logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

NAKITA ko ang pagpasok ng dalawang babae sa banyagang silid na kinaroroonan ko. Halatang doctor ang isa dahil may nakasabit na stethoscope sa leeg nito samantalang magara ang kasuotan ng kasama nito. Hindi maipagkakailang may sinabi sa buhay ang huli. Kulay brown ang buhok nito at may naka-apply na maanipis na make-up sa mukha. Tantiya ko ay nasa singkwenta ang edad nito. nanatiling nakaupo ako sa kama sa kanilang pagdating.
“Kumusta ang pakiramdam mo, Miss?” tanong sa akin ni Doktora. Sa mga mata nito ay sinisipat nito ang kalagayan ko.
“Ahm, mas maayos na po ngayon, medyo nanghihina pa rin po ako,” matapat kong sagot matapos kong pakiramdaman ang sarili kong katawan. Nakadama ako ng pagkailang sa dalawang babae lalo na sa kasama ni Doktora. Iniisip ko pa rin kung paano ako nadala dito sa klinikang ito. Nakatingin pa naman ang mga ito sa akin.
“What do you think Doktora, magiging okay na ba siya?” mula sa pagkakatingin sa akin ng babae ay lumipat naman ang tingin niya sa doktora. May nakita akong simpatya sa mukha niya.
Tumango ang doktora sa babae matapos akong balingan. “Yes, nahilo siya dahil sa matinding panghihina at pagkapagod. Halatang hindi pa rin siya kumakain na sinabayan pa ng hydration. Pero magiging okay na siya at hindi na need na maresetahan pa ng gamot.”
Nalulugod na gumanti ang tango ang babae sa nalaman. Mga ilang sandali pa ay lumabas muna si doktora sa silid na iyon. Naiwan kaming dalawa ng babae. Ramdam ko na siya ang tumulong sa akin. Huli kong natatandaan ko kanina na bumagsak ako sa kung saan. Hindi na ako aware sa paligid kanina.
“Don’t worry hija, nag-order na rin ako ng pagkain para manumbalik ang lakas mo. Mabuti at hindi gan’on kalala ang lagay mo,” nakangiting sabi niya sa akin. “By the way, ako nga pala si Teresita Acuna, ako ang nagpadala sa’yo dito sa clinic at ang driver ko ang bumuhat sa’yo. Nag-collapse ka kasi kanina sa mismong hood ng kotse ko habang nakaparada kami. Are you sure na okay na ba talaga ang pakiramdam mo?”
“Okay na po ako Ma’am,” nahihiyang tugon ko sa kanya. “Pasensya na po kung naabala ko kayo. Maraming salamat po sa ginawa ninyong pagtulong sa akin. Hindi ko nga ho alam kung paano ako makakabayad sa inyo.”
“Huwag mong alalahanin pa iyon, hindi naman kita sinisingil. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maayos na ang kalagayan mo.” Gumuhit muli ang matamis na ngiti sa labi niya. kapagdaka’y biglang sumeryoso ang mga tingin niya sa akin. “Nakita ko pala ang id mo, t-taga Amore ka pala hija?”
Bahagya akong nagtaka sa tanong niya. “Opo Ma’am, tagaroon po ako at ang pamilya ko. Bale dito lang po sa Manila ako nakipagsapalaran.”
Kita ko mukha niya ang pagliwanag ng bakas. Naroon pa rin ang taglay na ganda niya sa kabila ng kanyang kasalukuyang edad. “Taga-Amore rin ako hija, kababalik ko lang ng Pilipinas three days ago. Umuwi na ako dito sa atin para dito na gugulin ang pagtanda ko at magtatayo rin ako ng business sa ating bayan.”
Hindi ako makapaniwal sa sinabi niya. “Wow, kababayan po pala kita Ma’am. Maraming salamat po ulit sa inyo.”
Nalugod siya sa aking sinabi at napanatag na ako sa kanya. “Nakita ko id mo na Andricia Sentillas pala ang name mo hija. Naisip ko tuloy king kilala mo si Armando Sentillas?”
“Ahm siya po ang aking tatay,” walang pag-aatubili kong sagot. Hindi ko lang pala siya basta kababayan kundi kakilala rin niya ang aking ama.
Napaawang ang labi niya at lalo pang nangislap ang mga mata niya sa pagkakatitig sa akin. “I can’t believe it na maliit na pala ang mundo para sa ating dalawa. Alam mo, kaibigan ko ang tatay at nanay mo dahil naging kapitbahay ko sila sa Brgy. Masining noon. Natatandaan ko, bago ako umalis ng Amore noon patungong State, kinuha nila akong ninang sa buhos-tubig ng kanilang anak na babae.”
“Bale ninang ko pala kayo Ma’am?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya na naghihintay ng kumpirmasyon mula sa kanya. May natatandaan ako na sinabi sa akin ang nanay ko na may isang ninang pa raw ako pero matagal ng wala sa Amore. “Ako lang anak nilang babae at lalaki po ang bunso kong kapatid.”
Nadagdagan ang pagkabigla sa mukha niya dahil hindi makapaniwala. Mangiyak-ngiyak siyang napayakap sa akin. Pakiramdam ko, nakakita ng panibagong pag-asa sa pagtatagpo naming iyon ni Teresita Acuna- ang aking long lost ninang.
PAGKAGALING sa clinic, nagpunta naman kami ni Ninang Teresita sa pinakamalapit na restaurant. Ipina-dine in na nito ang in-order nitong pagkain para sa akin. Hindi ko naitago sa sarili ko ang pagkatakam sa mga pagkaing nakahain sa mesa dahil gutom na gutom talaga ako. Naaaliw na sinabayan ako sa pagkain ng aking long lost ninang. Sinabihan niya ako na tawagin ko siyang Ninang imbes na Ma’am.
“Saan ka nga pala nagtatrabaho ngayon dito sa Manila, Andri?” tanong niya sa akin na tinawag na rin niya ako sa aking nickname. Katatapos lang namin kumain. Hindi maikakaila na nagkalapit na kaagad ang aming loob.
Napatingin ako sa maganda niyang mukha. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin. Kusa kong sinabi sa kanya kong sinabi sa kanya ang lahat ng aking pinagdadaanan ngayon. Tiwala naman ako sa aking ninang na makikinig at mauunawaan niya ako, kahit ngayon lang kami nagkitang muli. Nang matapos ako sa aking pagkikwento ay napaiyak na naman ako. Nakadama ako ng pagkaawa para sa sarili ko.
“Take it.” Inabutan niya ako ng isang panyo. Kaagad kong tinanggap ang kapirasong tela saka ipinampahid ko sa luha sa aking mukha. Pumayapa na naman ang aking emosyon. “Damang dama ko ang hirap ng pinagdadaanan mo ngayon Andri. Nakikita ko tuloy sa’yo ngayon ang aking sarili noong mga panahong bago pa lang ako sa pakikipagsapalaran sa buhay.
“Maraming salamat po Ninang sa pakikinig sa akin.” Nakahinga nang maluwag sabi ko sa kanya, matapos kong pahirin ang natitirang luha sa aking mga mata. Gumaan ang aking pakiramdam dahil sa sinserong pakikinig niya sa akin. “Sana nga po, palarin na akong makahanap ng trabaho sa mga susunod na araw.”
“Alam mo Andri, kaya ako uuwi ako ng Amore para magtayo ng business doon at on process na siya. Kung gusto mo, sumama ka sa akin sa pag-uwi ko sa ating bayan. Ikaw na ang aking kukuning personal assistant para sa business ko. Yun ay kung papayag ka lang naman.”
Minsan pa akong napaluha sa kasiyahan sa pagdating ng opportunity na hindi ko inaasahan.

Comentário do Livro (213)

  • avatar
    BrovoMarlon

    Good

    16/01

      0
  • avatar
    Ejhey Gabasa

    back

    27/10

      0
  • avatar
    Marlon WP

    I'm happy because my birthday I need my father and my brother to be celebrating my birthday

    22/09

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes