logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4 - Kondisyon

Ken's Point of View
Kanina pa ako naiinis sa ugok na ito dahil sobra kung makadikit sa kin, ang sarap niyang i-ngudngod dito sa may kanal.
'Paano eh nandito kami kasi sa auto-mekaniks, paayusan ng sasakyan. Ano pa ba?'
Nandoon sila at abala sa pakikipag-transact. Nakakabagot pala yong ganito, ang hirap maghintay at sobrang nakakabagot.
May lumapit na cute na cute na puppy sa tabi ko, may lahi yata yon kasi balbunan at kulay brown ito, nakalabas ang dila nito at parang nagpapa-cute sa paningin ko. I bend down my knees at hinimas ko ang mabalbon niyang katawan.
"Dog lover ka rin pala?" may lumapit sa aking lalaki, pansin kong nagpapaayos din siya ng sasakyan doon sa kabilang side.
Ngumiti ako, "Hehe, actually, animal lover ako..."
"Really?" namamanghap saad niya, tinukod niya ang kaliwa niyang tuhod at binuhat angnapaka-cute niyang puppy.
"Hmm..." I nodded.
"Oh! Ken! Sino 'tong kausap mo?" lapit sa amin ni Champ.
Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko, naramdaman ko yong inis sa paglapit niya.
"Ah! Hi! I am Lance Gallo, nagpapaayos din ako diyan sa kabila lang, hehe Sige na, kailangan ko nang bumalik doon..." paalam niya, nakita ko kung paano magbago sa pagiging kabado ang ekspresyon niya sa mukha.
"Tek-" ako.
"Sige, bro, ingat ka..." puna ni Champ.
Kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin,eh ang epal niya ng sobra. Daig pa yong magulang kong makapag-segway ng tao.
"Epal ka talaga 'no?" pigil sa inis na usal ko.
Lumingon siya sa akin at ngumiti siya, nawawala na naman yong mga singkit niyang mata. 'Yong pesteng matang yan, ang sarap dukutin, nakakainis!
Walng lumabas sa kanyang bunganga na salita, nginitian lang ako tapos bumalik na doon kay Troy. Inis akong nagpapadyak.
Anyway, childhood friend ko nga pala si Troy noon sa Manila, magkapit-bahay lang kami roon. Pareho kaming nag-aral sa iisang school noong primary school namin and then, nagtransfer siya noong secondary at hindi ko alam na dito pala sa San Esteban.
Bago pa man magsimula ang klase ay kinontak niya ako and then we met, nagkamustahan lang, ganon.
"Ken! Tayo na!" sigaw ni Champ.
"Kupal ka!?" I freaked out.
"Ano?" kunot-noong tanong niya roon sa loob ng sasakyan, nakabukas kasi yong bintana at kinakawayan ako, kala mo naman ang layo niya.
"Wala!"
Naayos na pala yong sasakyan ni Troy di man lang ako ininform nang hindi sana ako nagmukhang tanga rito sa kinalalagyan ko. Tsk!
Naglakad ako patungo sa binuksang pinto ni Champ, kahit na labag sa kalooban kong tabihan siya ay nilunok ko ang pride ko.
"There you go!" si Troy.
Pilyo niya akong nginitian, nagpalatak akong tiningnan siya at inirapan siya ng sobrang pakla.
"Sige, simulan niyo 'ko nang hindi lang gasgas ang abutin natin dito!" halukipkip ko at tumingin sa labas ng bintana habang bumubwelta siya.
Tumingin si Troy sa rear view, si Champ yong tiningnan niya.
"Behave ka diyan, Champ..." pigil tawang usal niya.
"Oh? Bat nadawit ako diyan, eh ang tahimik ko na rito eh!"
"Tss!" irap ko.
Nang nasa byahe kami ay wala ngang nagsalita sa amin maliban sa naririnig naming music, na pinatugtog ni Troy. Actually hindi sa music playlist ni Troy nanggaling yon kundi sa mismong radio.
(Song Title: In Your Eyes by Regine Velasquez)
Hindi ko alam kung bakit naiilang ako habang pinakikinnggan ang music. Lalo na itong nasa tabi ko, nakatingin ako sa harap, at sa paglingon niya sa akin ay nakita kong lumingon sa akin si Champ.
Buti na lamang at nagtext sa akin si mommy.
Mommy: Wala raw kayong klase this morning, nasan ka, nak? Hindi ka raw makontak ng driver mo?
'Lagot!'
"Troy, kindly please make it fast, hinahanap na pala ako nung driver ko..." pakiusap ko dahilan para magulat din siya, nakita ko sa rear view.
"Ganon ba? Sige, sige, pasensya dahil nadamay pa oras niyo sa 'kin..." anya.
"Nope! Wala yon, okay lang, hindi lang talaga kasi ako nakapagpaalam kay manong..." pagpapapanatag ko sa kalooban niya.
Malapit na kami sa school kaya okay na rin ako dahil hindi maghihintay pa si manong.
Bumaba kaagad ako nang huminto kami sa tapat ng school. Nasa tabi rin kasi yong sasakyan namin at nasa labas na si manong, nakahinga siya ng maluwag nang makita ako subalit bago pa man ako makaalis ay tinawag ako ni Champ.
"Ken?"
Nilingon ko siya, "Bakit?" kunot-noong tanong ko.
Napakamot siya ng kanyang batok. "Hehe! Wala!"
"Tsk!" inis na palatak ko.
Umalis na nga ako at nilapitan si manong, pilit akong ngumiti sa kanya.
"Pasensya na po, hindi ako nakapagpaalam sa inyo..." pagpapaumanhin ko.
"Naku, okay lang po serrr..." aniya.
Narinig ko ang paghuni ng kanyang sikmura kaya bigla akong naawa sa kanya, may katandaan na siya kaya talagang hindi ka mag-aatubiling maawa.
"Tara po, hanap po tayo ng karenderya..." alok ko, nakita ko ang hiya sa mukha niya.
"Naku-"
"Manong, nagugutom na po ako, tara kain muna tayo, dont worry treat ko naman eh!" ngiti ko sa kanya.
Napakamot na lamang siya ng kanyang ulo at wala nang nagawa pa.
"Sige po s-ser..." nahihiyang anya at pinagbuksan ako ng pinto tsaka siya pumasok at nagdrive.
***
Champ's Point of View
Nang makaalis si Ken ay dali-dali akong nagtungo sa parking lot upang makuha ang sasakyan ko. Nang mailabas ko ang sasakyan ko ay sakto nang nang sa highway na ako ay sinusundan ko lamang pala ang sasakyan ni Ken. I smiled.
"Masundan ka nga, nang malaman ko kung saan ka nakatira..." I grinned.
Pagkaraan ng ilang minutong pagi-ikot dito sa bayan ay pumarada sila sa isang karenderya. Bumilib ako sa pagiging hindi niya maarte.
"Kol!" manghang usal ko, hinintay ko silang makababa bago ako sumunod, suot ko ang sombrero ko at ang shades.
Sinundan ko sila sa loob ng simpleng karinderya.
"Ngayon ay mas lalo lang akong bibilib sa pagiging totoo mo..." usal ko.
"May sinasabi kayo, sir?" gulat kong tiningnan yong katabi kong babae, waitress siya rito.
"Ah hehe, wala po..."
Matapos silang maka-order ay naupo sila sa sulok. Um-order na rin ako at pumili ng malapit-lapit na table.
Masaya lang silang nag-uusap ng driver niya roon.
Kaso, nang nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ay biglang mayroong tumawag sa akin.
"Hello?"
["Champ, nasaan ka ngayon? Hindi ka ba uuwi?"]
Si kuya Tristan yong tumatawag.
"Maya-maya po..."
["Wag kang magpapagabi, uuwi ngayon si lolo, may dinner daw tayo ngayon"]
Bigla akong nagulat sa sinabi niya.
"O-okay po kuya..." utal na sagot ko sa kanya.
'Patay! Ano na naman kayang naisipan ni lolo kung bakit siya dadalaw ngayon?'
Dali-dali kong inubos ang pagkain ko at umaolis na, hindi ko na itinuloy ang balak kong sundan si Ken dahil uunahin ko na muna si lolo ngayon.
'Shit! Baka magtanong na naman sa academic ko yon!'
"Aish!" inis na usal ko sa loob ng aking sasakyan habang pinaharurot ito pauwi sa bahay.
Kung anuman ang ipinunta ni lolo ngayon, tiyak kong hindi ako yon. Hindi ako yon.
'Hindi niya ipipilit sa akin yong kagustuhan niya.'
Kung sakali mang yon at yon pa rin ang nais niyay, mag-aaway na naman kami.
"Aish!"

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    ApiladoAngelou

    so nice I like story

    11/07

      0
  • avatar
    GabAndrea Clado

    haha

    09/07

      0
  • avatar
    Shan Michael Pangan

    hyyjo

    08/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes