ANDRICIA’S POV “Mabuhay ang pinagpala, pinatatag at mahal nating bayan ng Amore.” Lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad pagkarinig ko sa pagtatapos na mensahe ng aming Mayor. Ilang metro na lang kasi ay makakarating na ako sa municipal gymanasium na katabi ng munisipyo. Isang programa at patimpalak ang nagaganap sa nasabing bulwagan bilang selebrasyon ng anibersaryo ng Pagkakatatag n gaming bayan ng Amore. Nakarating na ako sa entrada ng gymnasium at sumalubong sa akin ang maraming tao na naroon. Lahat ay nanonood sa nagaganap na programa dahil inaasahan sa sikat na artista na magpi-perform mamaya. Pero hindi naman iyon ang aking ipinunta doon kundi para sa aking kapatid na bunso na si Greco. Kasali kasi ito sa paligsahan ng talumpati na siyang representative ng kanilang school. Hindi kasi maaasahan ang aking mga magulang na pumunta doon para manood dahil abala ang mga ito sa trabaho. Isang mangingisda ang aking ama at ang nanay ko naman ay tindera ng gulay at isda sa aming barangay. Nakakita ako ng isa pang bakanteng espasyo sa may bleacher. Kaagad akong nagtungo doon saka naupo na ako. Tamang-tama dahil kita ko ang kabuuhan ng entablado at masisilayan ko mamaya doon ang aking kapatid. “Mga kababayan, sa pagkakataong ito, atin ang sisimulan ang paligsahan sa pagalingan sa pananalumpati na nilahukan ng mga paaralan dito sa ating mahal na bayan,” anunsyo ng isang lalaki na guro ng palantuntunan. Na-excite ako para sa aking kapatid. Nangako ako kay Greco na manonood ako sa kanyang paglaban at natupad ko naman. Mabuti na lang na pinayagan ako ng aking amo na sumaglit muna dito sa aming liwasan. Namamasukan ako bilang katulong at mapalad ako dahil mayroon akong mabait na amo. “Naipakilala na natin ang lupon ng inampalan, kaya ngayon tinatawagan ko na ang ating unang kalahok,” pagpapatuloy na anunsyo sa mula sa entablado. Maya-maya pa ay lumabas na doon ang isang babaeng estudyante na isa sa mga kalaban ng aking kapatid. Itinuo ko na ang aking atensyon sa nagaganap na paligsahan. Napagsalikop ko ang aking mga kamay sa aking panonood. Natapos na ang una at ikalawang kalahok. Lumabas na si Greco sa entablado para ipamalas na ang husay nito sa pagtatalumpati. Pakiramdam ko, ako ang kinakabahan para sa aking kapatid pero nang mapagmasdan ko ang mukha niya, relak lang ito at masasabi mong handa sa paligsahang sinalihan nito. “Buhat sa isang tangway, isinilang ang isang bayan na bunga ng pagmamahalan ng mga mamamayan at naunang pinuno nito,” pagsisimula ni Greco sa talumpati nito. “Ang buo niyang kalupaan, napapalibutan ng dagat habang nanatiling nakadugtong lupa. isang patunay lang na ang Amore, saan man dalhin ng alon ng kapalaran ay mananatiling tumatanaw sa pinagmulang bayan nitong San Clemente.” Proud ako sa aking bunsong kapatid na lalaki. Sa edad niyang dose anyos ay kinakitaan ko na si Greco nang pagpupursige sa pag-aaral para makatapos. May taglay itong katalinuhan at kagalingan. Kaya ako nagsikap na magtrabaho pagka-graduate ko ng hayskul para matululungan ko ang aking kapatid at mga magulang. Gusto ko silang iahon sa hirap at mabago an gaming buhay. “Itong aming bayan ng Amore, pangalawang klase ng munisipalidad kung ituring. Hindi nagpapahuli sa kaunlaran dahil pagkakaisa ng mga mamamayan nito sa taglay niyang tatlumpong barangay. Ang kanyang magandang dalampasigan at karagatan ay may potensyal na sa turismo. Ang terminal ng bus dito sa Amore, saksi sa paalaman at pangarap. Mga anak nitong bayan, saglit munang lilisanin ang kaibig-ibig na bayan na ito at babalik na dala na ang tagumpay,” pagpapatuloy ng talumpati ni Greco. Maraming manonood ang humahanga sa aking kapatid sa bawat pagbigkas nito ng mga kataga. Nagpigil ako huling pangungusap na binigkas ng aking kapatid. May bigla kasi akong naalala na nagdulot ng malaking kabiguan sa aking mga magulang. Kahit hindi ako ang direktang may kasalaanan, nararamdaman ko pa rin ang sakit sa damdamin na tinamo nina Nanay at Tatay. Isang pangyayari na nakaapekto din sa aking mga plano at pangarap. “Ilang digmaan ang kinaharap ng bansa kasunod ang muling pag-angkin ng kalayaan. Biglang umusbong ang populasyon ng noo’y Baryon ng Amore. Nais nang magsarili ng mga mamamayan at pinuno ng baryo para ito ay maging ganap na bayan. Ang pinuno nito na si Cecilio Mondeza ay hindi sumuko kasama ang mga kasamahan niya na magpetisyon sa lalawigan para humiwalay na sa San Clemente. Nadudurog ang puso nila sa kabiguan na maisulong ang petisyon, tila ba ayaw pakawalan ang baryong nilikha ng pag-ibig at pagbabayanihan.” Sa aking pagtatrabaho bilang katulong sa pamilya Cabrales sa bayan, pinag-aral ako ng aking mag-asawang amo ng kolehiyo. Mga ilang buwan na lang ay magtatapos na ako ng kursong Business Administration sa Pambayang Kolehiyo ng Amore. Dalawang taon man akong naiwanan ng mga kasabayan ko, at sa edad kong bente-tres, masaya at nagpapasalamat ako sa biyayang ito ng edukasyon na ipinagkaloob sa akin nina Ma’am Adelfa at Sir Vincent. “Hanggang sa umayon rin ang pagkakataon para sa baryo ng Amore. Matagumpay na nadala sa pangulo ang petisyon at nakarating na rin sa kongreso. Taong 1965, nagkaroon ng plebesito at nagwagi ang pagiging hiwalay na bayan. Hindi na nararapat na tawaging tayo ay isa lang baryo, kundi, Ang Bayan ng Amore. Lilingunin ang mag-asawang Italyano na nanirahan dito noong panahon ng Kastila na bumuo ng pamayanan. Magpapasalamat pa rin sa inang-bayan ng San Clemente. Ito ang bayan ko, bayang matatag, maunlad at may pagmamahalan, ang bayan ng Amore.” Nag-bow na ang ulo ni Greco bilang tanda ng pagtatapos ng talumpati nito. Kaisa ako sa mga pumalakpak para sa aking kapatid. Proud na proud ako sa kanya bilang ate niya. Natapos ang paligsahan at dumating na nga ang anunsyo ng mga nanalo. Nagsama ang excitement at kaba sa aking dibdib, isa si Greco sa dalawang pagpipilian na pwedeng tanghaling kampeon sa talumpatian na iyon. “At ang nagwagi ng unang pwesto sa Talumpati para sa Bayan ng Amore ay walang iba kundi ang,” pambibitin ng host na sinabayan pa ng drum roll ng sound system. “Ang ikatlong kalahok, isang mag-aaral sa Silangang Aplaya Elementary School.” “Kapatid ko ‘yan!” Sigaw ko saka napatayo ako mula sa aking kinauupuan. Masayang-masaya ako sa tinamong tagumpay ng aking nakakabatang kapatid. Wala na akong pakialam sa mga taong napapatingin sa akin. Umakyat muli si Greco sa entablado. Tinanggap nito ang medalya, sertipiko at cash prize na kaloob ng munisipyo. Kumaway siya sa akin na nakita ang presensya ko sa gitna ng maraming taong nanonood sa municipal gym. Umalis na ako sa inupuan kong portion ng bleacher, nagpunta na ako sa may unaha para madali kong malapitan ang kapatid ko. Sa gilid ako dumaan at nakarating naman ako kaagad, paalis na kasi ang ibang manonood kung kaya naisingit ko kaagad ang aking sarili. “Tinatawagan natin ang big sponsor na nagdagadag ng premyo sa patimpalak na ito,” muling sabi ng host ng programa. “Tinatawagan ko si Mr. Symond Castellano, para ibigay ang additional cash prize sa ating nanalo.” Symond Castellano… may sumaging alaala sa aking isipan nang marinig ko ang pamilyar na pangalan na iyon. Kailanman ay hindi ko nalimutan lalo nan g puso ko. “Excuse me Miss,” narinig kong sabi sa akin ng isang baritonong tinig ng lalaki. Saka ko lang napagtanto na nakaharang pala ako sa daraanan sa bandang gilid ng gym. “I- I’m sorry,” nahihiya ako na itinabi ko ang aking sarili para makadaan ang nasabing lalaki na may pagka-mestiso at matangkad. Hindi na niya ako nilingon at nilagpasan na ako ng lakad. Napabuntong-hininga ako sa pagkamangha nang umakyat ang lalaki sa entablado at lumupit sa kapatid ko. Upon looking into his face, nag-matured man ang mukha nito pero mas kumisig ito. Nagsama ang lungkot at pananabik sa aking puso, after fifteen years, ngayon ko na lang ulit nakita si Symond. Kilala pa kaya niya ako? Lihim akong nanlumo nang maalala ko kung paano kami naghiwalay ang landas noong high school pa kami. Saglit ko tuloy nalimutan ang nadarama kong kasiyahan para sa pagkapanalo ng aking kapatid na bunso.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 30 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (213)
BrovoMarlon
Good
16/01
0
Ejhey Gabasa
back
27/10
0
Marlon WP
I'm happy because my birthday I need my father and my brother to be celebrating my birthday
Good
16/01
0back
27/10
0I'm happy because my birthday I need my father and my brother to be celebrating my birthday
22/09
0Ver Todos