logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2 - Crimson Academy

Ken's Point of View
Naiinis akong bumangon sa aking kama dahil ngayon ko lamang nalaman na nawawala 'yong bracelet ko! Birthday gift pa naman 'yon sa akin nina mom and dad! Kainis!
At kapag hindi ko 'yon nahanap ay talagang magtatampo sila sa akin.
"Ba't nakabusangot ka? May problema ka ba, 'nak?" tanong ni mommy ng pababa ako sa hagdan.
Nasa sala lamang pala siya at maagang nanunood ng palabas sa tv, mukhang balita 'yong inaabangan niya. 'Aish! She's always like that, 'di ka pa ba sanay, Ken?'
Inis kong ginulo ang aking buhok at tinungo ang kitchen, bago ko marating ang kitchen ay sinulyapan ko muna si mommy.
"Mom..." I muttered.
"Hmm..." sumulyap siya.
'Sasabihin ko ba na nawala ko 'yong bracelet na binigay nila sa akin?'
I bit my lower lip. Hindi ako takot sa kung anuman ang sasabihin ni mommy, nahihiya lang ako dahil sa pagiging pabaya ko. Tsk! Ang tanga ko kasi eh!
"What?" she repeated while looking at me intently, bakas ang confusion sa mukha niya.
I, then, chose not to tell her. I shrugged.
"W-wala po, I just wanna say, 'Good morning!'" pag-iiba ko ng topic tsaka ako tumalikod at dali-daling tinungo ang kitchen.
"Engot..." bulong ko sa akin sarili.
After kung mag-almusal ay kaagad na rin akong naligo and while taking a bath ay sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaking 'yon. I saw how my facial expression change because of what I am seeing in my head. 'Yong tukmol na 'yon!
"Paka-hambog, 'kala mo naman gwapo!" inis na sigaw ko sa replekson ko sa salamin. Nag-echo ang boses ko dito sa banyo.
Maya-maya ay narinig ko ang boses ni mommy, asking me why I am yelling.
"May nangyari ba diyan?" nag-aalalang tanong niya sa labas.
"A-ah eh, wala po mommy! Nagpapraktis lang po akong kumanta, he-he..." pilit ang tawang pinakawalan ko. Sana maniwala siya. Sana.
"Okay, paghusayan mo..."
"Pft!"
Tinampal ko ang bibig ko dahil muntik ko nang malakasan ang pagtawa.
Moving forward, nang makabihis ako ng school uniform ay gwapong-gwapo kong hinarap ang salamin. Kulay white ang uniform namin excluding the slacks na kulay itim, tapos 'yong official badge ng academy-Crimson Academy.
"Ang gwapo-gwapo naman ng anak ko!" tili ni mommy sa sala, napansin niya kasi akong pababa ng hagdan, gising na rin pala si daddy.
Hindi ko alam kung ilang kape na 'yong nainom ni mommy. Si daddy mamaya pa yata ang pasok. Si Sabrina naman, siguro natutulog pa 'yon, panghapon 'yong session nun eh, naol pang afternoon session.
Nginitian lang ako ni daddy, kabesado na niya kasi si mommy kung sakaling konontra niya ito. Magpapalakihan na naman sila ng ulo kung sino raw ba ang pinagmanahan namin nina Sabrina. Sino pa ba? Si manong driver? Tss!
"Bye, Mom! Dad!" paalam ko nang nasa tapat na ako ng pinto. Nakita ko ang pagkadismaya ni mommy.
"Are you not giving me a smack?" mom pouted, bumungisngis ako sa expression niya.
"What the heck, mom! Ang laki-laki ko na eh, si Sab na lang!" inis na usal ko at nagpapadyak ng paa.
Dad glimpsed at mom, dahil doon kaya ako nakaalis. "Dad! You know what to do! Bye!" sigaw ko palabas.
Tiyak na ginawa na naman 'yon ni daddy. Mom wants a smack from me? How about dad doing the favor for me? Haha!
Mabilis na nakarating ang sinasakyan ko rito sa school. Mula sa loob ng sasakyan ay namamangha kong tiningnan ang school. We went already here noong in-enrol ako nina mom and dad at kahit na nakita ko na itong school ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mamangha.
Crimson Academy is two kilometers away from San Esteban at hindi na 'yon masama kompara roon sa dati kong school na limang kilometro ang layo mula sa bahay namin. The heck! Kaya ako laging late noon.
"Manong, pasundo na lang po ako mamayang hapon po." magalang kong paki-usap. Tumango si manong driver, siya 'yong bagong hire naming personal driver, at mukha namang mapagkakatiwalaan.
"Sige po, Sir." sagot niya tsaka bumwelta at tuluyang umalis.
Nang makaalis ang sasakyan ay huminga muna ako ng malalim tsaka hinarap ang entrance ng school. Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko. Humakbang ako palapit sa gate, may security guard. It seems like I'm the only person who's not wearing an identification card. 'Paktay! Sabagay, transferee ako.'
Lalagpas na sana ako sa entrance nang pahintuin ng mamang guard. Kakatakot 'yong boses kasi baritono tapos malaki pa ang katawan, para siyang bouncer sa isang night club. Pft!
"Teka, bakit hindi mo suot ang ID mo? Hindi ka maaaring pumasok, hindi mo ba 'yan nababasa?" galit na sambit niya sabay duro sa karatula na nakasabit sa gate.
'No ID, No Entry!'
"No ID, No Entry! Hindi ka ba marunong magbasa ng simpleng ingles bata?" supalpal niya sa akin, ipinahiya niya pa ako sa mga estudyanteng papasok. Pinagtitinginan na tuloy ako ng lahat.
"P-pasenya n-" pinutol pa niya 'yong sasabihin ko, napatungo tuloy ako dahil sa sobrang pagkakapahiya.
"Diyan ka sa labas, walang papasok hangga't wala kang naipapakitang ID sa akin." pinanlakihan pa kamo ako ng mga mata.
Hindi ko na talaga mapigilan ang inis ko kaya naman ay pumasok pa rin ako, subalit hinarang na naman niya ako na parang ako lang 'yong taong nakikita niyang nagkakamali.
"Ano po ba mamang guard! Bago niyo po ako, sigaw-sigawan ay dapat nagtatanong muna po kayo, nakakabastos na po kayo eh! Kasalanan ko po bang kailangan kong magtransfer ng school? Kasalanan ko po bang transferee po ako rito po at hindi ko magawang maipakita sa inyo ang ID ko?" inis na sagot ko at sarkastikong usal ko sa kanya, kanina ko pa ito kinikimkim kaso punum-puno na ako sa pamamahiya niya.
Nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Namumula siya sa hiya.
"Ang lakas-lakas mong ipahiya ako sa mga naririto gayong nagpapasok ka naman ng magagandang estudyante! Ano 'to? Insulto? Kung may tipo ka, pinagdidiskitahan mo ng ganun-ganun lang?" kulang na lang ay lumabas na ang ngala-ngala ko sa kasisigaw rito na parang tanga.
Wala akong pakialam kong ano pa ang sabihin ng lahat sa akin, pinaglalaban ko lang naman kung ano 'yong tama at kung ano ang pagkakamali ng school. Especially sa pagkakamali ng guard na ito.
Sa pagkakapahiya ay tinanggal ng guard ang kanyang suot na cap, at tumungo sa harapan ko.
"Pasensya sa aking nagawa, sorry talaga, akala ko kasi ay dati ka lang na estudyante rito, ang dami-dami kasing pasaway kaya napagalitan kita kanina." paumanhin niya kaso naroon pa rin 'yong galit ko.
"Ewan ko sa inyo..." I rolled my eyes at nilagpasan na siya, sinira na niya 'yong araw ko. Kainis!
Nadadagdagan pa 'yong inis ko dahil pinagtitinginan nila ako! Akala mo naman ang sama-sama kong tao sa paningin nila.
Upang mawala ang nararamdaman kong inis ay tumungo ako sa kalapit na bench. Napadpad ako rito sa garden. Feeling ko kasi kailangan ko munang mag-refresh at tanggalin ang negativities, baka maapektuhan ko ang iba kong mga kaklase.
"Relax, Ken. Inhale. Exhale." I sighed.
Napakasariwa talaga ng hangin dito sa probinsya, dahilan upang mahimasmasan ako tungkol dun kanina. Nasa loob ko pa rin 'yong inis pero kaonti na lang, dipende na lang siguro kung pagdiskitahan na naman ako nun bukas. Subukan lang niya!
"Ang aga-aga mong mag-mood swing ah!" gulat akong napatingin sa kalapit na bench.
Nakita ko na naman ang singkit niyang mga mata, ang nanunuya niyang labi na naka-arko pa. Nginingisihan niya ako roon sa kanyang pwesto.
"Palaka kang nagmukhang unggoy! Ikaw na naman!" gulat na gulat kong sigaw mula rito sa aking kinauupuan. Tinaasan niya ako ng kanyang dalawang kilay. Iniinis na naman ako lalo na 'yong bangs niya.
Bumungisngis siya sabay turo sa kanyang mukha, "Ako? Kailan naman 'to magmumukhang palaka at unggoy? Naka-drugs ka ba?" tawa niya roon.
Inirapan ko siya at dali-daling tumayo subalit nagsalita na naman siya dahilan upang mapahinto ako.
"Saan ka naman pupunta? Naghirap kaya ako sa paghanap sa'yo!" tiyak naka-pout siya dahil sa tono na naririnig ko.
"Sino ba kasing nagsabing maghirap ka sa paghahanap sa akin? Ano ba ako? Bagay na nawala at kailangang hanapin at isuli? Tss!" muling irap ko habang nakatalikod sa kanya while holding the strap of my backpack. Humakbang ako but then, naramdaman ko na sinasabayan niya pala ako sa paglalakad.
"What the heck are you doing!?" sigaw ko sa kanya at napahinto kami.
Prente siyang nakapamulsa, walang suot na backpack maliban sa suot niyang uniform. Gwapong-gwapo sa sarili eh nagmumukha namang toothpick!
"Sinasabayan ka sa paglalakad, ano pa ba?" seryosong usal niya na hinay-hinay na bumaling sa akin, nailing ako kaya inilihis ko kaagad ang paningin ko sa iba.
"Wag ka ngang assuming! Hindi kita kaklase at hindi kita magiging kaklase!" sigaw ko na naman sa mukha niya. Eh! Nakakainis siya eh!
"Pangalawang paninigaw mo na sa akin 'yan ah, isang beses pa at hahalikan kita..." tugon niya dahilan upang takpan ko ang aking bibig kasi inambangan niya ako ng kanyang bibig, muntik pang sumagi 'yong kissable niyan-what the heck am I thinking!
Sa inis ko ay nagmadali akong naglakad, alam kong nasa likuran ko lamang siya at sinusundan ako kahit na saanman ako magpunta. Nang marating ko ang hallway ay nagpasalamat ako sa poong-maykapal dahil hinarang siya ng kanyang mga kaibigan. Phew!
"Ang hirap mong itaboy na toothpick ang sarap mong putul-putulin!" hngal na giit ko habang nakatago rito sa may wall ng façade, hagdan ito na paakyat patungo sa second floor. I hid myself off of him kaya nagtungo ako sa sa taas, patungo sa second floor.
May mga nakakasalubong akong mga estudyante at mukhang junior highschool sila dahil sa suot nilang kulay skyblue na uniform, kami lang yata na seniors ang white.
Sa pagtatago ko ay napadpad ako sa classroom namin, sa third floor. Nagtataka ako kung bakit may mga napapadpad na juniors dito sa building namin eh mga seniors lang ang nandito, eventually nalaman ko rin.
Ini-spot-an pala nila 'yong campus crush nila, na kung saan ay nalaman kong classmate ko lang din pala. Honestly, pagpasok ko sa loob ng classroom ay nakatingin na sila sa akin, may ilang nandirito na, siguro 'yong iba ay nasa admin pa lang dahil siguro abala sa pag-enrol, I guess.
"May bago tayong kaklase..."
"Obvious ba? Ha?"
"Eh napansin lang naman eh! Kainis ka, binabara mo na naman ako!"
"Tigil-tigilan mo nga ako sa pagkapabebe mo! Tsupe!"
Hindi ko pinansin ang usapan ng mga kababaihan doon sa dulo. I am about to rest my forehead on my wrist nang may sumalo roon sa aking noo, sobra akong na-schock dahil doon.
Pamilyar sa akin ang amoy na 'yon-ang perfume na 'yon. Kaagad kong tinabig ang kamay niya na nakalapat sa noo ko.
"Oh My Gosh! Si Champ!"
"Ang gwapo-gwapo niya talaga..."
"OMG! OMG! Picture-an ko nga, yieeeeehh!"
"Nandito ka lamang pala..." usal niya at hindi pinansin ang mga nagkakandarapa sa kanya tsaka niya ako nginitian, nakakatawa lang na sa tuwing ngumingiti siya ay nawawala rin 'yong singkit niyang mga mata, pinaglihi yata ito sa insik! Haha!
"Pft!" pigil ko sa tawa ko.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" sita niya sa akin, naka-pout na naman siya.
"Pakealam mo ba?" singhal ko at naghalukipkip sa kinnauupuan ko. nagkunot-noo ako.
Hinila niya 'yong bakanteng upuan palapit sa kinauupuan ko at nakangiti na naman akong tiningnan. The heck! Kung sana hindi ko iyon nakikita eh! Kaso, nakita ko 'yon using my peripheral vision.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" inis na singhal ko sa kanya.
He shrugged, "Tinatabihan ka? Kasi magkaklase tayo, I guess?" sobrang senseless na tugon niya sa akin sabay kibit-balikat.
"Tss!" napapangiwing palatak ko.
What the heck is happening! Bumaluktot ba 'yong wish ko kahapon na sana hindi ko 'to makita? Pinarurusahan ba ako dahil sa pambabastos at paninigaw na ginawa ko sa kanya? I am very disappointed and devastated.
Unang araw ng second semester at ito ang mga naranasan ko sa school na ito! Una, pinahiya ako ng guard, pangalawa, iniinis ako ng Champ na ito! At pangatlo, KAKLASE KO SIYA FOR PETE'S SAKE! Lord! Ano po ba 'tong ginagawa ninyo sa akin?

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    ApiladoAngelou

    so nice I like story

    11/07

      0
  • avatar
    GabAndrea Clado

    haha

    09/07

      0
  • avatar
    Shan Michael Pangan

    hyyjo

    08/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes