logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 7 I Love You 3k

- Nahara's POV -
Tiningnan ko 'yung babaeng kasama ko. Ang tawag pala sa kanila ay snakelets, anak ng ahas gan'un. Pero transformed siya into human form.
Ganda ng katawan niya, pwede siya maging modelo kung nasa earth siya.
"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko
Naglalakad kami, ipinapasyal niya ako sa planeta nila sa utos ni Snow.
"Ivy."
Oh, may pangalan talaga siya! Akala ko ay wala.
"I'm Nahara, Hara for short."
Nakakatawa pero ngayon lang talaga ako nagpakilala sa kanila. Loka-loka ako kanina sa sobrang takot at windang na na'ndito ako. Apat na beses yata akong nawalan ng malay.
Lihim akong napabuntong-hininga. Nagsink in na lahat sa utak ko na nasa ibang planeta nga ako pero hindi ko pa rin matanggap na patay na ako sa earth.
Likeeee, what was thaaaaat? Ano'ng ikinamatay ko?
May nadaanan kaming deep well. Huminto ako du'n at sumilip, hindi ko matanaw ang hangganan nu'n.
"May tubig din dito?" tanong ko
"Wala hiss, burial yan hiss hiss."
Napalayo ako sa deep well at sindak na napatingin kay Ivy.
"Burial? P-Paanong burial?"
"Hiss hiss d'yan tinatapon 'yung mga taong hiss hiss pinatay ni King Faro hiss hiss."
Natutop ko ang bibig ko, bigla ay hindi ko na kayang sumilip pa sa deep well.
"T-Totoo talaga ba papatayin niya a-ako?"
Nakakatakooooot hoooy! Patay na ako sa earth tapos mamamatay din ako dito? Double dead, kakaloka!
Nagshrug sa'kin si Ivy.
"I don't know hiss hiss, pero wala pa siyang ini-spare na tao hiss hiss. Lahat ng tao na kinukuha ni Snow sa earth hiss hiss pinapatay ni King hiss hiss kung hindi naman siya natutulungan sa sakit niya hiss hiss. Kaya mag-expect ka na rin na hiss hiss itatapon ka d'yan."
Hihimatayin na naman yata ako, sumasakit ang ulo ko. Sumakit ang katawan ko, sumakit ang balakang ko. Lahat na!
Nakakalokaaaa! I-expect ko na na itatapon ako dito? Hooooy! Ibalik niyo na lang ako sa earth!
Ipinagpatuloy na namin ang paglalakakad. Hindi ko ma-take kung burial talaga 'yun. Baka future burial ko rin kapag nagkataon.
"Hiss hiss pwede magtanong hiss?"
Tiningnan ko si Ivy.
"Ano 'yun?"
"Bakit hiss importante ang saplot hiss?"
"Eh?" react ko sa itinanong niya
"Hindi hiss talaga 'yun ang itatanong ko pero hiss hiss napansin ko rin hiss na palagi mo kaming pinagsasaplot hiss hiss."
(-_________-)   dahil 'yun ang normal! Ang magsaplot!!!!
"Ah, 'yun ang normal sa mundo namin." sagot ko
Pinasimple ko na lang ang sagot ko kahit marami akong gustong sabihin tungkol sa pagsasaplot para i-correct sila.
Mas madaling tanggapin ang isang kadahilanan o katwiran kapag simple.
Isa pa, iba-iba talaga ng kultura hindi ko lang talaga ma-take kanina na wala silang mga saplot. Para tuloy kaming nasa Garden of Eden. Kaibahan lang din, bulok na at patay ang mga halaman dito. Tapos parang hell, hindi heaven hehe
"Hiss hiss ang saplot namin ay mga dahon hiss hiss." sambit niya, "Sabi ni Snow ay normal hiss nga daw sa earth ang magsuot ng damit hiss hiss."
Tumango ako.
"Bakit patay na ang mga halaman niyo?" tanong ko
Napadaan kami sa isang sapa. Marumi ang tubig.
"Bakit marumi ang tubig?" dagdag tanong ko pa, sobrang dumi nu'n
Hindi sumagot si Ivy.
"Ah s-sorry, nakaka-offend ba ang tanong ko? Hindi mo kailangan sagutin hehehe." bawi ko
Tumingin siya sa'kin.
"Malinis ang sapa at magaganda ang mga halaman noon hiss. Buhay na buhay hiss ang planeta namin noon."
Tumango lang ako. Gusto ko talagang alamin kung anong nangyari kaso baka ma-offend ko ulit siya sa tanong ko. Baka sensitive ang usapan na 'yun sa kanila.
"Until one day hiss hiss, unti-unti namin namalayan hiss na namamatay ang lahat ng halaman hiss hiss, dumudumi ang tubig hiss. Natutuyo ang mga lupa hiss at walang bunga ang mga puno hiss hiss."
"B-Bakit? Ano'ng dahilan?" lakas loob kong tanong
"Malungkot ang hari."
Ah, ang hari?
"Siya ang pinagmumulan hiss lahat ng buhay dito sa planeta hiss hiss. Kung wala siya hiss wala lahat, pati kami hiss hiss."
"Ano'ng kinalaman ng nararamdaman ng hari sa living things dito sa planet niyo? I mean, depende ba 'yun sa nararamdaman niya at hindi sa buhay niya o sa gusto niyang gawin?"
Di ba gan'un 'yun? Patuloy niyang mabibigyan ng buhay ang lahat kung gugustuhin niya at hangga't buhay siya, god siya ah!
Muling nagshrug si Ivy sa'kin.
"Hiss I don't know hiss, si Snow ang nakakaalam hiss hiss."
Hindi ko naman naiintindihan si Snow.
Dinampot ni Ivy 'yung isang bulok na dahon.
"Nakaka-miss ang aming buhay na planeta hiss hiss, sana matulungan mo ang aming hari hiss hiss."
'Yun ay kung willing siyang tumanggap ng tulong at tatanggapin niya rin ang katotohanan sa sakit niya.
Hindi naman malala ang sakit niya, may lunas sa gan'un.
Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit may ganu'ng sakit siya gayu'ng god siya.
Fake god siguro tss.
Bigla ay humangin ng malakas kaya napakapit ako kay Ivy sa gulat. Tila parang bagyo sa lakas ng hangin.
KYAAAAAAH! Liliparin ako ng hangin hooooy!
"Magsorry ka sa hari kung anuman hiss hiss ang masama mong inisip hiss tungkol sa kanya hiss hiss."
"Ha?" react ko sa sinabi ni Ivy
Bigla ay kumidlat at kumulog. Nagagalit ang kalikasan.
"Hiss nababasa niya isip ng lahat hiss hiss."
HOOOOOY! Salbaheng hariiiiii!!!!
Lalong lumakas ang hangin dahilan para liparin kami ni Ivy. Ngayon ko lang naranasan na matangay ng hangin sa tanang buhay ko!
"Hiss hiss magsorry ka na hiss." pagpipilit ni Ivy, parang natatakot na rin siya
"SORRYYYYYYYY MAHAL NA HARI!" sigaw ko
Pero syet kaaaaa!! Ang bad mooo!!!!
At ayu'n, tinangay na kami ng hangin. Lalo lang yata nagalit ang diyos sa'kin.
Napahawak kami ni Ivy sa isang...
Syet! Deep well!!! Buriaaaal!!!
"Kumapit ka hiss hiss."
"Nooooo!!! Baka mahulog tayo sa loob huhuhu!" naiiyak kong sambit
Nakakatakot kaya 'tong deep week na 'to! Paano kung mahulog kami sa loob tapos may mga bungo pa?
Kyaaaaaaah! I hate my imagination! So creepy!!!
"SORRY NA KASEEEEE MAHAL NA HARI! I LOVE YOU 3K!" muli kong sigaw
Nakapikit na ako, parang bumabagyo na dito. Kailangan na namin ng rescuers!
Lalong lumakas ang kulog pero humina na ang hangin. Napamulat ako at tiningnan ko si Ivy para i-check kung okay pa ba siya.
Medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil at least hindi na kami tatangayin pa.
Haaayst! Pambihira talaga.
"Hiss hiss huwag kang mag-iisip ng masama hiss tungkol sa hari hiss hiss." ani Ivy sa'kin
(-_-)  parang ang imposible naman yata nu'n kung masama ang ugali--ehem ehem-- nevermind.
Muli kong tiningnan si Ivy, sindak ako dahil magulo na ang buhok niya. Hindi na natatakpan ang dibdib niya.
Lumapit ako sa kanya at inayos ko ang buhok niya. Nati-trigger talaga ako, kailangan ko silang gawan ng saplot!
Pero hindi ko naman alam kung saan ako kukuha ng tela.
.
- Lucius' POV -
Fake god siguro tss.
Agad nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig ko mula sa isipin ng tao.
Nagpadala agad ako ng malakas na hangin sa kinaroroon nila ni Ivy.
Fake god you say huh! I will show you how fake am I, you inferior human!
Nagpadala din ako ng malalakas na kulog at kidlat dahil patuloy siya sa pag-iisip ng masama tungkol sa'kin.
"SORRYYYYYYY NA MAHAL NA HARI!" narinig kong sigaw niya kahit na malayo ang kinaroroonan nila ni Ivy
["Pero syet ka!! Ang baaaad moooo!!!"]
Aba't!
Mas pinalakas ko pa ang hangin sa kinaroroonan nila. Ngayon pa lang papatayin ko na siya. Hindi ko siya titigilan hangga't hindi siya nahuhulog sa deep well na kinakapitan niya!
["Stop that Lucius!"] saway sa'kin ni Snow mula rin sa malayo
["I will kill her now!"]
["Lucius -----"]
"SORRYYYYYYY NA KASE MAHAL NA HARI! I LOVE YOU 3K!"
HA?
Natigilan ako kaya't tumigil din ang malakas na paghampas ng hangin sa kinaroroonan nila.
["She said 'I love you'"] ani Snow
Nag-uusap kami sa isip lang.
Alam kong sinabi lang 'yun ng tao para tumigil ako sa ginagawa kong panggugulo pero may naalala ako sa sinabi niya.
["She said 'I love you 3k'"] sambit ko kay Snow
Pinatigil ko na rin ang ingay na nagmumula sa kalangitan.
["I have loved you for 3,000 years now Snow."]
["Ah, it's been 3,000 years already? Time flies too fast, huh."]
["I still love you Snow."]
Yeah, I know in my heart that I still love her.
She smiled at me. Her smile always makes me smile.
["Snow?"] tawag ko sa kanya sa isipan dahil hindi siya nag-respond sa sinabi ko
["Let the human help you with your sickness, okay? Then we'll talk about that once you're okay."]
["In sickness and in health I always love you. Huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko dahil lang may karamdaman ako!"]
Darn it! That's what we're fighting for this past few weeks! Kaya gusto ko na ng gagamot sa'kin!
["Yeah, yeah, I love you too Lucius, 3k! For 3,000 years, I have always loved you."]
Napangiti ako.
She never failed to make me smile.
But yet...
There's something wrong in me.
No! I'm fine! Basta kasama ko si Snow, I'm fine!

Comentário do Livro (46)

  • avatar
    RuizJuliane Claire

    I want you to have more dreams

    5d

      0
  • avatar
    LambinoFrancis Aaron

    okyyyy

    13/08

      0
  • avatar
    Jhamir Ofiasa

    It's really cool

    15/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes