logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

A Life With You (Book 3)

A Life With You (Book 3)

carmelayvttee


1

- Makiling's POV -
"Nakausap mo na ang Head?"
Tumango ako sa tanong ni Roelyn.
"Ano'ng sabi? Pinayagan ka?"
Nagpaalam kasi ako sa hospital na magre-resign na ako. Gusto kasi ni Tita Agnes na sa malapit na hospital na lang ako magtrabaho dahil wala nga siyang kasama.
Nagkaka-isang taon na ako dito kaya ayu'n, nagpaalam nga ako.
Umiling ako.
"Hindi pa ako pinapayagan mag-resign. Kulang pa daw sa nurse." sagot ko
At 'yun nga ang naging usap.
Napalingon kami sa may door nang may kumatok du'n. May isa pang nurse ang sumilip.
"Makiling may bagong patient sa room 10, tawag ka ni Doc."
Whaaaaaat?! Out na ako!
Sinenyasan ako ng head nurse namin na pumunta na agad.
T________T   out na ako e!
Kinuha ko ang ballpen ko tapos pumunta na agad ako sa room 10.
"Good eve----"
Napahinto ako sa pagsasalita nang wala naman akong makitang doctor sa room 10.
Wala rin pasyente. Pero may isang nakatalukbong ng kumot.
Niloloko lang ba ako?!
Lumapit ako sa isang taong nakatalukbong ng kumot tapos kinulbit ko siya.
"Good evening, new patient po?" sambit ko
Hindi siya sumagot. Lalo tuloy akong nagtaka.
Medyo hinila ko ang kumot.
"Hello po----"
Muli na naman akong natigilan nang makita ko ang mukha ng pasyente.
(-_-)
.
.
.
.
.
"Zero!" sambit ko sa kanya
Seriously!
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko pa
Tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa kanya tapos ayu'n, nakita ko ang braso niya na naka-benda.
"What the? Napaano ka?"
Nagshrug siya sa'kin.
"May nakaaway ako."
"Geez, kasalanan mo."
Tinalikuran ko na siya.
Kung hindi siya totoong pasyente, e'di mag-out na ako.
"Makiling."
Hindi ko pinansin ang pagtawag niya.
Sa totoo lang magkaway kami.
Nag-away kami kagabi dahil sinuntok niya 'yung kasama kong nurse kagabi. Alam kong nakainom na naman siya kagabi pero hindi siya nalalasing kaya ang labo nu'ng dahilan niya sa'kin na lasing siya. Ayu'n, away kami.
Nakakahiya kaya sa katrabaho ko. Tss.
"Makiling."
Tinatawag niya ako kaya alam kong sinusundan niya ako.
"Out ka na ba? Hintayin kita sa labas." sambit niya pa
Nilingon ko siya.
"No, hindi pa tapos ang duty ko." pagsisinungaling ko
"E'di hihintayin pa rin kita sa labas."
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Umuwi ka na." utos ko sa kanya
Nag-thumbs up siya sa'kin. Ibig sabihin uuwi na nga siya.
Tumango naman ako.
Kaso bigla niyang binaligtad 'yung thumbs up niya. Ginawa niyang thumbs down.
(-__________-)
"Hintayin kita sa labas." sambit niya pa tapos tinalikuran na niya ako at umalis na siya
Tss! Kung hindi niya lang pinagduduldulan sa pagmumukha ko na hindi niya ako gusto baka iniisip ko na talaga na may gusto siya sa'kin!
Napailing na lang ako habang pabalik sa Nurse Station. Magre-report lang ako then aalis na ako.
After kong mag-report pumunta na ako sa locker, nagpalit ako ng suot ko at inayos na ang buhok ko.
Kinuha ko lang din ang bag ko tsaka ako umalis.
Naglalakad na ako sa pathway sa labas ng hospital nang matanaw ko si Zero. Kita ko 'yung benda niya sa kanang braso niya.
Nababalian din pala ng buto ang loko!
"Yo, Maki." bati niya sa'kin
Hindi ko siya pinansin, diretso lang ako sa paglalakad ko.
"Kain tayo, gutom na ako."
"Uuwi na ako, inaantok na ako." tugon ko kahit gutom na rin ako
Balak kong magnoodles na lang sa apartment. Nagke-crave ako ng noodles.
"Kain muna tayo." pangungulit niya
"Kumain ka mag-isa mo."
"Malungkot kaya kumain mag-isa."
Pumara ako ng trike para makauwi na. Kaso may unggoy na nanghila sa'kin palayo.
"Sabing malungkot kumain mag-isa kaya samahan mo muna ako!" inis niyang sambit tapos pinagduldulan niya pa sa'kin ang braso niya
Kita niyo at siya pa ang may ganang mainis!
"Gusto ko na nga kasing umuwi Zero!" ganting inis ko rin
Ano 'to, lagi na lang siyang manghihila kapag kailangan niya ng kasama?! Isang taon na niya akong hinihila ah!
"Saglit lang promise. Maawa ka kaya sa'kin, may bali na nga ako sa braso o!" pagpipilit niya pa rin
Napabuntong-hininga ako.
Gabi-gabi na lang niya akong kinukulit sa pagkain na 'yan.
Malungkot naman talagang kumain mag-isa pero hindi man lang siya magbigay ng konsiderasyon sa nararamdaman ko para sa kanya.
At ano naman kung bali ang braso niya! Dagdagan ko pa 'yun e!
Bagay ganitong gabi-gabi kaming nagkikita at magkasama, paano ako magmo-move on?! Pambihira talaga!
"Ano'ng gusto mong kainin?" tanong niya
"Chinese noodles." sagot ko
Hindi na niya ako hinihila dahil kusa na akong sumusunod sa kanya. Magkasabay kaming maglakad.
"Sosyal mo naman."
Hindi na ako nagkomento pa.
Isang taon na siyang mag-isa sa bahay nila dahil wala naman si Ysabelle at El. Naghiwalay ng landas 'yung mag-asawa at naiwan nga mag-isa si Zero.
Isang tao na.
Kaya nauunawaan ko naman na malungkot siya.
Napataas ang isang kilay ko nang mapansin ko 'yung pinasukan naming Chinese Fastfood.
"Akala ko ay sa tabi-tabi mo lang ako dadalhin." sambit ko
Sa gan'un kasi kami madalas kumain. Sa tabi-tabi lang na may pwestong maliit gan'un.
Naupo na ako. Hinayaan kong si Zero ang um-order dahil siya naman ang mapilit na kumain kami.
At dahil may pilay nga siya sa kamay, may nag-assist na lang sa kanya.
Agad akong natakam sa noodles na inihain sa'min.
Chinese Noodles na maraming sahog.
Huhuhu, mukhang masarap.
"Thank you the foods." sambit ko tapos dinampot ko ang chopsticks at kumain na ako
Kyaaaaah! Masarap ngaaa!
"Bago lang ba 'to? Ngayon lang ako nakakain dito." sambit ko kay Zero
"Hindi ko alam, napansin ko lang 'to kagabi." sagot naman niya
Tumango lang ako at nag-focus sa pagkain ko.
Malaking bowl ng noodles 'to kaya tuwang-tuwa ako.
"Mahilig ka pala sa noodles."
(-___-)
Ngayon mo lang napansin na unggoy ka!!!
"Ano pa ang gusto mong pagkain?"
"Noodles lang." nakangiti kong sagot
Tumango lang siya.
Napasin ko na hindi niya pa nababawasan ang noodles niya.
"Kumain ka na." utos ko sa kanya
"Sabi ko nga." sagot niya
Muntik na akong matawa nang hindi siya makakain kahit isang pirasong hibla ng pansit dahil hindi siya marunong gumamit ng chopsticks.
Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko dahil natatawa talaga ako. He's trying so hard!
"Huwag mo nga akong pagtawanan d'yan! Hindi ako sanay sa kaliwa." pagdadahilan niya
"Weh? Ang sabihin mo hindi ka talaga marunong magchopstick hahaha!"
Gamit ang chopsticks ko, kumuha ako sa noodles niya at inilapit sa kanya 'yun.
"Here, eat." sambit ko
"Ha?"
Dineretso ko na sa bibig niya 'yung pansit. Arteng-arte!
Tapos kumain na rin ako.
"Gan'yan ka ba talaga?"
Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Ano'ng gan'yan?" tanong ko pa
"Nagpapakain ka talaga ng ibang tao?"
(-____-)
"Hindi, tanga ka ba."
"Ah."
What's that? Tss.
Sinubukan niya ulit gamitin ang chopsticks para makakain pero hindi niya pa rin magawa. Syempre kailangan ng practice.
"Kukuha na lang ako ng fork." sambit ko
"Huwag na." kontra niya
Tiningnan ko siya.
"Bakit? Nahihirapan ka nga d'yan."
"Subuan mo na lang ako." sambit niya sa'kin sabay ngisi
"Tanga ka! Ano ako, yaya mo!" reklamo ko sa kanya
"Bilis na! Subuan mo na lang ako."
Sinapak ko siya.
"Baliw ka ba! Gag* ka ah!"
Ikinuha ko siya ng fork para makakain siya ng maayos.
Kaso ayu'n, hindi niya rin ginamit.
"Hoy Zero! Kumain ka na nga. Huwag ka ng maarte."
'Yung chopsticks pa rin ang ginamit niya kaya napailing ako.
Bahala ka nga sa buhay mo.
"Nag-resign ka na?" bigla ay tanong niya
Nabanggit ko rin 'yun sa kanya noon.
"Oo."
"Kailan ka aalis?"
"Sad to say, hindi ako pinayagan. Sorry ka, mamalasin ka pa rin."
Tumango siya.
"Okay."
Eh? Ano ba ang problema niya!
"Ikaw, ba't di ka pa umuwi sa inyo. Wala ka ng kasama dito ah." sambit ko
"Marami akong kasama, hindi mo nakikita."
Ack! Creepy kausap, boset!
Takot pa man din ako sa mga multo.
"Maki." tawag niya sa'kin
"Hmm?"
"Hindi ako makakain."
(-____-)
Parang tanga e!
"Gumamit ka na kasi ng fork!" reklamo ko sa kanya
"Subuan mo na kasi ako. Mas masarap sa chopsticks."
Napa-rolled eyes ako. Pero ayu'n, sinubuan ko na nga siya.
"Gusto kita."
Bigla ay sumala ang pagsubo ko sa kanya dahil sa narinig ko. Napunta sa ilong niya 'yung ibang noodles.
(=______=)   < hitsura ni Zero dahil sa pagkakatama nu'ng noodles at chopsticks sa ilong niya
"Ano'ng sinabi mo?!" gulat kong sambit
"Ayusin mo naman ang pagsusubo mo! Babuyan eh!" reklamo niya tapos pinunasan niya ang mukha niya
Napahawak ako sa dibdib ko.
Taeng 'yan! Sobrang kinabahan ako du'n ah! Nabingi lang ba ako?!
Umayos ako ng upo ko at uminom ako ng tubig. Ang bilis pa rin ng heartbeat ko.
Paano kung 'yung noodles ang sinasabi niya na gusto niya?
Boseeeeeet!!! Ano ba talaga?!
Sa sobrang kaba ko ay tumayo na ako.
"U-Uuwi na ako." sambit ko
Kinuha ko ang bag ko para umalis na kaso hinawakan ni Zero ang braso ko.
"Hintayin mo na ako, tatapusin ko na 'to ng mabilis." sambit niya
Nandilat ang mga mata ko nang tanggalin niya ang benda sa braso niya tapos ginamit niya ang kanang kamay niya para kumain.
(-______________-)
Nagkakalokohan na ba talaga kami dito?!!!!
"Akala ko ba may pilay ka!" sambit ko sa kanya
"Ha? Sino may sabi? Trip ko lang 'to para samahan mo ako kumain."
Pambihirang talaga!!!!
Nilayasan ko na siya. Naiinis na ako sa kanya, ang dami niyang trip sa buhay!
"Hoooy Maki!"
At ayu'n humabol siya sa'kin.
Naghintay ako ng tricycle na mapapadaan para makauwi na ako.
"Ano'ng sagot mo?"
Tiningnan ko siya.
"Sagot saan? Huwag mo nga akong kausapin naiinis ako sa'yo." sambit ko
"Lagi kang inis sa'kin."
"Nakakainis naman talaga 'yang pagmumukha mo at attitude mo!"
"Tingin mo di ka nakakainis?!"
Sinamaan ko siya ng tingin tapos inirapan ko siya dahil ayoko na lang patulan ang mga sinasabi niya.
Pinara ko na 'yung tricycle na papalapit.
"Ge, pasakayin mo siya at hahatiin kita sa apat." sambit ni Zero du'n sa tricycle na bigla rin umalis dahil tila natakot
Sinipa ko si Zero.
"Ano ba ang problema mo ha! Gusto ng umuwi!" singhal ko sa kanya
"Wala ka pang sagot tapos uuwi ka na! Lokohan ba 'to?!"
Nagtataka na talaga ako sa sinasabi niya.
"Ano'ng bang sagot ang pinagsasasabi mo ha?! Natatanga ka na naman ba!"
"Gusto nga kita!"
(°.°)
Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung humihinga pa ako.
"Ano na?!" inis niya pang tanong
Napaatras ako palayo sa kanya. Tapos lumingon ako sa paligid ko.
"S-Sino? Sinong gusto mo?" tanong ko pa
May katabi ba ako? May iba siyang kausap? May nakikita ba siya na hindi ko nakikita.
"Aish! Paulit-ulit na lang!" sambit niya tapos bigla niya akong hinila, "Ikaw nga! Gusto nga kita!"
Nandilat ang mga mata ko ng halikan niya ako.
(O///////////////////O)
WHAT THE HEEEEEEEECK!!!!!!

Comentário do Livro (50)

  • avatar
    Anthony Frencillo

    Ako Po c Anthony frencillo

    17d

      0
  • avatar
    Allison Mharie Tan Cruz

    good 👍

    20/08

      0
  • avatar
    Louie Ramirez

    nice

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes