logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

When I Look At You

When I Look At You

Hope Weaver


Chapter 1

UNTI-UNTING dinilat ni Andy ang kanyang mga mata nang may maramdaman siyang kakaiba. Ilang segundo pa ang lumipas muna bago niya napagtanto na nakatulog siya habang naka-upo. Ikiniling niya ang kanyang ulo para balingan ang katabi niya na naka-upo sa likod ng manibela na tahimik na nagmamaneho ng sinasakyan nila.
Tumingin siya sa suot nitong relong pambisig at bumuntong hininga.
"Don't worry, Sandy. Malapit na tayo." tinapunan siya ni Mitch ng tingin na ibinalik din nito agad sa daan. "Magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka."
Hindi siya sumagot kaya tiningnan ulit siya nito.
"Gusto mo ba ng music?" akma sana nitong aabutin ang car stereo para buksan pero hindi na nito tinuloy nang mapansin na tinitingnan niya lang ito. Marahil ay nabasa nito na ayaw niyang makinig sa kung ano man ang tugtog sa radyo kaya nag-focus nalang ito sa pagda-drive ng
kotseng gamit nila na pag-aari niya.
"Ilang oras na ba tayong nagba-biyahe?" tanong niya rito. Tinanggal niya ang hood ng jacket na suot niya sa kanyang ulo at umayos ng upo.
"Less than seven hours." sagot nito. "Gutom ka na ba?
Umiling siya. "No. Baka pagod ka na dyan. Palit na tayo. "
"Hindi! Okay lang ako. Malapit na rin naman tayo."
Hindi na siya nagsalita at napabuntong-hininga nalang bago inandig ang kanyang likuran sa inuupuang passenger seat. Naalala niyang hindi nga pala siya pamilyar sa dinadaanan nila. Lumunok siya nang makaramdam na naman ng lamig na lumulukod sa kanyang
dibdib.
Sinubukan niyang mag-concentrate para kahit paano ay mataboy niya ang mga negatibong isipin na pilit na sumisiksik sa isip niya. She rolled down the car window to inhale the fresh air. She also tried to busy her eyes on the views that their car was passing through. Pero nawawala parin mula roon ang kanyang atensyon at sumesentro parin iyon sa damdaming umuusbong sa dibdib niya.
"Would this really help?" sambit niya habang pinupukaw ang sariling atensyon sa mala-gintong palayan na nadaraanan nila.
Narinig niyang tumikhim si Micth. "'Wag kang mag-alala. Everything will be back to normal." tila pang-aalo nito sa kanya.
Normal? Bakit parang gusto niyang matawa sa salitang iyon? She wondered.... Ano ba ang babalik sa normal pagkatapos niyon?
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata dahil sa biglang pag-iinit niyon. Siguro ang akala ni Mitch ay natutulog na ulit siya kaya hindi na ito nagsalita pa. Mabuti na rin na naisip nitong manahimik nalang para makapag-isip siya ng maayos.
Inalala niya ang lahat. Inalala niya kung paano unti-unting naglaho ang lahat sa kanya. At kung bakit siya naroon ngayon.
She was Andy Hernadez. The successful writer and the critically acclaimed author of several award winning novels and books at the very young age. Panatag siya sa takbo ng kanyang buhay. Inisip niyang walang mawawala at magbabago ngunit sa isang iglap, naglaho ang lahat. Life was so ironic, indeed.
•••••
"Look at me, Andy!" utos ni Albert na sayad na ang pagkapundi sa kanya. "Lampas na ang deadline ng libro mo. Bakit hindi parin 'to matapos-tapos? Natengga narin iyong series na ginagawa mo. For Christ's sake!" tumigil ito sa pagsasalita para titigan siya. Nabitin rin ang hawak nitong manuscript sa ere.
He sighed. "Ano ba talagang problema? You can't continue living like this!" pumalatak ito sa sobrang inis. He pointed a finger on her face. A gesture that she hated so much. "Fix yourself. Maraming naghihintay sa susunod mong libro. You know that, don't you?"
She couldn't find herself answering. Sa huli ay tinalikuran nalang niya ito dahilan para magsalubong ang mga kilay nito. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Albert. Tinungo niya ang pinto palabas sa office nito at naglakad palayo.
"Hey there, Sandy Lou!"
She halted when she saw Mitchell, editor slash best friend niya. Nakasanayan na siya nitong tawagin sa pen name niya. At first she didn't mind her friend calling her with that name, but at that moment, Sandy Lou sounded like a bitter medicine in her mouth.
"Nasabi na ba sa'yo ni sir Albert yong tungkol sa manuscript mo?" tinitigan siya nito. Nang hindi siya nagsalita ay ito nalang ang gumawa. "I guess, he already did. Gimmick nalang tayo mamaya."
" I am not in the mood, Mitch. Magtatrabaho ako. And please, huwag mo akong istorbohin." nilampasan niya ito.
Nang nasa loob na siya ng kotse niya ay natagpuan nalang niya ang sarili na umiiyak. She felt empty inside her. Para siyang lumulutang sa tubig na hindi niya mawari. Somehow, may ideya na siya sa kung ano ba talagang nangyayari sa kanya. Hindi niya iyon matanggap.
•••••
"Sandy! Sandy...!"
Naalimpungatan siya sa sunod-sunod na pagkalabit ni Mitch sa balikat niya.
"We are almost there." sabi nito at ibinalik na ang kamay sa manibela.
"Sigurado ka na ba dyan?" tanong niya rito.
Tumawa ito. "Opo, Ma'am. Ayusin mo na ang sarili mo."
Tumalima naman siya. Inayos niya ang nagulo niyang buhok pati ang nagusot na parte ng suot niyang jacket. Pagkatapos ay binalingan niya si Mitch.
"Can I ask you a favor, Mitch?"
"Oo naman! Ano yon, Sandy Lou?"
Binagalan nito ang takbo ng sinasakyan nila para matingnan siya ng matagal.
"Stop calling me by my pen name. Start calling me by my real name." Sagot niya. Tumingin siya sa mga kabahayan na nilalampasan nila. Ilang oras din siyang hindi nakakita ng kahit isang bahay dahil pulos taniman at kakahuyan lang ang nadaraanan nila sa haba ng biyahe.
" Bakit? Maganda naman,ah. Sandy Lou na walang last name. Hindi katulad ng real name mo na Andy at last name agad."
" Ang weird mo." Nagsalubong ang kilay niya nang magpatuloy pa ito sa pagpapaliwanag nito.
"Andy - no second name, no middle name, at last name na!" Pumalatak ito na mas lalo pang ikinasalubong ng mga kilay niya. "Andy Hernandez."
"Anong pinagkaiba non sa Sandy? 'S' lang naman ang nadagdag sa ANDY." Nainis na siya rito. "Please naman, Mitch. Tigilan mo na ang ka-weird-uhan mo."
Tinawanan lang siya nito na ikinakunot na ng noo niya. Huminto na sila pero hindi parin ito tapos tumawa.
"Binibiro lang kita." Halos masamid pa ito sa pagpipigil. "Ang serious mo!"
Nagulat siya nang hampasin siya nito sa braso. Ganoon talaga ito, kapag tumawa may kasabay na hampas.
"Nagda-drugs ka ba?" Kung oo ay pagsisisihan niya ang pagsama niya rito.
Umiling-iling ito. Binuksan nito ang pinto sa gilid nito at bumaba na sasakyan. Siya naman ay hindi natinag sa kinauupuan at sinundan lang ito ng tingin. Pumunta ito sa likuran ng kotse para buksan ang trunk niyon. Isa-isa narin nitong inilabas ang mga gamit nila na naroon. Binawi niya ang paningin mula sa ginagawa ng kaibigan at binaling iyon sa katapat ng hinintuan ng sinakyan nila na dalawang palapag na bahay.
Halatang luma na ang desenyo ng bahay. Ang sabi sa kanya ni Mitch, panahon pa ng mga Amerikano ng itayo iyon. Pero aaminin niya, maganda parin iyon. Maganda rin ang landscape ng bahay. May nakita siyang babae sa terrace niyon na nawala rin agad nang makita sila.
Umibis siya sa kotse nang pagbuksan siya ni Mitch ng pinto. Bigla tuloy siyang nahiya sa kaibigan niya dahil asikasong-asikaso siya nito. Ito ang nag-suggest na magbakasyon muna sila pagkatapos ng insedenteng naabutan nito sa loob ng condo unit niya. Sinang-ayunan naman ito kaagad ni Albert na nangungunsumi na sa kanya. Si Mitch din ang nag-presinta na sasama sa kanya, ito na rin ang nagdesisyon na sa probinsya nalang nito sila tumuloy para daw makasama naman nito ang pamilya. Hindi na siya nakipag-argumento dahil wala rin naman siyang lakas para doon. Mabuti na rin siguro iyon para makapagpahinga naman ang isip niya.
"Welcome to our majestic place!" Masayang sabi ni Mitch. Her friend's arms are also open wide when she said the phrase.
"Just make sure na hindi masasayang ang pagsama ko sayo dito." Pinaikot niya ang kanyang mga mata nang bumungisngis ang kaibigan niya na parang bata.
"Mitch! Mitchell. Anak ko!"
Sabay silang napalingon sa isang ginang na lakad-takbo habang palapit sa kanila. Hinawakan ni Mitch ang isa niyang kamay at hinila siya para salubungin ang tuwang-tuwang ginang na sa tansya niya ay almost fifty years old na. May katabaan din ito at mababa lang.
"Mama ko!" Binitawan na siya ni Mitch para yakapin ng mahigpit ang nanay nito na matagal din nitong hindi nakita.
Ikinuyom niya ang kanyang kamay na binakante ni Mitch habang pinapanood ang masayang tagpo ng mag-ina. She looked away as the unfamiliar feeling attacked her chest.
"Na-miss ka ng sobra ng pinakamaganda mong anak." Narinig niyang tumawa si Mitch kaya tiningnan niya ulit ito. Hinampas naman ito ng ina sa braso ng hindi naman kalakasan ngunit grabe ang dinaing na "aw" nito. Hindi ito pinansin ng ginang bagkus ay binalingan siya.
"Ipakilala mo naman ako sa kasama mo." Pabulong na sabi nito sa anak sabay kurot pa sa tagiliran ng kaibigan niya.
Pinigilan niya ang mapangiwi habang pinapanood ang pag-asim ng mukha ni Mitch dahil sa pinung kurot na natanggap. Nang makabawi siya ay siya na ang lumapit sa ginang para magpakilala habang nakalahad ang isang kamay na kaagad nitong tinanggap.
"Magandang araw po. Ako po si Andy, kaibigan ni Mitch."
Tila nasisiyahang tumango-tango ito sa kanya habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. Pilit siyang ngumiti rito. Hindi rin mapuknat ang pagkakatitig nito sa kanyang mukha.
"Masaya akong makilala ka, Andy. Ang pangalan ko nama'y Angeline. Tawagin mo nalang akong Nanay Angge." Sabi nito na kung hindi pa inagaw ni Mitch ang kamay niya ay mananatili iyong hawak nito.
"Ano ba yan, Ma. Pinagseselos mo naman ako. Parang nakalimutan mona na nandito rin ako." May himig pagtatampong sabi ni Mitch. Hinampas lang ito ni Nanay Angge at inirapan.
"Halika na, Andy. Tumuloy ka na sa aming tahanan." Hinawakan siya nito sa siko para igiya papasok sa binuksan nitong trangkahan na hanggang dibdib niya lang at napipinturahan ng kulay puti.
Nilingon niya si Mitch na nakabusangot habang pinapanood silang pumasok. Ngumiti naman ito kaagad sa kanya nang mapansin na nakatingin siya rito.
Nang makapasok na sila sa loob ng bahay sinubukan niya pang igala ang kanyang paningin sa kabuuan niyon ngunit halos walang rumehistrong detalye sa isip niya dahil siguro sa pagod. Maraming sinabi si Nanay Angge pero ni isa doon ay wala siyang naintindihan. Nang dumako ang paningin niya sa bungaran ng pinto ay nakita niya si Mitch na hinihingal na habang paakyat sa porch ng bahay dahil sa dalang mga bagahe nila. Hinawakan ulit ni Nanay Angge ang
kamay niya kaya napatingin siya rito.
"Siguro ay pagod at antok ka na. Halika't dadalhin na kita sa magiging kuwarto mo."
"Pero-." Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang magsimula itong maglakad. Sumunod nalang siya paakyat sa hagdan.
Pagpasok nila sa tinukoy nitong magiging kuwarto niya ay dumako kaagad ang paningin niya sa queen size bed na naroon. Sa wari niya ay napakalambot kama. Tila biglang gumaan ang katawan niya habang iniisip kung gaano iyon kalambot
kapag humiga na siya.
"Sege... Maiwan na kita rito para makapagpahinga kana rin. Pupuntahan ko pa si Mitchell sa baba. Siguradong nagmumura na iyon sa sala dahil sa ginawa kong pang-i-snub sa kanya." Tumawa ito ng bahagya.
"Salamat po." Nang sumara ang pinto ay nagawa niyang maglakad papunta sa bintana na nasa tabi lang ng kama.
Kulay kahel ang buong paligid dahil palubog na ang araw. Lumanghap muna siya ng sariwang hangin bago itinabing ang kurtina, floral ang design niyon na hindi na niya binigyan pa ng pansin. Hindi na siya nag-abalang isara ang bintana at hinayaan lang na liparin ng mabining hangin ang laylayan ng kurtina.
Pabagsak siyang humiga sa kama. Tama siya, malambot nga iyon. Tumingin siya sa kisame kasabay ng unti-unting pagbigat ng talukap niya.

Comentário do Livro (23)

  • avatar
    Obrence Udsaco Mark John

    500

    13/07

      0
  • avatar
    Justine Magtibay

    sinapo nito ang noo na parang ang laki ng problema na dala nito

    13/07

      0
  • avatar
    DelacruzMarygrace

    Ahg

    07/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes