logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Season 1: Chapter 4: New Job

"Magpapaalam muna ako sa ngayon. May aasikasuhin pa ako," he said as he bowed down. "Si Voilden na ang bahala sayo," he added. Tinignan ko naman ang sundalong tinutukoy niya.
The soldier he meant was this poker-faced guy. His gaze is giving me chills whenever I see him.
"Ipagpapaumanhin niyo po ako! Pero Mahal na Prinsipe, nandito ako ngayon sa kaharian para bantayan kayo. Dapat nasa tabi mo ako palagi," wika ni Voilden habang yumuko.
Wait, is he mad or afraid of me or something? Or he doesn't like me or what?
Napatingin si Prinsipe Claiden sakin. Parang alam ko na ang nasa isipan nito. "Pero---"
"Okay lang! Ayos lang ako! Hindi ako bata para bantayan 'no, kaya ayos lang. Bye! Mauna na ako! Salamat nga pala sa damit!" Ayokong disturbuhin ang moment nila. They are best friends after all.
Sinampal-sampal ko ang mukha ko para limutin ang hiya habang naglalakad patungo sa kabilang direksyon. Kinagat-kagat ko pa nga ang aking mga daliri para tuluyang kalimutan ang nangyari. I'm just a third-wheeler, I know.
"Teka, Binibining Rachelle!" boses ni Prinsipe Claiden ang narinig ko kaya napalingon ako. "Talagang ayos lang?" habol pa niya.
Fretting and upset looks were tattooed on his face while panting a little bit as he gazed at me. He looked terrible and really worried. I wonder why.
I kept calm and held both of my hands tightly as I bowed down sincerely. "'Wag po kayong mag-alala sakin. Maraming salamat."
I lifted up my head and met his gaze. "Mamamaalam na po ako," I smiled while waving back at both of them.
Nang makalabas na ako sa palasyo, pinigilan ko ang aking pangangaba at saka bumuntong-hininga. Napasandal ako sa malaking pader ng palasyo saka hinawakan ng mahigpit ang aking dibdib. "Buti napigilan ko ang sarili ko do'n." Muntik na akong madala sa mga tingin niya kanina.
His weepy blubbering distressed look was melting me obliviously. His eyes were teary and he really looks bonny and captivating to me. Buti hindi dumugo ilong ko kanina.
Bawal ako gumalaw masyado, baka masira itong damit na pinasuot nila sakin. Isa lang naman itong normal na dress. Hanggang paa ang sukat nito, kaya masyado talagang mahaba. At saka long sleeve pa. Maraming tela at pakiramdam ko ang init suotin nito kapag sa dating mundo ko ito sinuot. The weather here is a bit chilly at hindi masyadong mainit kaya walang problema kung anong klaseng damit ang susuotin mo.
Karamihan sa mga babae rito ganito ang kanilang suot, maraming nakasapaw na telang dress, long sleeve at hindi bakat ang private parts ng mga babae. Gano'n din sa mga lalake, long sleeve at pants. Ni isa rito wala akong makitang naka-shorts or boxers. Pero ayaw ko nang magreklamo, komportable naman ako sa pinasuot nila sakin at walang problema rito.
"Suotin niyo raw po ito. Hindi komportable ang Mahal na Prinsipe kung titingin siya sa sinuot mo lalong-lalo na't hindi kami pamilyar sa damit na yun. Ipagpapaumanhin niyo po kami," sabi ng katulong nila nang binigay nila sakin itong damit.
Ngayong nasa labas na ako ng palasyo nila, saan na ako pupunta?
I didn't even think about what should I do.
"Sabi ng Mystical Shrine, limampung araw lang ako mags-stay rito." Talaga bang nagka-countdown sila?
Anyways, let's move on. Saan na ako pupunta ngayon? Naglakad-lakad ako kahit saan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta maglakad-lakad lang ako.
"What if maghahanap ako ng trabaho?" Ayos na ideya ito ah. Kailangan ko rin kaya ng pera.
Naglakad-lakad ako nang mapadpad ako sa isang mala-kahoy na bahay. Maliit lang ito at may sign na nakalagay sa labas. "'Inuman Tayo'?"
Isa kaya itong cafe or sadyang inuman lang?
"Tao po?" Pumasok ako sa bahay nang makarinig ako ng ingay sa loob, mga taong nag-iinuman. Natagpuan ko ang mga lalakeng malalaki ang mga bisig, walang buhok at may mga begote. Lahat sila nag-iinuman, pero bigla silang tumahimik nang makita nila ako.
"Oh? Sino ang ating bisita ngayon?" wika ng isa habang tumatayo. Tumatayo pa nga hindi pa matuwid. Lasing na lasing nga siya.
"Pasensya na. Pasensya na. Mag-inuman nga lang kayo dyan, wag niyong disturburhin ang bisita," wika ng lalakeng pawis na pawis na lumapit sakin. Ramdam ko siya ang may-ari rito.
"Ayy okay lang po. Ayos lang," ngiti kong wika.
"Hm? Anong ginagawa ng dalaga rito?" tanong niya sakin. Napangiti lang ako. Ngayon ko lang naririnig na dalaga pa ang hitsura ko. Dun kasi sa'min lagi akong tatawaging matanda dahil sa kakapuyat.
"Pasensya, e' mga lalake lang kasi ang palaging bibisita rito e'. Mga lalakeng malapit nang tumatanda. Hija? Anong pakay mo rito?" mahinhin niyang tanong ulit.
"Naghahanap po kasi ako ng trabaho. Kung pwede po, maaari po ba akong magtrabaho rito?" Dapat polite ang pagkasabi ko para tagos sa puso nila.
"Trabaho?" kunot-noong tanong niya.
Lagot. May other term ba ng 'trabaho'? Yun lang ang alam ko. Kung hindi niya naiintindihan ang salitang 'trabaho', eh ano na ngayon ang sasabihin ko? Bakahindi niya alam ang salitang yun.
"Eh pasensya na, hija. Hindi namin kailangan ng tao ngayon. Ipagpaumanhin mo ako," yumuko siya. He's so polite. Lahat ng mga tao rito pare-pareho lang ang ugali. Magsasabi sila ng "paumanhin" kapag feel nila may inconvenience.
"Ayy hindi, hindi. Okay lang po talaga." Kung ganun, alam niya ang salitang 'trabaho'? Kung ganun, edi maayos.
"Pero pwede ko po bang malaman kung saan ako makakahanap ng trabaho?" dagdag ko pa.
Tumayo naman ng matuwid ang may-ari. "Ah oo meron. Punta ka lang sa malaking daan, may matatagpuan ka roong malaking bahay. Naghahanap sila ng bagong kasama dun," nakangiti niyang sabi. Masyado siyang mabait para sa taong kagaya ko.
"Salamat po talaga," yumuko ako bilang pasasalamat.
"Hija, maaari bang hindi ka taga-rito?" tanong niya. "Ah---eh, oo po eh. Tagapaglakbay lang po ako, kaso hindi po ako sanay sa lugar." Ayos, tagapaglakbay raw. Umiiral na ang pagkakasinungaling ko.
"Ah ganun ba?" Naglakad siya patungo sa mesa at may kinuha. Naglakad ulit siya patungo sakin.
"Heto, hija. Tanggapin mo ito." May binigay siyang isang telang bag. Naglalaman ito ng pagkain, pilak at tanso.
"Hala? Bakit po? Hindi ko po ito matatanggap."
"Tanggapin mo na yan, hija. Pasasalamat ko yan. At saka, naalala ko ang anak ko sayo."
I feel a little bit nauseous. "Talaga po? Marami pong salamat! Marami po talaga ng marami!" yumuko ako. Napakabait niyang tao. Pakiramdam ko tuloy nakokonsensya ako.
"Aalis na po ako. Marami pong salamat talaga!" kumakaway na ako. "Salamat talaga! Ingat po kayo!"
Nang makalabas na ako, bumuntong-hininga muna ako at agad akong pumunta sa sinabi niyang lugar. Nalaman ko rin kahapon na ginto, pilak at tanso ang pera nila rito. Bihira lang makakuha ng ginto. Tanging mayayaman lang ang makakuha at makahawak nun. Pero ang may-ari ng bahay na yun, nagawa pa niyang bigyan ako ng pera kahit mahihirap lang sila. Ang bait niya. Grabe, ang bait niya. Hindi ko siya makakalimutan.
"At sa wakas, nandito na rin ako," I panted as I stood up right in front of this majestic gigantic house.
Nang makapasok na ako sa malaking bahay, biglang nag-iba ang ekspresyon ko. Bigla akong pinagpawisan.
"B-B-Bakit?!"
Lahat sila busy. May tumatakbo pa nga dahil nagmamadali ito. Yung isa tumatakbo habang may bitbit na papel. Yung iba may kausap sa telepono. Karamihan sa kanila may typewriter na ginamit.
"E-E-Eh?" Anong klaseng trabaho ba kasi ito? Silang lahat paikot-ikot ang direksyon.
May kalmadong babaeng dumaan habang may binabasang libro sa aking harapan kaya kinalabit ko siya. "P-P-Pwede po bang magtanong?" Kinakabahan na ako.
"Hm? Ano yun?"
"Mag-a-aplay sana ako ng trabaho," wika ko.
"Oh, nasa tamang oras ka. Puntahan mo yung isang kwartong yun. Mag-ingat ka dahil masyadong may inaabala ang Prinsipe," wika niya sabay turo sa saka nagmamadaling umalis.
"Anong Prinsipe?" Bakit naman napunta sa usapan namin ang Prinsipe?
Agad kong pinuntahan ang sinabi niyang kwarto. Dumaan ako sa hallway at medyo walang katao-tao ang mga nandito. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Kinakabahan na ako, gusto kong masuka.
Nang makapasok na ako, biglang bumungad ang Prinsipeng abala sa pagbabasa ng papel. Naka-eyeglasses siya? Wow. Kumikintab pa ang kulay kayumanggi niyang mata. I can feel my heart skipped a beat for a moment. It literally just skipped.
"H-H-Hello." Bobo! Bakit ka naghe-hello? Alam ba niya yun ha?!
"Binibining Rachelle?" tawag pa ng isa sakin. Nakita ko si Voilden.
Napatakip ako sa ilong ko baka may dugong lumabas. Ngayon, kaharap ko ang dalawang gwapong lalakeng tinakbuhan ko kanina.
He put down his book and immediately looked at me. "Ano ang iyong nais, binibini?" H-His voice! I was tempted by his voice. It's a bit deep, warm, and soft. He's making me fall for him.
Tumayo ako ng matuwid at nilagay ko ang kanang kamay ko sa aking dibdib. "G-Gusto kong magtrabaho," yumuko ako.
"Magtrabaho?" naguguluhang tanong ng prinsipe.
"Oo."
Kumuha ng upuan si Voilden at pinaupo ako rito. "Salamat," bulong ko.
"Bakit mo naman naisipang magtrabaho rito?"
"H-Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang maranasang magtrabaho rito, total nandito na rin naman ako sa mundo niyo, diba?"
"Hmm ganun." Kahit nag-iisip ng malalim ang Prinsipe, ang gwapo pa rin niyang tignan. Ayokong dumugo ang ilong ko kaya umiwas ako ng tingin.
"Totoo, mahal na prinsipe. Nakakaranas na rin siya ng trabaho sa dati niyang pinanggagalingan at saka naghahanap din tayo ngayon ng Doll," wika ni Voilden saka napa-cross arm na nakatingin sakin.
Sa tingin ko talaga, parang assistant ito si Voilden dito. Eh teka lang! Ano ba kasing ginagawa nila rito?! Dapat nasa palasyo sila diba?
"Totoo, pero kailangan din natin ng Tagapaghatid," seryosong wika ng prinsipe.
"Ano bang trabaho nila rito?" I asked as I roamed my eyes inside this room.
"Karamihan sa mga mamamayan namin, hindi sila marunong magbasa at magsulat. Kaya kung may ibig silang iparating sa mga mahal nilang nasa malayo, kailangan nila ng sulat para magawa yun. Trabaho naman naming gumawa ng sulat na naaayon sa parokya," pahayag ng Prinsipe.
Kaya naman pala may mga typewriter sila dun sa labas. "Pero ano ang ginagawa niyo rito? Diba dapat nasa palasyo kayo ngayon?"
"Walang dapat ikabahala. Nandun ang dalawang panganay kong babaeng kapatid at naglibot-libot naman ang aking nakakabatang kapatid na lalake."
May kapatid pala siya? Hindi ko yun alam ah. Pero wala naman akong nakikitang mga kapatid niya dun sa palasyo.
"Anong trabaho ang gusto mo? Tagapaghatid ng sulat o Tagapagsulat?" tanong ni Voilden.
"Tagapaghatid nalang kaya. Tagapaghatid din ako ng pagkain sa dati kong mundo, Mahal na Prinsipe. Ayos lang ba?"
Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha. "N-N-Ngayon ko lang narinig na tinawag mo ako ng ganyan," mahinang wika niya.
"Eh? So gusto mong tatawagin kitang 'Mahal na Prinsipe'?"
He avoided my gaze as he gently blinked his eyes. "H-H-Hindi naman sa ayaw ko." His ear turned red.

Comentário do Livro (56)

  • avatar
    Flores Jayr

    Wow

    15/06

      0
  • avatar
    Jb Balwit Dangase

    Wonderful story

    09/04

      0
  • avatar
    Davezwel Gerzon

    maganda

    08/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes