logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Heart Over Mind (BxB)

Heart Over Mind (BxB)

zemperfortiz


Chapter 1 - Hambog

Ken's Point of View
It was a beautiful Sunday morning, katatapos lang ng misa rito sa aming bayan, kaya parang mga bubuyog ang mga tao ngayon. Lahat ay nagbabatian at nagyayakapan, sobrang mag-clo-close ang mga tao rito sa San Esteban maliban sa amin na kalilipat lamang mula sa mainit na syudad ng Manila.
Ganito pala rito sa probinsya, malamig ang klima dahil halos lahat ng parte na nakikita ko ay mayro'ng mga puno hindi tulad doon sa Manila na mga matatayog na gusali lamang ang makikita.
We transferred here in province dahil sa kagustuhan ng aking lolo at dahil bedridden na siya. He wanted to die here, iyon ang sabi niya na sa tuwing naaalala  ko ay nasasaktan ako. I love my lolo very much, and I don't like seeing him to be like that. Nahihirapan siya sa paghinga at pagnguya. Tanging ang swero at oxygen tank na lang ang tanging bumubuhay sa kanya.
Sa tuwing naiisip ko 'yon ay tila gusto ko na lang kunin 'yong sakit na nararamdaman niya.
"Ken, let's go!" untag sa akin ni mommy.
Napansin kong wala na si dad at 'yong sister ko, tiyak ay nauna na sila roon sa sasakyan. Nababagot pa naman ako ngayon dahil alam ko kung saan na naman kami pupunta ni mama. Naiinis ako sa pagkahumaling niya sa mga manghuhula.
"Mom, bakit nandito na naman tayo? 'Di ba sabi mo last time na 'yon na ang huli e..." may inis sa tonong maktol ko.
'Kaunti na lang talaga ay maiiyak na ako. Nakakapikon si mommy eh! '
"Naku, anak, maaari mo bang pagbigyan si mommy? Gusto ko lang kasi na makita ang future ng ating business..." nginitian niya ako nang sabihin iyon, at doon ako napikon lalo dahil napapayag na naman niya ako.
When I gave her my agreement ay tsaka siya pumasok sa kulay lila na tent, purposely designed for fortune tellers.
"Kasi naman!" pikon na pikon na maktol ko muli sa aking sarili at ginulo ang buhok ko.
Ang tent na narito ay malapit lamang sa plaza, at nahuhumaling ako sa ganda ng tanawin doon. I glanced at the tent's entrance. Matagal pa bago lumabas ang magaling kong mommy kaya naman ay napag-isip-isip kong magpasyal sa kalapit na parke.
I am already seventeen years old, at nasa senior high school na ako. My parents enrolled me in one of the prestigious private school here in the province. Sa Crimson Academy at masasabi ko namang sakto lang at walang pinagkaiba sa dati kong private school.
Nang marating ko ang platform ng park ay kaagad kong naramdaman ang presko at sariwang hangin. I could feel the leisure in the surrounding. Ang maingay na mga batang naglalaro ng sipa sa masilong na parte ng parke, kahit na pawisan ay walang iniindang kung anong problema dahil kalayaan nila 'yon. Ang sarap tuloy maging bata.
Narinig ko rin ang tunog ng mamang nagtitinda ng dirty ice cream sa may pavement malapit sa monument. May mag-couple na bumili sa kanya at napaka-sweet nila. Napaismid ako ng wala sa oras.
"Maghihiwalay din naman!" nanunuyang bulong ko sa sarili.
Suddenly, a ball coming from those teenagers that were playing hardly hit my head dahilan upang mapaluhid ako sa damuhan dahil sa sakit na nararamdaman. Narinig ko pa 'yong sigaw nila roon sa hindi kalayuan ng 'Oh!' subalit huli na nga ang lahat, tinamaan nila ako at hindi ko mapapatawad kong sinuman ang taong 'yon.
A moment passed, I managed to sit on the grass. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at unang napansin ko ang suot niyang sapatos. Mukhang mamahalin eh, but then napunta sa bola ang paningin ko at muling rumehistro sa akin ang galit. Pinulot ko ang bola kahit na nahihilo pa ako dahil sa lakas ng impact.
I was about to slam it on his face ng salagin niya ito.
"Ahh!" naiusal ko nang ma-out of balance ako, at sa bilis niya ay hindi ko naramdaman ang pagpulupot ng bisig niya sa baywang ko dahilan upang bumagsak kami sa damuhan at nadaganan ko siya.
I could not hear something besides the loud panting of my heart, ganoon na rin siya. Hindi ko mapigilang hindi siya titigan sa kanyang mga mata. I could not figure out what was really am thinking at the moment. He wore a sleeveless shirt at kitang-kita ko ang puting-puti at pawisan niyang bisig. From his physical appearance ay masasabi kong may maganda siyang katawan. Hindi maskulado, hindi rin saranggola, 'yong sakto lang.
Tila tumigil ang pagtakbo ng oras, pero 'yong tibok ng puso ko, hindi ko alam ang isinisigaw. I was bewildered to what have just happened. Kumurap-kurap ako dahil kumikinang siya sa paningin ko, I even wagged my head just to wake up from my imagination at hindi naman ako nagkamali.
Imahinasyon ko lang ang lahat, at kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Kaagad akong tumiwalag sa bisig niyang nakapulupot sa baywang ko at naupo. I composed myself and reflected to what happened.
I heard him giggled, kaya naman ay kaagad ko siyang nilingon. Nakita ko na naman ang maamo niyang mukha. Ang bangs niyang abot hanggang sa kanyang kilay pero hindi 'yon naka-menus sa mukha niyang pinagpala. Ramdam ko ang pagdikit ng pawis niya sa damit ko pero bago pa man ako mandiri ay inilipad ng hangin ang amoy niya sa ilong ko. Nakakapagtakang hindi man lang siya mapanghi.
"Bakit mo 'yon ginawa!" inis na tanong ko sa kanya while looking at him. Inis na inis ako eh.
"Tatanga-tanga ka eh!" namimikong usal niya.
"Anong sabi mo! Eh kayo 'tong may kasalanan sa akin tapos ako pa ang tanga! Ayos ka rin eh 'no?" kanina pa talaga ako naiinis.
"Tss! Umuwi ka na bata..." walang emosyong saad niya tsaka tumayo at kinuha ang bolang ilang dipa lamang ang layo sa amin. He stood conceitedly.
Nagngitngit ako ng sobra-sobra habang tinitingnan siyang lumalayo sa akin, pero bago pa man tuluyang lisanin ang kinaroroonan ko ay nilingon pa niya ako.
"Next time, 'wag kang lalambot-lambot, halatang-halata ka, crush mo 'ko 'no?" hirit pa niya tsaka ngumisi at humakbang paalis. Agad na kumulo ang dugo ko at muling ginulo ang buhok. Nakita ko ang suot kong sapatos, hinubad ko ito at inasinta ang papalayong toothpick.
I calculated our distance, maigi kong inasinta ang ulo niya at bumuwelo ako tsaka malakas na ihinagis ang sapatos ko, subalit hindi pa man siya natatamaan ay narinig ko na ang malakas na pagtawa niyong mga kasama niyang nanonood sa amin. My jaw dropped as I watched him catched my shoe effortlessly.
He stopped from where he was standing at tinitigan ako ng sobrang sama, I wanted to stare back kaso hindi ko kinakaya ang sama ng tingin niya. Mukha kasing pinaglalamayan na ako sa isipan pa lamang niya. Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan.
Humakbang siya ng marahas papunta sa akin while I tried to think a way upang takasan siya kaso nakakabilib na kaagad siyang nakarating sa kinatatayuan ko.
I pathetically smiled, "Hehe, ang bilis mo naman..." I joked.
"Iniinis mo ba talaga ako?" he said with full of annoyance. Talaga palang nagalit ko siya ng sobra.
"Eh kayo naman kasi 'yong nauna eh!" I pouted. Mas lalo akong nahiya dahil sa pagtitig niya sa facial expression ko at kapansin-pansin na pinipigilan niya lamang ang sarili niyang matawa.
"Ano bang gusto mo? Ipangalandakan naming nagkasala kami sa'yo? O baka naman isang katerbang promissory letter, ha?" ipagsigawan ba naman sa mukha ko at pasadya talagang ipaamoy sa akin ang hininga niya.
Nilingon niya ang mga kasama niya at mayroon siyang isinenyas sa kanila. Kinabahan ako dahil sumenyas din silang aalis na raw.
"Okay! Good luck, bro!" sigaw niyong isa.
"See you tomorrow, Champ!" the other guy waved at our direction.
"Alis na kami, pare! Kaya mo na 'yan, 'wag mo masyadong pahirapan ha?" birong sigaw naman niyong isa pa.
Mga neknek nilang lahat! Nakakainis 'tong mga bwisit na 'to nakuha pang bigyan ng motivational phrases 'tong toothpick na kasama nila.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan!" inis na sigaw ko sa kanya, kasi tiningnan niya ako na parang mayroong balak na masama, subalit bigla ring nagbago 'yong expression niya. He smiled, nakita ko ang kanyang mapuputing ngipin.
He sighed as he put down his guard, wala na iyong masama niyang awra. Laking gulat ko na lamang nang lumuhod siya sa harapan ko at isinuot pabalik ang sapatos ko na mariin ko namang tinanggihan.
"What the heck are you doing!" sita ko sa kanya at napatingin sa paligid, baka kasi mayroong nakakakita sa amin. Inilayo ko ang paa ko sa kanya kaso huli na ang lahat dahil nagtagumpay siyang maisuot 'yon. Inirapan ko siya.
Tumayo siya na parang walang nangyari, "Bago ka rito sa San Esteban 'no?" he asked as if 'yon na 'yong pinaka-nice niyang paraan, dahil hindi pa humuhupa ang inis ko ay hindi ko siya nagawang sagutin.
He sniggered, "Sorry sa impression ko ha, actually hindi naman talaga ako ganoong tao eh, I was just trying to tease you, at nagtagumpay naman ako..." anya.
"I don't talk to strangers..." naiinis pa ring usal ko at tinalikuran siya, I could still feel the impact on my head, sobrang sakit na halos maalog ang utak ko dahil sa lakas.
Muli siyang tumawa ng mahina, "Alam mo, dati rin akong ganyan especially noong bago pa lamang ako rito, but then, suddenly, I realized na wala na nga pala ako sa Manila, napansin ko kasing kakaiba ang pamumuhay ng tao rito, magkaibang-magkaiba kompara sa pamumuhay doon..." dagdag niya pa.
Hindi talaga siya hihinto sa kakasalita ang mas nakakainis pa ay sinusundan niya ako.
"Puwede ba? 'Wag mo nga akong sinusundan, nagmumukha kang alalay!" giit ko, sakto kasi malalampasan namin si mamang sorbetero.
He chuckled again, "Sino bang nagsabing sinusundan kita?" anya, nilingon ko siya at nakangiti niyang itinuro ang dirty ice cream. Nakapamulsa ko siyang tiningnan. Naalala ko nga palang wala akong dalang pera, gusto ko pa naman kumain.
Parang nai-imagine ko tuloy 'yong sarili kong dinidilaan -este kumakain ng masarap na ice cream.
Bumalik ako sa diwa ko nang mapansin kong bibili siya kaya naman ay dali-dali ko siyang tinalikuran at nagtungo sa isang play ground. Wala akong nakikita ni isa man lang na tao rito kaya dali-dali kong hinagilap ang swing at sinakyan ito.
Nakakapagtaka namang ang tagal ni mommy ngayon. Masyado na naman yatang eksaherada 'yong manghuhula, at nakakainis si mommy dahil nagpapaniwala siya roon. Tss!
Pagkaraan ng ilang mga sandali, naramdaman ko na lamang na narito na 'yong hambog na taong kinaiinisan ko ng sobra. Bakit ba kasi pumunta pa ako rito? Naupo siya sa katabi kong swing na bakante. Muli akong napatingin sa magaganda niyang mata tsaka roon sa ibinibigay niya sa aking ice cream.
"Aanhin ko 'yan?" maang-maangan na tanong ko sa kanya.
Binigyan niya ako ng walang emosyon na ekspresyon.
"Malamang! Inilibre kita, halata naman kasing nagmumukha kang mata-pobre at sa itsura mo kanina, alam kong nakalimutan mong dalhin 'yong credit card mo." Wika niya na parang nahulaan pa kuno, dinaig pa 'yong kinababaliwan ni mommy na manghuhula roon sa jejemon na tent na 'yon.
"No, thanks!" itinaboy ko ang kamay niya subalit hindi nakisabay ang pagtunog ng tiyan ko sa bwisit na taong ito. Napapahiya ko siyang tiningnan.
"Hehe! T-talent ko 'yon..." palusot ko na hindi man lang niya tinanggap bilang biro. Mas lalo niya lamang inilapit sa akin ang nakakatakam na ice cream.
"Hmm..." inilapit niya pa sa bibig ko, lumayo ako ng kaonti. Lalo niya lamang akong iniinis sa ginagawa niya. Kaya naman ang ending ay kinuha ko na kahit labag sa kalooban ko, nakakahiya namang tanggihan ko pa ang gracia.
"Tutal may kasalanan kayo sa akin..." kibit-balikat kong usal tapos tiningnan ko siya, sakto naman dahil dinidilaan niya 'yong sa kanya -what the heck am I thinking? Napailing ako sa aking inisip.
Walang anu-ano'y umupo siya sa tabi ko at dahil sa na-awkward-an ako ay umusog ako leaving a gap between us. Then, I heard him again chuckled.
"Alam mo ang moody mo..." saad niya sakto lamang upang marinig ko.
"Tss!" supladong tugon ko.
"At suplado rin, naku, kapag nagtuluy-tuloy kang ganyan? Wala kang mapapala kundi pambubully lang ang aabutin..." usal niya. Uso rin pala 'yon dito sa probinsya?
"Why of all the sudden kindness?" seryosong tanong ko while licking my ice cream. He smiled then looked up at the trees. He leaned on the bench at tsaka inilagay sa kanyang batok ang dalawang mga kamay.
"Alam mo, 'yang bulok na pag-uugali kasing ipinapakita mo sa akin ngayon ay walang lugar dito sa bago mong tahanan, sabagay, bago ka pa lang dito at tiyak ko namang makaka-adjust ka..." sagot niya sa akin ng makahulugan.
I gulped as I realized what attitude I have shown to him, a moment ago. I sighed.
"Ken! Nandito ka lamang pala, anak." Nag-aalalang saad ni mommy habang papalapit sa kinaroroonan namin at hindi nakaligtas sa paningin niya ang taong kinaiinisan ko.
"Oh! Hi! Ikaw ba ang bagong kaibigan ng anak ko?" inirapan ko si mommy ng i-entertain niya itong hambog na 'to. Kaagad namang napatayo si hambog at nagpunas ng kanyang kamay bago kamayan si mommy.
"He's not my friend..." I disgustedly said.
"Hello po, tita! Actually po , ang friendly ng anak ninyo, ang dali-dali niyang kaibiganin..." nakangiting usal niya sa aking ina tsaka ako tiningnan at sobra akong nainis, napalitan kaagad iyon ng yakapin ako ni mommy at halikan ako sa aking pisngi.
"Mom! You should not do that here, hindi na po ako bata eh!" sita ko kay mommy kaso nginitian niya lamang ako at muling kinamayan itong si hambog. Umirap ako na hindi nakikita ni mommy. Feeling close kay mommy eh.
"Nais ko pa sanang manatili rito ang anak ko subalit kailangan na naming umuwi eh..." wika ni mommy as if kasalanan pa niya, actually, kasalanan pala niya kasi kung hindi siya nagtungo roon sa manghuhula na 'yon ay hindi ko makikilala itong asungot na 'to.
"It's fine po..." he said nicely, nakita ko na naman 'yong mapuputi niyang ngipin. Gusto niya yatang maging indorser ng colgate.
"Thank you for accompanying my son here, what's your name?" naghalukipkip ako as I sensed na lumalalim ang usapan nila.
"Champ po, Champ Gutierrez." Pagpapakilala niya sa aking mommy, napupunta sa akin ang tingin nitong Champ na hambog pero hindi ko siya pinansin, dahil wala akong pakialam sa asungot niyang pangalan.
"Hello, Champ, heto nga pala ang anak ko, if ever naging suplado siya, his name is Ken Fontavilla, anak, go, makipag-shake hands ka kay Champ, be nice naman..." tiningnan niya ako tapos parang nagmamakaawa pa. Napakamot na lamang ako sa aking batok.
Kaya ang ending ay nakipag-shake hands ako sa hambog na 'to. Nang mahawakan ko ang kamay niya ay may kung ano akong naramdamang kuryente pero hindi gaanong malakas, sakto lamang upang maramdaman ko iyon at mapatingin sa kanya. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ba 'yon dahil nakatingin din siya sa akin at nangungusap ang kanyang mga mata.
Walang anu-ano'y ako na ang bumitaw dahil sa pagka-awkward. Napatingin ako kay mommy, she was smiling beside me. Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong hindi umirap.
"Let's go, mom! Akala ko ba nagmamadali kayo?" ako na 'yong humakbang palayo nang saganon ay maka-move forward na kami ni mommy mukhang nais pa kasing ma-interrogate 'yong hambog na 'yon. Naiinis lang ako dahil sa ginagawa ni mommy.
"Mauuna na kami, hijo, mukhang may mood swings 'yong anak ko eh hehe..." at nakuha pa talagang magpaalam ni mommy sa isang 'yon. Nakakainis talaga at isa pa, ang sarap dagukan ng hambog na 'yon dahil wagas kung makangiti. Mas lalo pa akong nagngitngit nang kindatan niya ako nang lingunin ko siya roon sa kinaroroonan niya, dahil sa inis ko ay patalikod kong iminuwestra sa kanya ang middle finger ko at palihim na ngumisi.
Makaraan ang ilang segundo ay tsaka nagsalita si mommy. I could not see any traces of anger on her face. Mild lang siya at nasa tamang temperature.
"Hindi ka dapat nagsusungit sa mga tao rito, anak. Alam mo bang mabubuti ang mga naninirahan dito?" panimula ni mommy, isinuksok niya ang kanyang braso sa akin.
"Hmm..." I nodded. Ah! Kaya naman pala tinamaan ako sa ulo kanina ng bola dahil mabubuti ang mga tao rito. I guess.
"Yong si Champ, nararamdaman kong mabuting bata 'yon dahil nagmula siya sa angkan ng kaibigan ko, ang pamilya Gutierrez." she expressed.
"Hmm..." tanging pagtango na lamang ang isinasagot ko dahil wala naman akong ganang makinig lalo na at 'yong asungot na 'yon ang tinutukoy ni mommy.
"Are you listening to me o baka wala ka na namang pakialam dahil nakagiitan mo 'yon kanina? Akala mo ba hindi ko narinig kanina ang pagsisigaw mo roon?" pinamewangan ako ni mama at naramdaman ko na lamang ang mahinang pambabatok niya sa akin.
"But they started it!" I pouted as I rolled my eyes, naghalukipkip na rin ako para total package 'yong pagkainis. Mom caressed my back, trying to relieve me.
"Kahit na, anak. Whether they started it or you started it, dapat marunong kang magpakumbaba..." sinserong paliwanag ni mommy pero hindi ko talaga ma-internalize ngayon dahil namumutawi pa rin sa kaloob-looban ko ang pamamahiyang ginawa niya sa akin kanina. Tss!
Napahinto ako sa paglalakad nang pumaroon si mommy sa harapan ko at hinaplos ang magkabilang pisngi ko.
"Hindi ka naman nakikinig kay mommy eh, I am telling this, for you to avoid untidiness. Alam ko kasing suki ka sa gulo anak lalo at hindi ka nagpapatalo, para kang babae..." kutya niya sa akin kaya kaagad kong tinitigan si mommy.
"Lah! Hindi po 'yon ganoon, mom!" protesta ko.
"Then, prove it to me na magbabago ka, anak, ayaw ko 'yong nasasangkot ka sa gulo gaya doon sa dati mong school, are we clear?" she concluded na nakatingin pa sa akin ng sobrang seryoso, huminga ako ng malalim.
"Promise, mom..." pikit-matang usal ko tsaka nag-peksman.
"Good." untag ni mommy tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
"Phew!" palihim kong itinago ang kaba dahil napaka-imposible naman kasi 'yong kasunduang ninanais ni mommy eh. Mukhang kailangan kong takasan ang mga gulong mangyayari at kung maaari ay iwasan ko na ang mga taong kaduda-duda ang pag-uugali, gaya niyong hambog na 'yon.
Sana nga lang ay hindi ko na siya kailanman makikita. Sana mawala na siya sa landas ko at sana umalis na lang siya rito sa San Esteban. Ayaw na ayaw ko 'yong mga taong hambog. Teka! Anong sabi niya sa pag-uugali ko? Bulok? Siya 'yong bulok! Kakainis siya! Mukha namang toothpick na may bangs! Ah, hindi pala! Toothpick pala siya na kamukha ni Ryang Bang! Kainis! Nanggigigil talaga ako!

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    ApiladoAngelou

    so nice I like story

    11/07

      0
  • avatar
    GabAndrea Clado

    haha

    09/07

      0
  • avatar
    Shan Michael Pangan

    hyyjo

    08/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes