logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Para kay Enro

Para kay Enro

Alegny


01

Para kay Enro
-
Copyright © 2022 by Angela "Alegny" F. L. Alcaraz
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.
-
Flashback: Grade school
Madilim ang paligid, ngunit hindi alintana iyon sa team nina Enro at sa katunggali nila. Pinilit pa rin nilang ituloy ang kompetisyon kahit alam nilang uulan na. Kita ang tensyon sa magkabilang team at nararamdaman na rin ito ng mga manonood.
"Halika ka na, Affy! Doon na tayo sa may bandang unahan." Nagmamadali akong hinila ni Liana. Mapuputol na ata ang braso kong hawak niya dahil sa sobrang higpit ng kaniyang kapit.
"Teka lang," pag-awat ko sa kanya. Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko, mamula-mula naman agad ito. "Easy lang friend, hindi naman lilipat 'yong field e," bulalas ko sa kanya.
"Hay! Bilisan mo na d'yan. Alam kong gustong-gusto mo nang makita nang malapitan ang pinsan ko," banat niya. Ngumisi pa talaga siya sa akin at hinawakan ulit ang braso ko para hilahin.
Nagpadala na lang ako sa kaniya dahil alam kong wala na rin naman akong magagawa at totoo rin naman na gusto kong makita nang malapitan si Enro, ang mga mata niya, ang marahan na paggalaw ng buhok niya nang dahil sa hangin, at ang nakakalaglag pusong ngiti niya.
Nagliwanag naman agad ang aking paningin nang makita ko si Enro nang mas malapit. Mas maganda nga ang tanawin dito kaysa kanina na puro lang ulo nila ang nakikita ko.
Napatitig naman ako kay Enro. Mapupusok ang kaniyang mga matang nakatingin sa bola. Nakayuko pa siya nang bahagya na tanda ng kaniyang pagiging alerto. Agad siyang tumakbo nang gumulong nang mabilis ang bola papuntang goal ng kalaban.
"Go Enro," mahinang turan ko sa aking sarili habang nakakuyom ang aking mga kamay sa'king dibdib. Kinakabahan ako para sa kanya. Alam kong napakahalaga ng laban na ito dahil ito na ang huling laban niya bilang representado ng aming paaralan. Sa highschool kasi ay lilipat na siya. Mamimiss ko siya.
"Enro, go! Kaya mo 'yan!" Narinig kong sigaw ni Ate Kate, kaklase at kaibigan ni Enro na katabi ko pala. May bali-balitang siya raw ang gusto ni Enro. Hindi naman nakapagtataka dahil sa postyura niya palang ay talo na agad ako. Ibang klase rin siyang ngumiti, nakakapang-akit talaga sa mga lalaki. Mukha rin siyang may lahi kaya hindi ganoong kaitim ang buhok niya na bumagay naman sa kanyang maputi at makinis na kutis. Ang lakas niya talagang makapanget.
Umusog ako nang konti palayo sa kaniya para naman magkaroon ng katarungan ang itsura ko. Inayos ko ang buhok kong hanggang balikat lang at pinuyod ito para naman kahit papano'y makalaban ang ganda ko sa kanya, ganda ko na hindi napapansin ni Enro.
Bigla namang nagsigawan ang lahat nang biglang maka-goal si Enro. Napangiti naman ako agad at mabilis na pumalakpak.
Panalo na naman sila!
Tuwang-tuwang nakipag-apir si Enro sa mga ka-team niya pati na rin sa kabilang team. Napangiti naman ako nang makita kong bakas na bakas ang galak sa kaniyang mukha.
"Aba hoy! Matutunaw na ang pinsan ko sa pagtitig mo na 'yan." Agad naman akong napayuko dahil sa sinabi ni Liana. "Tara lapit tayo?" tanong niya.
"Ayaw ko," nahihinayang sabi ko. "Ikaw na lang." Hindi magkaintindihan ang mga daliri ko sa pagkutkot sa bawat isa. Ito na naman ako, kinakabahan na agad sa t'wing iisipin ko na mapapalapit ako kay Enro.
"Alam mo, ikaw, ang dami mo nang nasayang na chance," naiinis na sabi ni Liana habang nakatingin sa akin. "Lilipat na 'yang si Enro next year dahil ggraduate na siya ngayon," dagdag pa niya.
Tumunghay ako at tumingin kay Enro na hanggang ngayo'y nagdiriwang pa rin sa pagkapanalo niya. "Saka na lang," saad ko.
Sumang-ayon na lamang sa'kin si Liana dahil alam niyang hindi na niya ako mapipilit. Hindi ko talaga kayang lapitan si Enro. Putek, nakakahiya kaya! Yung mga malalakas lang ang loob ang kayang lumapit sa mga crush nila, at ako, hindi ako ganoon. Inuunahan na agad ako ng kilig at kaba kapag lalapit sa kanya.
Lumipas ang ilang araw at intramurals na. Hindi ako makapaniwala na nagawa ito sa'kin ng mga kaklase at adviser ko.
"Wow, kilig ang isa diyan," sabi ng adviser ko sa'kin habang ako naman ay gusto ng lumubog sa lupa.
Ginawa lang naman akong muse ngayong intrams at yung escort, syempre si Enro! Alam kasi ng adviser ko e.
Hiyang-hiya akong hawak ang tarpaulin, at hindi talaga ako makatingin kay Enro. Hawak naman ito ni Enro sa kabilang dulo. Naghahagikgikan lang mga kaklase ko na nakapila naman sa likod. Ayoko na talaga. Isa lang itong malaking kalokohan. Binitawan ko na lang 'yong tarpaulin at tinawag ang atensyon ng adviser ko, "Sir, ngalay na po ako."
"Aba, hawakan mo iyan! Tignan mo si Enro oh nakakaawa." Halata ko ang pang-aasar sa tono ng boses niya. Nanlalaki rin ang kaniyang mata at tila ba pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Hindi ko ito matatanggap.
Huminga na lang ako ng malalim at nilimot na lang ulit ang kabilang dulo ng tarpaulin.
"Very good," natatawang wika ng lokong adviser ko.
Sinipat ko naman sa gilid ko si Enro. Hindi ko nililingon ang ulo ko para hindi niya mapansin ang paggalaw ko. Nakikita ko sa peripheral view ko na seryoso lang siyang nakatingin nang diretso sa stage. Grabe ang galing niya talaga sa pagiging seryoso. Masaya lang siya 'pag kasama ang mga kaibigan niya kaya alam ko na naiilang na talaga siya nang sobra sa tabi ko lalo na't alam niya na gusto ko siya.
Napahinga ako nang malalim at sinubukang kausapin siya, "Pasensya na." Nilingon ko siya sa gilid para malaman ko kung narinig niya ba ako. Sabay pala kaming lumingon, nagtagpo tuloy ang mga mata namin. Bago pa man ako maglaway ay agad akong yumuko. Grabe na talaga itong kahihiyan na ito!
Mas nahiya pa ako dahil hindi siya sumagot sa'kin at nanatili lamang siyang tahimik.
Pagkatapos naming umikot-ikot sa school, pinabalik na ulit kami sa kanya-kanya naming classrooms.
Umupo na lang ako sa armchair ko at nagmuni-muni.
Hays! Gusto ko ulit makita si Enro pero ayaw ko rin namang malapit sa kanya. Ang gulo ko.
Matapos ang ilang araw na pagmumuni-muni, naisip kong sulatan si Enro. Gusto ko man lang siyang makausap kahit na hindi sa personal. Tutal ga-graduate na din naman siya at wala namang high school dito sa school namin kaya sigurado akong hindi ko na siya makikita kung sakaling mapahiya ako.
"Hi Enro. Si Affy 'to. Sana sumagot ka." Sulat ko sa papel. Ginawa ko pa itong eroplanong papel saka sinulatan sa likod ng "Para kay Enro"
Hinanap ko si Liana para maipaabot kay Enro ang sulat. Syempre, dahil ayaw ko ngang mapahiya, ipapaabot ko na lang. "Liana pabigay naman nito sa pinsan mo oh," sabi ko sabay abot ng eroplanong papel sa kanya.
Pagka-abot ko nito sa kanya, inispeksyon n'ya pa talaga ito habang nakataas ang kaniyang kilay. "Napaka-kire mo talaga Affy," bulalas niya. Agad naman niya iyong inilagay sa kaniyang bag. "Sige, ako na bahala dito," nakangiting sabi niya.
Nayakap ko naman si Liana dahil sa kabutihang-loob niya. Sana naman ay sumagot si Enro.
Kinabukasan, hinanap ko agad si Liana. Nagkasalubong naman kami sa hallway at nagkatitigan. Alam kong alam niya rin ang ibig kong sabihin.
Nadismaya naman ako sa aking nalaman. Walang sagot si Enro. Napahinga na lang ako nang malalim at tinanggap pabalik ang eroplanong papel na ginawa ko.
"Tinitigan lang 'yan ni Enro tapos binalik na sa'kin. Mukhang naiinis pa ang mokong," natatawang turan ni Liana. "Hayaan mo. Try ko ulit mamaya." Kinuha niya ulit ang eroplanong papel sa kamay ko at ako naman ay malungkot na naiwan sa hallway.
End of flashback
Pangiti-ngiti ako sa jeep habang inaalala ko mga kalokohan ko nung elementary. Nakasabay ko kasi sa jeep na ito ang mga batang sa dati kong school napasok. Naalala ko tuloy ang sarili ko sa kanila.
Hay Affy! Batang-bata ka pa, ang dami mo na agad kakirehang alam!
Hindi ako makapaniwala na kolehiyana na ako ngayon. Isip-bata pa rin ako at kulang sa pagmamahal. Biro lamang, nandiyan ang nanay ko na nagmamahal sa akin. Pauwi na ako para matikman na muli ang luto niya.
Medyo malayo pa ako sa bahay. Nakakainip ang b'yahe. Inaabot pa ako ng dalawang oras kung may traffic jam. Buti na lang ngayon ay wala.
Napasandal ako at napatingin sa bintana. Nasaan na kaya ngayon si Enro? Gwapo pa rin kaya siya? May girlfriend na kaya siya ngayon? Hays, sayang naman kung hindi ako.
Nawala ako sa pagpapantasya nang biglang pumreno nang malakas ang dyip na sinasakyan ko.
"Gulat ko naman kay totoy. Bigla-bigla na lang pumapara," sabi ng driver.
Pagtingin ko sa dulo ng dyip, may sumakay na pasahero. Pamilyar ang kaniyang pustura at kung papaano siya gumalaw.
Bakit naman sa dami ng ibang panahon, ngayon pa?
Umusog ako kasi sa may tabi ko na lang medyo maluwag. Nilagay ko pa ang buhok ko sa likod ng aking tenga at pinunasan ang pawis na tumutulo sa noo ko. Bakit naman kasi ang init eh? Nakakahiya tuloy, ang dugyot ko.
Pagpapatuloy ko pa sana ang pagpapaganda ko pero hindi siya sa tabi ko umupo.
Nilampasan niya ako at pinagsiksikan n'ya ang sarili n'ya sa may likod ng driver saka nag-abot ng bayad.
Hay, Enro. Hindi ka pa rin nagbabago.

Comentário do Livro (53)

  • avatar
    ReyesKevin

    Wow! This is one of the highly recommended story that I have read so far. The emotion of characters are on fire. PLUS, the plot has too much to offer, which is commendable! I couldn't say no more. The author really know what she is doing. Thumbs up!

    03/06/2022

      0
  • avatar
    Paula Nicole Malabanan Ilano

    Ganda sobra

    27/06

      0
  • avatar
    Drewnicole Blanco

    nice

    23/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes