logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

Thalia's POV
Agad akong pinasok ni Tatay Nando at Kuya Terrence sa bahay, "Subukan mong mag-ingay gigilitan kita." Bulong sa akin ni Kuya Terrence bago ako hinagis sa may sofa.
Inipon ko ang lakas ko bago tumakbo papuntang pinto pero mabilis itong naharangan ni Kuya Terrence, "Ipaparanas namin sa iyo kung anong pinaranas sa amin ng boyfriend mo, sisiguraduhin naming hindi ka na niya makikilala paglabas mo ng bahay." Sabi nito bago ako hinawakan sa may braso.
Nagulat na lang ako ng lumapit sa akin si Tatay Nando na may dalang kutsilyo, pinilit ko namang kumawala sa pagkakahawak ni Kuya pero mas lalo lang humigpit ang kapit niya sa akin.
"Papatayin mo agad?" tanong nito kay tatay, iniwas ko naman ang tingin ko ng makasalubong ko ang matalim na tingin ni tatay. "Pahirapan muna natin ito."
Napangiti naman si tatay dahil sa naging suggestion ni Kuya Terrence, binaba niya ang hawak niyang kutsilyo at binigyan ako ng isang sampal na nagpahina sa akin. "Terrence, mag-init ka ng tubig." Sabi ni tatay kaya naman kumuha ng isang panyo si Kuya Terrence at tinali ako sa may hagdanan.
Lumapit naman si tatay sa akin kaya napayuko ako pero hinila niya ang buhok ko para makita ang mukha ko, "Wala ng magliligtas sa iyo, wala na yung lalaki mo kaya kahit umiyak at magsisigaw ka pa dyan, wala ng tutulong sa iyo." Sabi ni tatay bago ako pinatikim ng tadyak sa iba't ibang parte ng katawan.
Hindi pa siya nakuntento dahil pinatuluan niya ng kandila ang binti ko, wala ng luhang lumalabas sa mata ko, hindi ko na din marinig ang sigaw ko dahil sa lakas ng tawa ni tatay. Lalo akong natakot ng hindi ko na maramdaman ang sakit sa binti ko, malulumpo na ba ako?
"Tama na 'tay." Pagmamakaawa ko pero parang wala siyang naririnig, wala siyang pakialam kung masaktan mo ako o ano, doon ko biglang naalala yung sinabi ni Prince.
"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Tignan mo sa salamin ang itsura mo punong puno ka ng pasa at sugat sa katawan, dapat lang silang mabulok sa kulungan para pagbayaran ang lahat ng mga kasalanan nila sa iyo."
"Pamilya? May pamilya bang sinasaktan ang isa't isa, binubugbog ang anak nila dahil hindi nila gusto? Oo, alam kong pamilya ang turing mo sa kanila pero ikaw ba turing din nilang pamilya? Hindi ba ang tingin sa iyo ng tatay at kapatid mo ay katulong."
Kung nakinig lang sana ako sa kanya, hindi ko ito dadanasin.
Hinang hina na ako ng marinig ko ang sigaw ni Kuya Terrence na handa na yung tubig na pinainit ni tatay, "Dalhin mo dito dahil may bubuhusan tayong kiti kiti dito." Sabi ni tatay, hindi na ako nakasigaw dahil tinakpan nito ang bibig ko ng isang tela.
Unti unti ng nawala ang pag-asa ko, hindi na ako makasigaw para humingi ng tulong, hindi na ako makagalaw dahil nakatali ang kamay ko at namamanhid na ang paa ko. Nanalangin na akong sana may isang himalang mangyari at may isang taong magligtas sa akin, kung hindi man yun ang playo ng Diyos sa akin, maluwag kong tatanggapin ang kakahantungan ko.
"Pagkatapos nito tanggalin natin isa isa ang mga kuko niya." Narinig kong sabi ni Kuya Terrence bago sila tumawa na parang demonyo.
"Hindi mo kasi kinikilala kung sino ang kinakalaban mo." Tanging narinig kong sabi ni tatay bago ako pumikit dahil ibubuhos na niya ang tubig sa akin.
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay, "Mas hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo." Sabi ni Prince kasama ang ilang pulis, nakatutok ang baril sa dalawa kaya hindi sila nakagalaw.
Kinuha sila ng mga pulis at nilayo sa akin, nakita kong madaming tao ang nasa labas at nakikiusyoso. "Ikulong niyo na yan, siguraduhin niyong mabubulok sila sa kulungan kung hindi pare parehas kayong mawawalan ng trabaho." Sabi ni Prince bago nilabas ng mga pulis ang dalawa.
Ingat na ingat namang tinanggal ni Prince ang telang nasa bibig ko, ang kamay kong nakatali bago ako niyakap. "Sorry." Tanging nasabi ko sa kanya bago ako gumanti ng yakap sa kanya, binuhat niya ako palabas ng bahay kaya lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. "I'm sorry Prince."
"It's okay, ang importante ligtas ka na, magpahinga ka na muna." Sabi niya sa akin nung pinasok niya ako ng sasakyan, pinahiga niya ako at pinaulo sa may hita niya. "Mag-uusap tayo kapag maayos na ang lagay mo."
...
Nagising ako ng may tumamang liwanag sa mukha ko, napatingin ako sa lalaking nakayuko sa may gilid ng kama ko at tahimik na natutulog, sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero agad naman akong napaaray dahil sa sakit nito. Hindi ko sinasadyang magising ang magandang nilalang na natutulog sa tabi ko.
"Lia, gising ka na." Sabi niya, nagulat na lang ako ng bigla niya ako hinalikan sa noo habang hinagod ang buhok ko. "May masakit ba sa iyo?"
"Katawan ko." Sagot ko sa kanya, tinulungan naman niya akong umupo. "Ilang oras na akong nakatulog?"
"Tatlong araw." Sabi niya sa akin, nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya, nagbago din ang ekspresyon ng mukha niya. "Tatlong araw kang tulog."
"Sorry Prince." Tanging nasabi ko dahil sa sobrang guilt na nararamdaman ko, napahamak ako dahil sa katigasan ng ulo ko, simula ngayon lahat ng sasabihin ni Prince susundin ko na dahil sa pagligtas niya sa akin. "Sorry talaga."
"Nangyari na kaya huwag ka ng mag-sorry, mangako ka na lang sa akin na hindi ka na basta bastang aalis at makikinig ka na sa akin." Sabi niya sa akin at agad naman akong tumango, tinaas ko ang kanang kamay ako at nag-promise ako sa kanya. "Dito ka na titira simula ngayon."
"Dito?"
"Bakit may iba ka pa bang bahay na uuwian Lia?" sabi niya sa akin.
"Yung bahay na naiwan nila tatay." Sagot ko naman sa kanya.
"Lia, hindi mo na kailangang balikan ang bangungot na naranasan mo sa bahay na iyon, nandito na kaming tunay mong pamilya na handa kang alagaan." Sagot sa akin ni Prince pero umiling ako.
"Prince, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako ang Lia na hinahanap mo, siguro magkamukha kami pero maniwala kang magkaiba kaming tao." Sagot ko sa kanya. "Yung pagtira ko sa bahay na iyon, yun ang magpapatunay na lumaki ako sa bahay na yun at hindi ako ang kababata mo."
Inabot niya ang isang picture at napanganga ako dahil magkamukha nga kami ni Lia, ang problema lang mas maganda ako sa kanya. "Nakalimutan mo lang kami at nabuhay ka sa ibang katauhan, medyo nagkalaman ka lang at lumiit pero alam kong ikaw yan." Sagot niya sa akin.
Napahilot na lang ako ng sentido ko, bakit ba ayaw niyang maniwala? "Gutom ka na siguro, dito ka lang dadalhan kita ng pagkain para makakain ka na at makainom ng gamot mo." Sabi niya bago ako iniwan magi sa sa kwarto.
Paano ko ba siya mapapaniwalang hindi ako yung Lia niya?
...
Salamat sa magaling na pag-aalaga sa akin ni Prince , mabilis akong naka-recover sa nangyari sa akin, nung una akala ko hindi na ako makakalakad dahil sa ginawa ni tatay sa binti ko pero sinabi ni Prince na hindi daw siya papayag na mangyari sa akin yun.
"Good morning." Bati sa akin ni Nina pagbaba ko, mas naging close kami nung mga nagdaang araw, siya kasi yung kapalitan ni Prince sa pagbabantay sa akin. "Nakahanda na po yung pagkain niyo."
"Si Prince?" tanong ko ng hindi ko makita ang lalaking yun, siya kasi ang kadalasang gumigising sa amin o nauunag kumain kaya nakapagtatakang wala pa siya ngayon dito sa hapag.
"Kagigising lang po, mukhang puyat na puyat." Sabi sa akin ni Nina.
Tumango naman ako saka ngumiti sa kanya, "Sige, hihintayin ko na lang siyang nagising." Sabi ko bago kumuha ng tinapay at nagsimulang gumawa ng sandwich na ipapabaon ko sa kanya, ito na lang ang pasasalamat ko sa pagtulong at pag-aalaga niya sa akin.
"Ano yan?" tanong sa akin ni Ms. Zelda.
"Baon po ni Prince." Simpleng sagot ko sa kanya, pinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko dahil akala ko aalis na sa tabi ko si Ms. Zelda, ewan ko ba ang awkward ng pakiramdam ko kapag malapit siya sa akin.
"Hindi nagbabaon si Prince." Tanging sagot ni Ms. Zelda na nagpatagil sa ginagawa ko, umalis na siya at iniwan ako sa kusina, ano na lang ang gagawin ko sa mga sandwich na ginawa ko?
Nakita ko naman si Prince na may kausap sa may phone habang pababa ng hagdanan, "Oo nga, papasok na ako mamaya kaya hindi mo na ako kailangan pang puntahan dito, hintayin mo na lang ako dyan. Bye." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya, sino naman kaya yung kausap niya?
"Ano yan?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa tupperware na tinago ko sa likuran ko.
"W-wala."
"Wala ka dyan, hindi ako bulag kaya ipakita mo na sa akin yan." Sabi niya sa akin kaya naman inabot ko sa kanya yung tupperware habang nakayuko. "Ano ito?"
"Ginawan kita ng baon kaso sabi naman ni Ms. Zelda, hindi ka naman daw nagbabaon kaya ako na lang ang kakain nito." Sabi ko sa kanya, aagawin ko sana ulit sa kanya yung sandwich pero nilayo na niya sa akin.
Nakangiti siya sa akin, "Bakit ikaw ang kakain? Akala ko ba ginawa mo ito para sa akin? Saka huwag ka ngang nakikinig kay Ms. Zelda." Sabi niya sa akin bago pinasok ang tupperware sa bag niya.
"Prince, bakit parang hindi ako gusto ni Ms. Zelda?" tanong ko sa kanya habang nagsimula na kaming kumain. "May nagawa ba akong masama sa kanya? I mean si Lia."
Paano ba naman kasi parang lahat ng ginagawa ko parang mali sa kanya o hindi naman ang sungit niya sa akin, hindi ko tuloy alam kung paano ako gagalaw kapag nasa tabi siya.
Ngumiti naman siya sa akin bago ginulo ang buhok, "Huwag mo na lang muna siyang intindihin, ok? Kumain ka na dyan dahil papasok na tayo." Sagot niya sa akin.
...
Bago ako bumaba ng sasakyan , nagulat ako ng inabutan ako ni Prince ng isang phone. "Huwag mong kalimutang i-text ako kapag may kailangan ka." Paalala niya sa akin na para akong anak niyang unang beses na papasok ng school, inabot niya ang isang bag sa akin. "Nandito na din ang lahat ng kailangan mo."
Napangiti naman ako dahil sa pagiging maalalalahanin ni Prince sa akin, ganito din ba talaga siya kay Lia? Bakit naman kaya umalis si Lia kung may Prince naman siya? Idagdag mo pa yung mapagmahal niyang pamilya, ito ang pamilyang pinapangarap ko.
"Bakit ka naman nakangiti dyan?" tanong niya sa akin, iling naman ang naging sagot ko sa kanya bago lumingon sa ibang direksyon. Nagulat na lang ako ng hinarap niya ang mukha ko sa kanya, "Mas gusto ko ang bagong Lia."
Binatukan ko naman siya dahil sa sinabi niya, "Hindi nga kasi ako si Lia, bakit ba ang kulit mo? Gusto mo bang samahan kita sa NSO para kuhanin natin yung birth certificate ko para maniwala ka na na hindi ako si Lia mo." Sabi ko pa sa kanya.
Kung kanina ang ganda ng mood niya, ngayon naman unti unti ng napalitan. "Bakit ba pinagpipilitan mong hindi ikaw ang fiancée ko?" tanong niya sa akin.
"Bakit mo ba kasi pinipilit na ako ang fiancé mo?" balik na tanong ko sa kanya. "Hindi ako si Lia dahil Thalia ang pangalan ko."
"Sige, kung ipagpipilitan mong ikaw si Thalia, tatratuhin kita bilang Thalia." Malamig niyang sabi at siya na ang nakatingin ngayon sa ibang direksyon. "Lumabas ka na."
Tahimik akong lumabas ng kotse ni Prince, nagulat na lang ako ng bigla naman niya itong pinaharurot paalis nung pag-alis ko. Nanlaki naman ang mata ko dahil napansin kong halos lahat ng tao nakatingin sa akin, anong problema nila?
May babae naman humarang sa may harapan ko, "Nagbalik na pala ang reyna ng Western High, kamusta ang impyerno?" tanong sa akin ng babae, napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya, ano bang impyerno ang sinabi niya?
"Pardon." Tanging nasabi ko sa kanya, hindi ko kasi alam kung anong sinasabi niya, akala ko nga hindi ako yung kausap niya kaso nung lumingon ako wala naman ibang tao sa likuran ko, isa pa hindi ko naman siya kilala kaya bakit ko naman siya papatulan pa?
Naalala ko noon ang payo sa akin ni Nanay Rosy, dapat umalis na ako kung ayaw kong madamay sa gulo, nagsimula na akong maglakad palayo pero nagulat ako nung hawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya. Yung tingin niya sa akin halatang may galit, ramdam ko din ang galit niya dahil sa higpit ng hawak niya sa akin.
May galit ba siya sa akin?
Wala naman akong ginagawa sa kanya ahh.
"May amnesia na nga pero bitch ka pa rin." Sabi niya sa akin, nanlaki naman ang mata ko dahil sa tinawag niya sa akin, first time kong natawag na ganun sa buong buhay ko. "Hindi ibig sabihing nagbalik ka na, babalik na rin ang lahat sa dati, hindi ako papayag na maagaw mo ang trono ko."
Hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin ng babaeng ito kaya naman tinapik ko siya sa balikat bago ako ngumiti sa kanya, "Huwag kang mag-alala wala naman akong balak na agawin ang trono mo, nandito ako para mag-aral." Sagot ko sa kanya, iniwan ko na siya habang nakanganga pa rin siya dahil sa sinabi ko.
Bakit ba ang daming may galit kay Lia?
Una si Ms. Zelda tapos ngayon naman yung isang babae, ito kaya yung dahilan kung bakit umalis siya?
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinahanap ang classroom ko, , hindi naman ganito kalaki ang school ko dati , feeling ko nga nawawala na ako dahil sobrang laki ng school at nahihilo na ako sa paikot ikot sa building na ito. Natigilan ako sa paglalakad nung makita kong pinatid ng isang lalaking naka-jersey ang isang lalaking nakasuot ng maluwag na damit at nakasuot ng malaking salamin.
Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko kung sino yung lalaking pinatid, si Warren, ang kakabata kong umalis sa lugar namin simula ng nanalo sila sa lotto. Tumalsik ang salamin niya mula sa pagkakapatid sa kanya, tutulungan ko sana siya pero lumapit na sa kanya ang lalaki.
Ang akala ko tutulungan siya nung lalaking nakapatid sa kanya pero binuhusan lang siya nito ng tubig, lumakas ang tawanan ng mga taong nanunuod sa paligid, sinipa naman ng lalaki palayo ang salamin niya kaya hindi sa nakagalaw ng maayos.
Hindi na ako nakatiis ka naman lumapit na ako, "Anong problema mo?" sigaw ko sabay hinarap sa akin yung lalaki, nakita ko namang nagbago ang raksyon niya nung nakita ako parang nagulat na ewan.
Nung nakabawi na siya, hindi siya sumagot pero napaatras ako ng makita ko ang ngisi niya, iba ang pakiramdam ko sa ngiting iyon. Nanlaki naman ang mata ko ng bigla niya akonnng binigyan ng isang halik sa pisngi, "Welcomeee back, babe." Sabi niya sa akin, hindi ko naman pinansin ang sinabi niya dahil sa sobrang inis ko sa kanya.
Pinatikim ko siya ng isang suntok dahilan ng pagtumba niya, "Gago ka ba, hindi nga kita kilala kung makahalik ka naman dyan." Sagot ko sa kanya bago pinahid ang parte ng mukha ko kung saan niya hinalikan.
Imbis na magalit ay napangiti lang siya sa sinabi ko, "Tama nga ang sabi ni Prince, may amnesia ka." Sagot nito sabay kinindatan ako, bakit iba ang feeling ko sa lalaking ito?
"Kilala mo si Prince?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot, nawala naman ang ngiti niya at tinalikuran na ako, anong problema ng lalaking yun?
Hindi ko na pinansin ang lalaki, lumapit na ako kay Warren at tinulungan siyang tumayo. "Palagi ba nilang ginagawa yun sa iyo?" tanong ko sa kanya. Hindi naman niya ako sinagot, "Sana hindi ka na lang umalis dun sa a..."
"Sa susunod huwag mo ng gagawin yun dahil mas lalo lang nila akong pag-iinitan, anong sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang niligtas ako ng isang babae?" tanong nito sa akin. "Salamat na lang sa wala Thalia."
Hindi ko alam kung bakit nag-iba na ang ugali ni Warren, ang layo na niya sa masayahin at palangiting Warren na kababata ko. Iniwan na akong mag-isa sa hallway kaya naman napagpasyahan ko ng pumasok ng klase ko, hindi ko gugustuhing makaharap ang iba pang kaaway ni Lia.
"Lia! Buti naman bumalik ka na, anong bang nagyari sa iyo? Alam mo bang nag-alala ako, saan ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang bumalik? Si Shaira na tuloy ang reyna-reynahan dito sa Western High." Salubong sa akin ng babae, sa totoo lang nahilo ako sa pinagsasabi niya, hindi ko kasi maintindihan. Isa pa, hindi ko siya kilala kaya naman hindi ko alam kung anong dapat na reaksyon ko.
"Lia, bakit hindi ka sumasagot? Huwag mong sabihin napipi ka na?" tanong niya sa akin habang inaalog alog ako.
"Excuse me, I don't want to be rude but can I ask your name?" tanong ko sa kanya, nawala ang ngiti sa mukha niya dahil sa tinanong ko sa kanya. "Miss, hindi Lia ang pangalan ko, it's Thalia."
Nagulat naman ako ng nag-sign of the cross siya at paulit ulit na pinadaan ang kamay niya sa may ulunan ko, anong problema niya? "Totoo nga ang balitang may amnesia ka, best friend pati yung sungay mo sa ulo nawala." Sabi niya saka nilayo ako para tignan ang katawan ko. "Medyo tumaba ka."
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya, pinapalabas ba ng babaeng itong baboy ako? Kung tumaba na ako sa lagay kong ito, ano na lang ang tawag kay Lia? Buto-buto.
"Tumangkad ka rin ng kaunti at nagkalaman ito." Sabi niya sabay dakot sa may boobs ko, agad naman akong napaatras dahil sa ginawa niya, shet hindi na virgin ang boobs ko! Oh god!
"Saan ka ba nagpunta? Ang laki ng pinagbago mo saka yung ayos mo ngayon , yan ba ang uso sa pinuntahan mo, seriously mukha kang manang sa suot mo." Sabi niya sa akin, tumingin naman ako sa sarili ko, asan naman ang mukhang manang sa malaking t-shirt at jeans.
At least comfortable ako, kung magkakaroon man ng sunod, siguradong mabubuhay ako dahil mabilis akong makakatakbo. Sila ba magagawa nila yun sa heels nila?
May isa namang babaeng lumapit sa akin at umiyak, niyakap niya ako ng mahigpit na parang kakapusin na ako ng hininga. "Miss na miss na kita." Sabi niya sa akin, lihim naman akong napangiti dahil kahit na madaming kaaway si Lia, may mga kaibigan naman siyang hindi siya iniwan.
"Bakit ka umiiyak?" tanging tanong ko sa kanya.
"Paano binubully na naman siya ni Shaira simula nung umalis ka, sinabi ko naman sa kanya na huwag siyang papaapi sa babaeng yun pero hindi siya nakikinig." Sumbong sa akin nung babaeng sumalubong sa akin.
Madami pa sana siyang sasabihin pero natigil na kami sa pag-uusap nung pumasok na ang professor namin, "Welcome back Ms. Villabella." Sabi ng teacher sa akin, alam kong may halong kaplastikan ang pagbati niya sa akin dahil nakita ko siyang umirap sa akin.
Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti, "Class, get one whole sheet of paper, magandang salubong kay Ms. Villabella quiz natin ngayong araw." Sabi niya bago tumalikod para isulat ang equation sa board.
"Sorry, hindi namin nasabi sa iyong may quiz ngayong araw." Sabi nung babaeng umiiyak kanina, "Papakopyahin na lang kita."
"No need, I can handle this." Tanging sagot ko.
Pakiramdam ko hinahamon ako ng teacher na ito.
...
"Sino naman ang nagpakopya sa iyo ngayon Ms. Villabella at naka-perfect ka ngayon sa quiz?" tanong nung teacher sa akin, napataas naman ang kilay ko, don't tell me galit din ang teacher na ito kay Lia? Ano bang klaseng buhay ang mayroon siya?
"Hindi po ako nangopya ma'am." Depensa ko sa sarili ko.
Naka-perfect lang nandaya na agad? Hindi ba pwedeng madali lang talaga yung binigay niyang equation kaya nasagutan ko.
"Paano mo naman mapapatunayan yan? Halos lahat ng math quiz mo bagsak, paano mo ako mapapaniwala dito?
"Mali pong manghusga ng estudyante, wala naman pokayong pruweba na nangopya ako." Sagot ko sa kanya, ayoko na sanang patulan ang teacher na ito pero wala kasi siyang professionalism, kung may problema siya sa akin/Lia kausapin niya kami after class at hindi yung ipapahiya niya ako/Lia sa harap ng madaming tao.
"Kung gusto niyo pong patunayan ko sa iyong hindi ako nangopya sa kung sino magbigay ka po ng bagong equation at sasagutan ko mismo sa harap niyo." Paghahamon ko sa kanya.
Nagsulat siya ng bagong equation sa board, nung matapos siya ay agad niyang inabot ang whiteboard marker sa akin, napangiti naman ako dahil unang tingin ko pa lang alam ko na kung ano ang sagot sa equation na ito. "Wala na po bang mas mahirap?" tanong ko sa kanya nung binalik ko ang whiteboard marker matapos kong isulat ang sagot ko sa board.
Ngayon alam ko na kung bakit umalis si Lia, sino ba naman ang gustong manatili sa ganitong buhay?
Walang nagtitiwala sa iyo at naghihintay na bumagsak ka.
End of Thalia's POV

Comentário do Livro (50)

  • avatar
    JunioJayvelyn flor

    please continue the book of mistaken identity sayang Naman Ang pag Basta Ng story mo 😍😍

    8d

      0
  • avatar
    Ermest Abellera

    Nice quality

    10/08

      0
  • avatar
    herang

    ang ganda,nabitin ako teeee!😭

    25/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes