logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

LINGGO NGAYON at ngayon ko balak ituloy ang dapat sanang pagbisita ko kila mama noong biyernes. Wala din akong balak ipaalam kay Ambrose dahil hindi na naman ako papayagan ng lalaking iyon.
Malapit na ding umuwi sila tita Rose at tito Benedict, miyerkules ang uwi nila. Dapat nga ay hintayin ko nalang ang uwi nila bago ako bumisita kila mama ang kaso ay iniiyakan na ako ni Carl.
Miss na miss niya na daw ako at maya't maya akong tinatanong, nagagalit na nga ako sa kaniya dahil baka inuubos na niya ang load ng ate Vien niya pero ayos lang naman daw kasi sa babae.
Nakaempake na din ang mga grocery na dapat noong biyernas pa na kila mama. Balak kong gabi din umalis para tulog si Ambrose at hindi makahalata sa aking gagawing pagtakas.
"Colleen! Where are you!?" Speaking of the dragon, hinahanap na naman ako kahit wala pang limang minuto akong nagpaalam sa kaniya na pupunta lamang ng kusina.
"I'm here, Ambrose!" Sigaw ko pabalik, aba'y mahirap nang magalit ang dragon na iyon.
Nangangat.
Halos wala pang sampung segundo ay nakayapos na sa akin ang mga braso nito habang ang baba ay nagpapahinga sa may balikat ko.
Ganito ang kaniyang paboritong posisyon.
"Bakit ang tagal mo? Na miss tuloy kita." Napairap ako sa hangin dahil sa reklamo nito.
"Ni wala pa nga akong limang minuto na nawawala sa paningin mo, matagal na agad!?"
Gusto ko sanang isatinig pero 'wag nalang dahil alam kong mag-aaway lang kami.
Ang hirap pa naman suyuin ng dragon na ito.
"Naghihiwa lang ako ng mansanas, at pausog ng kaunti. Huhugasan ko lang." Sabi ko sa kaniya.
Sumunod naman siya pero nakasunod pa din sa likod ko, bumitaw nga siya pero halos wala na akong space dahil pati iyon ay sinasakop niya.
"Siya nga pala, Ambrose. Uuwi na ang parents mo." Pagpapaalam ko sa kaniya.
"Why? I-i mean bakit parang ang bilis naman ata?" Tanong niya.
Pinatay ko muna ang gripo at tinignan siya, problema nito? Parang ayaw niyang pang umuwi ang magulang niya.
"Problema mo? Ayaw mo 'nun, mas napabilis ang trabaho nila at makakasama mo na silang muli." Sabi ko sabay kagat sa apple.
"Hindi naman sa gano'n, ang akin lang ay hindi na kita masosolo dito. Pero may naisip na 'ko! Sa kwarto ko na ikaw matulog simula mamayang gabi." Parang tuwang tuwa pa ito sa naisip niya habang ako ay naluwa ang apple na kinakain.
Gago! Paano pa ako makakatakas kung gusto niyang tabi kami!? E sa lakas ng pakiramdam niyan ay paniguradong mahihirapan ako.
"H-ha? Ambrose. Sobra naman ata yang gusto mo, lagi na nga tayong magkasama buong maghapon tapos gusto mo pang katabi akong matulog, hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?" Natatawa kong tanong sa kaniya at tinapon sa may lababo ang nailuwa kong apple.
Napaka dugyot, Colleen!
"Ofcourse, hinding hindi ako magsasawa sa mukha mo. Bakit ako magsasawa sa pangalawa sa napakagandang mukhang nasilayan ko sa buong buhay ko?" Seryoso ang pagkakasabi niya kaya naman ramdam ko ang pagpula ng magkabilang pisngi ko.
Grabe ka na, Ambrose!
"At saka, never ata akong magsasawa sa'yo, not because of your pretty face. Pero dahil sa pag aalalaga mo sa akin, I love you, Chloe Colleen."
"Uh... Kumain ka nalang ng apple oh." Sabay salaksak ko ng apple sa bibig niya at umiwas ng tingin sa kaniya.
Nakita ko pa ang pagsilay ng ngiti sa mapupulang labi niya at tinanggal sa bibig ang isinalaksak kong prutas.
Nang kinagabihan ay talagang ipinagpilitan ni Ambrose ang pagtabi ko sa kaniya sa pagtulog.
"Ambrose naman e! Sinabing hindi pwede!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Ayoko man sanang sumigaw dahil gabi na at paniguradong natutulog na ang ibang kasam-bahay ay hindi ko maiwasan.
Si Ambrose kasi!
"Bakit ba hindi pwede? Wala namang nagbabawal sa atin ah. Even mom, she didn't say na bawal kang tumabi sa akin o ako na bawal tumabi sa'yo. Kaya anong hindi pwede?" Mahinahon niyang tanong.
"Hindi kasi ako sanay na may katabi, mas okay na unan ang katabi ko. At... At saka malikot ako matulog! Hindi ka din makakatulog kung katabi mo 'ko!" Pagpipilit ko pa.
"It's okay, ayos lang sa akin basta ba ay makakatabi kitang matulog. Walang problema sa akin kahit magpagulong gulong o tumambling ka pa sa kama." Malambing na wika niya sa akin.
Wala na, naglalambing na. Talo na 'ko.
"Please, Baby. Let's sleep together." Maw malambing na saad niya at niyakap ako. Hinalikan niya din ang gilid ng ulo ko habang ikinakaskas ang ilong sa buhok ko na tila inaamoy.
"Sige na nga! Ano pa nga bang magagawa ko?" Sabay irap ko. Napangiti naman siya at shempre agad akong hinila papuntang kwarto niya sa itaas.
"Sana lagi tayong ganito." Hindi nalang ako kumibo sa sinabi niya.
Wish mo lang!
"Good night, my beautiful baby." Sabi niya hinalikan ang noo, ilong, at pisngi ko.
Maya maya ay naging payapa na ang paghinga niya kaya naman itinagilid ko ang ulo at pinagmasdan siya.
Napaka gwapo talaga ng lalaking ito, napaka clear ng skin. Matanong nga minsan ang skincare niya dahil nung nakaraan ay may nakita akong pinapahid niya sa mukha niya.
Bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong. Kung magkakaanak ako, ang tanging hinihiling ko talaga ay magkaroon sila ng matangos na ilong kagaya ng kay Ambrose.
Matangos din naman ang ilong ko pero hindi gano'n katangos gaya ng kay Ambrose.
Muli kong ibinaba ang tingin naman sa labi niyang natural na mapula. Napahigit ako ng hangin dahil may isang parte ng utak kong nag uudyok na...
Nevermind!
Dahan dahan ko nang tinanggal ang pagkakakayakap sa akin ni Ambrose, halos hindi ako humihinga habang ginagawa iyon. Napatigil ako at agad na ipinikit ang mga mata nang bahagya siyang gumalaw.
Napamura ako sa isip ng mas humigpit ang yakap niya sa akin.
Nang lumipas ang ilang minuto at tulog na tulog na ulit siya.
Mas dinahan dahan ko ang pag-alis ng kamay niya at nagtagumay naman ako. Gusto ko sanang magtatalon sa tuwa pero mamaya nalang, baka magising ko pa si Ambrose.
Sinigurado kong walang tunog akong umalis ng kama at lumakad paatras para nakikita ko siya kung sakali mang magising.
Naglagay din ako ng unan sa pwesto ko kanina para hindi niya masyadong maramdaman na umalis ako sa pwesto.
Nang makaalis na ay dahan dahan kong binuksan ang pinto at tuwang tuwa ako ng wala talagang tunog ang pag-alis 'ko.
Dali dali na akong pumunta sa kwarto ko at agad na kinuha ang grocery na tinago ko.
Hindi 'ko na pinatagal pa ang kilos ko at ngayon nga ay nasa gate na ako. Ngayon ay dito naman ako kinakabahan. Paano ay kada may papasok o lalabas ay tumutunog talaga ito.
Swerte ko lang na tulog na ang mga guards.
"Sino ka?"
Tangina. Malas pala.
"K-kuya, please palabasin ninyo ako. Kailangan ko lang puntahan ang mama ko." Wala na akong nagawa kung hindi ang magmakaawa sa kaniya.
"Ikaw pala yan, ma'am Colleen. Pero, ma'am. Paniguradong magwawala si sir Ambrose pag nalaman niyang wala kayo." Napapakamot sa ulong saad nito.
"Ako na hong bahala, tulog na tulog pa din naman po si Ambrose kaya sige na po paalisin ninyo na ako. Pangako, mabilis lang ako at sige bigyan mo ako ng isang oras at makakabalik agad ako."
Tangina, sa ganitong sitwasyon nakuha ko pang mag offer.
"Sige na nga, ma'am. Basta ho ay bilisan ninyo nalang, kami ho ang malilintikan kay sir Ambrose pag nalaman niya ito." Pagpayag ni kuya at muntik ko pa siya yakapin sa sobrang saya.
Binuksan niya na ang gate at nagmamadali na akong lumabas, wala na akong pake kahit na tumunog ito. Hindi din naman makakapunta dito agad si Ambrose kaya malakas ang loob ko.
Nakasakay na ako ng jeep paglabas ko sa may village.
Maya maya ay agad na akong nakarating sa bahay, anlaki ng ngiti ko pagbaba ng jeep. Pinagtitinginan na nga ako ng mga pasahero, siguro ay akala nila ay nababaliw na ako.
Agad kong kinatok ang pinto nila mama at nagulat pa nga ang mga kapit-bahay namin sa biglaan kong pagdating.
Bumukas ang pinto na binuksan ni Carl.
"Ate!" Ang nakasimangot na mukha nito ay napalitan ng saya ng makita ako. Agad niya akong niyakap na agad ko din namang sinuklian.
Miss na miss ako ng kapatid ko.
"Nasaan si mama? Tulog na ba siya? Pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw." Sabi ko habang papasok kami sa kabahayan.
Agad ko ding sinara ang pinto dahil talagang sumisilip ang mga kapit-bahay namin.
Mga Chismosang 'to!
"Nasa kwarto si mama, ate. Ate bakit naman po ngayon ka lang nakadalaw, miss na miss na kaya kita." Nakasimangot na tanong sa akin ni Carl.
Ginulo ko ang buhok ng siyam na taon kong gulang na kapatid.
"E ngayon lang ako napayagan kasi sobrang busy doon at kailangan ako palagi. Oh ito, 'wag ka na magtampo. Maraming biscuits diyan pang meryenda meryenda ninyo ni mama." Sabi ko sabay lapag ng ginrocery ko sa may mesa.
Magsasalita pa sana si Carl ng malakas na bumukas ang pintuan namin, sisigawan ko na sana ang gumawa nito pero parang napipi ako lalo ng makita ang nakakatakot at masamang tingin nito sa akin.
"Ambrose..."
Itutuloy.
❄️

Comentário do Livro (274)

  • avatar
    LaureagasThe

    Napakaganda naman nito writer!!! Highly recommended. Parang gusto kong basahin ng paulit ulit.. napakapure and genuine naman ng pagmamahal ni ambrose ❤️ deserve ng 10 stars compare sa mga nauna kong nabasa dito sa novelah..

    11/08/2022

      4
  • avatar
    Ronalyn Ddiola

    I love how Ambrose genuinely love her girl Colleen and its worth it that Colleen give him a second chance. Keep writing and doing well po Zariyah Denise 🩶.

    11d

      0
  • avatar
    Zai

    very beautiful ❤️

    18d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes