logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 1

Ametriux Alajar P.O.V
"Yes. Ametriux, this is your last day on this campus. Then by next week, we were going to transfer you to Ladder University, and the principal there wanted you to become their new SSG president." The principal said,
I could see how the principal was attempting to force me to transfer. Even though I'm a scholar on this campus, I'm baffled as to why they want me sent there.
"Sir, You know, I don't want to leave and transfer to another university. I'm your scholar. So why should i..."
"Sorry for the inconvenience. You, too, Ametriux, will be a scholar there. So, whether you like it or not, we'll be transferring you there."
MARIIN akong pumikit at isinandal ang ulo sa swivel chair. Wala na talaga ‘kong magagawa kundi ang sundin ang sinabi sa akin kanina ng principal.
Hindi ko naman puwedeng tanggihan iyon at isa pa magiging scholar rin naman ako ro ‘n, kaya hindi big deal sa akin ang pag lipat. Pero mahirap dahil narito ang mga kaibigan ko at na pa mahal narin sa akin ang mga studyante na dati ay malayo ang loob sa ‘kin.
Hindi ko maiwasan ang malungkot dahil ito na ang huling araw na makakasama at makikita ko ang mga kaibigan at studyante rito, kaya lulubos-lubusin kona.
Naigtad ako ng kumalabog ang pinto at iniluwal si jielyn na hingal na hingal.
"PREZ!"
Hindi ako umimik at hinintay lang na makabawi ito ng hininga.
Tumingala ito at saka hinihimas ang dibdib.
“Hooo! Ok prez, yung taga section brilliant nag ka kagulo, may nag sa sabunutan at nag hihiyawan na parang mga na kawala sa mental ospital! Hindi ko alam ang rason o pinag mulan pero hindi ko sila inawat dahil mag isa lang ako at baka masa bunutan ako. Sayang ‘yong bagong rebond ko!”
Salpok ang dalawang kilay ko nang tumingin sa kaniya. Na kakainis dahil mas inaalala pa talaga ang buhok kesa sa umawat.
Tumayo ako at ma lalaki ang hakbang papunta sa brilliant section.
Nasa bukana palang ako nang marinig ang mga hiyawan.
Tumaim ang aking bagang nang makita ang mga studyante na nakatayo sa sarili nilang desk at ang iba naman ay nag hi hiyawan. Dumako ang tingin ko sa dalawang babaeng nag sa sabunutan sa bandang likuran.
Pumasok ako at pumagitna at pilit na pinag hiwalay ang dalawang babae.
Nabitawan ko sila ng maramdamang humapdi ang balat ko sa braso dahil sa aksidenteng pag kalmot sa ’kin
Puno ang pag pipigil ko na tumungo sa desk ng teacher, saka iyon hinampas ng malakas.
Ramdam ko ang hapdi ng mga palad dahil sa pag hampas.
Napunta sa akin ang attensyon ng lahat.
Ang iba ay nagulat at ang iba naman ay nag ma madaling naupo sa kanilang upuan at ang dalawang nag sa sabunutan ay inayos ang sarili at saka mabilis na naupo.
Binasa ko ang labi dahil sa pag pipigil saka marahas na kumawala ng hininga.
"Section brilliant..." Umiling ako. "Ano sa tingin niyo ang dapat kung gawin?"
Nag iwas sila ng tingin na kala mo ay walang nangyari.
Sumigaw ako. “Section Brilliant!“
"Sorry prez!" Sambit nito, habang nakayuko.
Dumako ang tingin ko sa braso kung may kaunting dugo dahil sa kalmot.
Takot pa naman ako sa dugo at ayoko talagang na ka kakita ng dugo dahil na nga ngatog ang kalamnan ko.
Alam ko naman na mababaw lang ito, kaya hindi ko nalang papansinin.
"Prez! Pasensya napo!" Sabi ng Isa sabay yuko.
Pina kalma ko ang sarili saka nag salita. "Who is the class president?"
Lahat sila ay inituro ang gawi ng baklang kakapasok lang, halata ang gulat nito sa mukha. May hawak itong isang turon at isang basong kikiam, at alam kona kung saan ito nang galing.
"Come here." Kalmadong sambit ko.
Lumapit ang class president sa harap ko kasabay nun ang pag kuha ko ng dala nitong pagkain saka iyon dine retso sa bibig ko.
Bumilog ang mata nito sabay singhal sa ‘kin.
"Ametriux!?"
Gibert is my friend at ang akala ko ay hindi na ito ang class president nila.
Dahil sa baklang ‘to kung bakit laging may away dito sa section brilliant, imbis na patigilan at sawayin abay hina hayaan lang.
Ngumiti ako na parang aso. "Bakit? Nagugutom ako eh."
Inirapan lang ako nito at padabog na bumalik sa upuan. Nag Cross arm pa at may sama ng loob na imirap sa ‘kin.
Baklang ‘to! Akala mo naman maganda, sampalin ko kaya ‘to?
Ni lunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago magsalita.
"Lahat kayo pumunta sa court. Mag dala kayo ng bunot, walis at map, dahil iyon ang magiging parusa niyo."
Tumaas ang kamay ng isang studyante.
"Ngayon napo?"
Mabilis akong tumango.
"Prez, pano naman kaming mga tahimik? Bakit pati kami ma dadamay?" Tanong pa ng isa.
"Parusa ng dalawa..." Sambit ko sabay baling sa dalawang babae. "Parusa ng lahat."
Sumimangot naman ang iba at bumubulong pa na parang bata.
"Ano pang hinihintay niyo?"
Hinampas ko ng tatlong beses ang teacher desk, dahilan para sila ay nag unahan palabas na may hawak na pang linis.
Lalabas na sana ako ng makitang nakaupo parin si giber. Nilapitan ko ito at tinawanan.
"Nagutom talaga ako kaya kinain ko." Natatawa kung sambit.
Inismiran ako nito. "Bakit hindi ka bumili ng iyo?"
"Ewan, at saka mayaman ka naman! Kaya mong bumili ulit. Last day ko narin naman na dito, kaya susulitin kona!"
Napa titig ito sa akin at napa tayo sa kina uupuan.
"Last day? Aalis ka?"
I nodded. "Yes."
"Huh? Bakit? Ano bang sinasabi mo, shuta ka!" May pag aalala ang boses nito.
Tinapik ko lang ang balikat ni gibert saka nag patuloy lumabas ng room. Sinu sundan ako nito at kinu kulit kung ano ba raw ang sina sabi ko. Tanging ngiti lang ang binibigay ko dito.
Hanggang sa maka pasok kami ng court.
Busy sa paglilinis ang mga section brilliant, maliban kay bakla na kanina pa ‘ko ningu ngutuan
"Maglinis kana!" Nakangisi kung sigaw.
Inirapan ako lang ako saka ito kumuha ng map.
Ilang oras ang naka lipas natapos narin sila sa pag lilinis, lahat sila ay naka upo sa sahig at pawis na pawis.
"Everyone!" Kuha ko sa attention nila.
Pumikit ako at tumingala para pigilan ang luhang nais puma kawala.
Huminga ako ng malalim.
"This is the last happy day I'll spend with you. Our campus is sending me to another school next week, and I'm grateful that you guys have always been there for me in the last five months. It's a delight for me to have met the pupils who previously had a negative attitude.
Pansin kung tumahimik sila at umiwas ng tingin sa akin.
"Keep in mind what I stated. You'll be successful shortly. If you're tired, simply cry and cry until you're ready to battle again. That's how life works."
Hindi nila ako tinata punan ng tingin lalo na si gibert na nakatalikod sa akin.
I know they mad at me now. Isa ang brilliant section sa mga napa lapit na sa akin, kaya alam ko ang na raram daman nila ngayon.
Tinuyo ko ang luhang bumagsak na sa pisngi ng makitang tumayo sila at lumapit sa akin.
Walang sabing ni yakap nila ako isa isa na lalo kung kina iyak.
Ang babaw ko dahil sa pag iyak pero masakit kasi eh, ngayon palang nahihirapan na ‘kong Iwan sila.
“We will miss you, prez."
Lahat sila ay may last word na binitawan sa akin at lahat ng iyon at tagos sa aking puso.
Nang mapansing hindi lumapit sa akin si gibert ako na mismo at lumapit at yumakap rito. Humigpit naman ang pag yakap niya pabalik.
Tinapik ko ang likod nito dahil sa pag iyak.
Lumayo ito at hinampas ang braso ko.
"Kaloka ka! Bakit kailangan pa na mag transfer ka!" Mangiyak nitong saad.
I shrugged and smiled politely.

Comentário do Livro (12)

  • avatar
    teodorojazmine mia

    it's nice I love it

    06/07

      0
  • avatar
    Hanna Mae Estrella

    update na,Ang tagal napo😭

    27/06

      0
  • avatar
    Rhian Ramos

    Heloo po 2024 nah asan npoh yung updatee ang nice po kasi nang story😭😭

    22/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes