logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

THREE MONTHS LATER.
“SENTILLAS, Andricia P.”
Umakyat na ako sa stage nang tawagin na ng aming adviser ang aking pangalan. Maluha-luha sa kaligayaahan na tinanggap ko ang aking diploma at kinamayan ako ng mga school official at guest na naroon. Ngayong araw ang aking pagtatapos sa kurso kong kinuha dito sa Pambayang Kolehiyo ng Amore. Proud ako sa sarili ko na isa na akong degree holder. Alam ko nagsisimula pa lang ako sa aking malaking pangarap.
Pagkababa ko ng stage, kaagad kong nilapitan ko ang aking mga magulang na kasama ko sa mahalagang araw na iyon. Niyakap ko ang aking ama at ina. Ramdam ko ang kasayahan nila para sa akin. Niyakap din ako ni Greco. “Congrats, Ate.”
“Masayang-masaya ako anak na nagawa mong mapatapos ang sarili mo. Salamat sa ginawa mong tulong sa amin ng Itay mo,” tila nahihiyang sabi sa akin ng nanay kong si Erlinda.
Hinaplos ko ang mukha ng nanay ko. “Kayo ni Itay at ng kapatid ko ang aking inspirasyon Inay.” Tumingin ako sa aking ama na nanatiling tahimik at walang kibo. Nagmamasid lang ito sa amin. “Gagawin ko ang lahat para maiangat ko po ang pamumuhay.”
Alanganing tumango lang sa akin ang nanay ko. Nababasa ko naman sa mukha niya ang nilalaman ng isip niya. Kailangan kong mapatunayan muna sa aking mga magulang ang aking mga sinasabi. Tahimik ang aking ama pero ramdam ko na sinusukat niya sa kanyang isipan ang magagawa ko pa para sa kanila ngayong tapos na ako.
Lumapit rin sa amin ang aking mag-asawang amo. Sila ang dahilan kung bakit nakapag-aral at nakatapos ako sa aking kurso.
“Pasensya na Andri,” tawag sa akin ni Ma’am Adelfa sa aking palayaw. “Hindi na kami nakaabot sa graduation ceremony, biglang nagka-traffic sa kabayanan kanina. Anyway, congratulation sa’yo.” Niyakap pa ako ng amo kong babae.
Pagkakalas ng yakap sa akin ni Ma’am, kinamayan naman ako ni Sir Vincent. “Congratulation sa’yo Andri, masaya kami ng Ma’am Adelfa mo na nakapagpatapos kami ng isang kagaya mo. Hangad namin ang iyong tagumpay.”
Magkasunod na tumingin ako sa aking mga amo. “Maraming salamat po sa inyo Ma’am at Sir. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob sa inyo.”
Nakangiting tinanguan ako ng mag-asawa. Nagpasalamat din sa kanila ang aking mga magulang. Sa paglabas namin ng gymnasium ng school, nag-aya pa ang aking mga amo na kumain sa isang restaurant sa bayan. Pinagbawalan kaming tumanggi dahil dapat lang na magkaroon kami ng celebration.
Maraming pagkain na inorder para sa aming lahat sila Ma’am Adelfa at Sir Vincent. Kung tutuusin, nahihiya ako sa sobrang kabutihan nilang dalawa. Magana kaming kumain ng mga sandaling iyon.
Masaya ako sa susunod na kabanata ng aking buhay. May sandata na ako para makapaghanap ng magandang oportunidad. Plano ko na umalis ng Amore para magtungo ng Maynila. Sa siyudad ko gagawin ang aking pakikipagsapalaran sa buhay. Para sa pamilya ko, lahat ay kakayanin ko. Ngunit may kailangan pa akong malagpasan bago ako ganap na makaalis dito sa aking hometown.
NANG gabing iyon, nagkaroon ng tensyon sa aming munting tahanan na gawa sa kahoy at pawid sa Brgy. Masining. Ang mabining alon ng dagat sa tabi n gaming bahay ay tila nakikisabay sa aming mga tinig na pilit humahanap ng pagkakaunawaan. Sinabi ko na sa aking mga magulang ang plano ko ngayong tapos na ako ng kolehiyo.
“Hindi kita papayagan sa plano mong ‘yan Andricia,” sabi ng aking itay na si Armando. Mababakas sa kulubot ng mukha nito ang matinding pagtutol sa kagustuhan ko na lumuwas ng Maynila. “Dito ka na lang sa Amore o sa karatig bayan ka maghanap ng trabaho. Marami na ring negosyo ang pumapasok dito sa atin.”
Napabuntong-hininga ako na naroon pa rin ang pagpigil ko sa aking emosyon at sama ng loob. nakaupo ako sa bangkong kahoy sa aming munting salas samantala ang aking nanay ay nakikiramdam at nakikinig lang sa aming mag-ama. “Itay, ayokong sayangin ang pinag-aralan ko. Naniniwala ako na sa Maynila ako makakahanap ng mas magandang oportunidad at iyon ang gusto ko mangyari para maiangat ang ating buhay.”
“Ganyan-ganyan din ang sinabi ng kuya Lando mo noon,” lumangkap ang pait sa boses ng akinng ama at nabuhay na naman ang paghihirap ng kalooban nito. “Alam na alam mo ‘yan, pinayagan namin siya ng iyong Ina na lumuwas ng siyudad para doon magtrabaho, pero pagbalik niya dito sa atin, may kasamang babae na asawa na niya at nabuntis niya.”
Tandang-tanda ko pa ang gabing iyon na nagbigay na malaking frustration sa aking mga magulang lalo na sa aking itay. Ang panganay kong kapatid na si Kuya Lando ay iginapang ng aking mga magulang sa pag-aaral hanggang makatapos ito ng kolehiyo. Hindi na ako magtataka dahil matalino si Kuya kumpara sa akin na average lang. Kahit may asawa na ang panganay kong kapatid pero nakakapagbigay tulong pa rin naman ito sa amin. Ngunit dahil may pamilya na nga ito ay hindi na nito natupad ang pangarap para sa aming pamilya niya.
“Pero Itay, ibahin n’yo po ako kay kuya. Kilala n’yo po ako na kapag ginusto ko ang isang bagay ay paghihirapan ko. Tulad nang mag-aral ako,” hindi nagpapatinag kong sabi. Ipaglalaban ko ang aking plano sa pagkakataong ito.
Nang makatapos ako ng highschool noon, walang balak ang aking mga magulang na pag-aralin ako ng kolehiyo kahit may pamantasan sa amin. Pinaghanap ako ni Itay ng trabaho sa bayan para kahit paano ay makatulong sa kanila. At iyon nga, naging katulong ako nina Ma’am Adelfa at Sir Vincent. Dalawang taon na akong naninilbihan sa kanilang bahay nang mag-celebrate ako ng birthday na kasama sila. Tinanong nila ako kung anong bagay ang gusto kong matanggap at sinabi ko na gusto kong makapag-aral ng college. Pinagbigyan nila ako at heto nga at nakatapos na ako. Hindi man ako katalinuhan pero nagsikap ako sa aking pag-aaral.
“Armando,” nakisabad na rin ang aking inay na si Gina na kanina pa tahimik at nakkiramdam sa amin. Lumapit ito sa kinatatayuan ng aking ama. “Bakit hindi mo pa payagan si Andri sa gusto niyang mangyari? Nag-aral siya nang hindi humihingi ng tulong sa atin pero tayo pa rin ang inspirasyon niya. Bilang mga magulan niya, ang payagan natin siyang mangibang-bayan ang maging sukli natin sa lahat ng ginawa niya para sa ating pamilya. Hayaan na natin siyang lumipad sa sarili niyang mga pakpak.”
May pagkatalinhaga man ang sinabing iyon ng aking ina pero ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa aking inay. Nabuhayan ako ng pag-asa saka muli akong napatingin sa aking ama. Nasa malalim itong pag-iisip at waring tinitimbang ang sinabi ng aking ina.
Muli akong tiningnan nang mataman ng aking ama. Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. “Sige Andricia, pagbibigyan kitang lumuwas ng Maynila. Tandaan mo, ito ang una at huling pagkakataon na ibibigay ko sa’yo. Kung uuwi kang bigo dito sa atin, asahan mo na hindi na kita papayagan sa susunod. Maliwanag ba?”
Isang mabilis na tango ang ginawa ko. Sa wakas nawala na rin ang hadlang para magawa ko ang aking plano sa buhay. “Opo Itay, asahan n’yo po na hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito para mabigyan ko kayo ng magandang buhay ng aking inay at kapatid ko.”

Comentário do Livro (213)

  • avatar
    BrovoMarlon

    Good

    16/01

      0
  • avatar
    Ejhey Gabasa

    back

    27/10

      0
  • avatar
    Marlon WP

    I'm happy because my birthday I need my father and my brother to be celebrating my birthday

    22/09

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes