logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

Chapter 6
Winters POV
isang linggo na ang nakakalipas ng dumating sa school na to si Hiro Kitagawa at pamula nung dumating sya, palagi na lang may nakikipag patentero saken sa hall way, isang linggo nya na din akong pinepeste
"alam mo Winter, bawasan mo yang pag ka-anti social mo, wag mong pangatawanan yung pangalan mo" Hiro sabay akbay pa saken, sa States ba talaga to lumaki? bat ang galing galing nyang mag tagalog?
agad ko namang tinanggal ang braso nya na nakaakbay saken , napaka feeling close ng taong to
"hoy Winter, pansinin mo naman ako seatmate" pangungulit nya saken
nagkunwari na lang ako na hindi ko sya naririnig, hindi na rin ako kumakain sa canteen mula ng dumating tong taong to dahil imbes na ganahan ako sa pagkain ko, mas lalo lang akong nawalan ng gana, hindi lang pasensya ko ang pinapaikli ng taong to, pati buhay ko , madadali ng dahil sa kanya
"Winter..." bati ni sir James saken ng makasalubong namin sya
"Hiro..."bati nya kay Hiro, eto namang taong to, umakbay na naman saken saka ngumiti kay sir James
kita ko naman na napatingin si sir James sa braso ni Hiro na nakaakbay saken kaya inalis ko ito agad at nag lakad na paalis dun, nasosoffocate ako sa dalawang yun
naging times two na ang death glare na natatanggap ko pamula ng dumating si Hiro sa school na to, naging taguan ko na rin yung likod ng building namin tuwing break time namin, wala na kasing lugar sa school na to maliban sa likod ng building ang lugar kung saan hindi ako makakatanggap ng pang aapi mula sa mga school mate ko
nung nakaraan kasi habang kumakain ako sa canteen ay bigla na lang umupo si Hiro sa bakanteng upuan sa tapat ko then after nun, may isang babae na kunwari natisod tapos yung spaghetti na dala nya ay tumapon saken
meron pang time na nag lalakad ako paakyat ng hagdan ng may bigla na lang nag buhos saken ng banana milk shake
sumasabay pa na napapadalas ang pag sakit ng dibdib ko, muntik na naman akong ma-confine kahapon kung hindi agad ako nakainom ng gamot
meron pa kaya akong isang taon? sana naman, maka graduate ako kahit senior high school lang, konting konti na lang ba talaga ang panahon ko?
"sana pwede pang mag extend"
napa buntong hininga na lang ako sa sinabi ko, mukha akong tanga na humihiling ng imposible
"extend? alin ang gusto mong i-extend?"
napalingon ako ng may bigla na lang may nagsalita sa likod ko
"kanina pa kitang hinahanap, dito ka lang pala nagpunta..." Hiro sabay upo sa tabi ko
pano naman nya kaya ako nahanap?
"this place is so peaceful, I bet, this is the reason why you choose this place to hide" nakangiti nitong saad habang nakatanaw sa soccer field
mataas kasi yung part na to kung saan nakatayo yung building namin, sunud sunod din yung mga puno dito sa likod ng building namin tapos may bermuda grass pa na pwede kang umupo kasi malinis naman, mula dito sa mataas na part na to ay matatanaw ang soccer field sa baba siguro, may 4 feet yung taas nitong kinatatayuan namin
"what's the reason why you're avoiding all our classmate?"
napalingon akong muli sa kanya pero hindi naman sya nakatingin saken kundi sa soccer field pa rin
hindi ko sya sinagot
"it seems like you are hiding something"
sa pagkakataon na to ay lumingon sya saken ng may seryosong tingin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya
"am I right?"
"what are you talking about?" cold kong tanong dito
"you're too mysterious, from that day I first saw you, you're pretending you're strong eventhough you're not" makahulugan nyang saad na nakapag patayo saken, napikon ako sa sinabi nya, kasi alam kong totoo naman yung sinabi nya, naiinis ako na may nagpapamukha saken ng katotohanan
"don't act and speak like you know me, you don't know everything about me" saad ko saka sya iniwan dun mag isa
naramdaman ko na unti unti ko na namang hinahabol ang pag hinga ko kaya dali dali kong hinanap sa bulsa ko ang gamot ko pero sa kamalas malasang pag kakataon ay mukhang naiwan ko pa ito sa locker ko
sumasakit na naman ang dibdib ko at napakapit na ako sa katabi kong pader habang hawak hawak ko ang dibdib ko
walang estudyante sa paligid dahil nasa likod pa rin ako ng building at hindi pa rin ako nakakaikot, malapit lang ang clinic kasi pag liko ko ay clinic na ang unang bubungad saken pero pakiramdam ko ay napakalayo nito
nawawalan na rin ng pakiramdam ang buong katawan ko, shit, ayoko pa
pinipilit ko pa ring maglakad pero hindi ko na naramdaman ang sarili ko at nawalan na ako ng balanse
"mama..." bulong ko
"WINTER!!!!"
and everything went black...

Comentário do Livro (109)

  • avatar
    Cassandra Marie Oliver Pajarillo

    Ang sakit naman neto takte ano ba naman yan author eh bat nagpapaiyak ka naman😭😭😭 btw more story to make basta wag lang yung nakakaiyak na tulad nito ha? HAHAHAHA JOKE LANG

    13/07/2022

      0
  • avatar
    FelipeAdrian

    nice

    19d

      0
  • avatar
    Bheng

    nice story

    20d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes