logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 6

Kabanata 6
NAGISING AKO sa mabangong aroma at hindi ko akalain na si Ashton ang nagluluto ng makakain namin ngayong umagahan at mas lalong hindi ko inakala na mabilis siyang matuto sa isang bagay na itinuturo ko sa kaniya. Sa bawat araw na nagdaan ay ibang bagay ang itinuturo ko sa kaniya para sa gano'n ay hindi siya maging inosente sa isang bagay.
At ngayong araw ay ang paglipat namin sa bago kong bahay malapit sa pinatayo kong clinic. Naghain na siya ng pagkain namin at hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan sa suot niyang kulay orange na apron. Nagluto siya ng itlog at hotdog 'tsaka niya sinangag 'yong kanin. Masaya ako na natutulungan ko si Ashton sa bawat araw na nanatili siya dito sa apartment.
Habang kumakain ay nakasanayan na rin naming mag-usap sa mga random things.
"Maaga talaga akong gumising upang maipaghanda kita ng makakain dahil alam kong may trabaho ka ngayon."
Parang may kung anong humaplos sa puso ko.
"Hindi ka na sana nag-abala pa, hinayaan mo na lang sana akong magluto ng agahan natin ngayon."
"Kailangan kong gawin ito at isa pa, para makabawi ako sa mga tulong mo sa akin. Alam kong hindi mo pa ako ganoong lubos na kilala ngunit patuloy mo pa rin akong tinutulungan. Napakabuti mo, Alyhanna."
Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa loob ng dibdib ko dahil lang sa sinabi ni Ashton.
"Masaya akong natutulungan ka," tipid akong ngumiti sa kaniya kahit na alam kong kinakabahan ako sa uri ng tingin niya.
Tumikhim ako para maiba ko 'yong topic.
"Sinusubukan mo pa rin bang mailabas ang kapangyarihan mo?" tanong ko.
Tumango naman siya.
"Ngunit hindi pa rin ito lumalabas, baka nga siguro hindi p'wedeng gamitin 'yong kapangyarihan ko dito sa mundo niyo..."
"O baka may pumipigil sa kapangyarihan mo," makahulugan kong sabi.
Natigilan naman siya sa sinabi ko. Mukhang naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig sa kaniya pero paano niya malalaman kung may pumipigil nga sa kapangyarihan niya?
"Nais ko sanang hanapin ang aking kapatid habang abala ka sa iyong trabaho."
"H-ha? Ngayon?"
"Oo, kailangan ko rin ng tulong niya. Alam kong hindi lahat ng kapangyarihan niya ay inialis ni amang Hari sa kaniya," paliwanag niya.
"Ano bang kapangyarihan ang mayroon sa kapatid mo?"
"Gamit ang tubig ay kaya niyang makita ang nais niyang makita."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Kaya niyang ipakita sa atin kung sino ang pumipigil sa aking kapangyarihan."
"Ay hala! Bongga naman pala! Pero sandali nga muna, alam ba ng amang Hari niyo na nawawala ka sa kaharian? Bakit hindi ka niya hanapin kung gano'n."
"Iyon din ang nais kong malaman kaya sana sa aking paghahanap ngayon ay makita ko ang aking kapatid upang sa gano'n ay malaman natin ang lahat na nagaganap sa Las Estaña."
"Oh sige, Hindi muna ako papasok ngayon para matulungan kita sa paghahanap sa kapatid mo. Hindi ko hahayaan na mag-isa ka lang maghanap pero bago 'yon maglilipat muna tayo ng gamit sa bago nating titirahan para kung sakaling makita natin 'yong kapatid mo ay may matitirahan siya pansamantala dito sa bagong bahay," paliwanag ko.
Tumingin ako sa mga mata ni Ashton at nakita ko na naman sa kaniyang mga mata. Ang kakaibang emosyon. Hindi ko alam kung anong emosyon 'yon basta ang alam ko ay masuyo 'yon.
"Balang-araw ay matutulungan din kita. Salamat ng marami sa iyo."
Hindi niya talaga mapigilan 'yong sarili niya sa paghingi ng pasasalamat sa akin at sa bawat araw na dumadaan ay natutuwa ako do'n. Naalala ko pa noong hindi pa ako sanay sa ka-weirdo-han niya ay talagang akala ko ay nababaliw na nga talaga siya pero nagkamali ako dahil hindi ko muna inalam kung ano ba ang tunay niyang pinagmulan at iyon ang natutunan ko. Bawat araw na kasama ko si Ashton ay nagbibigay siya ng aral sa akin na hindi sinasad'yang mangyari at ikinatutuwa ko 'yon nang dahil sa kaniya.
Habang kumakain kami ay madalas magtama ang mga mata namin ni Ashton at nakikita ko sa mga mata niya na parang may gusto siyang itanong pero pinipigilan niya lang ang sarili.
"Ano 'yon?" ako na ang nagtanong.
"Ha?"
"May gusto ka bang itanong? Para kang balisa diyan sa kinauupuan mo e."
Tumikhim naman siya bago nag-iwas ng tingin.
"Parating ako na lang ang nagki-k'wento tungkol sa buhay ko ngunit ikaw ay kahit isang beses ay hindi ka pa nagk'wento sa akin tungkol sa mga magulang mo at kung nasaan ang mga ito?"
"Tulad mo ay pumanaw na ang aking mga magulang," biglang na ngilid 'yong luha sa mga mata ko kapag naaalala ko ang nangyari noon sa kanila. "P-pinatay sila, ibang klaseng pagpatay 'yon dahil hindi gawa ng tao ang karumaldumal na sinapit ng mga magulang ko," tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.
"Pinaslang ang iyong mga magulang? Sino? Nagbayad na ba ang gumawa noon sa magulang mo?"
Umiling-iling ako. "Hindi ko alam, walang nakakaalam. Nahihirapan ang mga pulis na imbestigahan ang kaso ng mga magulang ko dahil hindi lang basta sila pinatay kundi... Kundi..." Hindi ko masabi-sabi dahil nahihirapan ako, parang may nakabara sa lalamunan ko.
"Ayos lang. 'Wag mo ng ituloy ang k'wento sa sinapit ng iyong magulang. Balang-araw mapaparusahan ang gumawa sa mga magulang mo no'n."
"Sana nga mangyari 'yang sinasabi mo dahil kung malalaman ko lang ngayon kung sino ang gumawa sa magulang ko ng kahayupang 'yon ay talagang papatayin ko rin siya!" walang emosyon kong saad.
Natapos ang aming umagahan na puno ng katanungan sa isa't-isa. Mabilis lang dumaan ang oras dahil natapos na rin kami sa paglilipat ng mga gamit sa bago naming titirahan dito malapit sa clinic ko. Hindi muna ako pumasok dahil marami-rami rin ang lilinisin dito sa bagong bahay. Kinailangan ko na rin ng tulong ni Brie na tulungan kami sa pag-aayos dito sa bahay na taos puso naman niyang ginawa.
"Nakakapagod din pala 'to," ingit ni Brie na nag-iinat ng balakang. "Ang sakit sa likod," reklamo niya.
"Nasaan ba si Miggy?" tanong ko kay Brie.
"Malay ko do'n sa lalaking 'yon," umirap siya na parang naiirita dahil hindi pa dumarating dito si Miggy. "Kapag talaga nakita ko siyang may kalandian, hindi ako magdadalawang isip na ipakain siya sa pating at pagkatapos ay kakalbuhin ko 'yong babaeng kalandian niya at isasama ko na rin sa pag--" hindi pa natatapos ni Brie ang kaniyang sasabihin nang may brasong yumakap sa kaniya mula sa likod. Natigilan siya.
"Sinong ipapakain mo sa pating?" tanong ni Miggy kay Brie.
Umirap na naman si Brie 'tsaka siya humarap sa kasintahan na may dala-dalang paper bag.
"Ikaw! Kayo ng kabet mo!"
"Sino ang may kabet?" kunot noong tanong ni Miggy sa kaniya.
"May kabet ka! Tinatago mo lang sa akin!"
"Wala akong kabet, hindi ko kayang mangabet dahil isa lang ang babaeng kinahuhumalingan ko at ikaw 'yon. Ikaw lang 'yong mahal ko," halos magmakaawa na si Miggy sa kaniya.
Alam ko namang niloloko lang ni Brie si Miggy at alam kong hindi magagawang lokohin ni Miggy si Brie dahil mahal na mahal niya si Brie at kung lokohin man niya si Brie, kahit kaibigan ko pa siya ay hindi ko maaaring kunsintihin si Miggy. Parehas ko silang kaibigan at wala akong papanigan sa kanilang dalawa pero kung sino ang mali ay hindi ko p'wedeng kunsintihin.
"Tama siya, hindi ka niya kayang lokohin."
Natigilan kaming tatlo nang magsalita si Ashton na kanina pa pala tahimik at ngayon lang nagsalita.
"Sabi sa'yo e, kita mo naniniwala si Ashton na hindi kita kayang lokohin."
Hindi ko na narinig pa 'yong dalawang nagbabangayan dahil iyon na rin ang pagiging sweet nila sa isa't-isa. Hindi sila tulad sa ibang couple na clingy, pero minsan ganoon sila pero madalas silang mag-away dahil iyon na ang time nila para sa isa't-isa. Minsan nga hindi ko na rin sila maintindihan kung nag-aaway ba sila o ano, basta isang araw nagising na lang ako at nakasanay ko na lang ang mga sigawan nila at bangayan pero hindi ko pa nakikitaan si Miggy na sinasaktan o sinaktan niya si Brie at ganoon din si Brie kay Miggy bukod tanging sigawan lang sila na parang mga bingi at hindi marinig ang isa't-isa.
Nabaling ang atensyon ko kay Ashton na nagwawalis ng tahimik. Makikita mong hindi siya marunong magwalis dahil bukod sa inosente siya ay wala namang walis tambo sa dagat. Hindi maayos ang pagkakahawak niya sa walis tambo kaya may mga naiiwang kalat sa sahig pero binabalikan naman niya kapag na walis niya 'yong ibang kalat. Mukha ngang hirap na hirap siya sa pagwawalis pero sinisikap niyang matapos ang pagwawalis ng mga basurang may alikabok.
Nilapitan ko siya 'tsaka ko siya tinuruan sa tamang paghawak ng walis at kung paano niya mawawalis agad 'yong kalat.
"Ganto 'yong paghawak para hindi ka mahirapan sa pagwawalis," paliwanag ko sa kaniya.
Tahimik naman niyang sinunod 'yong sinabi ko at mabilis naman niyang nawalis ang mga kalat na kanina pa niya niwawalis.
Hanggang sa matapos kaming maglinis. Nakapintura na naman itong bahay dahil pinasad'ya ko na ito kila Miggy at hindi rin na naman amoy pintura kaya p'wede na kaming matulong ni Ashton dito sa bago kong bahay. Wala sa sariling napangiti ako kung nandito lang sana sila Tatay at Nanay edi sana masaya kami ngayon.
"Ayos ka lang?" bahagya akong napatalon dahil bumulong siya sa tainga ko.
Humarap ako sa kaniya.
"A-ah? Oo."
Bahagya siyang ngumiti sa akin.
"Kanina ka pa tinatawag ng iyong kaibigan ngunit hindi mo sila pinapansin at mukhang malalim ang iyong iniisip kaya sa akin na lang sila nagpaalam," itinaas niya 'yong paper bag na dala kanina ni Miggy. "Sa akin daw ito, sabi no'ng lalaking may kabet daw."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa huli niyang sinabi kay Miggy o sad'yang mas'yado lang akong natutuwa sa ka-inosente-han niya.
"Si Miggy, pinabili ko sa kaniya 'yan para may maisuot kang pamalit na damit."
"Ngunit may kasuotan pa naman ako--"
"Hindi pa nalalabhan,"
"Nalalabhan? Kailangan pa bang labhan?" takang tanong niya.
"Oo, kailangan labhan ang damit dahil parang tayo lang rin 'yong mga damit na 'yan na kailangang maligo para luminis at bumango," paliwanag ko.
"Ahh," tumango-tango naman siya na parang naka-gets sa discussion sa math.
"Umalis na sila Brie?" tanong ko sa kaniya.
Tumango siya habang isa-isang nilalabas 'yong damit, short, pantalon, boxer at brief sa paper bag. "Oo, kakalisan lamang nila," aniya habang abala sa mga damit.
"Kaya mo bang magsalita na hindi sobrang lalim? Kung kaya mo lang naman para hindi magtaka sa'yo 'yong iba tao kapag nakipag-usap ka."
"Susubukan ko."
Tumango naman ako sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin 'tsaka ko siya nilapitan sa pagkakaupo niya sa sofa dito sa sala.
"Kailangan na nating hanapin ang aking kapatid," sambit niya.
"Sige, maligo ka muna at magpalit ng susuotin."
Tumango naman siya sa akin 'tsaka siya pumuntang banyo dito sa sala.
Ilang minuto siya sa banyo kaya hindi ko na malayang nakaidlip ako dahil sa pagod nagising na lang ako nang may maramdaman akong nakatitig sa akin kaya iminulat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang dalawang mata ni Ashton.
Napapansin ko minsan kapag tinititigan ko ng mabuti 'yong dalawa niyang mata na kulay kastanyo ay may halong asul 'yon. Nakaupo siya sa sahig at habang ako ay nakahiga sa long sofa.
"Tapos ka na?" tanong ko sa kaniya na hindi humihiwalay sa pagkakatitig.
Tumango siya 'tsaka bahagyang ngumiti. "Oo, tapos na ako."
Bago pa magwala 'yong puso ko ay hindi ko 'yon hinayaan. Bumangon agad ako sa pagkakahiga sa sofa habang kinukusuot ko ang aking mata.
"Maliligo lang din ako, sandali." Ani ko saka ako tumingin sa kaniya nang tumayo siya sa pagkakaupo sa sahig.
At doon, hindi ko na napigilan 'yong puso ko nang makita ko ang porma niya. Kahit isang simpleng white v-neck shirt at pantalon na nakatuck-in at bahagyang magulo ang kaniyang buhok dahil siguro hindi pa nasusuklayan ay bagay na bagay talaga sa isang katulad niya. Halos sumabog na ang puso ko lalo pa't ngumiti siya sa akin.
"Ayos ba ang aking porma?" nakangiting tanong niya. "Nagustuhan mo ba?"
Napalunok ako sa uri ng ngiti niya at bakit niya tinatanong kung nagustuhan ko ba ang porma niya?
"Nakita ko sa kaibigan mo kanina iyong ayos niya kaya ginaya ko kung paano niya ayusin iyon."
"A-ahh! Oo... Bagay sa'yo," nauutal kong sambit.
G'wapo mo nga e!
"May ginamit akong dalawang bote sa loob, inamoy ko iyon at talagang mabango siya kaya naman binuhos ko sa katawan ko at iyong kulay pulang hindi ko mawari ay inilagay ko sa aking ulo na bahagyang bumula lamang pero ito'y maanghang at malamig."
Hindi ko alam kung bakit biglang nanlaki ang aking dalawang mata sa uri ng kaniyang pagpapaliwanag. Mabilis akong tumayo sa sofa 'tsaka ako dumiretso sa banyo at tumambad sa akin 'yong dalawang PH care na walang laman at ang isang toothpaste na halos tapon-tapon na rin ang laman.
"Ashtoonnn!" sigaw ko.
Lumapit naman siya sa akin at pawang natutuwa sa pormahan niya ngayon.
"Bakit?" inosnteng tanong niya.
"Bakit 'yong PH care 'yong ginamit mo? Ito 'yong sabon para sa katawan at hindi 'yong PH care. Itong Toothpaste ay para sa ngipin hindi para sa buhok, ito 'yong shampoo para sa buhok," isa-isa kong tinuturo 'yong mga items.
"E, bakit noong nando'n tayo sa isang bahay iyan din ang mga ginamit ko noon."
Napa-face palm na lang ako sa sinabi niya kaya pala no'ng ginamit ko na 'yong PH care ay nagulat ako dahil wala na sa kalahiti 'yong bawas ang akala ko'y ako lang ang gumamit kaya hindi na ako nagtaka pa pero ngayon lang nag sink-in sa isip ko na hindi pala ordinaryo si Ashton at isa pala siyang inosente lalo na sa mga bagay-bagay. Napabuntong hininga na lang ako.
"Dibale na, basta 'yong mga tinuro ko sa'yo, iyon na ang mga gagamitin mo sa susunod at 'wag mo ng papakialaman 'yong PH care ko dahil para sa akin lang 'yon," sambit ko.
"Para saan ba 'yang PH care mo na 'yan?" takang tanong niya.
Biglang tumaas 'yong dugo sa pisngi ko at pakiramdam ko ay uminit ang paligid.
"'W-wag mo na ngang itanong 'yan!" iritang sambit ko 'tsaka ako pumasok sa loob ng banyo at isinara ng malakas 'yong pinto.
Alam kong kabastusan 'yon pero hindi ko mapigilan 'yong sarili kong maging ganito. Napatakip 'yong dalawa kong palad sa aking mukha habang nanggagalaiti sa hiyang nararamdaman. Alam kong inosente si Ashton pero babae pa rin ako at lalaki siya. Mas'yadong awkward para sa akin 'yon.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis bago ako muling lumabas ng banyo at agad kong nakita si Ashton na nakanguso habang nakaupo sa sofa at naka-cross arm ang dalawang braso niya. Tumingin siya sa akin pero nag-iwas din ng tingin. Hindi ko alam kung ano'ng nasa isip niya kaya pinigilan ko na lang 'yong sarili ko na mahiya sa nangyari kanina. Hindi naman niya malalaman 'yon kaya panatag na rin ako. Lumapit ako sa kaniya, magsasalita na sana ako kaso naunahan na niya ako.
"Kung ayaw mong sabihin kung para saan 'yong PH care ay itatanong ko na lang sa kaibigan mong lalaki."
Anak ka ng pucha! 'Di pa rin maka-move on sa PH care?
"Kanina ko pa iniisip kung para saan iyong PH care at mukhang galit na galit ka dahil namumula ang iyong mukha kanina," aniya.
Napailing na lang ako. Inaya ko na siyang lumabas para mag-umpisa na kaming maghanap sa kapatid niya.
"Ano bang hitsura ng kapatid mo?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa nakaparadang kotse.
"Kahawig ko rin ngunit may kakayahan siyang magbago ng anyo kaya mahihirapan tayo sa paghahanap sa kaniya," paliwanag niya.
"Paano natin hahanapin 'yong kapatid mo? Mahihirapan nga tayo nito. Dahil bukod sa hindi natin alam kung saan natin hahanapin ang kapatid mo ay maraming magkakahawig dito sa mundo plus dagdag sa problema 'yong kakayahan niyang magbago ng anyo."
"Iyon na lang ang tanging naiwang kapangyarihan sa kaniya dahil siya lang ang nakakaalam nito at siya ang nakadiskubre sa kakayahan niyang pabaguhin ang kaniyang anyo," paliwanag ni Ashton.
Nabitin 'yong sasabihin ko kay Ashton nang mapadaan si Miggy sa gawi namin. Kumaway lang siya sa aming dalawa ni Ashton dahil siguro'y may pinuntahan din siya.
"Miggy!" tawag ni Ashton kay Mighz.
Napahinto naman sa paglalakad si Miggy 'tsaka siya ulit humarap sa gawi namin.
"Bakit?" kunot noong tanong ni Miggy kay Ashton. "Si Aly lang ang p'wedeng tumawag sa akin ng Miggy," sabay turo pa niya sa akin. "Mighz na lang ang itawag mo sa akin."
Pero hindi iyon pinansin ni Ashton.
"May katanungan ako sa iyo Miggy."
"Ano 'yon?"
"Ano iyong PH care? Para saan iyon?"
Natigilan kaming parehas ni Miggy at nagkatinginan. Mukhang mahihirapan si Miggy sa pag-explain kay Ashton lalo na't naririnig ko silang dalawa.
Tumikhim si Miggy.
"A-ahh... Para sa mga babae lang ang p'wedeng gumamit no'n."
"Para saan ba ginagamit 'yon?" taka pa ring tanong ni Ashton
Bago pa sabihin ni Miggy ang katagang 'yon ay hinila ko na si Ashton papasok sa kotse. Hindi maaaring mabahiran ng ka demonyohan si Ashton baka kung ano-ano pa ang mga sabihin niya kay Ashton bukod sa PH care. Baka kung saan pa dalhin ni Miggy ang usapan kaya, kung maaari kong iiwas si Ashton sa mga bagay-bagay na makakasama sa kaniya ay iiwas ko siya.
"Bakit mo ako hinala?" iritableng tanong niya.
"Kung gusto mong tulungan kita sa paghahanap sa kapatid mo ay ita-tahimik mo 'yang bibig mo sa kaka-tanong ng PH care, iba na lang ang i-tanong mo," mariin kong sambit sa kaniya bago ko pinaharurot 'yong kotse.
"Sige,"
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Mabuti naman at madali lang siyang kausap--
"Ano iyong feminine wash?"
Napa-face palm na lang ulit ako habang nagmamaneho. Hinilot ko 'yong sentido ko dahil sumasakit na 'yong ulo ko sa kaka-tanong niya tungkol sa PH care at kung para saan ginagamit 'yon.
"Sabi kase ng isa mong kaibigan sa kasintahan niya ay bilhan daw siya nito ng feminine wash."
Napabuntong hininga na lang ako at kahit alam kong awkward para sa akin mag-explain ay ginawa ko na lang para sa ikata-tahimik niya.
"Ginagamit namin 'y-yon para mahugasan ang aming m-mga... A-ang... Aming... Ang aming mga tahong!"

Comentário do Livro (78)

  • avatar
    ApiladoJm

    wow

    15d

      0
  • avatar
    Cristine Ruda

    Ang Ganda ng kwento nag kakilala sila dahil nakahandusay yung lalaki at nakita Ng babae

    31/07

      0
  • avatar
    Maxine Delavega

    ang ganda ng story

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes