logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 3

Kabanata 3
NAGISING AKO sa ingay na nang gagaling sa kusina. Hindi ko na lang pinansin 'yon at nagtalukbong na lang ng kumot para ipagpatuloy ang naudlot kong pagtulog.
Kaso mas lalong lumakas ang tunog ng ingay sa kusina kaya naiiritang bumangon ako sa pagkakahiga dito sa sofa 'tsaka ako dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Ashton na hawak-hawak ang dalawang kutsara at kaharap ang kalderong nakataob sa lamesa.
What the?
Mukha siyang nag da-drums gamit ang kutsara at kaldero. Nakaupo siya sa upuan at mukha tuwang-tuwa siya sa pag-iingay. Napa-face palm na lang ako dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin sa lalaking 'to. Seryoso ba talaga? May sakit ba talaga siya sa pag-iisip? Napaka inosente kase ng mukha niya para isipin na may diperensiya siya sa pag-iisip. Napailing-iling na lang ako saka ako lumapit sa kaniya kaya napaangat siya ng tingin sa akin at halos makalaglag panty ang ngiting sumilay sa mga labi niya.
Ano bang nangyayari sa akin?
B-bakit ang g'wapo niya? No, mas lalo siyang gum'wapo sa ngiting 'yon at parang nahi-hipnotized ako sa mga ngiti niya.
"Gising ka na pala," wika niya.
Parang natauhan ako sa sinabi niya kaya napailing-iling ako at nagtanong sa kaniya.
"Bakit ka ba nag-iingay? 'Tsaka bakit mo ginagawang drums 'yong kaldero pati kutsara ginagawa mong panambol?" iritang tanong ko.
"H-ha? Anong drums? Natutuwa kase ako dito sa bagay na 'to kaya sinubukan kong itambol. Masarap siya sa tainga," natutuwang paliwanag niya 'tsaka ulit itinambol ng malakas 'yong kutsara sa kaldero.
Napatakip agad ako sa tainga at halos tumaas ang balahibo ko sa katawan dahil sobrang sakit no'n sa pandinig.
"Halika't samahan mo ako sa aking pagtambol," pag-aaya niya 'tsaka sunod-sunod niyang pinagtatambol ang kutsara sa kaldero.
Lalo akong nagtakip ng tainga sa lakas ng tunog ng kaldero. Para siyang bata na sobrang inosente na naghahanap ng bagay para lang may mapaglalaruan. Halos mamalipit ako sa ingay lalo na no'ng biglang nahulog ang kaldero sa sahig dahilan kung bakit ako napasigaw nang malakas na ikinatigil niya.
"Ano ba?! Hindi ka ba titigil? Tinulungan na nga kita pero bakit napaka ingay mo? Wala naman akong sinabing mag-ingay ka dito sa pamamahay ko! Mukhang maayos ka naman na, p'wede ka nang umalis ngayon at ikaw na ang magdala sa sarili mo do'n sa mental hospital!" sigaw ko sa kaniya habang hinihingal.
Kitang-kita ko ang pag-iiba ng hitsura niya at biglang nawalan ng emosyon ang mukha, bigla akong natauhan sa mga pinagsasabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako sa sinabi ko o hindi. Pero sa mga tingin niya kase ngayon ay wala na akong makitang kahit na anong emosyon. Sobrang lamig ng tingin niya at nawala na rin 'yong masaya niyang ngiti kanina.
"Iyon ba ang iyong kagustuhan?" mahinahon pero sobrang lamig ng pakikitungo niya.
Gusto kong tumango at sabihing umalis na lang siya dito pero ang mga mata niya ay parang may gustong sabihin sa akin kaya imbis na palayasin siya dito ay napailing na lang ako. Bigla rin kase akong nakonsensya.
Napabuntong hininga na lang ako bago ako nagsalita ng mahinahon.
"Pasens'ya na. Hindi ko naman sinasad'yang sabhin ang mga 'yon, ang akin lang naman kase ay kung may gusto kang gawin ay sabihan mo agad ako at tutulungan kita. 'Wag kang basta-basta kukuha o gagawa ng ikaiinis ko sa'yo. Maliwanag?" paliwanag ko.
"Inuutusan mo ba ang Hari ng karagatan? Hindi mo ba alam na wala kang karapatan na utusan o salungatin ang aking mga ginagawang pagpapas'ya o ang aking mga kagustuhan. Mas lalo lang dumarami ang iyong pagkakasala sa Panginoon ng karagatan."
Parang gusto ko na lang ulit bawiin ang sinabi ko sa kaniya at palayasin siya dito sa apartment. Gusto kong sumigaw dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking kaharap ko. Ihatid ko na kaya siya sa mental institution? O 'di kaya, tumawag na lang ako para hindi na ako maabala pa.
Oo, tama. Tatawag na lang ako.
Umiling-iling na lang ako 'tsaka ko iniwan sa kusina si Ashton na hindi ko binigyang pansin ang mga sinabi niya kanina. Pagkalabas ko ng kusina pumunta akong sala at kinuha ang cell phone ko at tumawag sa mental institution. Nagtataka ba kayo kung bakit mayroon akong number nila? Dahil sa loka-loka kong kaibigan, sinad'ya kong humingi ng number sa mental hospital para just in case na mabaliw 'yong kaibigan ko. Isang tawag ko lang sa kanila ay darating na ang mga magdadala sa kaniya do'n.
Kaso mukhang hindi para sa kaniya ang numerong ito kundi dito sa kasama kong nagngangalang Ashton.
Nang mag ring ang cell phone sa kabilang linya at sinagot naman ang tawag ay bigla na lang naputol nang hindi man lang ako nakakapagsalita. Tila nabitin sa ere ang aking mga salitang bibigkasin, sinubukan ko ulit na tawagan ang numerong 'yon kaso Can not be reach na ito.
Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang frustration. Nagpamewang ako ng isang kamay at ang isa naman ay ginawa kong pamaypay para mapaypayan ang mukha ko. Bumaling ako patalikod para sana bumalik sa kusina kaso bigla akong nagulat dahil biglang sumulpot si Ashton. I mean, siguro ay kanina pa siya nasa likod ko. Nagulat lang talaga ako sa presensya niya.
"Nagugutom na ako."
Wow naman pala? Ano ako, katulong niya? Nakahanap siya ng katulong na mag-aalaga sa kaniya pero imbis na makipag argumento ay mas pinili ko na lang na maging mahinahon kaysa sa ma-stress lang ako sa lalaking 'to.
"Mamimili ako ng groceries, sasama ka ba o maiiwan ka na lang dito?" tanong ko sa kaniya.
"G-groceries?" tanong niya.
"I mean, makakain. Like ah ah, eat. Food para may makain," sabi ko with action pa.
Parang ginawa ko 'yong lenggwahe ng mga bingi. Ginawa kong parang nguso 'yong kamay ko then binuka ko 'yong bibig at tinapat sa bunganga 'tsaka ko sinunod 'yong kamay ko sa tiyan at hinimas 'yon.
Nakatingin lang sa akin si Ashton na parang iniintindi 'yong sinabi ko at nang makuha niya ang gusto kong ipahiwatig marahan siyang tumango na parang naintindihan niya.
BIGLA AKONG nagsisi kung bakit tinanong ko pa siya kung sasama siya sa akin o maiiwan sa apartment. Dapat talaga ay iniwan ko na lang siya doon.
Napa-face palm na lang ako sa lalaking kasama ko ngayon. Sumakay siya sa foodcart at enjoy na enjoy naman niya ang pagsakay dito at hindi lang 'yon. Kapag may nakikita siyang pagkain na gusto niya ay mabilis agad siyang nakakaalis sa cart 'tsaka niya kukunin 'yong pagkain. Lalo na no'ng makarating kami dito sa chocolate section at halos lahat ng chocolate na makikita niya ay kinuha niya kaagad kaya habang maaga pa ay pinigilan ko na siya.
"Ashton, wala akong sapat na pera para bilhin lahat 'yan, ibalik mo 'yan. Ako na lang ang mamimili ng mga pagkain."
Napanguso na lang siya bago niya ibinalik 'yong mga chocolates sa mga lagayan nito 'tsaka siya padabog na sumakay ulit sa foodcart. Napailing-iling na lang ako sa lalaking kasama ko.
Seriously? Hindi ba siya nahihiyang sumakay sa cart? Kase ako, nahihiya na para sa kaniya. Lahat ng nakakasalubong namin dito ay tinitignan kami este siya lang pala.
Umalis na kami sa chocolate section at dahil red days ko ngayon ay pumunta kami sa section ng mga sanitary napkins. Alam ko namang inosente ang kasama ko kaya for sure 'di niya alam 'to kaya hindi na ako mahihiya pa.
Inilagay ko na 'yong tatlong balot ng sanitary napkin dahil gusto ko kaseng nag i-stock para in case of emergency 'di ba? Naubusan na kase ako kaya kailangan kong mag-stock ulit. Inilagay ko na sa cart ang mga napkin bago kami umalis doon para mabayaran na sa counter.
Mahaba-haba ang pila kaya hindi pa rin bumababa si Ashton sa cart kahit pinabababa ko na siya.
Bigla akong nagulat nang bigla niyang itaas 'yong sanitary napkin at nagtanong sa akin kung ano raw ba 'yong napkin. Halos mag-init ang buong mukha ko at ramdam ko ang pagpula nito mas lalo na no'ng magtinginan ang ibang costumers sa aming direksyon at 'yong iba ay napapailing at ang iba naman ay nagpipigil ng tawa.
"Ano ba itong bagay na 'to? Nakakain ba 'to? Masarap ba 'to?" inosenteng tanong niya sa akin.
Nakatingin ang lahat sa kaniya at hindi ko alam kung sasagutin ko ang mga tanong niya sa akin. Parang bigla akong napipi dahil sa kahihiyan. Jusmio! Ganiyan ba siya ka inosente sa mga bagay-bagay?! Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.
Dapat pala, iniwan ko na lang siya sa apartment.

Comentário do Livro (78)

  • avatar
    ApiladoJm

    wow

    15d

      0
  • avatar
    Cristine Ruda

    Ang Ganda ng kwento nag kakilala sila dahil nakahandusay yung lalaki at nakita Ng babae

    31/07

      0
  • avatar
    Maxine Delavega

    ang ganda ng story

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes