logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 2 Gamble

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tumapak ako sa club na dati ay ni ang silipin ay pinagbabawal ni nanay. Pinasunod ako ni Ninang Giovan sa opisina n’ya. Pero bago makarating doon ay nakita ko ang hitsura ng club. Ganito pala rito. Parang akala mo typical na kainan pero may stage at may rampa sa at may kadiliman na parang ang liwanag ay hiyang-hiya magpakita, napakaliliit kasi ng mga bumbilya. Nagsisimula na ang operasyon ng club sa ganitong oras. May naglilinis ng bawat table, may nagwawalis at may mangilan-ngilang customers ng pumapasok.
Noon ay hindi ko lang kinahihiya ang trabaho ni nanay kinamumuhian ko pa ito, ang pinakamababang uri ng trabaho na nilikha sa mundong ibabaw.
“Maupo ka,” paanyaya ni ninang nang makapasok kami sa maliit na opisina n’ya. Parang box ito dahil pakwadro ang sukat. Tama ng mayroong table and chairs at isang filing cabinet sa gilid.
“Mukhang napasubo ako sa ‘yong bata ka. Parang kagabi lang din nang alukin kita ng tulong pero hindi ko naman alam na ganyan kalala. Hay, jusko! Saan tayo kukuha ng malaking pera—ni ang kinikita ng club na ito araw-araw kahit pagsama-samahin ko pa sa loob ng isang linggo ay hindi uubra.”
Napayuko ako. Tama naman s’ya. Pero wala kasi akong ibang maisip na mahihingan ng tulong.
“Ganito na lang po…e kung sumayaw din kaya po ako rito gaya noon ni nanay? Malay niyo may bigatin kayong customer na puwede nating mautangan, ‘di ba?”
“E! Marunong ka bang sumayaw?” Sasagot na sana ako kaya lang ay napailing-iling s’ya at muling nagsalita. “A—hindi, hindi. Ayoko! At ayaw din ‘yan ng nanay mo ano! Baka ‘pag malaman n’yang pinayagan kitang magtrabaho rito e multuhin pa ‘ko. Naku, sumalangit nawa…” Napa-sign of the cross pa ito.
“Sige na po. Kailangan kong subukan. Minsan lang. One time lang. Marunong po akong sumayaw. Sa school namin noon lagi ako pambato ng section namin sa mga dance contest. Ballroom, hiphop…at kung gilingan lang…madali na ‘yong matutunan.”
Sandali s’yang nag-isip.
“Hindi!” Pero iyon pa rin ang sagot n’ya. “Wait…alam ko na!” Napatapik s’ya sa harapang lamesa. “Bakit ngayon ko lang naalala? Next week gaganapin ang The Bachelor. Party ito na nangyayari taon-taon. Nagpupunta rito ang mayayaman at biyunaryong kalalakihan na take note…walang asawa. Natatag ito dahil—alam mo na. Sa kagustuhan ng mga lalaki na ‘magsaya.’”
“A-ano pong meron sa party na ‘yon?”
“Nice question! Parang sa nakikita ko, desidido kang gawin ang lahat ah.”
“Opo eh. Kaya sabihin niyo na sa ‘kin.”
“Isa ‘yong gala. Basta special occasion at pagtitipon-tipon ng mga kalalakihan at kung saan ang mga guests na babae ay kanilang pamimilian. May ibang namimili, may ibang ayaw, chill lang. Gusto e party lang talaga. ‘Yong mga pumipili ng babae—iyong ano—iyong bagay na kapalit ng malaking pera.”
“Ano pong namimili? Parang palengke, gano’n?”
“Sosyal na palengke kung saan ang mga lalaki pipili ng magugustuhang babae. Susko! Alam mo ‘yon! ‘Yong—gano’n! Naku, Liberty, ano ba naman itong iniwan mong tungkulin ko sa anak mo! Hindi ako makapagsalita ng lenggwahe ko.”
Lihim akong natawa. Siyempre naman alam ko ang ibig n’yang sabihin. Hindi naman na ako bagong silang na bata.
“Alam mo na mga lalaki, ‘di ba? Naku bata ka pa nga. Ilang taon ka na nga ba? Parang kailan lang kasi noong huli kitang makita. Parang kasisimula mo lang reglahin.”
“Palabiro po talaga kayo. Twenty-three na po ako.”
“Hay! Hindi ko alam kung tama itong ginagawa ko. Para kitang binubugaw. Sana lang ‘wag magalit sa ‘kin ang nanay mo.”
“Saan po gaganamit ang gala? Anong oras at kailan?”
“Teka, magkaliwanagan muna tayo, alam mo na ang mangyayari? At kung sakali nakahanda ka ba?”
Yumuko ako at hindi agad nakasagot.
“Gagawin mo talaga lahat para sa ate mo ‘no?”
Nagpahid ako ng luha.
“Ibibigay ko sa ‘yo ang detalye. Pero pag-isipan mo munang mabuti ha. Baka may paraan pa rin tayong makita. Kumbage e last resort na natin ito, anak…”
Napangiti ako nang tawagin n’ya akong anak. Ang taong kinatakutan at pinangilagan ko noon heto at concerned na concerned sa akin ngayon. Napatunayan kong mabuti s’yang tao at malapit na kaibigan ng nanay ko. Kung gano’n wala ng dahilan para ilayo ko ang loob sa kaniya.
“I-text mo ako bukas kung decided ka na.”
“Sige po.”
Para bang sigurado na talaga ako. Pagtayo kasi mula sa upuan ay tumalikod na ako at diretsong lumabas. Wala nang panahong tumunganga. Mangyayari ang mangyayari. Lulunukin ko maging ang takot. Maging ang pagkalog ng dibdib ay pilit kong nilalabanan.
KINABUKASAN.
Tumawag sa akin si ate. Tinatanong na raw ang desisyon n’ya ng mga doctor. Kung hindi raw maooperahan si kuya sa lalong madaling panahon ay lalabas na lang sila at wala na raw magagawa ang mga doctor. Papipirmahin na lang sila ng waiver.
Katatapos ko lang paliguan si Hope, biyernes ngayon at ihahatid ko pa s’ya sa school n’ya.
“Sige na, ate. Go mo na ‘yan. Kailangan na ‘di ba? Akala ko ba ayaw mong mamatay si kuya…”
“Huh! E, saan tayo kukuha ng pera?”
“Ako na ang bahala ro’n,” ani ko habang binibihisan si Hope habang nakaipit sa balikat ko ang cellphone.
“Si mama po ‘yan, tita?”
“Yes, baby.” Sandaling inilayo ko ang phone sa tainga ko para sagutin ang pamangin ko, nang marinig ko ulit si ate na magsalita. Halata ang kaba sa tono ng boses n’ya.
“Sigurado ka ba?”
“Magbibiro ba ‘ko? Ngayon pa?”
“Saan ka kukuha ng pera?”
“Ako na nga bahala! Ang intindihan mo d’yan si kuya. Ang kulit!”
“Can I talk to mama?” singit ni Hope. Sinusuklayan ko na ang buhok n’ya.
“Okay…” maikling sagot ko lang sa pamangkin ko.
Excited na kinuha nito sa kamay ko ang cell phone saka ang mag-ina ay masayang nagpalitan ng mensahe.
“Kumusta si papa, mama? Mamamatay po s’ya?”
Dahil naka-loudspeaker ay narinig kong napasinghot si ate. Natagalan s’ya bago sumagot.
“H-hindi. Walang mamamatay. ‘Wag kang maniwala sa tita mo. Okay naman si papa, baby. Hindi s’ya pababayaan ni Papa G, ‘di ba?”
“Opo, saka ng angel n’ya po,” sagot ni Hope habang nakayuko at nakanguso. Napakainosente.
“Kaya nga salamat anak dahil pinagpi-pray mo si papa. Dasal ka lang d’yan ah. At pasensya na kung hindi ka muna maaasikaso ni mama. Hindi ko kayang paglutuan ka at ihatid sa school. Kailangan ako ni papa.” Dama kong naiiyak si ate kaya kinalong ko na si Hope at kinuha ang telepono. “Si tita Love muna ang bahala sa ‘yo ha, baby,” pagtutuloy ni ate na napapahikbi nang marahan.
“Oo, ate. Ako muna ang bahala sa kaniya. ‘Wag kang mag-alala hindi ko s’ya pababayan.” Nagbabadya na rin akong maluha, ang yakap naman ni Hope ang lalong nagpaiyak sa akin.
“Sige na, ate. Manananghali pa kami at ihahatid ko pa si Hope. Baka ma-late s’ya.”
“Sige. Salamat, Love ha. Mabuti talaga at nand’yan ka.”
“Wala ‘yon, ate. Sige. Ingat ka rin d’yan. Kiss mo na lang si Hope sa papa n’ya.”
ILANG oras ang lumipas at matapos na maihatid sa eskwela si Hope ay kinuha ko na sa sling bag ko ang cell phone. Nagtipa ng mensahe at pinadala iyon kay ninang.
“Desidido na po ako.”
Wala siyang sagot kundi sad emoji.
“Kakailanganin ko po ang tulong niyo pala ha. Makeup, dress at iba pa…wala po ako ng mga ‘yan.”
“Sige. Ako na ang bahala sa mga ‘yan.”
Hindi na ako nag-reply. Nag-iipon na kasi ako ng lakas ng loob.
“Hindi na ba kita mapipigilan? Natatakot ako para sa ‘yo.”
“Mas nakakatakot ang mamatayan ng mahal sa buhay. Hindi naman nakakamatay ang gagawin ko. Pera lang ang kukunin ko.”
Siya naman ang hindi na nag-reply. Hindi na rin ako nag-abala pa na mag-text ulit. Pumara na ako ng jeep papuntang ospital. Bibisitahin ko si ate. Dala ko na rin ang mga gamit na binilin n’yang dadalhin ko.
Wala na itong urungan. Hindi ko man gusto ang paraan pero kung ang kahihinatnan ay mapabuti ang pamilya ko, sa palagay ko ay wala naman akong pagsisisihan.
AT dumating na ang takdang gabi ng trabaho ko papuntang impyerno. Sobrang bilis lang ng daan pala papunta rito. Hindi kailangan ng shortcut.
Kasalukuyan akong nasa club at si ninang mismo ang nagma-makeup sa akin. Wala kaming imikan. Siya na para nagsisisi at ako na lalaban kahit sa loob ay luhaan. Pero napaatras ang ulo n’ya habang ako ay nilalagayan ng manipis na blush on.
“Nak, dumudugo ang ilong mo…” Tarantang napatingin ako sa kaharap na bilog na salamin. Nakita ko nga ang pagsilip ng dugo mula sa ilong ko. Napataas naman ako ng ulo.
“Sign ba ‘yan na kinakabahan ka? O sign na dapat ‘wag ka ng tumukoy…”
“Wala po ito.” Kinuha ko ang tissue na nasa box na iniabot n’ya sa akin. “Dala lang po ng ilang araw na puyat at kaiisip sa problema. At ngayong gabi matatapos ang problemang ito, ninang.”
Nagulat ako nang yakapin niya ako. “Ngayon mo lang ako tinawag na ninang. Salamat, anak.” At tinapik-tapik ko s’ya sa likod. Halos tapos na s’ya sa ginagawa n’ya kaya kumuha na s’ya ng suklay para isunod na ayusin naman ang buhok ko.
“Ang ganda-ganda mo, ‘nak. Sayang naman…”
Inagaw ko bigla sa kaniya ang brush at ako na ang nagsuklay ng sarili kong buhok. “Ako na po rito. Magaling po ako sa hairdo.” Nagulat man s’ya sa akin ay nagkibit-balikat na lang s’ya.
Habang sinusuklay ang sariling buhok tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Maganda ang babaeng nakikita ko rito. At ngayon ko lang s’ya nakita. Ngayon ko lang kasi nasubukan mag-apply ng makeup sa mukha. Light lang naman pero inangat nito ang mga features ng mukha ko. Na-highlight ang cheekbones at ilong ko at na-emphasize ang shape ng mata ko.
Makalipas ang ilang sandali at matapos na i-messy bun ang buhok ko ay tumayo na ako. Napatingin sa akin si Ninang Giovan mula ulo hanggang paa saka ako ay niyakap na muli.
Si Ninang Giovan na gwapo sana kung naging lalaki, kahit pa nagkakaedad na at may kulubot na akong nakikita sa mukha n’ya. Kung hindi ako nagkakamali ay singkwenta anyos na s’ya. Matanda lang s’ya ng dalawang taon kay nanay. Lean ang katawan n’ya. Dahil siguro sa nature ng work ay nagawa n’yang panatilihin ang magandang katawan.
“You are so beautiful like ng nanay mo. Para ko s’yang nakita ulit. Para s’yang nabuhay!”
“Thank you, ninang.”
Sinong anak ang hindi mapa-proud kapag sinabihang kamukha ng magulang. Proud ako dahil ang nanay ko ay nanay ko at kahit hindi maganda ang trabaho n’ya. Hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sa kaniya. Siya ang pinakamaganda at pinakamahusay na ina para sa ‘kin.
Pinag-aralan ko ang sarili sa whole body na salamin habang marahang umiikot-ikot.
Ang suot ko ay empire dress na kulay pula pero ang sa bandang dibdib ay may cut na pa-diamond kaya nakadungaw rito ang cleavage na kung tawagin nila, habang ang haba ay above the knee lang. Ang telang manipis na kapag naglakad ay umaangat, kaya kinakailangang mag-ingat sa pag-upo kung hindi ay makikita ang nakatago. Ngayon lang din ako nakapag-suot ng ganito. Madalas kasi ay naka-jeans ako. Ngayon ko lang binalandra ang legs ko.
Ang sabi ni ate nagmana raw ako kay nanay, ultimo ang legs. Makinis ito na parang nakasuot ng stockings. Pero ang bandang paa ko ay hindi ko naingatan, dulot ng paglalaba at ibang gawaing bahay ay nagkaroon ako ng ugat dito pati na sa kamay. Pero sabi ni ninang ay okay lang daw iyon. Maliit na bagay lang daw at madadaan naman sa lotion. Kaya kanina ay pinapahiran n’ya ang buong katawan ko ng malagkit na bagay na ‘yon. At noong makita niya ang gasgas ko sa tuhod dahil sa mga baliw na lasenggong humarang sa akin noong nakaraang gabi ay dali-dali niya iyong tinago sa pamamagitan ng concealer.
“Handa ka na ba?”
“Handa na po.”
“Heto ang makeup kit. Pang-retouch mo.”
Kinuha ko buhat sa kamay n’ya ang kulay asul na pouch at laking gulat ko nang muli n’ya akong yakapin. Para akong inakay na ayaw n’ya talagang pakawalan sa wild life.
“Okay lang po talaga ako,” pangungumbinsi ko sa kaniya.
Pinigil ko ang maiyak sa nakita kong pumatak n’yang luha.
“Huwag kang mag-alala. Minsan naman hindi nangyayari ang one-night stand na ‘yan doon.” Dinig kong suminghot s’ya.
“Hindi po ako nag-aalala. At anuman po ang mangyari nakahanda ako.”
“May mababait din naman do’n at disente na gusto lang ng kausap. At sana doon ka mapadpad. Sana gabayan ka ng nanay mo at makakilala ka ng mabait na tao na puwede lang makatulong sa ‘yo.”
Napangiti ako sa kaniya at ako naman ang yumakap. Pero paano kung hindi? Bigla ay naisip ko. Nakadama naman ako ng takot. Unang beses na gagawin ko ‘to. Wala akong ideya at hindi ko alam ang mga puwedeng mangyari. Para akong sasabak sa gera na walang bala. Pero ayokong ipahalata na kinakabahan ako. Tinago ko sa likod ang nanginginig kong kamay saka ngumiti.
“Salamat sa lahat, ninang.”
“Ipahahatid kita ha. At ‘wag kang tatanggi. Kapag kailangan mo ng umuwi tawagan mo ‘ko. At—please lang, mag-iingat ka ha. ‘Wag inom nang inom. ‘Wag kain nang kain. Tingnan mo o amuyin mo lahat bago mo ilagay sa bibig mo. Hindi mo alam baka may nilagay na substance ro’n.”
“Opo. At ‘wag na nga po kayo masyadong mag-alala. Hindi ba nga, one time lang—one time, big time!”
Napatikhim s’ya at natahimik pagkatapos ay inihatid na ako sa labas ng bar.
“Sumakay ka na.”
Tinapunan ko ng tingin ang kotseng kulay kahel at binuksan ang backseat nito. Pero bago ako tuluyang sumakay ay ako naman ang nagbilin sa kaniya.
“Kayo po muna ang bahala kay Hope, okay lang? Tulog na ‘yon ngayon. Paki bantayan na lang po habang ako ay papunta naman kay kamatayan.”
“’Wag mo ngang sabihin ‘yan. Ano ka ba? Pinakokonsensya mo ‘ko eh. ‘Wag ka na kaya tumuloy?” Sinara n’ya ulit ang pinto ng sasakyan. Natawa naman ako at binuksan iyon ulit.
“Wala akong pagsisisihan. Sige na po. Magpapasalamat pa nga po ako sa ‘yo.” Lumapit ako sa kaniya para ibeso s’ya. “Bye.” At ako ay mabilis nang sumampa ng sasakyan.
Sa sandaling nagsara ang kotse at gumulong pasulong ang mga gulong nito ay parang namanhid ang mga kamay at paa ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng kaba.
‘Ano ang gagawin ko sa lugar na ‘yon? Sana kahit pa’no may mapala ako.’

Comentário do Livro (54)

  • avatar
    GabrielleJhairy

    a highly recommended story to read,☺️☺️

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Chard Tamayo

    500

    11/07

      0
  • avatar
    يصل برنابا

    ang ganda

    24/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes