logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 HARD LIFE SITUATION

KEIRA’S POV
Ilang buwan na rin ang nakalipas ay hindi na nakauwi si Hanna dito sa amin. Siguro sa isang sem na ito hindi siya umuwi halos higit six months na rin. Dati naman ay once a month ay umuuwi siya. Hindi rin naman naging palya ang pag support ni tiya sa kanyang pag-aaral sa Manila. Pero ang sabi niya lang kay tiya ay naging busy siya lalo na nasa senior year na siya sa university.
Naputol lamang ang aking malalim na iniisip ng biglang lumapit sa akin ang attending nurse. Pinaalala nito na inumin ko ang aking mga gamot at vitamins. Kasunod nito ay naka monitor ang aking blood pressure. Sa likod ng attending nurse ay may isang staff pa na nagbibigay at naglibot na may dalang tray na may lamang pagkain para sa aming lunch. Yung lunch namin ay nakalagay ito sa isang stainless na plato at nakabalot sa cling wrap. Makikita ang laman na ginisang gulay na may sahog na ilang pirasong karne ng baboy, 1 cup of rice at isang piraso na saging. Kahit nagugutom ako at pinagmamasdan ko lamang ang pagkain ay wala talaga akong gana para dito. Dahil sa kailangan ko ng lakas para makalabas kaagad ay pipilitin ko na lang ang aking sarili.
Hindi na ako nag-atubili pa magtanong sa nurse na nasa harap ko.
“Anong oras ako maaring lumabas bukas Nurse?” kapagkuwa’y tanong ko sa nakatokang nurse
Tumingin ito sa akin ng saglit atsaka sumagot
“Pagkalipas ng 24 hours po Ma’am ay papayagan na po kayo ng attending physician niyo po na lumabas bukas.”
“Ganoon po ba,” blanko ang mukhang tugon ko.
Ewan ko ba ay nakaramdam ako ng disappointment. Dahil siguro ramdam ko na ang bored dito sa loob ng ospital. Gusto ko ng umuwi at lumabas sa lugar na ito. Maniwala kayo o sa hindi ay hindi talaga maganda ang mag stay dito lalo na masyadong matapang ang amoy ng mga gamot dito. Nakakasuka na pakiramdam ko ay lalo akong magkasakit kung hahayaan ko pang tumagal dito. Di bale itulog ko na lamang ito mamaya pagkatapos ko kumain.
“Whoa pare tignan mo savage at sigurado ako sila ang mananalo! Hahahaha”
Nagising na lamang ako ng marinig ko ang ingay na nagmula sa labas ng aming bintana sa ward. Dahil nasa ground floor kami ay matatanaw dito ang labas at pinaka silbing pahingahan ng ilang bisita sa ospital. Mula din sa aking higaan ay klarong klaro ko ang grupo ng kalalakihan na tila naghihiyawan sa pinanood nilang laro sa selpon.
“Ano ba itong mga batang ito hindi ba marunong makiramdam at magkaroon ng respeto sa ilang pasyente dito sa loob.”,
Napalingon ako ng marinig ko ang reklamo ng isang matandang babae na pasyente na kasama ko dito sa ward.
“Kaya nga eh! Ngunit wala tayong magagawa dahil public hospital ito ay kailangan na nating sanayin ang ganitong Sistema sa ospital.” Sagot ng isa sa mga watcher na kapamilya ng isang pasyente.
Tama nga naman ganito talaga ang kalakaran sa mga public hospital. Dahil hindi naman kami mga VIP at ang ilan sa amin ay umaasa lamang sa discount ng gobyerno lalo na pagdating sa bayarin.
Tinignan ko ang oras ay mag alas dyes na pala ng gabi. Dahil sa puyat ko ay naging tuloy-tuloy pala ang aking tulog pagkatapos ko mag lunch kanina. Nabawi ko ang tulog ko dito.
“Ano ba kasi ang pinapanood ng mga iyan at tila ay nag enjoy yata sila. Mga kabataan nga naman masyadong na adik na sa mga gadgets.”, reklamo ulit ng matanda na tila na alibadbaran na talaga sa mga binata na nasa labas.
Dahil sa hindi na ito makatiis ay agad itong tumayo at hinila ang kanyang dextrose stand at itinulak ito palabas ng aming kwarto. Doon na lamang siya sa lobby nagpahinga at umupo muna doon. Siya pa talaga ang nag adjust.
“Pinapanood yata nila yong sikat ngayon na laro na The Lost Kingdom of Deities ba yon? Ah basta! Napanood ko din kasi sa balita kahapon yan. Tournament yata iyan kaya ganyan sila ka enjoy.”
Tumaas lamang ang aking kilay at nagkibit balikat lamang ng marinig ko ang usapan nila. Hanggang dito ba naman puro tungkol sa e-sports pa rin ang aking maririnig. Dahil din sa ingay ay hindi na magawang makapagpahinga ng maayos ng ilang pasyente. Kahit na public hospital ito show some respect pa rin. Tumayo ako at lumapit sa nakabukas na bintana malapit sa aking higaan. Sinigawan ko ang mga kalalakihan na kanina pa maingay. Sa unang pagkakataon ay maririnig din ng mga kasama ko ang aking boses.
“Hoy kayo diyan sa labas wala ba kayong balak magpatulog ng mga taong may sakit ha? Wala kayo sa peryahan or di kaya sa inuman para magsigawan kayo. Kapag ako nakalabas dito ay isa-isa kayong makakatikim sa akin”
Sabay sila nagsilingonan ng marinig nila ang nagbawal sa kanila. Kitang kita nila ako sa aking kinatatayoan siguro dahil sa nahiya na sila ay hininaan nila ang kanilang mga boses at tinuloy pa rin ang kanilang panonood.
“Sayang maganda sana kaso may saltik yata. Hindi niya alam at hindi niya maintindihan kung ano itong pinanood natin.”, bulong ng isang lalaki sa kanyang mga kasama pero sadyang pinaparinig niya sa akin.
“Anong sabi mo? Tama ba ang narinig ko sayo?”, histerekal na tanong ko sa kanila
Kumunot naman ang noo ng mga ito at napagpasyahan ng grupo na lisanin na lang ang lugar para iwas storbo. Sana kanina pa nila naisip na nakaka storbo talaga sila sa aming mga pasyente.
Bumalik ako sa aking higaan habang napabuntong hininga na lamang. My God wala man lang common sense talaga ang ilan sa mga tao gayong alam nila nasa public hospital sila. Mabuti pa ang bata siguro ay marunong pa umintindi but to think they are matured enough. Sarap batukan talaga.
Clap… clap… clap….
Nabigla at narinig kong nagpalakpakan ang mga kasama ko sa ward na tila hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan sa akin. Simula pagka confine ay tahimik at mahinhin lamang ako pero may tinatago pa lang cool personality. Napayuko na lamang ako at nahihiya sa aking nasaksihan. Hindi naman big deal ito kailangan lang din talaga nating e voice out ang karapatan natin sa iba. Kung hindi dahil kay nanay na siya pa talaga ang nag adjust na lumabas ay hindi ako magkaroon ng time para mag step in sa ganitong sitwasyon.
Saktong hihiga na sana ako ng mapansin ko ang isang balot ng plastic na nakapatong sa aking side table. May lamang tatlong piraso na oranges at dalawang pirasong mansanas. Sa tabi neto ay may paper bag na ang laman ay ang aking pamalit na damit. Sumilip ako sa labas baka sakaling lumabas lang ang may dala nito pero nabigo ako. Sino nga ba ang nagdala nito ang thoughtful naman. Napangiti na lamang ako at kumirot ang aking dibdib kasi akala ko wala man lang makaalala sa akin. Pero isang tao lang ang naalala kung possible na gumawa nito kundi si Sandy.
“Ahmm excuse me po napansin niyo po ba kung sino po ang naging huli kong bisita kanina?”, nahihiya kong tanong sa aking mga kasama dito sa loob na tila nag switch ang aking personality into mahinhin. My God nakakahiya.
Napangiti na lamang ang aking mga kasamahan at agarang sinabi na ang aking kaibigan si Sandy ang bumisita at pinapasabi na sumaglit lamang ito bago pumasok sa kanyang trabaho. Sabi ko na nga ba na si Sandy nga. Itinuro din nila sa akin ang isang papel na pinailalim sa paper bag. Nag-iwan pala ng note ang aking kaibigan. Dahil wala akong selpon ay sa pamagitan nalang ng sulat ang aming communication dalawa.
“Girl, pagaling ka. Dinalhan na kita ng damit mo dumaan ako sa bahay niyo kanina bago pumasok. Ako na mismo kumuha ng mga damit mo sa cabinet mo kasi wala sila tita at tito mo sa bahay. Naghahanap ako ng dress sana para sayo kaso puro t-shirt at pants lang mga damit mo ano ka ba. Si Angelo lamang ang naiwan doon at sinabing nag overtime daw ang mga magulang niya sa trabaho. Kaya pinapasabi din ng pinsan mo na hindi ka na mapuntahan dito. Kaya yan girl laban lang. Daanan kita bukas pag out ko dahil sakto din lalabas ka na rin diyan. See yah.. Mwaah! – from Pretty Sandy”
Halos mapaluha ako sa ginawa ng aking kaibigan. Sobrang bait talaga niya para isipin pa ako. Medyo na disappoint naman ako na hindi man lang ako mapuntahan na ng aking pamilya. Pero okay lang naintindihan ko naman lalo na sa sitwasyon ng aming buhay. Maliit na bagay lang ito. Habang binalik ko ang nabasang liham sa paper bag ay pansin ko din ang aking hapunan na nakabalot sa cling wrap. Pinatong na lang siguro dito ng staff dahil sa malamang nasa kasarapan ako ng tulog kanina. Malamig at nanigas na ito. Pork liver steak ang ulam at isang cup ng rice at ngayon may kasama itong dalawang maliit na pirasong macaroons bilang dessert. Dahil sa gutom ay agad ko na rin itong kinain. Sayang ang free meal kasama din ito sa bill. Wala akong dapat sayangin. Kailangan ko din ito para madagdagan ang energy ko. Pagkatapos kong kumain ng kanin ay nagbalat na rin ako ng orange.
Tinignan ko ulit oras at alas onse na ng gabi. Napadighay ako sa sobrang busog. Limang oras pa ang hintayin ko para makalabas dito sa ospital. Nakakainip ang tagal ng oras. Yung one day confinement ko ay feeling ko ay isang linggo na. kung tutuusin okay naman na ang aking pakiramdam at kahit tumakbo pa ako dito ay kaya ko na. Advice lang talaga ng doctor na magpahinga ako.
Habang nilingon ko ang ilang mga kasama ko dito sa ward ay lahat sila nagpapahinga na. Ang ilan naman ay tahimik lang nag scroll sa kanilang mga selpon. Naramdaman ko pa rin ang busog ng aking tiyan at hindi na rin ako inaantok kaya napagpasyahan ko ang maglibot dito sa hospital. Hila-hila ko ang aking dextrose stand at lumabas ako ng lobby. Tanaw ko ang mga kalalakihan na maingay kanina at nagtungo ang mga ito sa isang semi-private ward. Siguro doon naka confine ang isa sa mga kamag-anak nila or kaibigan. Sobrang luwag ng policy dito sa ospital dahil hindi man lang sila hinigpitan sa 1 watcher per patient. Whatever ganyan talaga.
Sa kalayoan naman ay tanaw ko ang table ng mga nurse on duty. May ilan na nakatulog na sa pagod pero majority sa kanila ay abalang nakatutok sa pc nila. Ano ba ang pinanood ng mga ito at ganitong oras na ay ganyan pa sila ka hyper. Dahil hindi naman ako chismosa ay sumilip at nahagip ko na nanonood pala sila ng e-sports. So even nurses ay nakahiligan na rin ang e-sports. Sabagay wala naman pinipiling edad ang ganyang hilig. Agad pinatay ang screen ng isang nurse dahil sa gulat na andoon ako. Bawal naman kasi talaga ito sa kanila lalo na on duty sila. Don’t worry my dear nurses I will seal my lips at nagbigay ako ng senyales habang kunware nakaselyo ang aking bibig at nagbigay ng peace sign sa kanila.
Akmang tatalikod na ako ay bigla akong tinawag ng isang nurse na may kaliitan ang height siguro nasa 4’11 lang tangkad nito.
“Ahhm ma’am kayo po ba si Keira Valdez yung naka confine po sa women’s ward?”, nahihiyang tanong sa akin.
“Yes, po ako nga po Miss Nurse. Bakit po?”, tugon ko nito na napakunot ang noo ko
Lumingon ito sa mga kasama niya at napatingin na rin ako. Tila may nagsenyas sa kanya na go for it. Anong trip ng mga ito?
“Ahhm kase po pinapakuha po ng kasama ko yung contact number niyo po para sana sa data ng patient namin”, nahihiya pa niyang sabi sa akin
“Sorry Miss Nurse but wala po kasi akong personal selpon to give you my contact number. But maybe I can give you the contact number of my guardian.”, alibi ko sa mga ito.
I don’t think it is necessary na kunin nila ang contact number ko. At ang alam ko si Sandy ang nag fill-up ng form ko sa pag admit ko at possible nabigay din doon ang contact number niya. Siguro nagdadahilan lang ang mga ito.
Tinitignan ko siya na parang nahihiya na at gusto na umalis sa harapan ko. Naririnig ko din ang bulong na kayo kaya rito at kayo mismo ang kumuha ng number niya total type niyo siya. Sabay pangiti ngiti sa akin. I knew it may dahilan nga.
“Sorry Miss Nurse kailangan ko na po bumalik sa bed ko kasi medyo napagod na rin po ako. Maiwan ko na po kayo. If anything may kailangan po kayo puntahan niyo lang po ako doon. Thank you po”,
Iniwanan at tinalikoran ko na sila at napailing iling sa kanila. Don’t me! Ganitong oras maisipan niyo pa ako kuhanan ng data. Old style na po iyan. Sorry wala talaga akong selpon at hindi ako mahilig sa mga gadgets. Pero sa totoo wala talaga akong pambili. Mas priority ko pa ang bayaran ang utang namin kesa sa unahin ko ang selpon selpon na iyan.
Pagkabalik ko sa aking higaan ay nagpahinga lamang ako at nagpalipas ng oras. Alas singko na ng umaga at hindi ko na magawang bumalik matulog pa. Dahil siguro sanay na ako sa trabaho ko na graveyard shift kaya pakiramdam ko nag duty pa rin ako. Ilang sandali lang ay lalabas na ako. Nakapagpalit na rin ako ng damit.
Sa kalayoan ay rinig ko na ang malanding boses ng aking kaibigan sa lobby habang binabati ang mga nurses.
“Hi good morning my dear friend. How are you? It’s time na para umuwi na tayo.”, bati agad nito sa akin
Malakas ang boses niyang pinakulot at halos ma storbo na niya ang mga kasama ko dito sa ward. Parang hindi galing sa puyat napaka energetic pa rin.
Kasabay niyang pumasok ang nurse. Sinundo niya pala ito para e follow up yung situation ko. Inabot ko sa nurse ang aking kaliwang kamay na may nakatusok na dextrose. Pinahiran niya ito ng alcohol at dahan dahang tinanggal ang mga tape. Shit pagtanggal pa lng ng tape sa balat ko ay masakit na what more yung karayom pa nito. Buti pa siguro ang pagtusok ng karayom ay hindi masakit compare sa pagbunot ng karayom. Napasigaw talaga ako. Matapang ako pero takot din ako sa karayom. Dumugo ng bahagya sa pagkatanggal niya ng karayom sa kamay ko. Pinahidan lamang niya ito ng bulak na may alcohol saka pinatungan ng band aid. Tapos na at puwede na akong umuwi.
Dahil sa sagot na ni boss ko ang hospital bill ay wala na akong kailangan babayaran pa.

Comentário do Livro (9)

  • avatar
    USNIEKRISJEN

    ungreat

    17/06

      0
  • avatar
    SiasonEdimar

    magnda sya kilig

    16/06

      0
  • avatar
    Jake Dalisay

    it good

    16/12

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes