logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 3 Arrival

Isang magandang tanawin ang sumalubong sa amin nang makapasok kami sa pintong iyon. Ramdam ko sa aking mga balat ang katamtamang init ng sinag ng araw at ang malamig na simoy ng hangin. Nasa gitna kami ng sementadong daan na pinapaligiran ng mga punong buong buhay ko ay ngayon ko pa lang nakita. Para silang mga puno ng mahogany ngunit kakaiba ang mga dahon nito. Kumikinang ito sa sinag ng araw na animo'y kristal.
"Those are Mireour trees. They never stop sparkling until they ran out of leaves. And their kind does not bear any fruit," Marreanne explained in an informative manner.
Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita. Mayroon ring mga ibon at kung ano-ano pang mga hayop na ngayon ko lang rin nakita. Isang ibon ang dumapo sa balikat ko. Ang pakpak nito ay may kulay pulang balahibo samantalang ang buong katawan naman ay itim ang balahibo. Tinuka nito ang braso ko. Ilang segundo pa ang itinagal niya roon bago siya lumipad paalis.
Sa bandang dulo ng daan ay may nakita kaming kabahayan. Maraming tao ang naglalakad sa bawat kalye. Marami ka ring makikitang nagtitinda ng sariwang prutas at kung ano-ano pang gulayin. Nagtatakbuhan ang mga bata sa paligid habang ang iba ay tumutulong sa pagbantay sa paninda ng kanilang mga magulang. Maingay ang buong bayan, masigla ang mga taong makikita mo kahit saan ka tumingin. Ang mga bahay ay gawa sa semento at bakal. Kakaiba ang pagkagawa nito. Solid na solid.
Hindi ko pa rin binitawan ang kamay ni Quilya. Baka mamaya ay maiwan pa ako dahil abalang-abala ako sa kaka-obserba sa lugar. "Quilya, anong lugar 'to?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam. Magtanong tayo sa mga tao sa paligid, mukhang hindi rin nila alam kung nasaan tayo, eh," kalmado niyang sagot. Hinila niya ako papunta sa isang tindero sa tabi ng daan. Magtatanong na sana ako pero pinigilan ako ni Quilya.
"What? Akala ko ba magtatanong tayo?" I scowled at her. Lumayo muna kami ng konti sa tindero.
"Think, Aeriah. Maiintindihan kaya nila ang wika natin? Hindi nga natin alam kung anong linggwahe nila," giit nito.
Oo nga, no? Ba't hindi ko kaagad naisip yun. Buti nalang mabilis itong si Quilya. Kung hindi, baka magmukha pa kaming mga ewan doon.
"We should have Marreanne ask them for us," I suggested. Sumang-ayon naman ito. Bumalik kami sa kinaroroonan nila at sa pagkakataong ito, si Marreanne na naman ang hinihila ni Quilya papunta doon sa parehong tindero na nilapitan namin kanina.
"What are you guys doing?" tanong nito na parang nawi-wirduhan.
"Gusto naming magtanong kung anong lugar ito at nasaan tayo, pero hindi namin alam kung anong linggwahe nila. Baka hindi nila kami maintindihan. Ikaw na magtanong," pabulong kong paliwanag sa kaniya at pinagtawanan lang ako nito.
"Silly. Just ask them," sabi niya.
"Paano?"
"Ako na nga lang," nilapitan nito ang tindero. "Manong, ano pong lugar ito?" tanong nito.
Napa face-palm kami ni Quilya sa ginawa niya.
"Ah, mga manlalakbay ba kayo? Ito ang bayan ng Karirana sa lungsod ng Niphillis. Kilala ang Niphillis sa kakaibang uri ng mga puno na tumutubo dito."
Hindi namin iyon inasahan ni Quilya kaya laglag-panga kaming nagkatinginan sa isa't-isa. They can speak the same language as us?!
"How long will it take us to Maurgriann by carriage?"
"Two days."
They can speak English, too?!
"Thank you po, manong. Magkano po ba yung paninda niyo?" Now she wants to buy from him?
"Walang anuman. Ano ba ang bibilhin mo?"
Marreanne gave her a mischievous grin. "Nais ko po sanang bilhin lahat."
What?!
Sabay kaming napa-tampal sa noo sa ginawa niya. Si manong tindero naman parang hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Sa sobrang dami nga naman ng paninda mo, sino ba bibili n'on lahat nang walang dahilan? Of course, si Marreanne.
"Consider it as thanks, manong. I'm grateful for your assistance," nakangiti niyang wika rito.
Kasalukuyan kaming nasa daan lulan ang isang karwaheng hila-hila ng dalawang kabayo. Magkatabi kaming nakaupo ni Quilya sa kanan habang sa kabilang bahagi naman nakaupo si Marreanne katabi ang kaniyang pinamili. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa mga iyon, hindi rin naman namin kayang ubusin 'yon lahat.
A simple thank you should be enough to show gratitude. Pero ano pa nga'ng magagawa namin? It's Marreanne.
Mula sa bayan ng Karirana, mahigit dalawang araw ang aming lalakbayin upang makarating sa lungsod ng sinasabi nilang Maurgriann. Tingin ko ay hindi nag e-exist ang kotse sa mundong ito. Wala naman kaming po-problemahin sa aming makakain thanks to Marreanne, and Krein bought this carriage dahil walang may gustong mag hatid sa amin patungo sa aming destinasyon kahit gaano pa kalaki ang ibabayad. Sino ba namang gustong bumiyahe ng ganoon ka layo, sa sobrang layo ay aabutin ka pa ng dalawang araw upang makarating. Dagdag dalawang araw pa pabalik.
In the end, we had no choice but to buy our transport. It cost a lot, pero tingin ko barya lang yun sa kanila. After all, they're Riessevilles. At ako ay hamak na ampon lamang.
Sa ngayon, tahimik naman ang aming paglalakbay. Malapit na ring lumubog ang araw. Napatingin ako sa bitbit kong maliit na bag nang may mapansin akong kumikinang na bagay sa loob. Dinukot ko ang kung anong bagay na 'yon at sinuri ng maigi. Pati si Quilya nabaling rin ang atensiyon sa ginagawa ko.
It's a necklace with a crescent moon pendant. Kaninong kuwintas ba ito? Bakit nasa bag ko ito? Wala naman akong naaalalang nilagay ko ito dito. Kay Quilya ba ito? Tumingin ako sa kaniya. Kumunot ang noo nito nang bumaba ang tingin ko sa leeg niya.
May suot naman siyang kuwintas. "So hindi ito sayo," ani ko at binalik ang tingin sa kuwintas na nasa kamay ko. This time, kay Marreanne naman ako tumingin. Pero may suot rin itong kuwintas tulad ni Marreanne.
So kaninong kuwintas nga ba ito? Hindi kaya kay Miss Kreziana? Isasauli ko nalang ito pag nakarating kami. Sila ang nagmamaneho ng karwahe. Ayoko silang abalahin. Binalik ko nalang sa loob ng bag ang kuwintas.
Hanggang ngayon, wala pa rin akong naiintindihan sa mga nangyayari. I don't know about Quilya, pero parang kani-kanina lang ay nag-aalangan pa itong magsalita. Tapos bigla nalang itong sumeryoso nang may makumpirma siya.
I know Quilya would never lie about her identity. I know she didn't lie about losing her parents at a young age. It's just that, lahat tayo may sikretong ayaw natin malaman ng iba. Quilya and I are no exception. Hindi ko lang inakalang ito pala ang tinatago niya, nila sa akin. Part of me still couldn't believe this is all happening. Nasa ibang mundo na kami. Pero parang ayaw kong paniwalaan. Yun bang pakiramdam mo pwede kang gumising ano mang oras.
She knows something. She knows about this place, a reality different from the one I used to live with. Pero paano niya naitago sa akin iyon, eh sabay naman kaming lumaki sa parehong bahay ampunan. Tapos noong kunin ako ng mga Riesseville bilang ampon nilang anak, sinama rin nila si Quilya at ginawang servant. Sa akin pa nga siya naka assign.
Ewan ko nga ba kung bakit rin nila ako inampon. Andyan naman si Marreanne.
We all keep secrets from each other. That's normal. Sadyang hindi lang talaga ako makapaniwala ng lubos. Sinong mag aakala na totoo pala ang sinasabi nung nilalang na nagpakita sa akin noong gabing iyon. Na may ibang mundo pa maliban sa mundong iyon.
The beast of singularity, I wonder who it is.
"I have already sent a letter to the kingdom. Nakiusap ako na magpadala sila ng transport upang sunduin tayo. The town of Lashevierr will be our rendezvous point. We'll stop there tomorrow by morning and wait. I don't want these horses to travel that long," pahayag ni Krein.
That's also what I'm worried about. The weight of the carriage is one thing, traveling is another. The horses will be worn out before we'd arrive at Maurgriann since it's a two-day journey. We don't want to harm these poor animals so lahat kami ay hindi nag alinlangang sumang-ayon sa kaniya.
"How did he send a letter? Hindi naman siguro gumagana ang email or texts dito," curious kong tanong. Tsaka wala rin naman kaming dalang cellphone. Are emails also a thing here?
Humagikhik si Marreanne. "Father owns a bird pet. Quite handy, ain't it?"
Medyo natagalan pa ako bago ko naintindihan ang nais niyang ipahiwatig. Right, some birds are excellent messengers if trained properly. I should've known.
It's already evening. The only thing that gives light on the road are torches lit by a fire. The sky looks different from what I used to see. From a distance, I saw a cluster of luminous objects scattering in the field.
Nang medyo malapit na kami roon, napagtanto ko na mga bulaklak pala ang mga iyon. Nagliliwanag ang mga ito sa dilim na para bang mga bituin kung titigan mo mula sa malayo. They all have distinct colors and sizes. At ang sarap sa mata nilang titigan. Plus the silence of the night sets just the right mood. Para akong nasa loob ng isang painting. Is this nature's work of art?
Kung pwede lang sana akong bumaba at pumitas ng kahit isa man lang.
An hour has passed. Tulog na ang lahat maliban sa nagmamaneho ng karwahe. Mahimbing na nakahiga si Quilya sa lap ko habang si Marreanne naman ay nakasandal sa dingding. She's drooling in her sleep. Pagod siguro ito. Naririnig ko ang boses nina Krein at Miss Kreziana na nag-uusap, pero hindi na ako nag-abalang pakinggan kung ano man ang kanilang pinag-uusapan. Also, they intentionally lowered their voices so no one will be bothered.
Hindi ako makatulog dahil naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Hindi kayang i-proseso ng aking utak ang sitwasyon sa kasalukuyan. It's just. . . too good to be true. Me? In this dreamlike world? If I was another person, I would probably freak out. Pero hindi, eh. In fact, hindi ko nga alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga nangyayari. Magugulat ba ako? Pero parang masyadong late na 'ata ako para magulat. Wala. Wala talaga akong alam paano ko i-process lahat nang may maintindihan man lang ako kahit konti.
Pero kung panaginip man ito, mas gugustuhin ko nalang manatili kesa gumising.
Wala pa kaming nadadaanan na kabahayan. Puro damo lang ang nakapaligid sa amin at ang mga alitaptap na walang pigil sa pagkislap. Magha-hating gabi na rin pero hindi pa rin ako dinadalawan ng antok. A night so peaceful as this, sino ba namang hindi gugustuhing mapagmasdan ang ganito kagandang tanawin?
If only these two aren't asleep, we could've watched them together.
"Aeriah?"
Napukaw ang atensiyon ko nang marinig ko ang boses ni Miss Kreziana.
"Gising ka pa?"
"Yes. I can't sleep," sagot ko rito. I thought she wouldn't notice. "are we still far?"
"What do you mean, far? I was about to wake you all up. Tutal gising ka naman, paki gising nalang rin kay Marreanne at Quilya," utos nito sa malumanay na boses.
In the middle of the night? "Why?" hindi ko mapigilan na magtanong. Tsaka ang labo rin ng sagot niya sa tanong ko kung malayo pa ba kami.
"Oh, silly me. I almost forgot to tell you that we're here."
What?
Mabilis akong napatayo. Sa pagkabigla ko ay nakalimutan kong nakahiga pala si Quilya sa lap ko. Kumalampag ang katawan nito sa sahig dahilan upang magising ito ng wala sa oras. Galit na galit ang mga mata nito habang nakatitig sa'kin na tila'y anumang segundo ay handa ako nitong atakihin.
"You could've wake me up normally, Aeriah," nagbabanta ang malamig nitong boses. "How dare you disturb my sleep!"
Oh no. I'm going to die.
"Please wait, Quilya! I'm sorry! Gigisingin na sana kita pero nagulat lang ako nang malaman kong nandito na tayo sa. . ." anong lugar nga ulit iyon? "La-Las Vegas!" napapikit ako. Sa takot na baka tuluyan niya akong atakihin ay itinaas ko ang dalawa kong kamay at hinarang sa kaniya upang dipensahan ang sarili ko sa posible niyang gawin. I didn't mean to disturb your sleep, I'm terribly sorry! Iyan ang sigaw ko sa aking isipan.
"Anong Las Vegas?" isang malakas na hampas sa batok ang natanggap ko mula sa kaniya. "Lashevierr 'yon, tanga."
Ay.
"Sorry na, di ko sadya. Nagulat lang," nakanguso kong wika sa kaniya habang nakayuko.
"You almost knocked the life out of me," she berated. Marreanne was at the corner, laughing. While holding onto her stomach, she only managed to wheeze a word out, "Stupid," and then proceeded to laugh again.
A curve also formed on Quilya's lips. "Anyway," she spun around to face the two at the front. "So, we're here? Akala ko bukas ng umaga pa tayo makakarating," she sound puzzled.
Miss Kreziana gave her a convincing look, to which the latter then confirmed that they've certainly arrived at the said rendezvous point.
"I see."
Dawn is nearing. The stars shone dimmer and dimmer as the sun slowly rises. We arrived at the place exactly in the morning, and I haven't slept yet.
May tatlong taong sumalubong sa amin sa daan. They're wearing white robes, holding their bows with quivers hanged on their backs.
"Welcome, visitors. This is the town of Lashevierr. The Chief Commander of Vulpine Legion wishes to meet you."
"Then, lead the way," Krein commanded.

Comentário do Livro (30)

  • avatar
    TarucRobe Nicole

    500

    28d

      0
  • avatar
    FormenteraJennyrose

    pls help me thank s

    29d

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    anu ibig sabihin ng alrights reserved ? 2020 tapos na 2020 palang?

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes