
Right now, I'm playing my favorite MMORPG game.
"What AR na ako? I'm now AR58." sagot ko sa isang nag comment.
Maya-maya pa habang nag e-explore ay may narinig akong notification.
Someone followed my stream.
"Thank you for following.." nilapit ko ang mukha ko sa monitor para mabasa maigi yung pangalan nya. "..Francis..John?"
Wait. Francis?
Agad kong tinignan ang profile picture nya gamit ang cellphone ko. The man on the profile picture is wearing a scrubs unbottoned the first three buttons while leaning on the wall. It's more like a candid shot, pero kahit ganoon ay ang gwapo parin ng kinalabasan.
Why is he following my stream?

Comentário do Livro (430)

  • avatar
    Angelo Ramirez

    Nice to Reading

    11d

      0
  • avatar
    Yannah Constantino Darvin

    nice jobbb

    13d

      0
  • avatar
    Angela Bego

    ganda

    19d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes