logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

A Thousand Hours with The Billionaire

A Thousand Hours with The Billionaire

UrielaYin


Capítulo 1 Love Needs Mercy

Pera! Kailangan ko ng pera!
Nakakapagod talaga maging mahirap. Kanina pa ako naglalakad para makahanap ng mahihingan ng tulong. Mayroon akong mga government at private organizations na napuntahan kaya naman nakasisilip ako ng pag-asa para sa sakit ko. Gusto ko naman kahit paano dugtungan pa ang buhay ko kaya naman gagawin ko ang lahat para gumaling.
Naabutan kong sumisikat ang araw sa labas kanina at ngayon ay ang buwan naman ang naabutan ko sa daan. Alas-onse na ng gabi nang makarating ako malapit sa amin. Hindi ako ginagabi ng ganito, ngayon lang talaga.
Parang may sariling buhay ang mga paa ko sa paglalakad. Alam siguro nilang gutom na gutom na ako at pagod na pagod kaya pati sila nagmamadaling ihatid na ako sa bahay. At nahihilo na rin talaga ako. Hindi ko alam kung dahil sa gutom o dahil sa sakit ko.
Pero kusa ring huminto ang mga paa ko nang madaanan ko ang nag-iinuman sa kanto kung saan papasok ako papunta sa ‘min.
‘Naman oh! Sila na naman! Hindi pa ba nabubutas mga sikmura nila kaiinom ng gin?’
Ang apat na lalaking ito ay kilala na mahilig magdala ng gulo sa lugar namin kapag lasing. Ewan ba’t pinapayagan pa sila ng barangay na uminom sa lansangan. Palibhasa ang isa ay may kamag-anak na kagawad.
Tumalikod na ako para umikot na lang pero mukhang huli na ang lahat dahil nakita na nila ako. At malamang pagtatampulan na naman nila ako ng tuksuhan. Kilala kasi ang pamilya namin dito. Iyon lang, hindi sa nakaka-proud na paraan.
“Uy, si Love ba ‘yun?” tanong ni Caloy, ang may kamag-anak na kagawad. Honor roll sa pagiging tambay.
“‘Di ba ‘yan ‘yung sabi niyong anak ng kalapati!”
Nagtawanan na may kasamang palakpakan ang mga hunghang dahil sa nakakainis na biro ng salta lang sa lugar namin na ni hindi ko alam ang pangalan. Basta lagi lang nila ‘yang kainuman.
Sabi ko na nga ba’t ito ang mangyayari.
Hindi ko na sila pinansin. Kahit na naniningkit na ang mata ko sa inis. Pinili ko na lang na ihakbang ang paa ko para makalayo na pero hindi pa rin pala sila tumitigil.
“Kalapating mababa ang lipad!” hiyaw ng isa pa.
Mas binilisan ko na maglakad dahil hindi ko na nagugustuhan ang uri ng kanilang pagtawa. Parang hindi na joke. Parang may kakaiba na sa tawa nila…halakhak na nakakatakot na! Kaya hindi man kalamigan sa paligid ay bigla akong parang gininaw at kinilabutan!
At nagulat na lang ako, akala ko nakalayo na ako pero bakit bigla na lang silang sumulpot sa harapan ko? Gano’n ba ako kabagal maglakad?
Kita ko ang mga pagngisi nila at kung gaano kapula ang mga mata nila na nakapaligid sa akin. Nayakap ko naman ang sarili ko at sinikap na umatras. Sinubukan kong luminga, nananalangin at nagbabakasakaling may ibang tao pa sa kalsada na puwede kong mahingan ng tulong, mga baliw na ‘to, lalasing-lasing tapos mananakot ng ibang tao! Pero sana nga ay kung nananakot lang sila.
“Dalaga ka ba pala talaga, Love. Hindi ka kasi nilalabas ng mama mong pokpok noon eh kaya walang nakakakita sa ‘yo,” sabi noong isa na ang boses ay puno ng pagnanasa. Hindi ko alam ang pangalan pero alam ko tagarito s’ya.
Lalo naman akong kinabahan! Ang dibdib ko parang sasabog sa lakas ng tibok ng puso ko.
“Oo nga. At hindi namin alam, maganda ka pala talaga!” Ang nagbasa pang dila na si Mang Igme. Para ko na itong Lolo pero bakit ganito pa ito umasta.
Hindi ko pinahalang natatakot na ako. Bakit ba e tagarito rin ako. Alam ko sa puso nila may concern silang natitira sa lahat ng tagarito at hindi nila makukuhang manakit ng babae. Pero ang luha ko ang traydor, na sa takot ay nagbabadya ng tumulo.
“M-makikiraan lang po, Mang Igme,” sabi ko na lang. Gusto kong lagpasan na sila pero parang nanghihina naman na ang tuhod ko at kung anong bilis kong maglakad kanina ay parang nawalan ako ng lakas ngayon.
“Sandali! Samahan mo naman muna kami. Gaya ng ginagawa ng nanay mo noon, bakit hindi mo kami entertain-in ngayon?” Ang humawak pa sa ‘kin na si Caloy. Agad kong binawi ang braso ko. Nakakapaso ang paraan niya ng paghawak.
Wala na akong masabi pa at sinubukan ko na lang na tumakbo dahil gusto ko nang makalayo na lang sa kanila. Pero mabilis akong nahawakan ni Mang Igme sa buhok kaya paatras akong napabalik sa kanila habang sila naman ay mga nagtatawanan.
Pigil ang aking pag-iyak. Sa sakit ng anit ko ay parang umurong ang dila ko. Hindi ako nakasigaw.
“Ikaw ha! Huwag na huwag mo kaming tinatanggihan. Wala kang ipagmamalaki sa ‘min. Kung ano ang ina mo, gano’n ka rin! At kami ang una mong mga customers.” Tumawa na parang demonyo si Mang Igme na sinundan ng mga kasama nito.
Kinakaladkad na ako ni Mang Igme gamit pa rin ang buhok ko papunta sa lamesa nila na halos ikatumba ko.
“H-huwag po! Maawa po kayo!” palahaw ko ng sigaw. Pilit na binabalanse ko ang katawan ko dahil isang maling galaw ay susubsob ako sa kalsada. Hanggang tuluyan akong mapadapa, bigla kasi akong nabitawan ni Mang Igme. Hindi ko na alam ang nangyayari, nahihilo ako at pakiramdam ko ay hihimatayin ako. Kaya huminga muna ako nang malalim.
Hanggang may marinig akong boses.
Nanginginig ang tuhod na napaluhod ako sa simento habang tinitingnan ang taong tumatawag sa akin.
“Love!”
Bumuhos nang husto ang luha ko. Salamat dininig ang panalangin ko. Salamat may dumating para tulungan ako. At nang makabawi nang lakas ay nakita ko ang taong nakikipag-away ngayon sa apat na siraulong lasing.
Si Mama Giovan, my gay ninang. Kahit nanlalabo ang mata ko ay madali ko s’yang nakilala dahil lagi itong naka-dress nang mahaba at hikaw na mahaba rin. Sa totoo lang ay hindi ko s’ya gusto. Ilag ako sa kaniya simula pa noon. Para sa akin ay bad influence siya. Sabi ni ate siya ang nag-impluwensya kay nanay na magtrabaho sa club.
May dalang dos por dos si ninang at iwinawasiwas iyon sa apat. Pilit na lumalapit ang mga ito kay ninang para agawin ang hawak nito pero hindi sila makakuha ng tyempo. Isang hampas kay Caloy ay tumba ito sa sahig.
“Mga walanghiyang walang magawa! Bakit pati itong inaanak ko ay pagpipiyestahan niyo ha! Mga demonyong bastos magsilayas kayo!” galit na galit na pinaghahabol ni ninang ang apat. Pinalo naman nito si Mang Igme. “Ikaw! Ang tanda-tanda mo na, malapit ka ng uurin hindi ka pa rin nagbabago!”
At tinutok nito ang dos por dos sa dalawa pa na mga nakayuko na lang.
“At kayo, ipapupulis ko kayo! Subukan niyo lang na ulitin pa ‘to may kalalagyan talaga kayo. Gusto pala niyo ng babae e bakit hindi kayo doon sa club ko pumunta! Palibhasa mga tamad kayo. Wala kayong pambayad mga animal kayo! Lumayas na kayo kung ayaw niyong ipa-barangay ko kayo ha!”
Takbuhan ang apat na lasingl. Kinuha lang nila ang hindi pa ubos na bote ng alak saka nagmamadali at nagkanya-kanya na ng uwi. Binitiwan naman na ni ninang ang hawak nitong pamalo saka ako inalalayang tumayo, kahit nakapantalon ay naramdaman ko ang gasgas sa tuhod ko, kumirot iyon. Payakap na nagpaalalay ako sa kaniya habang umiiyak.
“Anak, huwag ka ng umiyak. Nandito na si ninang.” Hinawi nito ang buhok ko pati na ang mga luha sa pisngi ko. “OK ka lang? May masakit ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital—mga walangyang ‘yon pati ikaw tataluhin, mga hinayupak talaga!”
“OK lang po ako ninang. Gusto ko lang umuwi na.”
Hinatid niya ako. Isang kanto na lang naman ang layo ng bahay namin at saktong napadaan kami sa Club Spade. Ang club na pagmamay-ari niya. Ang club na dating pinagtrabahuhan ng nanay ko. Naroon sa labas si Josah, ang gay na mother ng lahat ng worker doon na isa sa pinagkakatiwalaan ni ninang, kausap ang babae na halos naka-panty na lang yata sa sobrang ikli ng shorts na suot. Nagbuga ito ng usok ng sigarilyo saka umalis.
“Mama, sa’n ka punta?” tanong ni Josah kay ninang.
“Ihahatid ko lang ang dalaga ko.”
“Ingat po!”
Muli ay naiwan kaming dalawa na naglalakad na nga.
“Wala na akong balita sa inyo ng kapatid mo. Kumusta na ba?”
“Ito po. Ayos lang…”
“Kung may problema ‘wag kayong mahiyang puntahan ako ha. Alam mo naman, sobrang love ko ang nanay n’yo. At hindi niyo na itatanong e ibinilin niya kayo sa ‘kin.”
Ito ang laging linya niya sa tuwing magkikita kami na madalang namang mangyari. Akala niya ba laging may problema? O halata sa hitsura ko na namomoblea nga ako? Halata bang may sakit ako? Napahawak ako sa mukha ko. Pakiramdam ko nga pumapayat ako.
“Anut-ano man nandito lang ako ha. Hindi man malaki pero baka may maitulong ako. Sobrang bait ng nanay mo at gusto ko lang bumawi sa kaniya.”
Nagyuko ako ng ulo. Parang may kung anong kumukulo sa loob ko na gustong magpakawala ng luha. Tama bang ipaalala pa si nanay?
“At sana huwag niyong ikahiya ang naging trabaho n’ya. Hindi s’ya masamang babae. Sumasayaw s’ya oo pero ang nanay n’yo, never nagpahawak ‘yan sa mga customers namin. Ayaw na ayaw n’ya at ako naman din ang makakalaban nila. Iyon lang ang nag-iisang kondisyon niya. Ang tatay mo lang ang talagang minahal n’ya.”
Huminto ako at nagpahid ng luha.
“Bakit niyo sa akin sinasabi ‘yan ngayon? Isang taon ng patay si nanay.” Bumalik ang mga alaala na pilit kong kinalilimutan. At kung paanong kami ay binuhay ni nanay sa pamamagitan ng pagsasayaw.
“Wala naman.” Suminghot s’ya, naluluha na rin. “Nami-miss ko lang si Liberty.”
Ilang segundo kaming hindi nakaimik na pareho. Nagsusumigaw ang puso ko ng labis na pagkasabik sa ina.
At pagkatapos na yakapin n’ya ako sandali ay nagpaalam na ako.
“OK na po ako dito. Baka po nakakaabala na ako.”
“Sigurado ka ba?”
“Opo. Tahimik na po banda dito sa amin. Wala ng naig-iinuman.”
“O-sige. Pero kung may kailangan ka ha. Ikatutuwa kong ako ang una mong lalapitan.”
“Opo. Salamat po sa pagliligtas sa akin kanina. Kung hindi kayo dumating ay baka kung ano ang nangyari sa ‘kin.”
“’Yan ang hindi ko papayagang mangyari. Sige na. Uwuwi ka na’t magpahinga. Ikumusta mo ako sa ate mo ha at kay Hope.”
Mabilis na akong naglalakad para umuwi, pinipilit ko lang pero nanghihina na ako, pakiramdam ko ang lamig-lamig ng pawis ko. Para akong nananabik na maupo sa sofa namin na kahit butas na at lumalabas na ang spring ay napagtityagaan pa rin namin. Pagakatapos ng nakakapagod at nakakatakot na maghapon ay umaasa akong masarap ang tulog ko mamaya. Mabuti naman at kailangan ko iyon!
Pahinga.
Kapayapaan.
Masarap na tulog.
Pero ano ito?
Napahinto ako sa may kanto namin. Ang daming tao at may ambulansya?
Nanlaki ang mga mata ko at ang lamig kanina ay mas bumalot sa buong katawan ko lalo nang makita ko si ate na umiiyak habang nakasunod sa lumalabas ng pinto patungo sa ambulansya.
“Isagani!” dinig kong tawag n’ya sa pangalan ng bayaw ko.
“Mama!”
Nawala sandali ang hininga ko dahil sa mga nangyayari. At ang nagpabalik na lang sa akin sa aking ulirat ay ang tinig ng pamangkin kong nasa apat na taon ang edad na si Hope. Lumabas na rin ito ng bahay at humababol nang pilit sa mama n’ya.
“Hope!” Agad na akong tumakbo at nakipagsiksikan sa kumpulan ng mga tao at nang hustong marating ang pamangkin ko ay niyakap ko ito agad.
Nasilip ko pa si ate na umiiyak na nakatingin sa akin bago ang pintuan ng ambulansya ay tuluyang magsara, tila sinasabing, ako muna ang bahala sa lahat.
“Mama! Papa!”
Hindi ko man alam pa ang nangyayari ay pinili kong manahimik at yakapin nang ubod nang higpit si Hope. Wala itong tigil sa pagpiglas sa akin. Punong-puno rin ng luha ang mga mata at mukha niya. Kung pakakawalan ko s’ya sigurdaro akong magwawala ito at tatakbo pasunod sa lumalayo ng ambulansya.
“Tama na. Nandito si tita,” umiiyak na ring turan ko.
Unti-unti ay nabawasan ang tao sa paligid namin na parang nanonood lang ng shooting. Naiwan kaming mag-tita na kapwa umiiyak.
“Tahan na, Hope, tahan na ha. Magiging maayos din ang lahat. Magiging maayos si papa mo ha,” pang-aamo ko sa kaniya.
Sa kandungan ko sa sofa ay nakatulog ang pamangkin ko nang gabing iyon at habang nahihimbing na s’ya at marahan nang humihilik ay nakaramdam ako ng lungkot. Biglang binalot ako ng kalungkutan na dulot ng pag-iisa.
Nami-miss ko si nanay. Nami-miss kong may sabihan ng problema. Kung nandito s’ya ano kaya ang gagawin o sasabihin niya? Hindi siguro ako nalulungkot ng ganito ngayon. Dahil sa sobrang pagka-miss kay nanay ay niyakap ko na lang si Hope.
Pareho kami ni ate na may problema. At ngayong kami na lang dalawa sa ganitong sitwasyon, ano ang gagawin namin?
Napahagulgol na lang ako!
At para hindi marinig ni Hope ang pag-iyak ko nab aka ikagising niya pa ay tinakpan ko na lang ang bibig ko pero ikinagulat ko nang may makitang dugo sa kamay ko. Kinabahan ako at tumingala. Nagdurugo na naman ang ilong ko.
Dahan-dahan ay inilipat ko si Hope sa sofa saka ako tumakbo sa lababo para hugasan ang ilong at kamay ko saka ako tumingala ulit. Bumalik ako ng upo sa sofa, isinangkalan ko ang ulo sa sandalan para pigilan ang pagtulo ng dugo.
Huwag naman sanang cancer din ang ikamatay ko. Lung cancer kasi ang kinamatay ni nanay—second hand smoking ang cause. Dalawang taon siyang naging dancer sa club at nagsimula iyon noong nagsimulang hindi na umuwi si tatay.
Gusto kong sisihin si tatay na nang-iwan sa ‘min, sa mga nangyari sa buhay namin. Dahilan bakit napasabak si nanay sa ganoong trabaho. Ito ang nakita n’yang mabilis na paraan para buhayin kaming magkapatid. Nakapagtapos si ate ng pag-aaral at ako naman ay first year college na rin nang biglang bumagsak ang katawan ni nanay, kaya ngayon ay napilitan akong huminto.
“Heto, magsopas ka. Mainam ang sabaw para guminhawa ang pakiramdam mo, anak ko…”
Bigla akong nagising!
Nakatulog na pala ako at ang panaginip na kasama ko si nanay ang gumising sa akin. Buhay na buhay s’ya sa panaginip ko. Naka-duster siya na gaya ng lagi n’yang suot lang kapag nasa bahay. Ibang-iba kapag s’ya ay nagpe-perform sa club. Nag-iiba man ang kasuotan pero ang ngiti n’ya iisa pa rin naman at buhay na buhay iyon sa isip ko.
Naalala ko, hindi pa pala ako kumakain. Bigla na naman akong naluha. Ginising ako ni nanay para kumain.
At iyon nga ang ginawa ko. Tumakbo sa kusina at mabilis na kumain hanggang umingay ang cell phone ko na nasa tabi ko lang. Si ate ang tumatawag. Kahit pa’no ay um-okay ang pakiramdam ko. Nawala nang bahagya ang pagkahilo.
“Hello, ate. Kumusta kayo? Kumusta si kuya?” Tiningnan ko ang oras sa nakasabit na orasan sa pader. Alas dos na ng madaling araw.
“Hindi okay!” umiiyak na sagot n’ya pagkatapos ay napasinghot. “Si Hope, kumusta? Tulog na ba?”
“Oo. Kanina pa,” malungkot ang tono na sagot ko. Hindi ko alam pa’no tutulungan si ate o pa’no s’ya aaluin. Parang pareho kaming walang lakas ngayon, ubos na ubos kami.
“Pumunta ka rito,” ‘yun lang ang huling sinabi n’ya at pagkatapos ay napahagulgol na s’ya. Hirap na hirap ang ate ko. Kailangang-kailangan n’ya ng karamay. Kailangan n’ya ako.
Tarantang napatakbo ako sa Emergency Room. Pagkakitang-pagkakita sa akin ni ate ay napayakap s’ya agad sa akin. Hindi s’ya tumitigil sa pag-iyak. Wala naman akong magawa kundi hagurin ang likod n’ya. Sa likuran n’ya umiiyak din ako, hindi ko lang pinahahalata. Hindi lang niya masabi pero alam kong hirap na hirap s’ya.
“Sa puso…sakit sa puso ang sakit ng kuya mo. H—hindi ko alam saan kukuha ng halagang sinasabi nila. Pero kailangan….kailangan s’yang maoperahan agad,” putul-putol na paliwanag ni ate. Ako naman ay lumilipad na ang utak. Ang daming tanong sa isip ko. Halos hindi ko maintindihan ang sumunod niya pang mga sinabi basta naupo na kami sa waiting area.
Hindi ako nakasagot. Nahalata siguro ni ate na maging ako ay natataranta kaya iniba niya kahit paano ang usapan.
“Si Hope?”
“Iniwan ko kay kapitana. Tulog na tulog. Ayoko ng gisingin. Katulad natin, iiyak lang din ‘yon.”
“Anong gagawin natin?” napapasandal na tanong ni ate.
Hindi ko rin alam. Wala rin akong sagot sa tanong n’ya.
“Ayokong mawala ang kuya mo.” Umiiyak na naman s’ya. “Ayokong maging balo, Love. At paano si Hope? Ayokong maagang mawalan ng ama ang pamangkin mo…”
At ayoko rin naman kaya napaiyak na rin ako.
Hindi ko kaya na gaya namin ni ate ay mawalan ng tatay si Hope. At si ate. Ayoko s’yang nasasaktan ng ganito. Isa pa, mahal ko ang bayaw ko. Iisa na kaming pamilya. S’ya ang nag-iisang lalaki sa pamilya. Ang haligi namin. Hindi ko rin gusto na mawala s’ya.
Bakit ba kasi ang hirap magkaroon ng pera? May trabaho ako noon pero kinailangan kong huminto, pati pag-aaral ko nawala. At baka itong bait ko malapit na ring mawala.
Kinabukasan.
Pakiramdam ko namamanhid ang mga kamay ko sa sobrang lamig. Ang paghinga ko rin ay putul-putol na. Paanong hindi e papunta lang naman ako sa Club Spade. Hindi ko alam kung may dilang anghel si Ninang Giovan at nagkatotoo ang iniisip niya o may premunitions s’ya? Nakita ba niyang mangyayari ito kaya siya nag-offer ng tulong sa akin? At kung bakit ba naman sa lahat ng araw e kagabi ko pa s’ya mismo nakausap?
Ala sais ng gabi nang tumapat ako sa entrada ng club. Pakiramdam ko ay bangkay na akong nakatayo rito ngayon. Buong katawan ko na ang nanlalamig.
Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng babaeng nagbabatay sa labas. “May kailangan ka?”
Naka skinny jeans ako at loose na blouse, mugto ang mata at walang kulay ang labi.
“Si Ninang Giovan? Nand’yan ba s’ya?”
“Love!” Nilingon ko ang taong nasa likuran ko at may pamilyar na boses. “Nagkita lang tayo kagabi ah. What brought you here?” Iginiya niya ako sa gilid sa labas. Alam n’yang hindi ako pumapasok sa loob ng club, ni minsan nga ay hindi ko pa nasubukang itapak ang mga paa ko sa ganitong lugar, ni minsan ay hindi ko pinanood si nanay na sumasayaw.
“May problema?” Kita kong naalarma s’ya sa hitsura ko.
Sa hindi ko maintindihang kadahilanan ay humahagulgol na napayakap ako sa kaniya. Gulat man ay niyakap na rin niya ako pabalik at hinagod ang likod ko. Nagulat maging ang ilang mga dumadaan at ang guwardyang babae.
“Kailangan ko ng tulong. Si ate, kailangan n’ya ng malaking halaga. Kailangang maoperahan ang bayaw ko…”
Gimbal ang mukha ay walang makuhang sabihin si ninang. Ang balikat n’ya sadyang bumagsak din at sa mga mata ko ay malungkot na tumingin.

Comentário do Livro (54)

  • avatar
    GabrielleJhairy

    a highly recommended story to read,☺️☺️

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Chard Tamayo

    500

    11/07

      0
  • avatar
    يصل برنابا

    ang ganda

    24/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes