logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 3

KABANATA 3
MISAKI AKELDAMA
3:30 AM palang gising na ko at nandito na sa trining room ng school para magensayo ng kung ano ano. Nakasanayan ko na rin naman kasi ang ganito. Minsan nakakasama ko si Yuki kaso lang naghihilik pa ang babaita kaya di ko na ginising pa.
I use life stimulation para mas makatotohanang tignan kesa sa mageensayo ka magisa at hangin kalaban mo. Wag nalang… walang kwenta. Walang thrill. Pumunta naman ako sa gitna at unti unti nakong binalot nang makapal na usok at sa madaling salita, nakapasok na ko sa lugar na gusto kong pagensayuhan.
Hindi ko lang alam kung saan nakuha ng school ang stimulator na ito. Well sabagay… wala naman akong pake kung sino o saan nangaling ang stimulator na to ang akin lang ay magamit ito at maenhance pa ang skills na meron ako. Although enhance na enhance na but still I want to enhance it more.
Unting nawawala ang gubat. Mga ilang minuto pa ang lumipas ay nakalabas na ko ng life stimulator. Todo ang pawis ko at pwede mo na ngang pigain yung damit ko eh. Lalo na yung t-shirt ko.
“Kain na!!! It's already 8 in the morning!” Napatingin naman ako kay Yuki na may dalang tray na may lamang pagkain. Alas otso na pala. Ilang oras din pala akong nageensayo.
Napapikit nalang ako sa sarap ng simoy ng hangin na tumatama sa balat ko. Ang sarap mamahinga pagkatapos magensayo’t kumain dito sa ilalim ng puno. Sariwa ang hangin at higit sa lahat walang istorbo. Ngunit nagkamali ako…
Napakunot naman ang noo ko ng may mga tao sa ilalim ng puno na nakatitig sakin. Actually anim sila. Nanatili lang akong nakapikit ngunit napadilat ako ng maamoy ko yung pamilyar na amoy sa paligid. Umayos naman ako ng upo tsaka tinignan sila sa baba. Nakatingin din sila sakin ngunit napako ang tingin ko sa lalaking may malasiopao ang pisngi ngunit nakatingin lang sya sa kawalan.
“Ah! Ikaw yung babaeng kaklase namin kahapon diba? Ah... Pasensya na sa istorbo... Miss. Alam mo ba kung saan yung training room?” training room? Tumalon naman ako pababa.
“Ah… Alam mo ba kung saan?” tanong nung may eyebags. Mukha syang nasuntok dahil sa eyebags nya pero bumagay naman sakanya. Tumango lang ako bilang sagot pero hindi ko parin pinuputol ang tingin ko sa lalaking may malasiopao ang pisngi.
Nauna na akong maglakad sakanila pagkatapos kong pagsawain ang mga mata ko ng ilang segundo sa siopao nyang pisngi. Nakasalubong pa namin si Yukira na nakakunot ang noo’t masama ang timpla. Hindi ko nalang sya pinansin at ganoon din sya sakin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami ng training room.
Pagpasok namin sa loob ay nakita ko si Loren na nagaayos ng mga gamit na ginamit nya ata sa kung anong gagawin nya rito sa loob ng training room.
“Oh! You're all here! At magkakasama talaga kayo ah!” nagkibit balikat nalang ako’t naupo sa may sahig na may nakalatag na foam.
“Tutal nandito naman na kayo… bago natin simulan ang lahat ay magpakilala na muna kayo, Boys!” sabay sabay naman silang tumango.
“I’m Lelluch… I hope na maging magkaibigan tayo…” pakilala ng nito sabay ngiti. Pinanonood ko lang silang magpakilala.
“I’m Terrence,” inaantok nitong pagpapakilala.
“Are you sleepy? You can sleep naman…” walang sa mood na sabi ni Yuki sakanya na tinawanan lang nitong si Lelluch, yung katabi nya pang isa pati narin yung lalaking katabi ni Baozi. Baozi nalang ang ipapangalan ko sakanya dahil sa malasiopao nyang pisngi.
“I’m Sebastian…” nahihiya nitong pagpapakilala. Piangmasdan ko syang mabuti at sobrang puti ng balat nya na parang gatas ang itsura. Well… maputing maputla ang balat ko dahil nga may kakaiba sakin.
“I’m Delvin Jeff… sana matuto pa ako ng marami sainyo at maiapply ko sa buhay ko,” seryoso nyang wika.
“I’m Tristan Jayvee,” maikli nitong sabi gamit ang malamig nyang tinig na nakadagdag ng kung ano sa kanyang presensya. Ako lang ba ang nakakapansin na mukha syang bata?
“I’m Anthony ang pinaka pogi sa lahat ng mga tukmol na yan! Nice to meet ya’ll,” masaya nitong sabi sabay tawa ng malakas.
Anong nakakatawa? Ni hindi ko nga makita kung anong nakakatawa sa sinabi nya at kung bakit sya tumawag.
“Aray ko naman! Sino bang nambatok?!” sigaw na tanong nito. Si Delvin Jeff lang naman ang nambatok sakanya.
"Girls?” napataas naman ang kilay ko ng senyasa nya kami na magpakilala. Tinignan ko naman si Yukira ng masama.
“I’m Yukira and this is Misaki,” pagpapakilala nya. Sabay sabay naman silang nagsaita ng ‘Nice to meet you,’ pwera nalang talaga sa lalaking may malasiopao ang pisngi, tumango lang ako sakanila bilang sagot.
“For now… I’ll introduced you sa mga gagawin,” wika ni Loren. Puro mga basic lang ang itinuro nya sa kanila habang kami ni Yuki ay pinapatay lang namin ang oras namin sa katititig sa kawalan or hindi kaya ay pinanonood lang namin sila na nakikinig kay Loren.
This boredom is killing me. Nahiga nalang ako sa foam at pinagkatitigan ang kisame nitong training room. Ayoko namang gumamit ng life stimulator o kaya ay maglaro ng kung ano. Argh! Nilingon ko nalang yung lalaking may malasiopao ang pisngi at pinagmasdan ko lang sya. Mukha talaga syang batang tignan kahit na may pagkacold ang aura nya.
“That’s all for the basic level. Ang mga professors nyo nalang ang bahalang magdiscuss ng detalyado upang mas lalo nyo pang maintindihan. Sa ngayon ay… magpi-physical training muna kayo... Sila munang dalawa ang magtuturo ng mga dapat nyo gawin... Aalis muna ako at may dapat pa akong gawin. Girls! Kayo munang bahala sakanila, hah?” at nagmamadaling tumakbo palabas nitong training room. Tch! Tumatakas na naman sya sa responsibildad nya. Umupo naman ako mula sa pagkakahiga’t pinagmasdan ko lang sila lalo na sya. Nagindian seat naman ako at nagpose na nagyoyoga tsaka pumikit. Para naman makapagrelax.
“Hoy!!!! Anong ginagawa mo?!” Sigaw ni Yuki. Hindi ko sya pinansin. Bahala sya sa buhay nya.
“MISAKI AKELDAMA!!!!” Hiyaw nya sa tenga ko. Binuksan ko naman yung mata ko at tinignan sya ng masama. Naground back kick ako na nailagan nya. Hindi pa ako nakuntemto eh piaulanan ko sya ng suntok na naiwasan nya naman ngunit hindi ang iba. Napangisi naman kaming dalawa.
“Good... I feel warm...” nakangisi kong sabi. Habang dahan dahang iniikot ikot ang balikat ko. Call me boastful pero warm up palang sa amin, lalo na sakin yun.
“Wait? Warm up pa ba yun?!!!” Sigaw ng may eyebags na lalaki. Tinignan ko naman ng masama yung mga lalaking yun.
“Let's start!" Sigaw ko. Lumapit naman ako sa real life stimulator. Wala namang nabangit si Loren na ganito o ganyan muna ang gawin namin basta magpi-physical training sila.
“BE READY! GUYS!” Paalala ni Yuki sakanila. Pinindot ko naman ang favorite place ko kung san ako unang dinala nitong real life stimulator noong unang beses kong gamit.
Gubat na may ilog.
Agad namang nagkaron ng usok at mamaya maya ay unti unti nang nawala ang usok at tumambad na samin amg napakagandang ilog at gubat. Ganoon parin ang itsura nya. Walang pinagbago.
“Wow!”
“Nasan tayo?”
“Bungol! Nasa gubat tayo syempre!” napailing nalang ako sakanila. Maglalakad na sana ako ng bigla akong higitin ni Yuki.
“Anong gagawin mo?” tanong sakin ni Yuki. Na ikinakunot ng noo ko.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Loren ha? Ang sabi magphysical training. Alin ba roon ang hindi mo naintindihan at kailangan ko pang ipaliwanag?” nangigigil kong tanong sakanya.
“Eto naman… relax lang… wag high blood nagtatanong lang naman eh,” sabi nya.
“Nagtatanong ka nga wala namang kwenta,” iritableng sabi ko sakanya. Bwisit. Iniwan ko na sya roon at medyo lumapit sa may ilog. Bigla naman akong napatigil nang may naramdaman akong kakaiba. Kasabay ng pagtingin ko sa gawi nila ang paglabas ng napakalaking ahas sa ilog. To tell you the truth... Ang ilog na ito ay 5 to 6 feet ang lalim… diba stimulator lang ang gumagana.
“SHHHHHHHH~” sabi ng ahas sabay taas pa ng mga ahas nyang maliliit sa ulo nya.
‘Anaconada de Medusa.’ Maikling wika ko sa akin isipan. Mabilis akong tumakbo papalapit sakanila pero kasabay ng aking pagtakbo ang paglabas pa ng mga ahas mula sa gubat. Fuck! Nakalimutan kong dito nga pala naglalagi si Medusa. Bakit ko ba nakalimutan?!
Anaconda de Medusa… ang ahas na nagbabantay sa gitna ng kagubatan. Kapag nasa totoong kagubatan ka ay same lang naman ang Medusa sa labas at sa harapan namin ang pinagkaiba nga lang ay hindi ito totoo.
Mabilis kong inatake ang mga ahas na papalapit sa mga kumag dahil shook pa ang mga lolo nyo.
“!@#$%!!! MAGSIKILOS KAYO KUNG GUSTO NYO PANG MABUHAY!” nangigigil kong sigaw sakanila. Nagising naman sila at sinimulan na ang pakikipaglaban. Bigla bigla nalang na sumugod si Medusa na naiwasan ko naman ngunit hindi ang buntot nya. Natilampon nalang ako sa isang puno na naging lima dahil sa impact.
“SHHHHHHHHHAAAAAAHHHHH!!!!!” sabi nya. Pinapakita pa nya yung pangil nya na malaki. Pangit naman di pantay. Pinutol ko kasi yun noon nung unang gamit ko nito.
“Do you re member me, Medusa?” Tanong ko sakanya na may ngisi sa labi. Lalong nagsitaasan ang mga maliliit nyang ahas sa ulo pero sintaba at haba o mas mahaba pa sa normal na ahas. Yung yellow snakes at iba iba pang mahahaba at natatabang ahas. Kalamo nga laging busog yung nga ahas na yun eh.
“Yeah... Hinding hindi kita makakalimutan! Ikaw ang sumira sa pangil ko!” Nagagalaiti nyang sabi. natawa naman ako sakanya... Tawa na sinlamig ng yelo.
Sunod-sunod naman ang pagtira nya gamit ang ahas mula sa kayang ulo. Sad to say Medusa pero parang pinapasayaw mo lang ako.
Iwas lang ako ng iwas hanggang sa malapit nako sa tyan nya na bigla akong nawala. Katulad nalang nang ginawa ko noon sa kotse para makatakas sa pagsabog na naganap.
Pagkalitaw na pagkalitaw ko sa likod nya ay agad ko itong binigyan ng malakas na sipa.
Naglanding naman ako sa pinakamalapit na puno na nakita ko. Tinignan ko naman ang lagay ng mga kasama ko at laking gulat ko na inaasikaso nila yung lalaking may malasiopao ang pisngi.
What the heck?! Mabilis akong tumakbo papunta sakanila. Ang siopao ko! Ang Baozi ko! walang hiya!
“What happened to him…” tinignan naman ako ni Yuki at kita ko ang pagaalala sa mukha nya. Kahit hindi totoo ang mga ito pero yung sugat na matatamo ay tunay at masakit. Ang ahas dito ay walang pinagkaiba sa ahas sa tunay na gubat. !@#$%!!!
“Cover them... I'll finish this sh**s,” turan ko. Tumango naman sya at kinoveran nya ng makapal na hangin ang pwesto nila. Na hindi nila makikita kung ano ang gagawin ko.
Sinigurado ko muna na okay na sila tsaka ko hinarap si Medusa. Ginawa ko nga palang 90% pain and 98% real life. Kaya parang tunay ang skait an nararamdaman.
“Ma-masyado kang pa*cough* pabaya! Yan!” Hiyaw nya sakin. Sinamaan ko naman sya ng tiningin na mararamdaman nya ang init nang tingin ko.
“Ah.... AHHHH~ Anong ginawa mo!!!!” Napangisi naman ako.
“You're burning inside… just for the payment you just did a while ago… You’ll surely die painfully,” sabi ko. Namimilipit na sya sa sakit pati narin ang mga ahas sa buhok nya.
“Burn…” mahinang bigkas ko at sa pagkakataon yon ay lumabas na ang init sa loob ng katawan nya na tuluyan ng tumupok sa walang kwenta nyang katawan.
Hindi pa ako nakuntento at sinunog ko pa ang buong gubat. Wala akong papaligtasin sainyo dahil sa ginawa nyo sa Baozi ko! Mga walang hiya kayo! Well… magreregenerate naman sya ulit dahil fake lang naman sya ay mabubuhay syang muli gamit ang isang system na... hindi ko alam kung anong gamit basata mabubuhay ulit sya.
Bigla namang umusok na syang dahilan ng pagbalik namin sa training room. Nakita ko naman sila habang ginagamot ng lalaking may malaantukin na mukha. Mabilis ko silang nilapitan at nakita kong nakatulog na yung Baozi na yun.
Wala akong pake kahit pa pinagagaling sya ng lalaking si Terrence basta ang mahalaga ay maichinek ko sya kung buhay pa sya.
At laking pasasalamat ko na buhay pa sya’t tumitibok pa naman ang puso nya ngunit mabagal na at anytime ay pwede syang mawala.
Masyadong makamandag ang ahas na nakagat sakanya. Nakita ko namang nangingitim na yung kamay nya.
The fudge! Agad kong tinangal yung ipit ko at itinali sakanyang braso good thing at mahaba ang tali ko. Sa kanang braso sya natamaan at mabilis na kumalat ang kamandag ng ahas.
‘Anong nangyari sakanya Yuki?’ I asked through telepathy. Ramdam kong natigilan pa sya bago sumagot.
‘Hindi namin alam kung anong nangyari dahil nakikipaglaban din kami sa mga ahas at sa mga taong ahas…’ paliwanag nya.
“Ah…” daing nya. Agad namang idinantay ng matangakad na lalaki sa dibdib nya si Baozi.
“Ayos ka lang ba Hyung? Kaya mo pa ba? Ha? Dadalhin ka na namin sa infirmary!” Tanong nito. Napailing nalang ako. Hinawakan ko naman yung kagat ng ahas at diniinan ito.
“AHHHH!!!!” Hiyaw nya. Ramdam ko ang sakit sa sigaw nya.
“Miss!!!” sabay sabay na sigaw ng mga lalaki. Hinawakan naman ako ni Yuki sa balikat.
“Ibaba mo na muna sya at tatangalin ni Misaki ang lason sa katawan nya,” mahinahong wika ni Yuki. Sumunod naman ang lalaki at ibinaba sa sahig si Baozi. Ayoko namang sipsipin ang lason baka kung ano pa ang mangyari sakanya. Maslalo kong diniinan ang pagkakahawak at maslalo syang dumadaing. Napakunot naman ang noo ko. Bakit pahina ng pahina ang tibok ng puso nya? Tinignan ko naman ang puso nya at laking gulat ko na kumakalat na ang lason sa puso nya.
What the fudge!! Tinangal ko na ang tali sa braso nya at itinali sa buhok ko. No choice! Wala na akong nagawa kundi gamitin ang alam kong magpapagaling sakanya.
Inilapit ko ang mukha ko sakanya at walang sabing hinalikan ito. Bigla nalang nagkaron ng fire circle sa palibot namin. Habang ipinapasa ko sakanya ang asul na apoy ay daing sya ng daing sa pagitan ng labi namin.
Nagkaron din ng apoy sa kaliwa kong kamay na nakahawak sa kanan nyang kamay na may tuklaw ng ahas. Ramdam na ramdam ko ang apoy na dumadaloy sa kamay ko patungo sa braso nya at ganon din sa mga labi namin. Tiisin mo nalang yung sakit...
It's been three weeks since nangyari ang aksidenteng yun. At hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkikita ng anim na lalaking yun. At laking pasasalamat ko kasi baka mamaya eh maaksidente pa sila or isa sakanila. Lalo na si Baozi mahirap na. Napalingon naman ako kay Yuki na nakapose na parang gugulatin ako. Natawa nalang sya’t umupo sa tabi ko.
“Bes! Pagkatapos daw ng klase natin ay pumunta raw tayo sa office, sabi ni Sir Loren,” bakit lagi nalang kami pinatatawag ni Loren sa opisina nya?
Hindi naman kami faculty and staff dito. Lumingon nalang ako sa bintana kung saan ay nakikita ko ang ibang mga estupidyanteng naglalaro sa field. Pinanood ko naman ang mga ito. How I wish na kasama ko pa sila hanggang ngayon… walang problema.
Paulit ulit na routine lang sa araw araw… kain, tulog, ensayo, punta sa bayan upang mamili ng makakain, maglalaro kasama si Yuki ng kahit ano, basta! Masaya noon pero nakalimutan ko na kung ano ang pakiramdam ng maging masaya.
Nakalimutan ko na kung anong pakiramdam ng buo at completong pamilya kahit na hindi nila ako tunay na anak. It's been 10 years and I can still remember what they said.
“Oi! Okay ka lang? anlalim ng iniisip mo ah… nalunod ka na ba jan?” natatawa nyang tanong sakin. Lumingon naman ako at pinasadahan ko sya ng tingin at bumaling muli sa bintana.
How I wish I can smile and joke like that but I can’t because I’m not her. Napagpagdesisyonan ko nalang na pumunta sa hardin nitong eskwelahan para makapagpahinga ng maayos at mawala sa isipan ko ang mga dapat kinakalimutan ko na. At isama pa ang katawan ko na ang bigat bigat na parang may nakapatong na malaking bagay.

Comentário do Livro (8)

  • avatar
    LamelaDaisy Sia

    good

    20d

      0
  • avatar
    SarteMatthew

    good

    08/07

      0
  • avatar
    Leonard Marcelino

    yes

    22/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes