logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3 - Perwisyo

Troy's Point of View
Kararating ko lamang dito sa school, as usual, maingay at sobrang naririndi ako sa mga bulungan ng lahat. Nauna nang pumasok sa akin si Champ, nakita ko kasi 'yong sasakyan niya roon sa parking lot. Bitbit ko ang librong tinungo ang classroom. Unfortunately, hindi kami magkaklase ni Champ dahil ibang strand ang kinuha niya.
Nang marating ko ang limang hakbang na hagdan ng school ay kaagad kong tinungo ang nakasulat sa schedule ko. Before going upstairs, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko at kinuha ko ito mula sa aking bulsa.
Pagtingin ko sa screen ay mayroon na palang limang messages at hindi ko alam kung kaninong number itong nagtetext sa 'kin. I let out a deep sigh.
Unknown: HI!
Unknown: Gising ka na?
Unknown: Papunta ka na bang school?
Unknown: See you there!
Unknown: Nakarating ka na pala :)
Napakamot ako sa ulo ko at napatingin sa kisame. Nakita ko 'yong cctv na nakatutok dito sa kinatatayuan ko.
"Aish! Ipinamigay na naman ba ni Kira 'tong new number ko?" inis kong tanong sa sarili ko, kaya naman ay pinindot ko 'yong inbox ko kay Kira at nag-type ng message.
Me: Hindi relief goods 'tong number ko para i-share mo sa ibang tao, kaya nga ako nag-new number ulit eh! Kainis ka naman!
I, again, let out a deep sigh. Isinuksok ko sa bulsa ang phone at humakbang paakyat ng hagdan patungo sa second floor. Nandito ako sa senior's building at kaninang nandoon ako sa ground, rinig na rinig ko na ang kaingayan ng mga balahurang mga seniors. Para silang walang manners. Nang makaapak ako sa second floor ay muli kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko.
'Ipaliwanag mong maayos sa 'kin, Kira, kundi malilintikan ka talaga!.' Banta ko sa kanya sa loob ng isipan ko. Kinuha ko 'yong phone ko at napahinto sa gitna ng hallway kung saan ay busy ang lahat sa paglagpas sa akin.
Kira: Nah! Ba't ako ang sinisisi mo? Wala naman akong kinalaman diyan eh!
"Tsk!" I muttered annoyingly.
Nagtipa ako sa phone ng mabilis at mabilis din 'tong sinuksok sa bulsa ko.
Me: Eh sino!? 'Kaw lang naman nakakaalam ng digits ko rito sa school!
Inis kong reply sa kanya at nai-imagine ko na 'yong mukha niyang nakabusangot. Tiyak kong pauulanan ako nun ng salita mamaya kapag nakarating ako sa room namin, kaso, hindi pa man ako nakakarating sa room ay namataan ko ang isa sa ayaw kong makita ngayong araw na ito.
Si Lester Cruz.
Limang metro ang agwat namin at sa layo namin ay abot dito ang ngiti niya. Hindi ko alam kung ano ang trip niya. Hindi ko alam kung bakit siya ganun, I mean, normal siyang gumalaw at oo, normal siyang tao kaso nawi-wirduhan ako sa pakikitungo niya sa 'kin. Tiyak gagawin na naman niya 'yon.
Nang isang metro na lamang ang layo namin sa isa't isa ay mas malinaw pa sa araw 'yong nakikita kong ngiti na ibinibigay niya sa 'kin. Kumunot-noo ako nang makita ang puti niyang ngipin.
"Good morning, Troy, it's nice to see you again..." he greeted nicely kasama na ang pagngiti niya sa akin. Nakangiti rin 'yong dalawa niyang kasama sa akin.
"Hmm..." maikling tugong ko at ngumiti pabalik sa kanila, then, nilagpasan ko na.
'Di ba? Sobrang weird ng isang 'yon! Sa isip ko naman, baka pinagtitripan lang ako ng mga 'yon, eh walang mga magawa sa buhay nila.
Nang marating ko ang room namin ay agad kong hinanap si Kira. She must be sitting at the back, kaso wala or maybe roon sa gilid, kaso wala rin, kaya naman ay agad kong idinayal ang number niya, nagriring, then, she answered my call.
"Hello, nasan ka?"
[Gagi... Nasa apartment ako... Hindi ako papasok ngayon...] narinig ko ngang humikab siya.
"Aish! Napakatamad mo talaga! Sige na nga! Bye!" inis kong binabaan siya ng tawag at nagtungo sa isa sa mga bakanteng upuan at naupo na.
Nang makaupo ako ay nakita ko ang isang lalaki, lalaki syempre kasi hindi naman siya naka-uniform at basta-basta na lamang pumasok dito sa loob ng room namin at naupo sa katabi kong upuan kung saan ay bakante. Isa rin 'tong weird at violator, buti naman at natakasan niya 'yong guard na mukhang bouncer? Galing ha?
Hindi ako nakaramdam ng kahit ano sa kanya, okay naman siyang katabi, tahimik at gusto ko ng ganun, tahimik. Hindi siya mabaho, mabango siya actually dahil sa perfume niya. Wala siyang dalang backpack dahilan para magtaka ako.
'Sakit sa ulo rin 'tong isang 'to sa mga teachers namin...' napapangiwing usal ko sa 'king isipan.
Ilang sandali lamang ay dumating na nga ang teacher namin, may ini-announce siyang kaonting details at umalis na rin agad dahil mayroon daw urgent meeting, kaya naman ay nagpyesta ang mga kaklase ko, ayon, nagsi-uwian.
'Nays, Kira, tamang-tama ngang umabsent ka sa unang araw ng klase...' ngisi muling usal ko sa isipan.
--
Nang pababa na sana ako sa hagdan ay nakita ko sa kabilang hallway sina Champ at Ken. Kumawala ang nakakalokong ngiti sa aking labi ng mapagtanto kung bakit nakabusangot itong si Ken habang pinipilit nilalayuan si Champ. Sutil na Champ. Umiling-iling ako nang maisip ang bagay na 'yon.
'Bagay sila, haha!'
Hindi nila napansin ang presensya ko nang nasa harapan ko na sila. Paano kaya sila nagkakilala? Matanong nga.
"Woi!" eksena ko dahil mukhang wala silang balak na pansinin ako.
Pareho silang tumingin sa akit at pinanlakihan ako ng mga mata tapos nagkatinginan, lumayo ng kaonti si Ken at kunot-noo niya akong tiningnan tsaka binaling kay Champ, natawa ako sa trip nila.
"Ikaw pala, Troy! Wala kang klase?" ngiting tanong sa akin ni Champ, nawawala na naman 'yong mga mata niya tsaka ako bumaling kay Ken na nakatingin din kay Champ, mukhang na-intriga roon sa ngiti ng kaibigan ko.
"Magkakilala kayo?" turo ko sa kanilang dalawa kaya naman ay mas lalong lumayo si Ken at umiling-iling ng paulit-ulit sa akin, masama niyang tiningnan si Champ.
"Oo-" Champ.
"Hindi!" protesta ni Ken, ang sarap nilang pamewangan kaso hawak ko 'yong mga gamit ko kaya ay tinawanan ko na lamang silang dalawa.
"A-anong hindi!?" giit naman nitong si Champ at nilapitan ang lumalayong si Ken halos madikit na ang likuran nito sa wall at halos magdikit rin ang katawan nilang dalawa.
Inis na tinulak ni Ken si Champ, masama ang tingin nito sa kanya, galit na galit at gustong manakit.
"Ano ba! Lumayo-layo ka nga sa 'kin!" sigaw ni Ken subalit ayaw magpatalo nitong si Champ.
"Pft! Para kayong aso't pusa, haha! Wala na rin ba kayong klase?" I interrupted them, umayos sila.
Umiling silang dalawa, bagay na bagay talaga.
"Tara, meryenda tayo?" alok ko, ngumiti si Champ at tiningnan si Ken.
"Anong tinitingin-tingin mo!" sigaw niya.
"Bakit? Ikaw ba tinitingnan ko?" palusot namang sagot nitong isa na kung saan ay gustong-gusto ang ginagawa niyang panti-trip kay Ken.
"Tsk! Tigilan niyo na nga muna 'yan at magmeryenda muna tayo..." usal ko muli, tumingin sila sa akin at tumango. Buti na lang at normal itong mga 'to.
--
Hanggang sa daan ay hindi matigil ang giitan ng dalawa kong kasama. We decided na sasakyan ko ang gagamitin namin dahil babalik din naman kami mamaya for the afternoon session, hindi kami liliban ng klase.
Nasa backseat silang dalawa, kanina pa nga ay gustong umupo ni Ken dito sa harap dahil ayaw niyang makatabi si Champ, kaso nag-refuse ako. Haha! Bakit ba?
"Ano ba! Dun ka nga sabi eh! Ihuhulog talaga kita 'pag 'di ako nakapagtimpi!" nakakarinding sigaw ni Ken dahilan para bumungisngis ako ng tawa.
"Kaw kasi Champ, 'wag mo namang kinakawawa 'yang childhood friend ko, maiiyak 'yan bahala ka! Haha!" biro ko, nakita ko ang masamang tingin ni Ken sa akin sa rear view mirror.
"Akala ko ba magkakampi tayo rito?" Ken pouted.
"Who told you na may kinakampihan ako sa inyo? Bahala kayo diyan!" usal ko na kumbaga walang pakialam kuno sa kanila pero sa kaloob-looban ko sobrang tawang-tawa ako.
"HAHA! Wala ka naman palang kakampi eh! Humanda ka sa 'kin!" banta ni Champ at nakita ko ang loko-loko niyang mukha. Napailing na lamang ako sa sobrang kakulitan nila nang biglang hindi ko namalayan na nabangga ko na pala 'yong kotseng nasa unahan namin.
"Shit!" agad na inapakan 'yong break.
"What the heck, Troy!" cursed Ken.
"Fuck!" sinundan pa ng isang mura ni Champ.
Pare-pareho kaming gulat sa nangyari. My goodness! Ito 'yong unang pagkakataon na nakabangga ako ng ibang sasakyan! Patay ako kay papa!
Kaagad kaming lumabas ng sasakyan, nandito pa naman kami sa highway ng central park, wala masyadong tao rito.
"What the hell, dude! Are you out of your mind?" sigaw nung driver nung nabangga kong kotse.
"I'm so sorry, I didn't mean to do it, ako na ang bahala sa pagpapaayos please, 'wag kang tumawag ng pulis..." pagmamakaawa ko.
Tinampal niya ang kanyang bibig dahil sa frustration. Pinamewangan niya ako at inis na tumalikod tsaka muling humarap.
"I won't call the cop and 'wag mo nang ipaayos 'tong sasakyan ko, 'yang sa'yo na lang ang ipaayos mo. Remember me, simula ngayon ay may utang ka sa 'kin..." usal niya tsaka tinanggal ang shades niya.
Teka! Pamilyar ang isang 'to ah! Wait! Saan ko ba siya nakita? Umm?
Nakasuot siya ng hoody jacket at-oo! Siya 'yong kaklase naming pumasok kanina na incomplete uniform!
"A-anong! Hind-"
"Um-um!" umiling-iling siya.
"Tatanggapin mo ba ang kondisyon ko o ipakukulong kita?" pananakot niya sa 'kin.
"Teka. Bro, mali naman yatan-" Champ was cut off by this stubborn air-headed yet conceited guy.
"And you're two friends will also be put in jail if you disagree..."
"Anong klaseng kondisyon 'yan? Ang pangit mo namang gumawa ng kondisyon!"
"Just fucking agree!" sigaw niya sa mukha ko, nagulat ako syempre hindi dahil sa mabango niyang hininga kundi sa napakalapit niyang mukha.
"O-okay, chill..." pilit na pagsang-ayon ko. then, bigla siyang ngumiti..
"Good boy..." anya tsaka ginulo ang buhok ko at muling sinuot ang kanyang shades, sumipol-sipol pa siyang bumalik sa loob ng kanyang sasakyan at pinaharurot paalis.
"What the hell did just happen?" hindi makapaniwalang tanong ni Champ. Nilingon ko sila.
"May saltik yata 'yong isang 'yon!" tugon naman ni Ken, napaupo na rin sa takot.
"Ang lakas ng pagkakabugok ng isang 'yon! Hindi ako makapaniwalang kaklase ko 'yon at 'yong pesteng kondisyon niya, parang siya na rin mismo! Walang saysay!" inis na usal ko.
"Classmate mo 'yon!?" sigaw nilang dalawa na hindi makapaniwala.
"Hindi! Classmate niya! Syempre classmate ko! paulit-ulit? Nang-iinis?" inis na sagot ko sa kanila, sabay silang huminga ng malalim.
"Tsk! 'Yan kasi! Pinagkakaisahan niyo ako! Karma tuloy kayo, at ikaw!" duro ni Ken kay Champ.
"O?" si Champ.
"Perwisyo ka! Layuan mo 'ko, baka mamaya madisgrasya pa 'ko!" giit ni Ken na sobrang seryoso.
"Hoi! Grabe ka naman kay Champ, kahit ganyan 'yan kaya ka niyang ipaglaban!" palihim kong kinindatan si Champ.
"Haha! Nakakakilabot!" irap ni Ken sa akin ganoon na rink ay Champ na binelatan pa niya.
"Tara na nga, imbes na magmeryenda tayo ay naudlot pa, tara na at ipaayos 'to!" inis na usal ko at pumasok kami sa sasakyan.
Buti na lamang mayroon pang natitirang saving sa card ko. Iipunin ko sabi eh! Perwisyo talaga 'yong araw na ito.
Dumagdag pa 'yong peste na 'yon! Oo! 'Yong wirdo na 'yon, sana hindi ko na lang siya naging kaklase. Bwisit! 'To kasing dalawang kasama ko, masyadong nasobrahan sa lampungan. Tsk!

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    ApiladoAngelou

    so nice I like story

    11/07

      0
  • avatar
    GabAndrea Clado

    haha

    09/07

      0
  • avatar
    Shan Michael Pangan

    hyyjo

    08/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes