Tatlong araw siyang nanatili sa ospital matapos siyang ma-admit. Ngayon, kailangan niyang bumawi. Kailangan niyang habulin ang mga araw na na-miss niya sa training. Lumagok siya ng maraming tubig bago nagsimulang mag-inat. “Mia,” bati ni Joven habang siya’y lumalapit, kasabay ng pag-unat ng kanyang mga kasu-kasuan. Hindi agad siya sumagot, naghintay muna kung may kasunod pa itong sasabihin. “Okay ka na ba?” tanong nito, may pag-aalala sa boses. “Okay na,” sagot niya habang inaayos ang sintas ng sapatos. Kailangan mahigpit—ayaw niyang matanggal sa mismong takbuhan. “Mabuti naman kung gano’n. Nag-alala talaga ako sa’yo,” dagdag ni Joven. “Salamat sa pag-aalala. Pero ayos na talaga ako,” tipid niyang tugon. Bago pa makapagsalita ulit si Joven, dumating na ang kanilang coach na si Chuck. Agad silang naglapit at nakinig. “Okay, team…” panimula ng coach. Tahimik silang nakatuon sa kanya. “Track and field. Alam n’yo na ang ibig kong sabihin. Since mas malakas si Sheila ng kaunti kay Bea, ilalagay kita sa pinakadulo, Sheila. Bea, ikaw naman ang magpapasa ng baton kay Elver—mas mabilis siya kaysa sa’yo, at alam kong makakapasa niya ito kay Mia sa loob ng 25 seconds. From Elver to Mia, then Mia to Joven.” Tumango ang lahat, nakikinig nang mabuti. “Solo running naman—100-meter dash. Mia, good luck.” Tumango si Mia bilang pagsang-ayon. Alam niya ang responsibilidad niya. Hindi niya bibiguin ang coach at ang kanyang team. “Yes, Coach.” “Okay, team! Make a wolf!” sigaw ni Coach Chuck. Sabay-sabay silang sumigaw: “AWOOOOO!” Para sa pangarap, lahat gagawin niya. Pagod na siyang maging silver medalist. Simula elementary hanggang high school, laging pilak ang kanyang inuuwi. Ngayon, ang gusto niya ay ginto—para sa National, at para makapasok sa SEA Games. Bawal ang umatras. Ayaw niyang umuwi ng talunan. Determinado siyang manalo—at kasama niya ang buong team. Humahaplos ang malamig na hangin sa malawak na field.ilang segundo pa magsisimula na sila sa pagtakbo,hindi pa ito ang finale ngunit feel niya ang tunay na laban. Sa gilid ng track, nakatayo si Coach Chuck, hawak-hawak ang lumang stopwatch na parang extension na ng kanyang kamay. Sa bawat pag-click nito, may kasamang bigat ng expectation. “Alright, team,” sigaw ng coach, malalim at buo ang boses. “Today, wala munang laro-laro. Speed and form ang focus. 100-meter dash. Give it everything.” Si Mia, kahit bagong galing ospital, nakapila na kasama ang iba. Ramdam niya ang tibok ng puso niya, parang sasabog. Hindi lang dahil sa kaba—kundi dahil gigil siyang patunayan na kaya pa rin niya. “On the line!” utos ni Coach. Nakapuwesto silang lahat sa starting line. Si Mia ay yumuko, nakalapat ang mga daliri sa puting guhit ng track. Sa gilid, rinig ang huni ng kuliglig at ang kaluskos ng damo. “Set…” bumaba ang boses ng coach. CLICK! Tumunog ang stopwatch kasabay ng matinis na sipol. WHOOSH! Sabay-sabay silang dumaluhong pasulong. Ang mga spikes ng sapatos ay bumaon sa lupa, kumalat ang maliliit na alikabok. Mabilis ang simoy ng hangin, pumapalo sa mukha ni Mia, pero mas mabilis ang determinasyon niyang tumakbo.kailangan kong manalo hindi ako pwedeng matalo kahit practice palang ito ngunit para kay mia ang isip niya ay nasa totoong laban “Drive your knees higher, Mia!” sigaw ni Coach Chuck mula sa gilid. Hawak pa rin ang stopwatch, pinagmamasdan bawat hakbang. Si Shiela ay mabilis sa kanan niya, ang hininga nito ay malalim at kontrolado. Si Bea naman nakangisi pa habang tumatakbo, parang kalaban na ayaw din magpatalo. Pero si Mia nakatuon ang tingin sa dulo ng linya, parang wala nang ibang tao sa paligid.wala siyamg ibang iniisip kundi ang seryusohin ang training na ito. “Twenty meters! Push harder!” Coach roared. Ramdam niya ang kirot sa tagiliran, pero hindi siya bumitaw. Mas bumilis pa ang paa niya, mas malakas ang mga braso, bawat hakbang ay parang nasa totoong laban Pagdating sa huling sampung metro, halos sumisigaw na ang baga niya sa pagod. Pero narinig niya ang boses ni Coach Chuck, malakas at mariin ito. “Finish strong!" Ang sigaw ni Coach Chuck At sa isang malupit na buhos, tumawid si Mia sa linya. BEEP! tumigil ang stopwatch. Naglakad si Coach Chuck papalapit, pinapawisan pero seryoso ito. Tinitigan si Mia, tapos tumingin sa oras sa kanyang kamay. “Fifteen point two seconds,” malamig niyang sabi. Tumahimik ang paligid, lahat nakatingin. Napayuko si Mia, hinihingal. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o madidismaya. Pero bigla siyang tinapik ni Coach Chuck sa balikat. “Not bad… para sa isang galing ospital. Pero Mia—” tumitig ito nang diretso sa kanya, “—gusto kong makita ang sampung segundo mula sa’yo. Kaya mo ’yan.” Napatingin siya at saka nagulat. Sampung segundo? Halos imposibleng bilis para sa kanya. Pero sa tono ng coach, hindi ito isang biro. Isa itong hamon.kaya niya kaya?yun bang parang flash na ang galawan?pero sige gagawin niya para sa pangarap niya at gustong manalo pagdating sa totoong laban. “Coach…” hingal na sagot ni Mia, nangingiti kahit pagod, “…bigay niyo lang lahat ng training. Hindi ako uurong.” Sa gilid, nakatingin si Shiela at Bea Parehong seryoso, parehong ramdam na may bagong apoy na pinapanday si Coach Chuck. “Good,” maikling sagot ng coach, pinindot muli ang stopwatch. “Again. This time, no excuses.” At muling pumuwesto si Mia sa linya—handa nang patunayan, hindi lang sa coach, kundi sa sarili niya, na kaya niyang lampasan ang dati niyang limitasyon.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
great
08/12
0hi bro
04/12
0go higher mia
01/11
1Ver Todos