logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 MY SECRET WORLD

Natigil na lang sila ng dumating ang pinsan ni tiyo Mar na asawa ni Mrs. Garcia. Pinapakalma at pinapauwi na ang kanyang asawa dahil wala nga naman talaga silang mapapala sa amin kung palagi silang makipag gyerahan. Ngunit nagbanta pa rin talaga si Mrs. Garcia sa aming pamilya.
Isinubsob ko ang aking sarili sa aking kama at halos naglagablab pa rin ang aking galit sa mga taong nagmamaliit at nag alipusta sa pamilya ko.
Hindi ako papayag na ganito na lang ang gagawin nila sa amin. Ano ba ang puwede ko pang gawin para matulungan ko sila sa sitwasyon namin? Ang tingin lang din sa akin ay isang taong walang future. Hindi ako katulad ni Hanna na unti-unti na niyang natupad ang kanyang mga pangarap.
Bahagyang kumatok sa pintuan ng kwarto ko si Sandy. Binigyan ko lamang ito ng silent treatment dahil sobrang sama talaga ng loob ko. Nagpaalam na papasok ito sa aking kwarto. Hindi rin naman ito naka lock kaya tinuloy niya pa rin ang pagpasok sa loob ng kwarto ko kahit hindi ko ito pinagbuksan. Naabutan niya akong nakasubsob sa aking kama. Ayaw ko makita niya na umiiyak ako ngunit hinila niya pa rin ang aking mga paa. Sumunod na rin doon ang aking tiya Marie na halos makiusap na harapin ko siya. Pero hindi ko talaga siya hinarap dahil naiinis ako kung bakit hinahayaan lang nila na tratohin kami ng ganito.
Tumabi sa kama ko si Sandy at nabigla na lamang siya na nakita niya ang aking kaliwang kamay na dumudugo ito. Hindi ko na pala naramdaman marahil sa kakapwersa ko ito kanina at yung pinagtanggalan ng karayom ng dextrose ay namaga at tuloy-tuloy ang labas ng dugo. Pinatayo ako ni Sandy at pinahiran ito ng bulak na may alcohol. Nakakunot lang ang aking noo habang tinitignan ko ang kanyang ginagawa.
“Kei, anak sa susunod huwag mo na masyadong kinakalaban si Mrs. Garcia. Isipin mo na lang na doon kami nagtatrabaho ni tiyo mo. Paano na lang kung lalo niya kaming pag-initan sa trabaho. Kung hindi nga lang din dahil kay Madam Veronica baka matagal na kaming pinatanggal ni Mrs. Garcia.”, pakiusap ng tiyahin ko sa akin na nakaupo sa tabi ni Sandy.
Ang tinutukoy ni tiya ko na si Madam Veronica ay ang asawa ng Mayor ng aming bayan na isa sa mga shareholders ng FC Farm kung saan nagtatrabaho sila tiya at tiyo ko. Ang FC Farm ay ang isa sa pinakamalawak at malaking farm dito sa aming bayan na siyang nagsusuplay ng mga gulay at prutas sa siyudad.
Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko naging kasalanan ko pa na lumaban sa bruhang babae na iyon. Pero may point din naman tiya ko sa pakiusap niya. Pero hindi maaring ganito na lang lagi dahil sumusobra na talaga si Mrs. Garcia. Hindi naman ikibabagsak ng pamumuhay niya ang naging utang namin. Sadyang mapang-api lang talaga siya sa pamilya ko. Hindi ko alam kung masyado niyang kinaiinggitan si tiya Marie ko dahil naging kaibigan niya kasi ito noong kabataan nila. Kung tutuusin si Mrs. Garcia lang din naman ang nag insist to offer para pautangin sila tiya noon dahil ang una talaga nilapitan ni tiya ay si Madam Veronica. Kesyo nga dahil magpinsan si tiyo Mar at asawa niya kaya okay lang daw pero ganito ginagawa nila sa bandang huli.
Hindi na rin ako sumagot pa dahil naiintindihan na rin ako ni tiya sa aking pananahimik sa hinaing niya sa akin. Siguro naman maintindihan niya rin ako. Para sa kanila din itong ginagawa ko.
“Oh siya Sandy iho ikaw muna ang bahala kay Kei. Papasok na kasi kami sa trabaho at oras na.”, paalam nito
“Okay po tita ako na po bahala dito. Ingat po kayo.” Sagot ng malambot na boses ni Sandy.
Tumayo ako at isinara ko ang pinto ng padabog. Umupo ako at humarap sa aking kaibigan. I forced a smile.
“Ano na naman yang binabalak mo girl? Kinikilabotan ako sa pilit mong tawa na iyan.”, inunahan na ko ng warning ni bakla.
He really is my best friend who seems to be able to read my mind immediately. Dinaig pa ang psychology major.
“May alam ka ba na ibang raket na puwede kong gawin? Easy money ganun.”, walang alinlangan kong tanong sa kanya.
“Tanga! Akala mo naman naghahanap ka ng milagro ano. Tigilan mo nga iyan. Matulog ka na at magpahinga ka dahil papasok ka pa mamaya. Uuwi na ako dahil inaantok na ako.”, sabay pitik nito sa aking noo.
Nginusoan ko lamang siya. Akala niya nagbibiro ako. Kung meron nga lang mag alok sa akin ng 1 vs 1 fist fighting ay tatanggapin ko eh basta may pustahan.
Nagpaalam na sa akin si Sandy at napagpasyahan na umuwi na sa kanila. Malapit lang ang bahay niya sa bahay namin ilang hakbang lang dahil isang compound lang kami. Bumalik ako sa pagkahiga ko at ramdam ko na ang antok. Itinaas ko ang aking dalawang kamay sa ere habang tinitignan ko ang aking mga kamay na nababalutan na ng kalyo dahil sa kakatrabaho. Hindi ko na lang maiwasan na bigkasin sa sarili ko na sana magkaroon pa ng silbi itong mga kamay ko na ito para matulungan ko ang aking pamilya. Na sana may naghihintay pa sa akin na magandang bukas kahit hindi man lang ako nakapag aral ng kolehiyo.
Sa aking pag-iisa dito sa kwarto ay hindi ko na naman maiwasan na mapaluha. Dinampot ko ang aking malaking puting malambot na unan at isinubsob ko ang aking mukha. Dito ko isinigaw ang aking sama ng loob at bawat patak ng aking luha ay ang tanging unan ko lamang ang saksi. Only my pillows knows the amount of emotions and pain that I hide from the world.
Beep, beep, beep…
Nagising na lang ako sa ingay ng aking alarm clock dito sa kwarto. Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako sa kakaiyak kanina at ramdam ko ang mugto ng aking mga mata. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Tinatamad pa akong tumayo. Nakapatong kasi ang alarm clock sa ibabaw ng aking cabinet kaya walang tigil ito sa ingay. Sinadya ko talaga ilagay doon para kung sakali mag alarm ay mapilitan ako tumayo.
Tumayo na ako at pinatay ko ang sunod sunod na alarm. Sinet ko pala ito kanina ng alas dos ng hapon. May importante kasi akong gagawin ngayon kailangan ko pumunta sa ilog malapit sa paakyat sa bundok na may 30 minutes din ang layo dito sa amin. Mangunguha ako ng mga halamang gamot at gulay para ibenta ko sa sentro mamaya bago pumasok. Every weekend ko din ito ginagawa pandagdag kita bilang side line ko. Maliban kay Sandy ay hindi ito alam ng pamilya ko at ilang mga tao dito. Masyado kasing masukal at delikado ang daan papunta doon. Ayaw kong nakakarinig ng histerekal na pambabawal ng aking tiyahin o di kaya si Hanna kapag nalaman nila ginagawa ko ito. Ang kinikita ko dito ay aking iniipon at tinatabi kaya si Sandy lang talaga ang nakakaalam para saan ko ito ilalaan.
Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit dahil ilog lang din naman ang pupuntahan ko. Suot ko pa rin ang pambahay ko na printed floral cotton short at white loose t-shirt ko na may malaking butas sa kili-kili. Dinampot ko ang lumang malaking bayong namin at isinilid ko na doon ang aking patalim at gunting. Sa likod ng bahay ako dumaan dahil may short cut dito papunta sa gitna ng kagubatan. Kahit may kalayoan ito mula sa amin ay nasanay na rin akong tahakin ang daan na ito. Wala kang makikitang taga rito na magtatangka na tahakin ang daan na ito dahil takot sila sa mga urban legend na may mga masamang elemento daw na pagala gala sa lugar na ito. Pero sa halos ilang beses ko na pabalik balik dito ni isa wala pa talaga akong nakita dahil siguro sa taglay kong tapang kaya hindi ko na naisip iyon. Mas importante sa akin ang pera.
Nakarating na ako sa isang parte na liblib at tanaw na ang malawak at malinis na ilog. Dumaan ako sa gilid gilid dahil uumpisahan ko na manguha ng herbal plants na ang naging suki ko dito ay iyong mga intsik na negosyante na kakilala ko. Sumusuot ako sa mga naglabongan na mga sanga-sanga ng halaman para naman sa mga kukunin kong mga ligaw na gulay tulad ng pako, ligaw na gabing maliit at bamboo shoots.
“Swerte ko naman ngayon madami dami ang mga nakuha ko. Thank you po Lord.”, habang isa isa ko itong inaayos at tinali.
Sa sobrang pagod ay naisipan kong magpahinga muna sa isang tabi at inuumpisahan ko na rin isilid ang aking mga nakuha sa aking lumang bayong. Halos mahigit isang oras din pala ang naigugol ko sa kakasuot sa mga kakahuyan. Madalang lang din gawiin ng tao ang lugar na ito at ang madalas lang naman na naririnig ko na maglakas loob pumunta dito ay ang mga hikers at nag camp sa kabilang side ng gubat. Pero ni minsan ni isa wala pa akong nakita sa kanila maliban sa usok lang na nagmumula kung saan sila nag camp.
Matagal din ako nakaupo at sobrang masarap sa pakiramdam ang paligid. Payapa, presko ang hangin, sobrang linis ng tubig at masarap pakinggan ang huni ng mga ibon dito sa gitna ng kagubatan. Buti na lang at itinuloy ko pa rin ang pumunta dito dahil nabawasan nito ang stress na naipon ko kaninang umaga. Dito maramdaman mo talaga ang sobrang Kalayaan para sa sarili mo. Naging stress reliever at comforter ko ang pagpunta dito. Ang lugar na ito ay tinuring kong secret world ko.
Nakaramdam na ako ng pangangati sa katawan kaya naisipan ko maligo na rin sa sobrang linis at linaw ng tubig sa ilog. Parang may kung anong mahika ito na tinatawag ako ng tubig. Tumayo ako sandali at pinuntahan ko ang isang napakalaking puno kung saan may itinago ako na sabon at sachet ng shampoo na ako lamang ang nakakaalam sa secret storage ko na ito. Kinuha ko ito at pinatong sa malaking bato. Mabato ang parte ng ilog at sa gitnang bahagi ay malalim na parte ay masarap sisirin. Inumpisahan ko ng hubarin ang aking shorts at damit. Naiwan lang na saplot sa aking katawan ang suot ko na sandong puti at underwear ko sa baba.
Mabilis akong tumalon sa tubig. Para akong bata na nagtampisaw sa tubig. Ramdam ko ang kapayapaan sa paligid at pakiramdam ko may sariling mundo ako na kahit sino ay walang sinumang magtangkang manghimasok dito. Sumisid ako palalim at kitang kita ang linaw sa ilalim ng tubig. Ilang minuto ko din ine enjoy ang aking sarili sa paglangoy at sisid. Sariling tawa ko lang ang maririnig sa paligid.
Umahon ako saglit para mag shampoo at magsabon. Dumampot rin ako ng maliit na bato para gawing panghilod sa aking makinis na balat. Kahit laking probinsiya ako ay ni isang piraso ng paltik o bakat ng piklat sa aking balat ay wala kang makita. Hindi rin naman ako ganoon ka puti kundi tamang Morena lang. Dahan-dahan ko pinahid ang soap bar at hinilod sa aking malambot na balat. Dahil sa basa mula ulo hanggang talampakan ay lumitaw dito ang napakagandang hubog ng aking katawan. Bumakat din sa sandong puti ko ang maumbok at malusog na dibdib. Maliban sa aking ganda ang isa ko pa maipagmamalaki sa aking sarili ay ang biniyayaan ako ng magandang hubog ng katawan.
Sumisid ulit ako para magbanlaw. Ngunit sa hindi inaasahan ay may kung ano akong narinig na kaluskos mula sa likod ng mayabong na dahon. Kaya pinakiramdam ko lang ang galaw nito. Pakiramdam ko isang ligaw at mababangis na hayop lang ito. Pero ni minsan wala pa akong nahuli na mabangis na hayop.
Pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon? Dahil first time ko lang makaramdam ng ganito ngayon ay ginawa ko naging alerto ako sa aking bawat galaw. Napansin din yata nito na masyado na akong guarded para sa sarili ko ay siya ding pananahimik niya sa likod ng mayabong na halaman. Parang pareho kaming dalawa na nagpakiramdaman. Hindi na normal ito parang may kung anong misteryo ang nasa likod na iyan. Hindi ako natatakot pero biglang nag react ang aking tuhod ng pangangatog. Or dahil lang siguro nilalamig na ako sa kababad dito sa tubig? Isa or dalawang hakbang paatras ko at dahan dahan akong kumapa sa aking likoran.

Comentário do Livro (9)

  • avatar
    USNIEKRISJEN

    ungreat

    17/06

      0
  • avatar
    SiasonEdimar

    magnda sya kilig

    16/06

      0
  • avatar
    Jake Dalisay

    it good

    16/12

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes