logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Season 1: Chapter 5: King Arden

Tagahatid na ako ng sulat simula bukas. Pero may isang problema, hindi ko alam kung anong lugar at hindi ko pa kabisado ang daan dito. Alam kong mawawala ako nito kapag hindi ako mag-iingat. Bukas, hihingi ako ng mapa para gabay ko.
"Ang sarap ng buhay dito." Pero mahirap din minsan. Sa dating mundo ko, maraming problema akong dinadaanan. Para ngang nagbabakasyon lang ako ngayon sa hindi ko pinaplanong lugar. At saka, ang ganda ng pamumuhay nila rito, simple lang.
Wala akong nakikitang halos nakahubad na babae dahil sa suot na damit. Silang lahat dito may respeto sa isa't isa kaya nagsusuot sila ng simple at may halong purity. "Utos ba ito ng mga royalty?" O sadyang ito talaga ang kultura nila?
Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa kisame. Gabi na ngayon at nasa kwarto ako. Sasabihin nating hindi ko nga ito kwarto, pinapatuloy lang ako ng Prinsipe rito sa lugar ng pinagtatrabahuan ko. Buti nga maraming bakanteng kwarto rito sa loob kaya ayos na rin.
"Maki-inom nga ng tubig."
Tumayo na ako para pumunta sa kusina. Alam kong nocturnal akong tao kaya naisipan kong magpahangin muna sa labas.
"Sarap manirahan dito." Ang sarap ng simoy ng hangin. Walang halong toxins at ramdam mo talaga ang pure nito.
"Hindi ka makatulog, Binibining Rachelle?" Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng Prinsipe. Napahawak ako sa dibdib nang makita ko ang mukha niya. Hindi ko siya napansin dito kanina. Kanina lang kaya siya rito?Bakit niya ako palaging jinu-jumpscare?
"Ginulat mo ako," wika ko sabay hinga ng maluwag. Akala ko may papatay sakin.
"Anong ginagawa mo rito, Mahal na Prinsipe?" I dropped down my voice habang pinigilang manginginig.
"Kakatapos ko lang magtrabaho."
"Anong trabaho? Nitong oras?" Tumabi siya sa tabi ko. Ang hirap siguro maging Prinsipe at worker at the same time. Masyadong maraming gawain. Hindi ko alam kung kaya pa ba niya. Wala naman siyang eyebags, hindi halata dahil sa mukha niyang makinis at maginoo.
"At ikaw? Anong ginagawa mo dito? Hatinggabi na't nasa labas ka pa."
Napaisip ako. "Nagpapahangin lang," aking sagot. Napatingala ako sa kalangitan at bigla kaming pinalibutan ng katahimikan. Ang awkward.
Gotta think a topic. Gotta say something.
"Nga pala," sabay naming sabi sabay lingon sa isa't isa. Tignan mo! Masyadong awkward na! Ikaw kasi.
"Ah eh, ikaw na mauna," wika ko rito. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya.
"Kailan ka matutulog?" Why is he asking me that? Does he want something?
"Hindi pa ako makatulog e. Kailan nga ba." Uminom ulit ako ng tubig.
"Gusto mo bang gumala sa bayan?" I paused. I-Is he inviting me?
Bigla na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. H-He's literally making me fall for him. W-What should I say? What should I answer?
But think deeply. This is the right time to get close to him. This is the right opportunity, right? I'm afraid of making wrong decisions and making myself suffer.
"Pero ayos lang naman kung aayaw ka---"
"Kailan?" I literally just blurted it out. Napatingin siya sakin nang nakataas ang kilay. Is he confused? Binalingan niya ng tingin ang damo saka napatawa. Is he making fun of me? Was he just messing around?
"Ngayon. Ayos ba?" biglang kumikinang ang mga mata niya. I bet mine, too.
Agad kaming tumungo sa bayan. Kahit hatinggabi na, may mga tao pa ring lakbay ng lakbay rito. Napatingin ako sa kalangitan. "Wow! Ang daming lanterns!" Napangisi ako sa ganda sabay turo sa mga nagliliparang lanterns.
"Teka! Punta tayo dun!" Hindi ko namalayang kaswal ko lang na hinila ang kamay ng Prinsipe. Nagpahila din naman siya kaya nilakasan ko pa. May mga taong nagsasabit at taimtim na nagdadasal sa harap ng lantern nang di pa nila ito pinalipad.
"Gusto mong subukan?" tanong ng Prinsipe.
Umiwas ako ng tingin saka hinahon akong tumango. Hindi ako tumango kasi gusto ko. Tumango ako dahil hindi ko kayang tanggihan ang alok niya. Hmph. Inaalok niya ba ako? It looks like it. He's asking me, right? Kaya mukha na ring nacu-curious siya diba.
Tumawa lang siya. Tinawanan niya lang ako. "Halika." Sabay kaming tumungo sa pasimuno ng lantern. "Mahal na Prinsipe!" bati ng tindero ng lantern.
Claiden smiled gently at him. "Isang lant---parol po." Inabot naman ng tindero sa'min ang lantern. Yey!
Pumunta kami sa malawak na buhangin sa tabi ng dagat. "Idasal mo ang iyong gustong iparating sa langit," wika niya sabay tinulungan ako sa paghawak ng lantern. Kung gano'n, gusto ko nang umuwi!
Taimtim akong nagdasal at talagang pinagdikit at diniin ang aking dalawang palad. Gusto ko nang umuwi! Gusto ko nang umuwi! I can feel Prince Claiden's chuckle. Kanina pa siya ha.
Minulat ko ang aking mga mata. "Ikaw din! Humiling ka rin! Bilis!" Dahan-dahan niyang pinikit ang kaniyang mga mata at nakangiti ng mahinhin habang nagdadasal.
I am now captivated by his face as he closed his eyes. This guy has the face of a good-looking model. Air midway passed, and his yellow hair gently caressed his gorgeous face. My heartbeat can't behave immensely. It's thumping and thumping and rigorously thumping as heck. It won't stop.
Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata and he found me intimately staring at him. Agad kong kinamot ang aking noo at saka umiwas ng tingin sa kaniya. "Balik na tayo?" he said.
"Uhh-Hmm," I promptly said yes.
Tahimik kaming naglalakad. Nasa likuran niya ako habang siya naman ang nasa harapan ko. We walked beside this broad gleam street. It is night after all. His back looks different. He is a guy. He has the body of a matured man.
"What does he want from me? Is he making me fall for him? Seriously?" I murmured while looking away. I noticed him turning around and looking at me. W-Why? Did he hear me?
"Anong gusto mong inumin?" tanong nito sakin. I feel relieved. Akala ko narining niya 'ko.
"O-Orange juice.....k-kung meron." He smiled, "Tara."
Pinaantay niya ako rito sa bench. Bibili lang daw siya ng maiinom saglit. Makikita ko naman siya mula rito hanggang sa binilhan niya, hindi lang siya masyadong malayo.
Tapos na siya sa pagbili at inabot sakin ang orange juice. "Salamat." Kailangan kong huminahon at kumalma.
This is bad for my heart. Kaya nga ayokong ma-in love e'. My anxiety will be dead. That's the reason why I don't want boys to get too close to me. Madali akong ma-in love. It's not easy though.
"Paborito mo ang orange juice?" He sincerely asked while sitting right beside me.
"Oo, orange juice." Agad ko itong binuksan saka ininom. "Orange juice din ang hawak mo?" I asked but I can see it.
Ngumiti siya saka tinignan ang orange juice. Wag! No! Matutunaw ang juice! Stop smiling! "Ewan?" Binuksan niya rin ito saka ininom.
"Kailan mo tignan ang Hari?" seryoso nitong wika. Napatayo lahat ng balahibo ko sa braso dahil sa boses nito.
"E-Eh ngayon?" Night Owl ako kaya walang problema ulit sakin.
"Sige. Tara na." Tumayo na kami at tumungo sa palasyo sakay ang isang karwahe. Pinagpatuloy ko lang ang pag-inom.
I really feel bad though. Akala ko date ito, yun pala gusto niya palang sabihin sakin ang tungkol sa Hari, mukha rin siyang nagmamadali. Ewan ko nalang kung ano na ang mga pinag-iisip ko.
"Naalala ko lang, Binibini. Ano ang nais mong sabihin sakin nang nasa trabaho tayo kanina?" tanong ng Prinsipe ng makapasok na kami sa palasyo. Ang awkward kasi sa loob ng karwahe. Ni isa sa amin walang nagsalita.
"Ah oo naalala ko! Nasa'n ang pizza ko, Mahal na Prinsipe?"
Bigla siyang napatingin sakin at napatingin din ako sa kaniya. Nagkatinginan kami. 'Yan ang sagot niya?
"Anong pizza?" tanong nito sabay iwas ng tingin sakin. Medyo namumula ang tenga nito.
"Yung una mong nakita na hawak ko! Yung kahon na medyo malapad ang tingin." Napasimangot ako habang nagha-hand gesture. Alam kong hindi na yun masarap dahil ilang araw na ang nakalipas nang maluto yun, pero hahanapin ko pa rin ang pizza ko.
"Pinasunog ko," simpleng wika nito sabay lakad.
Anong sinunog? Sabi ng katulong na pinatapon tapos ngayon pinasunog? Ano ang susunod? Pinapatay? Ang sayang naman nun. Hindi niya ba alam kung gaano kasarap yun ha? Kahit hindi ko pa natikman yun, alam kong masarap yun.
"Pagkain ang laman nun, bakit mo pinasunog, Mahal na Prinsipe?" nakasimangot akong humabol sa kaniya. Ang bilis niyang maglakad. "Teka!" Huminto siya kaya huminto na rin ako. "Nandito na tayo."
Hingal na hingal ako habang sinundan siya. Parang walang katapusan talaga itong palasyo nila. Grabe ang laki. Medyo nakokonsensya nga ako kung tatapak ba ako sa palasyo nila o hindi. Baka madudumihan. Balita ko pa naman ang aarte raw ng mga royalty. Pero sa tingin ko hindi naman sila maarte.
"Naalala ko, nasa'n pala si Ginoong Voilden? Di ko siya nakita ah."
"Kasama niya ang kapatid kong bunso. Tara na." At pumasok na kami sa loob. Is he mad? He became cold just now.
Bumungad sa harap ko ang isang lalakeng hindi gaano katanda na kulay itim ang buhok. Nakahiga siya sa kulay pulang kama niya at parang natutulog. Ubo pa ito ng ubo.
Siya kaya ang Hari?
Sinundan ko lang ang prinsipe nang bigla siyang huminto at lumuhod sa tabi ng Hari. Nilagay niya ang kanang kamay niya sa dibdib niya. "Mahal na Hari," wika niya at hinalikan ang namumutlang kamay ng Hari.
Tumayo ang Prinsipe at humarap siya sakin. "Halika, Binibini." Humakbang naman ako.
Tinignan ko ng maigi ang Hari. Ang puputla nga ng labi niya at pawis na pawis din siya. Wala ring pigil ang kaniyang ubo at parang nahihirapan din siyang huminga.
"Ito ang Mahal na Hari, ang aking Ama," malungkot na wika ng Prinsipe. "Kapag nalaman mo kung ano ang sakit ng Mahal na Hari at ang lunas nito, maaari ring mabibiyak ang sumpa ng aking Ina."
Nalilito ako. Bakit ako? At saka, anong koneksyon ng sumpa ng kaniyang Ina sa sakit ng kaniyang Ama?
Well, we won't know if we try.
Lumapit ako sa Hari. "Ayos lang ba kung hawakan ko siya?" Tumango naman ang Prinsipe.
"Okay let's see." Hinawakan ko ang pulso ng Hari. Medyo malamig ang kaniyang dugo at malakas ang pintig ng kaniyang pulso. "Wala ba kayong manggagamot dito?" O baka doctor man lang?
"Mahihina sa pag-aaral ang mga mamamayan namin dito kaya ni isa sa kanila walang ka-alam-alam sa ganitong sitwasyon," mahinhing tugon ng Prinsipe.
Kaya pala.
"...Pero kahit ganun man sila, may isang tao ang naglakas-loob lumapit sa amin at sinabi kung ano ang tanging lunas sa sakit ng Hari."
Hinawakan ko ang dibdib ng Hari at nakiramdam sa pintig ng kaniyang puso. "Ano ang tanging lunas na yun, Mahal na Prinsipe?" tanong ko rito.
"Sabi ng Ginoo, kailangang ibabad ang mahal na Hari sa mainit na tubig. Wala kaming ibang pagpilian kundi gawin iyon umaga hanggang gabi."
Parang alam ko na kung ano ang sakit ng Mahal na Hari.
"At? Ano pa ang sinabi ng Ginoo na lunas ng sakit ng mahal na Hari?" tanong ko at pilit na pinaikot ang Hari. Pinakinggan ko ang daloy ng kaniyang dugo mula sa kaniyang likod.
"Sa kasamaang palad, iyon lamang ang tanging nalaman ng Ginoo."
Binitawan ko na ang Hari at pinahiga ulit ito ng mahusay. "Totoo. Sino ba itong tinutukoy mong Ginoo, Mahal na Prinsipe?"
"Ang Ginoo na tinutukoy ko ay ang tanging mamamayang may pinag-aaralan. Walang nagpapaaral sa kaniya, tanging siya lang ang nakakuha ng ganoong kakayahan."
"Sa tingin ko hindi kakayahan ang tawag dyan," sutsot ko.
"Tama! Hindi nga kakayahan kundi katalinuhan!" Woah! Bigla siyang may energy magsalita ah. "Sa pagkakaalam ko, siya ngayon ay tumatayo ng kuwadra sa ilalim ng kaniyang tirahan. Tinatawag yung 'Inuman Tayo'."
Ahh I see-- Wait! What?! Inuman Tayo?!? Siya yung tatay na nagturo sakin ng direksyon kahapon ah. Walang duda, siya nga!
"Hmm, pwede bang malaman, Mahal na Prinsipe, kung lahat kayo rito ay walang edukasyon?"
"Hindi naman lahat. Kaming mga dugong-bughaw may nakatagang edukasyon. Ngunit sa mga mamamayan naman, nagdedependa na sa kanila kung gaano sila katalino." Oh okay okay.
"Nakita mo yung mga Doll sa trabaho natin? Yung mga taong gumagamit ng makinilya? Kabilang sila sa mga matatalinong mamamayan dito."
"Ahh I see! Kaya pala! Pero wala nang dapat ikababahala dahil gagaling din ang Mahal na Hari" wika ko sabay tingin sa kulay kayumanggi niyang mga mata.
Isa akong Mathematics in Medical Science Student, I also studied biochemistry and biology science. Medyo expert din ako sa apat na branch ng science kaya medyo may kaalaman ako pagdating sa mga ganitong klaseng sitwasyon.
"Ayon sa mga nalalaman ko, may Pneumonia ang Mahal na Hari."

Comentário do Livro (56)

  • avatar
    Flores Jayr

    Wow

    15/06

      0
  • avatar
    Jb Balwit Dangase

    Wonderful story

    09/04

      0
  • avatar
    Davezwel Gerzon

    maganda

    08/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes