logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Ash POV
Nandito kami ngayon sa bar ni Josh, wala si Ace dahil may pupuntahan daw. Minsan talaga iniisip ko na may tinatago ‘yon eh madalas kasing hindi siya sumasama sila no’ng mga nakaraang linggo. Lagi kaming andito sa bar nato para mag unwind lalo na pag stress o may problema.
Habang umiinom ako ng alak ay biglang may pumasok na naman na imahe sa isipan ko. Naalala ko na naman siya, ni minsan hindi siya nawala sa isip ko.
Everyone calls me playboy, flirt, pinaglalaruan ang mga babae, ginagawang pampalipas oras at kung ano ano pa. Papalit palit ako ng girlfriend or shall I say flings dahil hindi naman ako nakikipagrelasyon talaga. Ayoko sa commitment kaya mahaba na siguro ‘yong one week para sa isang babae at pag nagsawa na ako ay aayawan ko na at hahanap ako ng bago.
Sa una pa lang ay pinapaliwanag ko na sa kanila para magkaintindihan kami at malinaw din sa kanila kung ano lang sila sa buhay ko kaya walang nagiging problema hindi katulad ng iba na akala mo pagmamay ari kana nila habang buhay kung umasta, yung iba naman habol ng habol pa rin kahit iniwan na.
Kaya ayoko sa commitment. ayoko magseryoso dahil ayoko masaktan ulit gaya ng dati. Pare pareho lang naman silang lahat na pag nagkamali ka iiwan ka na agad ng walang pasabi. Hindi na ako naniniwala sa pag ibig, masyado ng masakit ang pinagdaanan ko.
"Ang lalim yata ng iniisip mo bro, siya na naman ba?" biglang tanong ni Josh.
"Hindi ko maiwasan na hindi isipin bro. Kamusta na kaya siya? " pag amin ko.
"Kung hindi ka naging gago noon, sana kayo pa hanggang ngayon". aniya.
"Kung talagang mahal niya talaga ako sana pinakinggan niya ako. Sana hindi siya sumuko, sana hindi niya ako iniwan ng basta basta." puno ng hinanakit na wika ko.
"Hindi mo siya masisisi. Masyadong masakit sa parte niya. Pero maiba ako, paano pag bumalik siya? Handa kana bang harapin siya? tanong ulit nito.
"Naka move on na ako. Ano ngayon kung babalik siya? As you can see maraming babaeng gusto ako makasama. Hindi na ako tulad dati." pagmamalaki ko.
"Sige lang bro pagpilitan mo pa. Tingnan natin. Iba kana man na talaga ngayon. Noon stick to one ka, ngayon babaero kana." natatawang saad nito.
Di ko na lang pinansin ang sinabi ni Josh. Tama siya ibang iba nga ako noon sa ngayon at dahil ‘yon sa kanya.
Oo inaamin ko nagkamali ako, pero di naman dahilan yun para iwan niya ako at tapusin ang ilang taon na meron kami. Pwede naman pag usapan, handa naman ako ng harapin ang pagkakamali ko at kahit pahirapan niya pa ako ayos lang sakin. Kasi alam kung kasalanan ko at ayaw ko siyang mawala dahil mahal na mahal ko siya. Pero mas pinili niyang tapusin kesa ayusin. Mas pinili niyang iwan ako at sabihin na di niya na ako mahal. At kahit na bumalik pa siya ipapakita ko sa kanya na wala na akong pakialam pa sa kanya na okay ako. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano kasakit ang ginawa niyang pag iwan sakin.
Josh POV
Kahit kaibigan ko si Ash hindi ko masisisi si Tiara kung bakit iniwan niya ito. Masyadong masakit para sa kanya ang nangyari. Siguro nga mali na iniwan niya to ng di man lang nagpaalam. At some point naiintindihan ko din naman si Ash, sino ba naman ang di masasaktan pag sinabihan ka na di kana mahal ng taong mahal mo. Oo nagkamali siya, pero sana kung inayos nila agad ‘yon sana baka nagkaroon pa ng chance. Ayoko lang manghimasok sa buhay nila dahil pareho silang mahalaga sakin, kaibigan ko si Ash at bestfriend ko si Tia.
Tinitigan ko na lang si Ash na nagpapakalunod sa alak. Ganito siya sa tuwing naaalala si Tia, kahit pa sabihin niyang wala na siyang pakialam dito. No’ng una gusto ko sanang sabihin sa kanya na uuwi dito si Tiara pero hindi ko na lang tinuloy.
Tinungga ko na lang ang iniinom ko sabay tayo "Uuwi na ako, may pasok pa bukas sasabay kaba?" tanong ko dito.
Tiningnan niya lang ako at uminom ulit.
"Sige una na ako bro," paalam ko dito sabay alis.
Sigurado ako na iinom lang ‘yon hanggang sa malasing siya at makalimutan ang taong iniisip niya. Sumakay na ako sa sasakyan ko at nag drive pauwi. Inaantok na din kasi talaga ako.
(Korea)
Time : 6pm
Sa kabilang dako naman ay may isang magandang babae na pumasok sa isang sweet pastries para bumili ng cake. Mahahalata mong mayaman ang babae sa pustura pa lang nito at pananamit. Pero kung titingnan mo ito mukhang mataray. Nang makabili na ito ng cake ay agad din itong lumabas sa pastries at sumakay sa dalang kotse.
Tiara POV
Nandito na ako sa sasakyan ko pauwi sa bahay namin. Galing ako kasi sa sweet pastries para bumili ng paborito kung cake, ito kasi ang isa sa nagiging stress reliever ko. This past days nakakaramdam ako ng sobrang pagod at stress, ang dami kasing requirements na kailangan ipasa sa school, gusto ko kasi itong matapos bago ako umuwi ng Pilipinas.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagdadrive ng mag ring ang phone ko. Nang tiningnan ko ang caller nakita ko ang pangalan ng pinsan ko. Agad ko naman itong sinagot. Ano na naman kaya ang kailangan nito - isip ko
"Hey cousin, What's with the sudden call?" I ask.
"Wala naman I just miss you! Balita ko uuwi ka daw dito?” she replied.
"Oo, pero di ko pa alam kung kailan. Marami pa akong tinatapos kasi dito." kako sa kanya.
Saktong nakarating na ako ng bahay kaya agad kung pinaparada ang sasakyan ko ng hindi ineend ang tawag niya.
"I see, Dito ka na ba mag aaral ulit?” tanong nito.
"Actually I decided to study there na. Pero di pa rin talaga ako sure, you know nasanay na din ako dito so mahirap iwan." wika ko habang papasok nasa bahay.
Agad kung nilagay sa table ang binili kung cake, alam na ng katulong kung anong gagawin dito. Dumiretso na ako sa kwarto ko habang patuloy parin sa pakikipag usap sa pinsan ko.
"Mahirap ba talagang umalis diyan o sadyang may iniiwasan ka lang dito?" makahulugang usal niya.
Saglit akong natigilan at napabuntong hininga dahil sa walang preno ang sinabi niya.
"Wala naman akong dapat iwasan diyan Max, If you're thinking about Ash, don't bother it's been a year na." sagot ko.
"You're right it's been a year na pero halatang apektado kapa rin.” wika niya. "At isa pa pag umuwi ka dito di din naman maiiwasan na hindi kayo magkita. Kaibigan siya ni Ace at Josh.” dagdag pa niya.
"Huwag na nating pag usapan ‘yon. How are you? Kamusta ang pagpapanggap mo?" anas ko.
Bumuntong hininga naman ito saka sumagot. "Mahirap sa una pero nasanay na din naman ako. Ginusto ko to kaya kailangan kung panindigan." sagot niya.
Gawd! Napakabaliw talaga nitong pinsan ko. Ang lakas din ng trip gusto pa pahirapan ang sarili.
Natawa na lang ako sa kanya "Mabuti pumayag siya? Knowing him." panunukso ko.
"As usual sa una hindi ano pa nga bang aasahan mo eh pinaglihi ‘yon sa sama ng loob, nahihirapan akong mapapayag siya pero sa huli umoo din. Minsan nga gusto kung matawa pag nagkakasalubong o nagkakausap kami sa University, ang awkward." natatawang ito sa kabaliwan niya.
Marami pa kaming napag usapan na mag pinsan. Sadyang close talaga kami sa isa't isa kahit na di kami madalas magkasama. Simula no’ng nagpasya akong pumunta at dito mag aral sa Korea.

Natapos ang pag uusap namin, dahil tumatawag na daw ang boyfriend niya.
I'm so happy sa lovelife niya!
Buti pa siya masaya, samantalang ako maganda lang!
Pagtapos tumawag ng pinsan ko napaupo na lang ako sa kama ko at naalala ‘yong sinabi niya kanina. Tama siya isa sa dahilan ko ‘yon, may iniiwasan akong tao. Mapait akong napangiti habang di ko namalayan na may namumuo na pa lang mga luha sa mga mata ko.
It's been a year pero ‘yong sakit nandito pa rin. Sariwa pa rin sa alaala ko ang mga pangyayari, ‘yong mga pinagsamahan namin at kung paano sa isang iglap lang nasira at natapos lahat.

Comentário do Livro (23)

  • avatar
    mendozamark lawrence

    it's saw beautiful story

    16/06

      0
  • avatar
    Inzaiplay S Yagnul

    ganda nang kwenti

    30/05

      0
  • avatar
    Gabing Solasco Jhacel

    good job po and god bless

    16/04

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes