logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

Thalia's POV
Napalunok ako habang nakatingin sa hapag kainan. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o sadyang ito na ang huling hapunan ko kaya masyadong madaming pagkain.
Tuwing fiesta lang sa barangay ako nakakakiya ng ganito kadaming pagkain.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa lalaking katabi ko. Paano ba naman kasi yung mga tao nagkakagulo sa paglalagay ng pagkain sa mesa.
Hindi naman pinansin ni Prince ang sinabi ko, "Umupo ka na, hindi mo mauubos yang pagkain kung titigan mo lang." Sabi niya sa akin at dahil masunurin akong bata ay umupo na ako sa may tabi niya.
Sandali kaming nagdasal, marinig kong nagpasalamat siya dahil nakita na daw niya ako. Habang ako naman ay lihim na nag-dasal na sana pakinggan na ng lalaking ito ang sinasabi kong hindi ako si Lia niya. "Lia, kain ka na." Nakangiti niyang sabi sa akin, hinanap naman ng mata yung mga taong naglagay ng pagkain sa mesa pero hindi ko na sila nakita. "May problema ba?"
Umiling naman ako habang nilalagyan niya ng fried rice ang plato ko. "Tayo lang ba ang kakain nito?" tanong ko siya nung hindi na ako makatiis.
"Oo." Simpleng sagot niya sa akin habang maglalagay sana siya ng itlog sa plato ko pero pinigilan ko siya.
Agad naman akong tumayo na kinagulat niya, "Nasaan na yung mga naglalagay ng pagkain dito kanina? Dalhin mo ako sa kanila." Sabi ko sa kanya, akala ko hindi niya ako susundin pero dinala niya din ako sa lugar nila.
"Lia, ano bang gagawin natin dito sa maid quarters? Hindi mo ba nagustuhan yung breakfast natin, gusto mo bang magpa-delivery na lang tayo?" sunod sunod niyang tanong sa akin.
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa pagkataranta niya.
"Huwag ka ngang OA dyan! Hindi naman sa hindi ko nagustuhan yung hinanda nila pero napakadami naman yata ng nakahanda sa atin at hindi natin yun basta bastang mauubos kaya yayain natin silang kumain." Sabi ko sa kanya, alam kong nagulat siya dahil sa sinabi ko. "Gumising sila ng maaga para mapagluto lang tayo ng ganun kadaming pagkain kaya dapat kasama natin silang kumain."
Nagulat naman ako ng hilain niya ang kamay ko, "Gusto lang naman kitang ma-solo Lia." Sagot niya sa akin.
"Ilang beses ka ba pinanganak ng nanay mo at hindi mo maintindihang hindi nga ako si Lia mo, saka magkatabi naman tayong kumain kaya huwag ka ng mag-drama dyan." Sagot ko sa kanya. "Tawagin mo na sila ahh! Ako na ang magdadagdag ng mga plato doon."
♧♧♧♧♧
Napangiti ako kay Prince ng makita kong kasunod niyang pumasok ng hapag kainan ang mga kasambahay. Nagdasal ulit kami at nagpasalamat sa pagkain, nung una sobrang awkward ng paligid dahil sobrang tahimik pero nung tumagal nag-umpisa ng mag-kwentuhan ang mga tao kaya nag-kwentuhan na din kami ni Prince.
"Pahiram nga ng cellphone mo at i-record ko na lang ang boses ko, paulit ulit na lang ako para akong sirang plaka." Sabi ko sa kanya. Paano ba naman kasi pinag-pipilitan niyang ako yung Lia niya! Kung hindi lang talaga ako niligtas ng lalaking ito, dadagukan ko na ito ng malakas para magising.
"May amnesia ka lang kaya hindi mo kami maalala." Sagot naman nito sa akin.
Ginulo ko naman ang buhok ko dahil sa sobrang pagka-irita sa kanya, "'Tsong, ang kulit mo din ano, doon nga ako lumaki sa lugar na yun kaya hindi mangyayaring ako yung babaeng hinahanap mo." Sagot ko sa kanya.
"You're vulnerable dahil may amnesia ka kaya naman madali nilang napuno ng kasinungalingan yang utak mo." Sagot naman nito sa akin.
Biglang kumulong ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Gago talaga ang lalaking ito!
Tinuro ko naman ang tinidor ko sa kanya dahilan para mapaatras siya. "Huwag mong tatawaging sinungaling ang nanay Rosy ko dahil gigilitan talaga kita ng leeg gamit ang tinidor na ito." Pagbabanta ko sa kanya. Hindi ko alam kung possible yun pero makikita lang namin ang resulta kapag nagsalita pa ulit siya ng masama tungkol kay Nanay Rosy.
Ewan ko ba nagdidilim talaga ang paningin ko kapag may mga taong nagsasabi ng masama sa Nanay Rosy ko.
Natahimik naman siya dahil sa banta ko, mukhang natakot yata. "Kung gusto mo samahan pa kita sa lugar namin at doon ka magtanong tanong. Yung mga matanda at kalaro ko nung bata pa ako, sila ang magpapatunay na doon ako lumaki at hindi ako ang Lia na hinahanap mo." Dagdag ko pa pero hindi na talaga siya nagsalita, pinagpatuloy niya lang ang pagkain niya.
"Maniwala ka sa akin, iniwan ako ng tunay kong magulang sa ampunan pero lumayas ako doon dahil palagi akong binubully ng mga bata, h----." Ako naman ang hindi nakapagsalita nang bigla siyang sumigaw.
"Lia, tama na!" sa sobrang gulat ng isang kasambahay ay natabig niya ang baso niya dahilan para mabasag ito.
Lumapit naman ako sa babae para tulungan siyang pulutin ang nabasag niya pero gulat ko ng bigla siyang umatras at humingi ng tawad sa akin. "Ma'am Lia, pasensya na po, hindi po talaga sinasadya. Huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho." Sabi sa akin ng babae.
Nagulat naman ako dahil sa inakto niya, ganun ba kalupit na tao si Lia? Isang baso lang ang nabasag pero takot na takot na siya.
Hinawakan ko ang kamay niya para hindi tumigil na ito sa panginginig. "Hindi naman kita papaalisin, huwag ka ng umiyak dyan." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at pinaalalayan ko na lang siya sa iba niyang kasamahan para madala na siya sa kwarto niya.
Naiwan naman akong nag-aayos nung nabasag na baso. "A-ahh!" sabi ko ng hindi ko sinasadyang namali ang hawak ko kaya naman nabubog ako.
Walang sabi sabing binuhat niya ako papunta sa may sofa. Hindi ko alam kung bakit niya ako binuhat samantalang kamay ko ang nasugatan at hindi paa. Pero wala na akong sinabi dahil ginamot na niya ang sugat ko.
"Alam mo ba kung bakit ganun ang naging reaction nila sa iyo?" tanong sa akin ni Prince dahilan para malipat ang tingin ko sa kanya.
"Kasi masamang tao si Lia?"
"Takot silang lahat kay Lia dahil kaunting mali lang na makita ni Lia ay tinatanggal na niya ang mga kasambahay. Minsan may isang katulong na hindi sinasadyang makabasag ng vase habang naglilinis, sinunog niya mismo sa harap ng katulong yung mga gamit nito bago pinalayas." Sabi ni Prince.
Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalaing ganun pala kasama yung babaeng kamukha ko, ngayon lang ko na kung bakit ganun ang reaction at tingin nila sa akin. Napailing naman ako dahil hindi dapat ganun ang maging tingin nila sa akin, ako at si Lia ay magkaibang tao. Hindi dahil kamukha ko siya ganun na din ako kasamang tao.
"You're a beautiful, bubbly and sweet lady but what happened Lia?" tanong nito sa akin. "Bakit ka nagbago?"
"Hindi ako nagbago, hindi nga kasi ako si Lia." Ulit ko sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.
"Isang araw bigla ka na lang nawala. Hinahanap ka ng lahat pero hindi ka namin matagpuan, lumilipas ang araw at nawawalan na kami ng pag-asang makikita ka namin hanggang isang araw may nagpadala sa amin ng sulat na patay ka na." Malungkot nitong kwento. "Inatake sa puso ang lolo mo habang yung daddy mo naman sinubsob ang sarili sa trabaho para hindi niya maalala kung ano ang sinapit ng unica hija niya."
"Bumalik ka na sa amin Lia, kailangan kita, kailangan ka ng pamilya mo."
♧♧♧♧♧
(11 years ago)
"Huwag ka na ngang umasang may mag-aampon pa sa iyo. Walang magkaka-interes sa masakit na katulad mo." Sabi sa akin ni Maica habang nakadungaw ako sa bintana.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil ayoko ng makipag-away sa kanya. Sabi kasi ni Sister Mary masama daw yun, hindi daw ako tatanggapin sa heaven kapag nakipag-away ako kaya palagi na akong umiiwas sa gulo.
Ang totoo lang hindi naman ako umaasang may aampon sa akin. Hindi ko na din inaasahang babalikan ako ng tunay kong magulang dahil matagal ko ng tanggap ang bagay na yun. Nandito ako sa bintana dahil gustong gusto ko ang ulan, yung amoy ng lupa kapag umuulan, yung malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa balat mo.
Lahat sila nag-aayos na dahil birthday nung anak nung benefactor ng ampunan, dito napiling mag-celebrate ng bata kaya naman ang daming pagkain ngayong araw. Nung napagod na ako sa pagtingin sa bintana, pumunta ako sa kusina at pasimpleng kumuha ng hotdog na handa nung birthday boy.
"Saan mo dadalhin yan Thalia?" tanong sa akin ni Nanay Rosy na nagluluto ng spaghetti.
"Nagugutom po ako eh." Sabi ko sa kanya, siya ang tagaluto dito sa ampunan at ang aking nanay nanayan. "Bawal po bang kumuha ng pagkain dito?"
Lumuhod naman siya sa harapan ko, "Hindi naman sa bawal pero wala pa kasi yung mag-birthday kaya hindi pa tayo pwedeng kumain." Sabi sa akin ni Nanay Rosy, tumango naman ako at binalik sa lalagyanan ang kinuha kong hotdog.
"Babalik na lang po ako kapag dumating na yung birthday boy."
○●○●○●○
"Ayaw mong maglaro?" tanong sa akin ng isang lalaking may hawak ng pagkain. Sa tingin ko siya yung birthday boy dahil hindi naman siya mukhang taga-ampunan, yung suot pa lang niya makikita mo na.
"Ikaw ba yung birthday boy?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. "Happy birthday! Pwede na ba akong kumain?"
Tumawa naman siya sabay abot sa akin ng plato niya. "Kain ka lang." Sabi niya at umupo na din siya sa may pwesto ko sa bintana.
"Bakit nandito ka wala sa party mo?" tanong ko sa kanya bago sumubo ng spaghetti.
"Bakit nandito ka din at wala ka sa party ko?" balik tanong naman niya sa akin.
"Magulo ehh." Sagot ko sa kanya. "Ikaw ba?"
"Ang gulo kasi ng mga babae doon. Dikit ng dikit sa akin." Sabi niya at tumango naman ako dahil kung titignan mo. Gwapo naman talaga siya kaya hindi ko na masisisi ang ilan kung bakit dikit ng dikit sa kanya. "Kain ka ng madami ahh, gusto mo pa ba ng hotdog ikukuha kita."
"Huwag na, hindi na kailangan, nakakahiya wala akong regalo sa iyo."
"May naisip akong pwede mong iregalo."
"Ano naman yun?"
"Let's be friends. Kung papayag kang maging kaibigan ko, iyon na ang pinakamagandang regaling matatanggap ko ngayon." Nakangiti niyang sa akin.
"Sige, friends na tayo." Sabi ko sa kanya. "Kuha mo na ako ng hotdog, dali."
Tumakbo naman siya palayo at nagulat na lang ako ng dinala niya ang isang repolyo kung saan nakatusok ang madaming hotdog. Bumalik siya sa tabi ako at nagsimula na kaming magkwentuhan ng kung ano ano hanggang sa maubos namin ang mga hotdog.
Tinawag na siya ng magulang niya dahil tapos na ang party niya. "Ako nga pala si Tata." Pakilala ko sa kanya.
"...V" sabi niya sa akin nung naglalakad na siya palayo sa akin. Hindi ko naintindihan yung una niyang sinabi dahil masyadong maingay.
"Ha? V?" tanong ko kung tama ba ang pagkakarinig ko sa pangalan niya, tumango naman siya bago nagpaalam sa akin, sabi niya babalikan niya ako at palagi kaming mag-uusap.
♧♧♧♧♧
Nagalit sa akin sila Maica dahil ako lang daw ang palaging kinakausap ni V kapag dumadalaw sila ng ampunan. Doon nagsimula ang pang-bully sa akin, hindi ko ito nakayanan kaya naman lumayas ako pero agad akong nahanap ni Nanay Rosy sa gitna ng ulan.
Nung mahanap ako ni Nanay Rosy sa bangketa, agad niya akong inuwi sa bahay niya. Sabi niya hindi na daw siya papayag na magkahiwalay kami kaya naman aampunin na niya ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagawang tanggapin ni Kuya Terrence at Tatay Nando, lahat ginawa ko para maging tanggap nila ako pero walang nagbago sa tingin nila sa akin, isang palamunin.
Hindi sila naging mabuti sa akin, pasakit ang naranasan ko sa kanila. Birthday, pasko o bagong taon, wala silang pinalampas na araw na para bang hindi kompleto ang araw nila kapag hindi ako napapagalitan ko nasasaktan. Tiniis ko ang lahat ng iyon para kay Nanay Rosy, siya ang pamilya ko.
♧♧♧♧♧
Happy 7th birthday sa aking unica hija. Pasensya na kung wala si nanay ngayon birthday mo ahh, kailangang kailangan ko lang kasing magtrabaho. Itong cake na ang regalo ko sa iyo, happy birthday princess.
Napangiti ako habang binabasa ang sulat ni nanay na nakadikit sa may box ng cake, hindi talaga nakakalimutan ni nanay ang birthday ko kahit na busy siya sa trabaho niya.
"Ano yan?" tanong sa akin ni Kuya Terrence.
Lumapit naman ako sa kanya at pinakita ang cake na regalo ni nanay. "Kuya, kain tayo ng cake na regalo ni nanay." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman si kuya na lalong nagpaganda ng araw ko. Hindi kasi siya ngumingiti kapag nakikita niya ako. Nagulat na lang ako ng hinulog niya ang cake kaya naluluha naman akong tumingin sa kanya. "Sorry, hindi ko sinasadya, nasasayangan ka ba?" tanong niya sa akin.
Tumango naman ako, "Eh di kainin mo." Sabi niya bago pumuntang sala para manuod ng TV.
Pumasok naman ng kusina ang tatay, nakatingin siya sa cake na nasa sahig. "Ano yan?" galit na tanong nito sa akin.
"Hinulog po ni Kuya Terrence yung cake." Umiiyak kong sabi.
"Terrence." Sigaw ni tatay, pumunta naman si Kuya Terrence sa kusina. "Ikaw ba ang may gawa niyan?"
"Hindi po tatay, si Thalia ang may gawa niyan, ayaw daw po kasi niya nung cake."
Galit namang lumapit sa akin si tatay at pinaluhod ako, "Ikaw na nga lang ang binibigyan ng regalo, ikaw pa ang may ganang mamili, ikaw pa ang may ganang magtapon ng pagkain. Tandaan mo, ampon ka lang kaya matuto kang makisama sa amin, hindi mo ba alam kung gaano kahirap kumita? Dagdag ka pa sa mga gastusin namin." Sabi sa akin ni tatay, lumingon naman siya kay Kuya Terrence na nanunuod habang pinapagalitan ako. "Terrence, huwag mong papaalisin ang pesteng ito ng kusina hanggang hindi niya nauubos yang cake, huwag mo ding pakain ng tanghalian at hapuna. Naiintindihan mo ba?"
"Opo tatay." Sagot ni Kuya Terrence sa kanya, umalis naman na si tatay ng bahay para pumunta sa trabaho niya. "Kung ako sa iyo babalik na lang akong ampunan."
♧♧♧♧♧
Tumabi naman ako kay Prince na nakaupo sa may garden nila. Gusto kong malaman kung anong nangyari kay tatay. "Nasa kulungan na sila, pagbabayaran nila kung ano ang ginawa nila sa iyo." Sabi ko sa kanya pero hinawakan ko siya sa braso niya.
"Pwede bang palayain mo na sila."
"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Tignan mo sa salamin ang itsura mo punong puno ka ng pasa at sugat sa katawan, dapat lang silang mabulok sa kulungan para pagbayaran ang lahat ng mga kasalanan nila sa iyo." tanong nito sa akin pero umiling ako. "Bakit?"
"Simple lang dahil pamilya ko sila, hindi ko kayang makita silang nasa kulungan." Sagot ko sa kanya, alam kong tanga ang tingin niyo sa akin pero hindi talaga kayang maatim ng konsensya ko na makulong ang pamilya ko ng dahil sa akin. Ayokong masira ang pamilya ko , ayokong mawala ang pamilyang mayroon ako.
Kita ko ang galit sa mga mata niya, "Pamilya? May pamilya bang sinasaktan ang isa't isa, binubugbog ang anak nila dahil hindi nila gusto? Oo, alam kong pamilya ang turing mo sa kanila pero ikaw ba turing din nilang pamilya? Hindi ba ang tingin sa iyo ng tatay at kapatid mo ay katulong." Sabi sa akin ni Prince.
Sandali akong natigilan sa sinabi niya, alam kong kahit kailan hindi ako tinuring na kapamilya nila tatay at kuya pero malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanila. "Hindi man pamilya ang turing nila sa akin, malaki naman ang tinatanaw kong utang na loob sila dahil kahit papaano pinatira nila ako sa bahay nila, pinakain at pinag-aral." Humawak ako sa may kamao niya na kanina pa nakakuyom, "Prince, please palayain mo na sila, tatanawin kong utang na loob ang ginawa mo."
Kinuha naman niya ang kamay niya sa akin, "Kung yan ang gusto mo, masusunod." Sabi niya bago pumasok ng bahay.
Napahiga naman ako sa may sahig, hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin, nawawala si nanay tapos hindi na ako pwedeng bumalik ng bahay dahil sigurado akong malaki ang galit ni tatay at kuya sa akin dahil sa pagkakakulong nila. Saan naman ako pupunta? Wala na akong mapupuntahan.
Prince's POV
Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganun kabait, mahalin niya pa rin ang mga taong nanakit sa kanya dahil sa pamilya niya iyo? Kalokohan, hindi ganun si Lia. Siguro nga, hindi siya si Lia na hinahanap ko, kung ganun bakit magkamukhang magkamukha sila.
Sino ba talaga si Thallia?
Calling Wesley ...
"Hello!" sigaw ko nung sinagot niya ang tawag ko.
(Anak ka naman talaga ng nanay mo Prince, bakit kailangan mong sumigaw?) tanong ni Wesley na halatang kagigising pa lang. (May problema ba?)
"Gusto kong alamin mo kung sino si Thalia Dinzon."
(Thalia Dinzon, teka huwag mong sabihing naniniwala ka sa sinabi ni Lia, hindi ba may sinabi na ng doctor na may amnesia si Lia.)
"Sundin mo na lang ang sasabihin ko." Sagot ko sa kanya. "Pumunta ka na rin sa presinto at palayain mo na yung dalawang ugok doon."
(Seryoso ka bang papalayain natin yun?)
"Yun ang gusto ni Thalia." Sagot ko sa kanya, narinig ko naman siyang natawa sa kabilang linya. "Anong tinatawa tawa mo dyan?"
(Napapasunod ka na agad ng babaeng yun.)
"Hindi ahh." Mabilis kong sagot sa kanya. "Bago mo palayain ang dalawang yun, turuan niyo muna ng leksyon."
(Anong klaseng leksyon?)
"Ipabugbog mo, paglinisin niyo ng buong presinto, ikaw na ang bahala."
(Ginawa mo na talaga akong utusan ahh.)
"Name your price."
(Trip to Bali lang, masaya na ako.)
"Kapag natapos mo ang pinapagawa ko."
(Ok boss!) sigaw niya sa kabilang linya bago ko pinatay ang phone ko.
Kung gusto ni Thalia na palayain ang dalawang yun, pagbibigyan ko siya pero sisiguraduhin kong magbabayad sila sa ginawa nila sa babaeng yun.
Thalia's POV
Hindi pa pala ako nakakapag-pasalamat ng maayos kay Prince sa pagtulong niya sa akin, nahihiya din ako sa kanya, mamaya kasi gantihan siya ni Tatay Nando at Kuya Terrence. Ayoko na siyang madamay pa sa gulo namin nila tatay kaya kailangan ko ng umalis.
Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga, "Pasok po." Sabi ko at bumukas ang pintuan ng kwarto.
"Pinapatawag ka ni Sir Prince." Walang reaksyong sabi ni Ms. Zelda, ang mayordoma ni Prince, hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo niya sa akin. Wala naman akong ginagawang masama, ganun lang siguro talaga kapag matandang dalaga, masungit.
"Sige po, susunod na lang po a---." Natigilan ako sa pagsasalita dahil agad silyang umalis ng kwarto, ano yun bastusan?
Sumbong ko kaya siya kay Prince.
Agad akong pumunta sa sala kung saan tahimik na nanunuod si Prince, napataas anman ang kilay ko dahil kahit na comedy yung pinapanuod niya ay nakakunot ang noo niya. "Pinatawag mo ako?" tanong ko sa kanya.
"Papalayasin mo na ba ako?" tanong ko pa sa kanya.
Umupo naman ako sa may tabi niya, pinatay niya ang ang TV. "Of course not, bakit mo naman naisip yun?" tanong niya sa akin.
"Wala lang." Sagot ko sa kanya sabay tumingin sa ibang direksyon, may plano naman akong umalis sa bahay niya pero hindi pa ngayon dahil wala pa akong nahahanap na titirhan.
"Pupuntahan natin ang lolo mo."
"Lolo ko?" tanong ko sa kanya.
"Lumalala na ang sakit niya, siguro gagaan ang pakiramdam niya kapag nakita na niya ang nag-iisa niyang apo." Sabi nito sa akin, magsasalita pa sana ako pero inunahan na niya ako. "Alam kong sasabihin mong hindi ikaw si Lia pero pwede ba kahit ngayon lang magpanggap kang siya."
"Magpapanggap na Lia?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw na lang ang pag-asa para gumaling ang lolo ni Lia, si Lia ang nag-iisang kaligayahan niya." Sabi niya sa akin. "Ipagkakait mo ba sa isang matandang may sakit ang maging masaya sa natitirang araw niya sa mundo?"
Kakayanin ko bang magpanggap na Lia?
End of Thalia's POV

Comentário do Livro (50)

  • avatar
    JunioJayvelyn flor

    please continue the book of mistaken identity sayang Naman Ang pag Basta Ng story mo 😍😍

    8d

      0
  • avatar
    Ermest Abellera

    Nice quality

    10/08

      0
  • avatar
    herang

    ang ganda,nabitin ako teeee!😭

    25/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes