logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

Nagmamadali akong umalis ng bahay papuntang sakayan.  Ngayon ang first job interview ko.  Bawal akong ma-late.  I need to make a good first impression. 
Kahit na nga ba sinabi ni tita Sonya na wag muna akong maghanap ng trabaho dahil kaka-graduate ko nga lang, pero hindi ko naman pwedeng sayangin ang opportunity na to.  Inirekomenda kasi akong secretary ng isa sa mga professor ko sa kompanyang ito.  Urgent hiring daw kasi.  Bawal akong matengga ng matagal dahil limited yung income namin ng kapatid ko.  Hindi sasapat samin ang kinikita ko sa part time job ko.  Tapos nag-aaral pa si Trixia, ayoko namang iasa na lang yun kay tita Sonya.  Lalo na ngayon na nakatapos na ako.  Kahit hindi naman masyadong kalakihan ang company na to, go na si ako.  Bahala na si Lord.
Gonzales Recording Company.  Ito na nga yun. Nasa harap na ako ng isang three storey building.  Sabi ng professor ko, marami daw'ng mga sikat na singer ngayon ang minsan na eh nag-record dito.  Tumatanggap daw ang kompanyang to ng mga bagong talents na may potential sumikat sa music industry.  One of the reasons why I grabbed this chance.  Well, I love music din kasi.  Hindi rin naman ako papatalo pagdating sa kantahan.  Bata pa lang ako, nakasanayan ko nang kumanta sa harap ng maraming tao.  Kapag may party kasi sa bahay dati, lagi akong pinapatugtog ni mommy ng piano at pinapakanta sa harap ng mga bisita.  Frustrated singer kasi yun.  That's why I really dreamed of becoming a singer before.  Hindi ko na nga lang na-pursue ang dream ko na yun dahil sa nangyari sa pamilya ko. 
Habang papalapit ako sa entrance eh nagsisimula na akong kabahan.  Kahit pa nga ba may recommendation ako dito, di ko pa rin maiwasang hindi kabahan. 
"Hi, good morning miss.  What can I do for you?" Nakangiting bungad sakin ng receptionist.
"Hello. Uhm, I'm here for an interview." Medyo nabawasan ang kaba ko dahil sa friendly approach nya.  Nabasa ko sa name plate nya ang name nya.  Mae.  Hmmn. Mukhangmakakasundokosyakapagnatanggapakodito.
"Oh, are you Ms. Kyra Gail Hernandez?" Napatango naman ako sa kanya.  Hindi ko maiwasang mapangiti sa pagbasa nya ng full name ko.
"Just go directly to the office, Ms. Hernandez.  Dumiretso ka lang sa hallway then kumanan ka.  Mrs. Lopez is expecting you." Nagpasalamat ako sa kanya at naglakad na papunta sa direksyon na sinabi nya.
Napansin kong maraming albums ang nakasabit sa magkabilang walls ng hallway.  Nae-excite tuloy akong magtrabaho dito.  I can picture myself sitting inside an office doing some document filing while listening to my favorite songs.  I silently prayed na ibalato na sakin ni Lord ang trabahong to. 
Kumatok ako sa pinto at narinig mula sa loob ang mahinang come in.  I tried to calm myself before I opened the door.
"Good morning, ma'am." Bati ko sa babaeng nakaupo sa likod ng mesa.  Maganda sya at tantiya ko ay nasa mid 30's ang edad.  Halos ka-age lang ng professor ko.  Lumapit ako sa kanya at inabot ang kanyang kamay to shake hands.
"Good morning, Ms. Hernandez.  Naitawag na sakin ni Ms. Castro ang pagdating mo.  Please have a seat."
Bigla ko tuloy naisip na si Mae ang tinutukoy nya.  Naupo naman ako sa upuan sa harap ng mesa nya.  Inikot ko naman ang aking paningin sa loob ng office.  Ang ganda ng pagkakaayos ng mga files.  Colorful ang mga signages na ginamit in each music genre.  At ang daming tapes and CD's na nakasalansan sa isang sulok.  Napansin kong may isa pang pinto sa may bandang right side ng kinaroroonan ng mesa nya.  Nahaharangan lang ng malaking filing cabinet na puno ng mga CD's at albums na nagsilbing divider mula sa pinto kaya hindi agad ito mapapansin.  I think yun ang pinaka-office ng boss nila.  Ang galing ng pagkaka-design, an office inside an office.  If ever matanggap ako dito, itong kwartong to ang magiging office ko. 
"Ok, I will not let this interview last for long.  Let's start." Napatitig naman ako sa kanya habang hawak nya ang resumé ko.  Hindi ko alam kung ano ang magiging ending ng job interview na to but I braced myself for the incoming questions.
"So you're a fresh grad.  I heard na hardworking ka at magaling sa school.  No doubt about that dahil kita ko naman dito sa TOR mo.  And I believed hindi ako ipapahiya ni Icel nito.  I'm sure she already told you na ako ang papalitan mo.  I know magaling syang bumasa ng tao, so...welcome to Gonzales Recording Company, Ms. Hernandez.  You're hired.  And I hope you can start tomorrow dahil malapit na rin kasi akong umalis.  I only have a week to teach you everything about your work here.  So hopefully, magkasundo tayo."
Nakangiting sabi nya sakin habang nakahawak sa umbok nyang tiyan.  She's having a baby kaya sya magreresign.  I guess, matagal na nyang naihanda ang sarili nya to give up her career and lead a family life.  Nakikita ko ang kasiyahan at contentment sa kanyang mukha.
Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga narinig ko.  Ang nag-register lang sa utak ko eh may trabaho na'ko.  Praise God!
----
"Hello, hon! I missed you! Where are you now?"
That's Penelope, simula nung dumating sya sa Pilipinas wala na itong ibang ginawa kundi tawagan at kulitin sya.  She said sobrang na-miss lang daw sya nito.  But strangely, he didn't feel the same way towards her. 
"I'm on the road right now.  I can't stay long on the line.  Bye."
He ended the call before she can say another word.  It was rude but he can't help it.  Sometimes, he just wanted to escape from her constant calls. 
Nakakasakal na. 
And to think that it's just two weeks since he arrived.  He really can't figure out why he fell in love with that kind of girl.
His mom told him that Penelope is the love of his life.  They were supposed to be married by now kung hindi lang nangyari ang aksidente.  Pero kahit naman siguro may amnesia sya, kahit hindi maalala ng utak nya ang pagmamahal nya kay Penelope, surely maaalala ng puso nya if he really feels something for her.  Sabi nga nila, the mind may forget but never the heart.
But no matter how hard he push himself to remember that kind of feeling, headache lang ang inaabot nya. 
Gustuhin man nyang iwasan ito, he can't do it because of his mom.  He obviously know na favorite ng mother nya si Penelope.  Kung hindi lang siguro nag-aalangan ang mommy nya about his condition, malamang ipinakasal na sila nito the moment he woke up from coma. 
He was driving now around the city.  Since the accident, natakot na ang mommy nyang magmaneho pa sya ng sasakyan.  But he doesn't want to live like that, gusto nyang harapin ang kinatatakutan nya.  He feels that running away from fear is not part of his past life then.  And he knows that his past self would like to regain all those missing memories.  Para syang laging nangangapa sa dilim, trying to pick up those little bits of himself.  Every time he meets someone who knew him and didn't recognize them, he just feel that urge to focus on his recovery.  To be back to his past self again.  He always have this feeling that something or that someone important is missing in his life.  And all he can do is to wait for those memories to crawl back in his mind.  Wasn't that a very cruel reality? May gusto kang maalala pero hindi mo maalala.  Nakaka-frustrate, diba?
Habang naghihintay ng go signal, binuksan nya ang player ng sasakyan para makinig ng sounds.  He was glad na mahilig rin pala sa music ang daddy nya.  Ang kotse kasi nito ang gamit nya ngayon dahil hindi pa sya nakakabili ng bago.  Sayang din naman kasi, well-maintained naman kasi ito.  Luckily may nakasalang ng CD so he pushed the play button.
Now playing: Sa Panaginip Lang
Ilang beses ko nang nararanasan 'to
Bakit kaya lagi na lang ganito
Lahat naman ay kinakaya ko
Pero bakit sayo'y laging bigo ako, oh
Kahit sandali lang naman
Baka pwede naman kitang mahawakan
The song sounds familiar to him, parang narinig nya na to somewhere.  Biglang may nagflashback behind his eyes.  Isang babae na nagpa-piano at kumakanta.  Nakalugay ang mahabang buhok nito kaya hindi nya masyadong makita ang mukha.  Pinilit nyang aninagin ito at biglang nanlamig ang kanyang pakiramdam.  Kahit blurred sa kanyang paningin, he knew this girl.  The girl that haunts him in his dreams at ang babaeng kumakanta ay...
"Aah!" He cried in pain.  Napahawak sya sa ulo nya at napasubsob sa manibela.  Naririnig na nya ang busina ng mga sasakyan sa likuran nya.  Wala na syang alam sa mga nangyayari sa paligid nya.  He can't bear the pain in his head.  Ngayon lang nangyari to sa kanya.  Now and then nagkaka-headache sya, pero mas malala ang nararamdaman nyang sakit ngayon.  He tried to relax and calm down nang mapansin nya ang isang  traffic enforcer na kumakatok sa bintana ng kotse nya.  He pulled down the window to answer him.  Silently grateful for the offered help.

Comentário do Livro (113)

  • avatar
    BajoRitchelle

    maganda

    20/07

      0
  • avatar
    Paps Ng Lahat

    wow

    18/07

      0
  • avatar
    BajoRitchelle

    maganda

    14/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes