logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Xtra-Love

Xtra-Love

charmedjanz


Chapter 1

Mabilis na mabilis ang takbo ng sasakyan ni Mike.  Hindi nya na alintana kung saan sya papunta.  Wala na syang pakialam kung ano ang maaring mangyari sa kanya.  Gusto nya lang makalayo sa lugar na yun.  Gusto nyang burahin sa kanyang isipan ang nasaksihan nya kanina.  Hindi nya lubos maisip na kayang gawin ni Gail ang pagtaksilan sya.  Sobrang sakit ang nararamdaman nya ngayon.  It's as if his heart is deliberately torn into pieces by the woman that he really loves.  Huli na nang mapansin nya ang pasalubong sa kanyang ten wheeler truck.  Wala na syang ibang nagawa kundi ang salubungin ang nakakabinging banggaan ng kanilang mga sasakyan.  At nagdilim na sa kanya ang lahat.
----
3 years later
"Congrats, ate Gail!" bati sakin ng aking nakababatang kapatid na si Trixia.
Kakatapos lang ng graduation namin, sa wakas natapos ko rin ang pag-aaral ko.  After struggling for four years in college, for being a working student, eto na, hawak-hawak ko na ang katibayan ng pagtatapos ko.  Malamang super proud sakin sina daddy at mommy ngayon.  Kaso wala na sila.  Kinuha na sila sa amin.  Namatay sila sa isang car accident tatlong taon na ang nakalilipas, kasama nila si Trixia sa aksidenteng yun pero himala na sya lang ang nakaligtas.  Ganun pa man, ipinagpasalamat ko pa rin sa Diyos na naiwan pa rin sa akin ang kapatid ko.  Dahil kung hindi, I don't know how am I going to live my life without my family.
Ayoko mang isipin ang bagay na yun pero pilit pa rin yung sumisiksik sa diwa ko lalo na ngayon.  This could have been a happy celebration day for me and my family.  But then, kami na lang dalawa ng kapatid ko ang magkasama.  Maswerte pa rin kami dahil kahit wala na ang parents namin, naiwan nila sa amin ang bahay na tanging natira sa lahat ng pagmamay-ari namin noon.
Ako nga pala si Kyra Gail Hernandez, 20 years old.  Kaka-graduate ko lang sa kursong BS ComSci.  Dalawa lang kaming magkapatid.  Hindi na nga halos inasahan nila mommy na masusundan pa ako.  Ten years ang gap naming dalawa, kaya parang baby ko na rin sya.  Mahal na mahal ko yang makulit na yan.  Sya na lang kasi ang natitira kong immediate family.  Mayaman kami dati, kaso nalugi ang kompanya namin nung ma-in love ako sa isang lalaking galing sa mas mayaman na pamilya.  Hindi ko naman inakala na ang lalaking una kong mamahalin ang syang magiging dahilan ng paghihirap namin.  Masyado bang malihim ang kwento ko? Ewan ko ba, pati ako hindi ko alam kung bakit naging ganun ang mga nangyari.  Wala na rin kasi akong contact sa kanya.  Hindi ko na rin binalak na alamin kung kumusta na sya.  Wala na akong pakialam kung buhay pa ba sya o kung nasaan man sya.  All I know is that, I don't want to see him ever again.
"Hoy ate! Tulala ka na naman.  Dapat maging masaya ka ngayon kasi graduate ka na." 
Naputol ang pagmumuni-muni ko.  Kahit kailan talaga, basang-basa ako ng kapatid ko.  Malaki ang pasasalamat ko dahil tinutulungan kami ng bestfriend ni mommy na si tita Sonya.  Sya ang tumutulong sa aming magkapatid simula nung namatay ang parents namin.  Hindi na kasi sya nakapag-asawa dahil sa pagiging busy nya bilang guro.  Itinuring na nya kaming mga anak ni Trixia.
"Sorry bunso, naalala ko lang kasi sina daddy.  Pasensya ka na ha, nakalimutan ko tuloy na nandyan ka pala." Pabiro kong sagot sa kanya, napansin ko kasi na nalungkot rin sya nung mabanggit ko sina daddy.
"Ate naman, eh.  Wag ka ngang ganyan, iiyak na ako neto." Kahit kailan talaga madrama rin tong kapatid ko.
"Tama na yan, Trixia.  Umuwi na tayo at nang makakain." Sabad naman ni tita Sonya.  Nagsilakad na kami paalis ng venue at pumara ng taxi pauwi.
----
Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan ni Mike galing US.  It's been 3 years since he left for the States.  Doon sya dinala ng kanyang ina after the accident.  He never thought he would survived it.  It was a fatal one, he almost lost his eyesight.  Buti na lang they have the resources to sustain his medical needs.  But then, hindi rin lahat naibalik sa kanya dahil nung araw na yun, nawala rin ang kanyang ala-ala.  He didn't even know himself then.  When he woke up at the hospital, ang mommy nya ang una nyang nakita.  Tinulungan sya nitong ipaalala kung sino sya.  Sinabi nitong he's been comatose for a year.  At sobrang saya nito na sa wakas ay nagising sya.  His dad died of heart attack after learning his accident.  He didn't know what to feel about it.  How will he be able to feel the grief kung hindi nya nga maalala ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang ama?
He underwent a lot of therapies after.  Unti-unting nanumbalik ang kanyang lakas at ang ilan sa kanyang mga ala-ala.  The doctor said that he's lucky to have a second life and that he'll regain all his memories eventually.  Lalo na kapag nagbalik sya sa lugar na pamilyar sa kanya at makasalamuha nya ulit ang mga taong nakasama nya noon.
That's basically one of the reasons why he returned to the Philippines.  Despite the fact na pinapauwi na rin sya ng mommy nya to manage their business.  Matanda na raw ito, and she thinks it's about time for him to handle it at i-invest ang kanyang mga natutunan sa Amerika.
But the truth is, gusto nyang malaman kung sino ang babaeng lagi nyang nakikita sa kanyang panaginip.  At nararamdaman nya na dito nya sa Pilipinas matatagpuan ang kasagutan.
"Hey, son!" Nakita nyang kumakaway sa  kanya  ang kanyang ina.  Sinalubong sya nito at niyakap ng mahigpit.
"Mom, nag-abala ka pa talagang sunduin ako.  You should be staying at home now." Hinalikan nya ito sa pisngi at ginantihan ito ng yakap.
"No worries, son.  You know I just can't wait to see you." That's my mom, ayaw talaga paawat.  What she wants, she really do it.  Naglakad na sila palabas ng airport papuntang sasakyan.
"Someone is waiting for you, iho." Makahulugang ngumiti sa kanya ang kanyang ina.
He knew who she meant.  It's Penelope Cruz.  His so-called girlfriend.  Well, that's what his mom told him, though he really doubted it.  Coz he can't feel that special feeling whenever he's with her.  It's just that something is wrong with that thought.  Pero paano nya naman malalaman yun eh he never remember those parts of his life.
"Damn, amnesia!" Nasabi nya na lang ng tahimik sa sarili nya.  Inihanda na nya ang kanyang sarili sa byahe pauwi sa kanila.

Comentário do Livro (113)

  • avatar
    BajoRitchelle

    maganda

    20/07

      0
  • avatar
    Paps Ng Lahat

    wow

    18/07

      0
  • avatar
    BajoRitchelle

    maganda

    14/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes