logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

Kinuha ko ang hose at tinapat iyon sa halaman na nasa harap ko.
Hindi ko alam na magiging hardinera pala ako kapag umuwi na ako ng Pilipinas.
“C’mon, Max!” Tiningnan ko ang mga kapatid ko na naglalaro sa damuhan.
“Yahhh!” Nagtatakbuhan sila habang nasa bilaran.
Sabik sila sa sikat ng araw dahil halos ilang buwan na rin nagyeyelo sa bansang pinanggalingan namin kaya lagi lang silang nasa loob.
Hindi pa ako tinatawagan ni Rein kaya naman hindi ko alam kung kailan ko siya makakausap ng personal.
Pati si Atreus ay wala na rin paramdam simula nang makaalis kami.
‘Baka inaayos na niya ang naiwan kong trabaho ro’n?’
Napakibit-balikat na lang ako bago mapatingin sa mga kapatid ko.
Kung wala naman pala akong gagawin pa ay mas mabuti atang ipasyal ko muna ang mga kapatid ko.
“Charlie!” tawag ko rito at agad naman silang napahinto sa kanilang ginagawa.
“Yes, Ate?” tanong niya at sinenyasan ko naman sila na lumapit.
“Come here,” ani ko at binuhat naman niya si Maxine bago lumapit sa akin.
“Ate Cally.” Nagpakaraga sa akin si Maxine kaya naman kinuha ko siya kay Charlie.
“Magbihis kayo, mamamasyal tayo,” sabi ko at agad na napangiti ang dalawa.
“Yes! C’mon, Max!” Muli niyang kinuha sa akin si Max at masayang pumasok sa loob ng bahay.
Pinatay ko na rin ang gripo ng hose na hawak ko bago pumasok sa loob.
“Good morning, Miss,” bati sa akin ng maid na nakasalubong ko.
Nginitian ko siya bago siya lagpasan.
Wala si Kuya Chase at tanging si Kuya Ezekiel lang ang nandito na p’wede kong utangan.
Natatawa na ako sa isip ko.
Hindi ko pa napapapalitan ang pera ko dahil balak kong sa mall na lang magpapalit ng pera.
“Kuya?” Kinatok ko sa pinto ng k’warto niya.
“Cally, ang agad pa!” sigaw nito kaya naman pinihit ko ang door knob ng k’warto niya at hindi naman ito naka-lock. “What do you need?” bungad niya sa akin nang makapasok na ako sa k’warto niya.
“Pautang,” sabi ko sa kaniya at sinundan ng pekeng tawa.
“Saan ka na naman pupunta?” Taas kilay na taong niya sa akin.
“Ipapasyal ko lang sila Charlie,” sagot ko sa kaniya.
“Idadamay mo pa ang mga bata,” reklamo niya pero dumudukot na sa wallet niya. “That’s enough?” tanong niya sa akin nang mag-abot siya sa akin ng pera.
“This is okay, salamat.”
“Cally, ayusin mo lang. Baka maligaw ka na naman,” sabi niya at umiling naman ako.
“Pagod ako kagabi at medyo madilim na ang daanan kaya medyo naligaw ako.”
“Bahala ka, maligaw ka na ’wag lang ang mga bata.” Tinulak niya ako palabas ng k’warto niya.
Ang sama pa rin talaga ng ugali niya.
Nang makalabas na ako ay dumiretso ako sa k’warto ko para magbihis na rin dahil mukhang nagbibihis na rin sila Charlie.
Isang simpleng damit lang ang sinuot ko dahil sa mall lang naman kami pupunta.
Tinawagan ko na rin si Jade at tinanong kung gusto niyang sumama sa amin at agad naman siyang sumagot ng ‘Oo’.
Paglabas ko ng k’warto ko ay naabutan ko sila Charlie at Maxine na kalalabas lang din sa kanilang k’warto at nakabihis na.
“Okay na kayo?” tanong ko sa kanila at lumapit upang kargahin si Maxine.
“Oh my god, I’m so excited, Ate,” ani Maxine na parang kinikilig kaya naman napangiti ako bago siya halikan sa pisnge.
“Ate, maganda ba sa pupuntahan natin?” tanong naman sa akin ni Charlie at tumango naman ako bilang sagot.
“Sobrang ganda.” Kumindat ako sa kaniya bago kami magsinulang maglakad.
Pababa na kami ng hagdan nang marinig namin ang boses ni Kuya Ezekiel.
“Alis na kayo?” niya sa amin kaya naman napahinto kami sa paglalakad at tumingin sa kaniya.
“Hindi, kauuwi lang namin,” pamimilosopo ko kaya naman napataas ang kaniyang kilay.
“Umalis na nga kayo,” pagtataboy niya sa amin at narinig ko ang hagikhik nitong dalawang kasama ko.
“Bye, Kuya Eziel!” sigaw ni Maxine bago kami makalabas sa bahay.
Agad naman kaming dumiretso sa garahe kung saan nakahilera ang kotse mg mga kapatid ko.
At dahil kami ang aalis ang kotse ko ang ginamit namin.
Habang nasa byahe ay panay ang harutan nila Charlie at Maxine habang tumitingin sa nadaraanan namin.
Sa bagay ngayon lang sila makakagala simula nang dumating kami rito at aaminin ko na kahit ako ay namamangha sa mga nakikita ko.
Limang taon na pala ang nakalipas at talagang napakarami nang nagbago sa paligid kaya naman natatawa ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa akin kagabi na naligaw ako.
“Ate, what’s that?” Tumingin ako kay Charlie nang maituro siya sa labas ng kotse at nakita ko ang isang site.
Mukhang building ang binubuo rito dahil malaki ito kahit na hindi pa yari.
“I’m not sure but I think that’s a building or what,” sagot ko rito.
Niliko ko na ang kotseng sinasakyan namin dahil magkatabi lang ang construction site at ang Mall na balak naming puntahan.
Hindi pa tuluyang humihinto ang kotse namin pero nagtanggal na ng seat belt sila Charlie kaya naman napailing na lang ako.
Hindi naman halatang sabik sila sa gala.
Nag-park ako at nang mapatay ko na ang makina ay may kumatok sa bintana ng kotse ko.
“She’s here,” wika ko at agad namang napatingin sa akin ang mga kapatid ko.
“Who is she, Ate?” tanong ni Charlie at sasagot na sana ako pero may nauna nang sumagot.
“She’s look so familiar, it’s ninang Jade?” takang tanong ni Maxine habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa labas ng kotse namin. “Oh my god! It’s ninang Jade!” sigaw ni Maxine kaya naman napangiti ako.
Buti naman naaalala niya pa si Jade, sabagay ilang buwan din siyang tumira kasama si Jade kaya naman sigurado akong hindi niya makakalimutan ito.
Bumaba kami sa kotse dahil baka naiinip na si Jade, mukha ring kanina pa siya rito.
‘Excited.’
Nang makita kami ni Jade ay agad siyang tumingin sa mga kapatid ko.
“God, eve liit? It’s that you?” gulat na tanong ni Jade at lumapit kay Maxine bago ito pantayan ng yuko.
“Ninang Jade!” Nagpakarga si Maxine kay Jade kaya naman inakbayan ko si Charlie.
“Jade, this is my little brother, Charlie.” Tumingin si Jade kay Charlie at ngumiti.
“Hi, I’m Charlie,” ani Charlie at nakipagkamay kay Jade.
“I’m Jade, friends of Cally.”
Hindi naman kami nagtagal sa labas at pumasok na kami sa loob ng Mall.
Ang balak namin ay kakain muna kami bago mamasyal pero sila Charlie ay mas pinili munang mamasyal dahil hindi pa naman daw sila gutom kaya naman ngayon ay nandito kami sa arcade.
“Buti naaalala ka pa ni Max,” sabi ko habang nanonood kay Maxine na naglalaro habang si Charlie ay panay ang pagkuha ng litrato rito.
“Sabi ko naman sa’yo walang makakalimot sa isang tulad ko,” mayabang na saad nito kaya naman napailing ako. “Nagkita na ba kayo?” biglang tanong ni Jade at alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.
“Hindi pa kami nagkikita at hindi pa rin naman sinasabi si Atreus kay Rein na nandito na ako kaya naman siguro bukas o sa isang linggo ko na siya kausapin, gusto ko munang mamahinga.”
“Saan ba nakatira ngayon si Rein?” tanong sa akin ni Jade kaya naman nilingon ko siya.
“Nasa Bulacan ngayon si Rein at hindi ko alam kung saan siya magpapatayo ng bahay,” tugon ko rito at napangiti naman siya.
“May balita ka na ba sa mga kaibigan mo?” tanong na naman ni Jade.
Naiintindihan ko naman kung bakit siya tanong nang tanong dahil hindi maayos ang naging pag-alis ko rito.
“Wala, wala na akong contact kila Marco o kahit na kila Icom,” pagsasabi ko ng totoo.
“Bakit hindi mo subukan balikan ’yong bahay na tinirahan mo dati no’ng mga panahon na nagtatago ka pa?” Natigilan ako sa sinabi ni Jade.
“Ate!” tawag sa akin ni Maxine at nang humarap ako sa kanila ay biglang may nag-flash kaya naman napapikit kami ni Jade at sila Charlie naman ay tumatawa.
“Ngayon palang nakikita ko na kung kanino nagmana ang mga ’to,” bulong ni Jade habang natatawa.
Nang matapos at mapagod kalalaro sila Maxine ay pumunta naman kami sa restaurant kung saan puro pagkaing pinoy ang ise-serve nila sa inyo.
Si Jade ang nagdala sa amin dito dahil gusto niya raw matikaman nila Maxine ang mga pagkain ng Pilipinas.
Kaya ito ang mga kapatid ko mga curious na curious sa mga pagkain na nakikita nila ngayon sa harap nila.
“How about this one?” tanong ni Charlie sa isang putahe ng pagkain na nasa harap niya.
“That’s binagoongan,” sagot ni Jade sa kaniya ako naman ay inaasikaso ko na si Maxine na lagyan ng pagkain sa harap niya kahit na tanong siya nang tanong kung masarap daw ba ’yon o ano.
“This? This is delicious?” tanong ni Maxine sa akin habang nakaturo sa adobong baboy na nasa harap niya.
“Yah, taste it.” Sinubuan ko siya at hinintay ang kaniyang sasabihin.
“Ate, masharap!” komento nito at talagang nakapagtagalog pa siya dahil dito.
‘Kailangan muna palang pakainin ng pagkaing pinoy bago magsalita ng tagalog.’
Napailing na lang ako bago magsimulang kumain.
Habang kumakain ay hindi na nagtigil sila Charlie magsalita na kesyo masarap daw yung mga pagkain.
“’Wag kayong magsalita kapag may laman ang bibig niyo,” saway ko sa kanila at naitikom naman nila ang kanilang mga bibig.
Nagtatalsikan kasi ang kanin mula sa bibig ni Maxine kapag nagsasalita siya.
Bumaling naman ako kay Jade nang may maalala akong itanong sa kaniya.
“Bakit hindi mo kasama si Ate Jaz?” tanong ko sa kaniya dahil ang alam ko ay sasama si Ate Jaz sa kaniya ngayong araw.
“Sasama talaga siya ngayon pero nahilo siya at medyo sumasakit ang ulo kaya naman pinagpahinga muna namin siya ni Kuya dahil baka pagod lang ’yon,” wika niya.
“I see,” naisagot ko na lamang sa kaniya bago bumalik sa pagkain.
Hindi rin naman kami nagtagal sa kainan dahil nang matapos kaming kumain ay agad na nag-aya si Jade na manood ng cine lalo na at may showing pala ngayong movie sa mall na napuntahan namin.
“Wala ka ba talagang hanapin sila Dylan?” bulong sa akin ni Jade habang nanonood kami.
“Bakit ba parang gustong-gusto mong magkita-kita kami?” tanong ko sa kaniya at narinig ko naman ang kaniyang pagpalatak.
“Ako ang nanghihinayang sa naudlot niyong pagmamahalan ni Dylan.” Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Jade.
‘P*tcha, kaya pala kinukulit niya ako.’
“Sira ulo ka ba?” tanong ko sa kaniya. “Ikakasal na ’yong tao tapos gusto mong matuloy ’yong sinasabi mong naudlot na pagmamahalan,” wika ko at narinig ko naman ang kaniyang pagtawa.
“Ano ba ’yan! May nanonood dito ang ingay-ingay wala namang nakakatawa sa pinapanood.” Nakatinginan kami ni Jade nang may magreklamong isang manonood na nasa harap namin at sabay na mapahagikhik.
“Ang ingay mo raw kasi,” ani Jade.
“Manahimik ka na,” saway ko naman sa kaniya dahil baka tuluyang mainis ’yong nasa likod namin at magalit ulit.
Bakit ba kasi laging binabanggit ni Jade si Dylan? Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-isip.
Napapaisip lang ako na bakit nga hindi ko siya hanapin para naman kahit na bago siya ikasal ay masabi ko na nakabalik na ako at hindi na talaga niya ako nahintay pero may parte sa akin na ayaw ko nang magpakita sa kaniya dahil baka magalit sa akin si Dylan.
Pero gusto ko kahit na saglit lang, kahit na hindi na niya ako makita basta ay masilayan ko lang ang mukha niya at masiguradong ayos lang siya ay okay na sa akin.
Alam ko na malaki na ang pinagbago niya at baka pati ang hitsura niya ay nagbago na. Baka mas lalo siyang gumwapo.
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig kong may nari-ring na cellphone.
Lahat ng mata ay nakatingin sa akin kaya naman mabilis na kilos ang ginawa ko at kinuha ang cellphone ko sa bulsa na nakalimutan ko palang i-silent.
‘Nakakahiya!’
Napatingin naman ako kay Jade na kunwari pang hindi nakatingin sa akin pero kitang-kita ko kung paano siya magpigil ng tawa.
Tumayo ako at bahagyang yumuko sa mga taong nakatingin sa akin na napapailing.
Dali-dali na akong lumabas sa cine-han na ’yon dahil sobra nang kahihiyan ang nararamdaman ko.
Bakit ba kasi nakalimutan kong i-silent ang cellphone ko.
Napapailing na lang ako habang palabas sa cine-han.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at wala na patay na ito, balak ko pa sanang tawagan ito ulit pero biglang namatay ang cellphone ko.
Ilang ulit pa akong pumikit dahil sa nakikita ko.
Wala na palang karga ang cellphone ko?
Napahinga ako nang malalim bago magsimulang maglakad palabas ng mall.
Hindi p’wedeng nakapatay lang ang cellphone ko dahil baka mamaya ay si Rein na ang tumatawag sa akin kaya pupunta na muna ako sa kotse ko para mag-charge.
Iiwan ko muna sila dahil alam ko na alam na ni Jade kung nasaan ako kung sakali mang hanapin ako ng mga bata ay sa ibang lugar naman kami pupunta total at maaga pa naman.
Napapailing na lang talaga ako habang naglalakad, napagdesisyonan ko na rin na sa likod ng mall na lang ako lumabas dahil mas malapit dito ang parking lot.
Habang naglalakad ay hindi mawala sa isip ko si Dylan, pakiramdam ko kasi ay magkikita kami.
Nakakatawa man isipin pero pakiramdam ko talaga ay magkikita kami o dala lang ’to ng pagkasabik ko sa kaniya?
‘Hay, Cally.’
Pero ikakasal na siya, a-attend na lang ako sa kasal nila para personal ko silang mabati.
Ako naman magpapaksal na rin ako kay Atreus kung magkakataon dahil ayaw kong tumandang dalaga.
Natawa ako ng bahagya dahil sa naiisp ko.
“B*liw,” bulong ko sa sarili ko.
Nang makalabas ako sa mall ay site ang nadatnan ko.
Nandito pala ang site na nakita namin kanina.
Habang naglalakad ay hindi ko maialis ang paningin ko sa site na nasa harap ko.
Sino kaya ang engineer nito?
Sa sobrang pagkalibang ko sa panonood sa site ay hindi ko na namalayan na may makakasalubong ako, may batang bumangga sa akin kaya naman yumuko ako para tingnan siya.
“Oh god! It‘s hurt!” sigaw nito habang nakaupo sa sahig.
Tumayo siya at hindi man lang niya ako tinapunan nang tingin at nagpatuloy sa pagtakbo kaya naman sinundan ko siya nang tingin at tumaas ang aking kilay nang makitang papunta siya sa site pero hindi iyon ang nakapagpataas ng kilay ko kung hindi ang truck na nagbababa ng bakal.
“Aish.” Napakagat ako sa labi ko bago humabol sa batang lalaking patuloy sa pagtakbo at hindi napapansin ang mga bakal na pababa. Mukhang hindi rin siya napapansin ng mga manggagawa kaya naman mas binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa madakma ko ang likuran niya at kasabay ang pagbagsak ng bakal.
Kung hindi ko siya nadampot agad ay sigurado akong sa Hospital ang bagsak niya.
Malakas ang naging ingay ng pagbagsak ng bakal kaya naman napapiling ang ulo ko.
Ito namang batang karga ko ay napakapit sa akin.
“Ma’am, bawal po kayo riyan!” sigaw ng isang construction worker sa akin nang makita niya kaming nakatayo malapit sa site.
Tinaas ko ang aking kamay upang humingi ng pasensya bago tumalikod at lumayo sa site.
“What are you doing there?” tanong ko sa bata habang naglalakad ako.
“I’m lost,” bulong niya.
“D*mmit, I’m in trouble,” bulong ko rin bago siya ibaba nang masigurado kong nakalayo na kami sa site.
Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin din siya sa akin.
Maganda ang mukha niya at halatang mayaman.
“What’s your name?” tanong ko sa kaniya at napaawang naman ang labi ko nang makita kong bumigat ang kaniyang paghinga habang nakatingin at unti-unting humahaba ang pang-ibaba niyang labi.
Unti-unting nanubig ang kaniyang mga mata kaya naman napalunok ako.
“H-hey,” tawag ko rito at tuluyan nang lumabas ang hikbi sa kaniyang bibig na unti-unting lumakas na naging iyak na talaga kaya naman nataranta ako. “K-kid.” Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya o iiwan na lang.
Namumula na siya habang walang tigil sa pag-iyak.
“D*mmit!” wika ko bago siya kargahin.
Agad naman siyang yumakap sa leeg ko.
He’s scared.
“It’s okay, you’re safe now,” bulong ko rito habang hinihimas-himas ang kaniyang ulo.
“Demetri!” Napatingin ako sa likod ko nang may marinig na naman akong batang sumisigaw. “Demetri!” sigaw nitong muli habang nakatingin sa akin.
Napatabingi ang ulo ko nang makita ko ang isang batang babae na papalapit sa amin. Tiningnan ko ang mukha nitong batang lalaking karga ko at ang batang babae na papalapit sa amin.
“Kambal?” tanong ko dahil magkamukhang-magkamukha sila, girl and boy version.
“Let him go!” sigaw nang batang babae sa akin nang makalapit na siya sa amin. “I said let him go!”
Binaba ko ang batang lalaki na karga ko.
“Demetri! Are you okay!?” tanong nito habang pinupunasan ang mga luha sa mukha ng kambal niya. “Are you hurt!?” Sinuri niyang mabuti ang katawan ng kambal niya at nang masiguradong ayos naman ito ay pinukol niya ako nang masamang tingin. “And you! Who are you!?” tanong nito sa akin kaya naman pumantay ako sa kaniya.
“Hey, kid. I’m older than you, watch your words,” sabi ko at tiningnam sila.
Kambal nga sila
“Jusko! Riye! Demetri!” Ngayon naman ay sa isang babae naman ako napatingin.
Nagmamadali ito habang may luha ang mga mata.
“Jusko kayo! Hindi ba at sinabi ko na ’wag kayong lalayo sa akin!? Mga bata kayo lagot ako kay Madam nito!”
“Yaya!” Agad na lumapit ang batang lalaki sa babae samantalang ang batang babae naman ay nanatiling nakatayo sa harap ko at nakatingin sa akin.
“Ayos ka lang ba, hijo? Anong masakit sa’yo? Bakit ka umiiyak?” tanong ng Yaya sa batang lalaki.
“I’m okay, Yaya.”
“Tell me your name?” sambit ng batang nasa harap ko kaya naman tumingin ako sa kaniya.
“Huh?” takang tanong ko sa kaniya.
“Just tell me your name.” Nag-iwas siya ng tingin habang namumula ang mukha.
“Why?” tanong kong muli sa kaniya.
“B-because you’re beautiful,” mahinang bulong nito kaya nan napangiti ako bago tumayo at humarap sa kanilang Yaya.
“Nakita ko ho ang batang lalaki na ’yan na papatakbo sa site at muntik nang madisgrasya pero okay naman siya kaya wala kayong dapat na ipag-alala,” paliwanag ko rito at naman siyang napatingin sa alaga niya.
“Jusko, Ma’am! Maraming salamat po! Mawawalan ako ng trabaho kung may nangyari kay Demetri!” Umiiyak na wika nito
“Walang ano man ho, basta ay sa susunod mas maging alerto kayo at ’wag niyong aalisin ang paningin niyo sa mga bata,” sabi ko pa at labis-labis ang kaniyang pasasalamat.
Nang maayos na ay tatalikod na sana ako nang may biglang humawak sa damit ko kaya naman napayuko ako sa tabi ko.
“What’s your name?” pangungulit ng batang babae kaya naman muli akong umupo at hinarap siya.
“Thank you for appreciating my beaty, you’re beautiful too.” Hinawakan ko ang kaniyang ulo bago ngumiti. “Cally,” sabi ko bago tuluyang tumayo at iwan sila sa bahagi ng parking lot na ’yon.

Comentário do Livro (182)

  • avatar
    MagsanocMark angelo

    maganda

    12d

      0
  • avatar
    Christian Rhey Peña

    nice story

    14d

      0
  • avatar
    Jaylord Raboy

    good

    15d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes