logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5.5 : Stalker (2)

Terumi's PoV:
Hindi ako mapalagay ngayong tanghali. Parang may sumusunod talaga sa'kin.
Bukod sa pagtambay ko muna ngayon sa classroom, napansin kong sumusulyap-sulyap sa'kin si Kira, kaya napilitan akong lapitan siya.
"Ano na namang problema mo?" Yamot kong tanong sa kaniya.
"Alam kong ramdam mo rin 'yung tensyon habang may nakamasid sa'yo."
Teka, kung gano'n alam niyang may sumusunod sa akin?
"Paano mo–"
Hinawakan niya ang kamay ko sabay inilapit niya ang mukha ko sa kaniya, ilang sentimetro lang ang layo namin sa isa't isa.
Anong balak nitong si Hiroto? Para siyang mangangain nang wala sa oras.
"Don't lie." Ngisi niya. Naaasiwa ako hays. Pinaupo niya ako sa katabi ng upuan niya. "I think may kung ano mang bumabagabag sa'yo. Tell me, baka makatulong ako."
Eh?
"Akala ko ba wala kang pake?"
"If stalking is the case, maybe I can help."
Sandali, paano niya nalamang may stalker ako?
Napatingin ako sa paligid. Sinigurado ko munang walang makakarinig sa pinag-uusapan namin saka tumingin sa kaniya at nagsalita.
"Paano mo nalaman?"
"I can deduce it, base from your facial expression. Masyado kang balisa no'ng mga nakaraang araw, kaya hindi maiiwasang may problema ka hindi dahil sa acads. Palagi ka kayang tumitingin sa kung saan na parang may hinahanap na taong nakamasid sa'yo."
Woah. Amazing. Napakagaling naman ng observation skills nito.
"So what? Kahit na ba marunong ka mag-deduce deduce diyan, may magagawa ka ba?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya.
"May napansin ka bang kakaiba sa stalker mo?" Tanong niya sa'kin pabalik.
Hindi ko siya sinagot.
"Hoy Afuro, sumagot ka nga."
"A-Ah, meron. Kanina lang napansin kong may gasgas sa susihan ng locker ko during PE, eh kahapon pati mga nakaraang araw wala naman 'yon kasi maingat ako sa pagbubukas ng locker. Wala naman tayong ibang kaklase na bumalik bukod sa'kin at kay Ootani na kararating lang din sa locker room namin. Ang sabi niya wala naman din siyang napansing tao na sinubukan 'yon buksan. May mga inilagay din ang secret admirer kuno na mga pictures ko sa locker. Mostly parang sinusundan niya ako kahit saan."
"Good observation." Sambit niya.
"So ano? May magagawa ka?"
He just give me a sigh. "Fortunately I may be know who he is, but, may I see first the letter?"
Teka, paano niya nalamang may card na binigay sa'kin 'yung stalker ko? "Paanong–"
"Stop saying 'paano', just give it already or else he'll pull you up any time."
Kinuha ko ang card mula sa bag at iniabot sa kaniya. He read it and then after some moment he raised his thumb. "Consider this as problem solved. I know now who's behind of this."
"So who?" I asked dumbfounded.
"I'll tell you later."
What the–?!? Bakit mamaya pa?
"May I borrow your locker key? Kailangan ko lang alamin kung may duplicate 'yan sa mga locksmiths malapit dito sa school."
Iniabot ko sa kaniya ang susi ng locker ko kahit na labag sa'kin. Obviously wala naman talaga akong tiwala sa kaniya pero sa ngayon
kailangan eh.
"Pumunta ka sa sunken garden mamayang 6 PM. Sasabihin ko sa'yo doon kung sino."
"Teka sandali, saan ka pupunta?"
Bigla siyang tumayo at dinala ang gamit niya. "Wala ka na do'n." Sabay umalis siya sa classroom bago pa tumunog ang bell for our next subject. Hays, cutting class pa.
***
Pumunta ako ayon sa napag-usapan namin ngayong uwian.
Makikita ang sunken garden sa likod ng school, isang tagong lugar at iilang tao lang ang nakakaalam nito.
Hindi ako masyadong ligawin sa mga direksyon at mabuti na lang, mahilig akong magtanong-tanong kung saan ang destinasyon ko kaya narating ko ang lugar.
Wala namang ibang tao, parang ako lang yata ang nandito. Umupo ako sa may isang bench malapit sa fountain para antayin si Kira.
"Pasensiya na may dinaanan pa ako." Hindi mula kay Kira ang boses na 'yon, kaya napatayo ako at lumingon sa lalaki. Hindi siya katangkaran, kayumanggi ang balat at kulay kayumanggi din ang kulot niyang buhok. "Ako nga pala si Michele Jacks, taga 11-C."
Teka, sino ba siya para magpakilala sa'kin?
"Uhm, may kailangan ka po ba?" Tanong ko sa kaniya. Bigla siyang natawa sa sinabi ko.
Hindi ko alam ang nangyayari pero kinakabahan ako sa mga oras na ito.
"Sabi mo sa sulat gusto mo akong makilala, kaya pumunta ako dito ayon sa napag-usapan natin." Inilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang isang maliit na papel na may sulat pero hindi ko naman gaanong mabasa.
Isa pa, ngayon ko nga lang nakita ang lalaking 'to tsaka hindi ko pa siya kilala uy!
"B-Baka nagkakamali ka lang." Sambit ko. "W-Wala akong binibigay na sulat kahit kanino at hindi naman ako nagsusulat."
"Seryoso ka?" Takang tanong niya. "Pero iniwan mo 'tong sulat sa loob ng locker mo. Sabi mo pa nga magkita tayo ng 6 PM dito sa sunken garden para makilala mo ako at magpasalamat sa mga binigay ko sa'yo."
Ngayon ko lang na-gets. Biglang nanginig ang buong sistema ko at hindi ko maigalaw ang binti ko sa sobrang kaba.
"Bakit ka namumutla? Hindi ka ba natutuwa dahil nandito na ako?" Saad niya sabay ngumiti.
Hindi normal ang ngiting nakikita ko mula sa kaniya.
Isang lalaking nagmamay-ari ng ngiti ng demonyo ang nasa harapan ko ngayon.

Comentário do Livro (24)

  • avatar
    BelloNith Nith

    Naolll

    16/08

      0
  • avatar
    Marzel Vergara

    its so good

    13/06

      0
  • avatar
    Zyreill Espenido Bulandrina

    it's just that the world and I don't have a lot of people

    06/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes