logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

BIGLA akong hinila ni Symond patungo sa may pinakasulok na bahagi ng building na aking pinuntahan. Hindi ko akalain na magtatagpo ang aming landas sa araw na iyon. Kagaya noong huling pagkikita namin, ang talim pa rin ng mga titig niya sa akin. Kitang-kita ko ang pagtagis ng bagang niya habang hawak pa rin niya nang mahigpit ang braso ko. Kulang na lang ay patayin niya ako sa isipan niya.
“S-Symond please, hayaan mo akong magpaliwanag,” naluluha kong pakiusap sa kanya. “Wala naman akong balak na magtago o tumakbo sa’yo.”
Bigla niya akong binitiwan na muntikang magpatumba sa akin sa sahig. Mabuti na lang ay kaagad kong nakontrol ang aking balanse. Nakapamulsa na binalingan niya ako. “At ano pa ang ipapaliwanag mo sa akin huh? Masaya ka ba na nagtagumpay kang sirain ang relasyon namin ni Ianah?”
Mariin akong umiling bilang pagtutol sa sinabi niya. “Wala akong sinirang relasyon. Kahit kailan ay hindi ko naging intensyon na gawin iyan. Malaki ang utan na loob k okay Ianah. At katulad mo, wala akong ideya kung paano nangyari na magkatabi tayo sa ka-
“Stop that damn alibi Andricia!” pagalit na putol niya sa aking sasabihin. “Alam mo kung aaminin mo lang sa akin ang lahat ay baka sakaling mabawasan ang galit ko sa’yo. Naiintindihan ko naman ang mga kagaya mo na kailangan mong mamingwit ng mayamang lalaki para makaahon sa hirap. And it’s exactly what you did!”
Hindi na ako nakapagpigil sa ginawa niyang pagsukat sa pagkatao ko. Isang malutong sampal ang binitiwan ko sa kanang pisngi niya. “Yes, galing ako sa mahirap na pamilya pero tinuruan ako ng mga magulang ko na magsikap para umasenso sa buhay. Hindi ako nangangarap na yumaman dahil ang mahalaga sa akin ay magkaroon ng trabaho.”
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Symond dahil sa ginawa ko. Sinapo niya ng kamay ang apektadong pisngi saka naiiling na tumingin muli sa akin. He gave me a sarcastic smile. Malayong malayo na siya sa Symond na nakasama at nakilala ko noon sa Amore. Mananatili na lang iyon na parte ng aking kabataan. Arogante at mapanghusga na ito ngayon dulot na rin ng mataas na antas ng pamumuhay nito.
“I don’t care about your explaination. Ang mahalaga sa akin ngayon ay sumama ka sa akin at haharap tayo kay Ianah,” muli niyang hinila ang aking braso. “Sasabihin mo sa kanya ang nan ni-plano mo ang lahat ng iyon. Aaminin mo ang iyong kasalanan.”
“No!” pasigaw kong pagtutol. Nagpilit akong kumawala sa kanya ngunit hindi ko kaya ang lakas niyang taglay. Halatang wala siyang balak na pakawalan ako at naroon ang desperasyon sa kilos niya na magkabalikan sila ng dating nobya. “Wala akong aaminin dahil wala akong kasalanan.”
Handa ko namang ibaba ang pride ko kung sakaling may kasalanan ako sa isang tao. Subalit hindi sa pagkakataong ito. Ayokong dungisan ang aking pangalan sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Walang linaw ang lahat kung kaya ako ang napagbibentangan.
“Sasama ka sa akin, wether you like it or not!” pilit niya akong kinaladkad. Sinikap ko na hindi mapasunod sa tangka niyang paglakad.
Sa sandaling iyon, inipon ko ang natitirang lakas ng aking katawan. Hindi ako papayag sa gustong mangyari ni Symond. Isang bagay ang naisip kong gawin para makawala sa kanya. inihakbang ko ang aking isang paa at saka ubod lakad na sinipa ko siya sa kanyang harapan. Napasigaw siya sa matindding pagdaing dulot ng matinding sakit. Nabitiwan na rin niya ang aking braso.
Sinamantala ako ang pagkakataong iyon para makatakas sa kanya. patakbo akong lumabas ng naturang gusali. Napapatingin sa akin ang ibang empleyado na nakakasalubong ko at matagumpay akong nakalagpas sa exit door. Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Kailangang mailayo ko ang aking sarili sa presensya ni Symond. Sa dinami-dami naman kasi ng pwede kong apply-an ay kompanya pa niya ako napadpad. Kung sana ay naniwala siya sa aking paliwanag, hindi ko sana siya tatakasan pa. bahala na kung saan ako mapadpad nito.
NANG pakiramdam ko ay ligtas na ako sa presensya ni Symond, saka lang ako bumagal sa paglakad. Nawala na ang pagmamadali sa aking mga hakbang. Humihingal na ako sa matinding pagod at gutom. Naalala ko na burger nga lang pala ang huli kong kinain at nagkape lang ako kaninang almusal. Kung ibibili ko pa ng pagkain ang natitira kong pera sa aking bulsa ay siguradong mawawalan na ako ng pamasahe pauwi nito. bumuntong hininga na lang ako dahil uuwi na naman akong bigo sa boardig house. Mailap na naman sa akin ang kapalaran at inabot pa ako ng kamalasan.
Lord, baka naman pwedeng paulanan ninyo ako ng kahit konting swerte sa buhay ko. Wala naman akong inagrabayadong tao. Kayo naman ang nakakaalam kung ano talaga ang totoong nangyari at sana malaman ko na ang katotohanan. Pigil na pigil akong mapaluha habang bahagya akong napatingala sa kalangitan. Naglalakad pa rin ako ng walang tiyak na direksyon ang aking mga paa.
Tumindi pa ang pagkalam sa aking sikmura at nakakaramdam na ako ng panghihina. Tirik na tirik pa naman ang sikat ng araw. Sumabay pa ang panunuyo ng aking lalamunan dahil sa pagkauhaw. Pilit pa rin akong naglakad para maghanap ng pwede kong masilungan.
“Kapit lang Andri! Kayanin mo pa!” pagpapatatag na sabi ko sa aking sarili. Nagsimulang umikot ang aking paningin at nagiging blurred na ang tingin ko sa paligid. Gutom na gutom na ako at dumagdag pa ang matinding pagod. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin sa aking paglalakad.
Pakiramdam ko parang kandila na nauupos ang aking mga binti. Biglang bumagsak ang aking katawan sa kung saan. Nagdilim sa akin ang lahat.
Sa pagmula ko muli ng aking mga mata, namalayan ko na nasa banyagang silid ako. Panay puti ang kulay ng dingding at ng kisame pati na rin ang kamang aking kinahihigaan. Bigla akong napabangon sa matinding pagtataka.
“Nasaan ako?” naroong sinalat pa ng aking kamay ang sarili kong katawan. Buhay pa naman ako at suot ko pa rin ang damit ko ngayong araw. Nakadarama pa rin ako ng bahagyang panghihina.
Natigilan ako nang biglang mahawi ang kurtinang puti na nagsisilbing division sa aking kinaroroonan. Nanlaki ang aking mga mata sa pagpasok ng isang nilalang kasabay ang matinding pagtambol ng kaba sa dibdib ko.

Comentário do Livro (213)

  • avatar
    BrovoMarlon

    Good

    16/01

      0
  • avatar
    Ejhey Gabasa

    back

    27/10

      0
  • avatar
    Marlon WP

    I'm happy because my birthday I need my father and my brother to be celebrating my birthday

    22/09

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes