Página Inicial/STALLION RIDING CLUB batch 4 part 3/
Chpater 7
“BAKIT NGA pala ako ang naisipan mong ikuntsaba para magpanggap na lover mo? Marami namang lalaking mas willing magtrabaho at mas nangangailangan kaysa sa akin. Mas macho at mas guwapo. Ako, sabi mo nga, mukhang menor de edad.” “You’re more than enough for me. Besides, mas mukha kang nangangailangan kaysa sa ibang lalaking sinasabi mo. Tingnan mo, ang payat-payat mo. Mukha ka pang laging binu-bully ng mga kasamahan mo para gawin ang mg a trabaho nila. Katulad kanina. Paalis na sila samantalang ikaw na mukhang sakitin e nagtatrabaho pa rin.” Lihim na lang na natawa si Naville. Kasalukuyan nila noong binabaybay ang highway na papasok ng lupaing sakop na ng Stallion Riding Club mula sa helipad na pinanggalingan nila. Helicopter kasi ang naghatid sa kanila sa lugar na iyon. Ayaw pa nga niyang maniwalang talagang sasakay sila roon kung hindi pa siya aktwal nakatapak sa chopper at nakarating sa Stallion Riding Club. Pagdating nila sa helipad ay may naghihintay naman sa kanilang sasakyan doon. And Ian Jack drove them towards the club proper. Sa dami ng nasaksihan niyang nagpapatunay ng karangyaan ng pamosong riding club, hindi na siya nagtataka ngayon kung bakit napakaraming tao ang gustong makapasok sa eksklusibong lugar. Bahagya niyang binalingan ang lalaking nasa harap ng manibela. He had a satisfied smile and a relaxed expression on his face as he watched the direction they were heading. Parang ikinatutuwa nito nang husto na naroon na sila sa naturang lugar. And with that expression, parang mas lalo pang naging kaakit-akit pagmasdan ang guwapo nitong mukha. Sa isang iglap, tila ba nawala ang bakas ng pagiging dakilang playboy nito. Sa nakikita niya ngayon, parang nakakita ito ng isang ligtas na lugar kung saan puwede itong maglaro ng walang ibang inaalala. He had the most beautiful expression on his face that she had ever seen on her life. Ayaw man niya rito dahil isa itong babaero, hindi naman niya maitatangging isa ito sa pinakaguwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Kaya nga ilang beses na niyang nararanasan na tila ba nahihirapan siyang alisin ang kanyang mga mata sa mukha nito. Napabuntunghininga na lang siya saka ibinaling sa tanawin sa labas ng kanilang sasakyan ang kanyang atensyon. Madilim na ngunit dahil new moon ay maaaninag pa rin ang kabuuan ng malawak na lupain na iyon. It was really beautiful place. Mysterious. Enchanting. “Hindi ako sakitin,” mayamaya’y sagot niya sa sinabi nito kanina. Wala kasi siyang ibang masabi kaya dinugtungan na lang niya ang usapan nila. “Ganito lang talaga ang katawan ko. Maliit. Menopause baby kasi ako.” “Talaga? Ngayon lang ako nakakilala ng isang menopause baby.” “O, ngayong nakakita ka na, anong feeling?” “Weird.” Nakasimangot niya itong binalingan. Bahagya naman itong lumingon sa kanya. At hindi nakatakas sa matalas niyang pakiramdam ang tila munting kiliti na iyon sa kanyang puso nang makitang muli ang mukha nito. 'Ah, shut up, Naville.' “Ganyan pala ang menopause baby,” wika nito. “Cute. Suwerte mo, boy.” “Oo, talaga. Cute ako at suwerte. Kaya huwag mong mamaliitin ang kapiranggot kong katawang ito.” Tinapik pa niya ang kanyang braso. “Kahit ganyan iyan, alaga iyan sa Promil.” Natawa lang ito. She didn’t know why but she found his laugh…nice. Ah. Napapansin niyang napapadalas na yata ang paggamit niya ng mabubuting salita para sa lalaking ito. Hindi niya iyon nagugustuhan. “Hanggang anong oras nga pala ako rito? Makakabalik ba ako agad ng Maynila?” Bigla siyang natawa pagkatapos. “Bakit?” “Wala.” Napakunot-noo lang ito pero hindi na nagsalita pa tungkol doon. Hah! Maghintay ito sa pagputi ng uwak dahil walang Miss Naville Bacarro ang darating. Dahil nandito na siya. Bilang Mr. Naville Bacarro. Mabuti pala at binigyan siya ng unisex na pangalan ng mga magulang niya. Puwede siyang magpanggap nang hindi na kailangan pang itago ang kanyang pangalan. “Hihintayin lang nating dumating ang ka-date ko. Pagkatapos nating mag-perform sa harap niya, puwede na kitang ipahatid sa chopper pabalik ng Maynila. O kaya naman…” Saglit itong nag-isip. “You can just spend the night in my house.” “A-ano kamo?” “Well, iyon ang pinakamainam mong gawin. Masyado ng gabi para umuwi ka pa sa inyo. Here.” Ibinigay nito sa kanya ang cellphone nito. “Tawagan mo na lang ang parents mo at sabihin mong bukas ka na uuwi. Kapag nagtanong sila kung nasaan ka at sinong kasama mo, ibigay mo sa akin ang phone at ako na ang makikipag-usap sa kanila.” 'Yeah, like that would ever happen.' “Ah, hindi na. Uuwi na lang ako. Kaya ko naman ang sarili ko. May background ako sa martial arts so don’t worry about me. Makakauwi ako ng ligtas sa amin.” Nagkibit lang ito ng balikat. “Ikaw ang bahala.”
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 18 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (90)
duazohhanah danica
wala ung kay baxter,ricos, at lee shin yang, jigger and trigger,..saan pa ba pede mabasa online un??? sana maupload din dto hahaha thanks sofia and sonia francesca!
08/03
0
SiringanRio
parurusahan kita ...sa ngalan Ng buwan shing shing
wala ung kay baxter,ricos, at lee shin yang, jigger and trigger,..saan pa ba pede mabasa online un??? sana maupload din dto hahaha thanks sofia and sonia francesca!
08/03
0parurusahan kita ...sa ngalan Ng buwan shing shing
16/08
0Pa request po ng story ng samaniego twins plsssss
30/07
0Ver Todos